logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3

JULIE ANN
KUNG MAGTATANONG kayo kung ilang taon na ako, well, I am 25 years old. Wala pa akong naging jowa pero meron namang nanliligaw sa akin. Sadyang pihikan lang talaga ako sa mga lalaki. I want to treasure my 'Yes' to a guy who is deserving to hear it.
Pero ngayon, parang pinaparusahan ako ng tadhana. Sa pagkapihikan ko sa mga lalaki, I am bounded to be married to someone who I just met.
Kung minamalas nga naman.
"So ano na besh? Fixed na talaga, as in invisible?" tanong ng kaibigan kong si Corine.
Kasalukuyan kami ngayong nasa cafe. Refreshing my mind. Buti nalang hindi ako ngayon ginugulo ni Drake. At least I have a time to cool myself and relax.
"Besh, it's inevitable, not invisible." I corrected her. I love hanging out with Corine kahit na maypagka-boba itong babaeng 'to.
"Ayon nga. So wala nang pag-asang mapigilan ito?" she asked while fixing her curly hair.
"You already knew my parents. Once they utter a word, that's final." I said to her and I rested my chin onto my palm. I remember when they said that I should take up business management even though I liked nursing.
"Right. No return, no exchange." she remarked and I let out a chuckle. "Tsaka, ilang taon nalang ay ikaw na ang susunod sa business nila. Maa-apply mo na ang natutunan mo sa pag-aaral mo ng BM."
"I have no other choice." I said shrugging my shoulders. My parents were controlling all my decisions.
She sipped her coffee without a halt. "Aw... ang init." daing niya sabay labas ng dila niya at pinaypayan iyon gamit ang kamay niya.
See? Ang boba. Pero masaya naman siyang kasama.
Ilang sandali ay nagsalita siya. "By the way, besh..." sabi niya. Mukhang maayos na ang dila niya. "Eh, gwapo naman ba ang mapapangasawa mo?" she asked.
"Hmm..." I put my finger on my temple. Showing that I'm thinking. "Well, hindi naman masama. Gwapo naman siya." I replied to her then sipped my coffee.
I saw her face lit up. "Really? Then that's not bad, either."
"Nah..." I response sabay iling.
"Bakit naman?" she asked and look at me with full interest.
"Wala lang. Di ko lang siya feel. Gwapo siya. 'Yon lang. Period." sabi ko na ikinakunot ng noo nya.
"Choosy mo, besh. Wait... ma-search nga siya sa facebook." saad niya sabay labas ng kanyang phone sa kanyang bag. "Anong name niya, besh?"
"Drake Sandoval." walang ganang sabi ko and sipped again my coffee. Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. Her hands paused from doing something in her phone. "Why? Kilala mo siya?" Base sa reaksyon niya ay mukhang kilala niya ito.
"As in Drake Sandoval? 'Yong gwapong Drake Sandoval? 'Yong charming na si Drake Sandoval? 'Yong mabait na si Drake Sandoval? 'Yong perpektong si Drake Sandoval? 'Yon ba, besh? 'Yon ba?!" she said while shrugging my shoulders with both of her hands.
Oh? Ang raming adjectives na nasayang niya.
Tinanguan ko siya. So she really knew him. Sabagay hindi na ako masurpresa pa. Lakwatsera kasi itong babaeng ito kaya di malabong makilala niya ang lalaking iyon.
"Oh, my G! Besh, bulag ka ba? Ang swerte mo sa kanya!" sigaw niya na parang tanga.
"Paano naman ako naging swerte sa kanya, eh, nalimitahan nga ang chance na magkaroon ako ng romantic love story." nakangiwing sabi ko sa kanya.
"Oh, my God, besh, ang romantic kaya niya. Sexy ang kanyang boses, matipuno, magalang. In short, perfect!" tili niya.
Nginiwian ko siya. "Ewan ko sayo."
"Besh... nakakainggit ka! Sana ako nalang ang ipapakasal sa kanya kung ayaw mo. Nako, besh. Crush ko talaga siya. 'Wag kang magselos, ah?"
"Kahit na ikaw na lang ang magpapakasal sa kaniya. Wala akong pakealam. Gusto kong maging malaya. Kung kami nga ang nakatadhana sa isa't isa, hindi sana sa ganitong paraan. Para kasi akong nakakulong." I said to her and she stopped.
And then she nodded. "Sabagay tama ka. Pero, besh, ipakilala mo ako sa kanya ah? I want to hold his soft and manly hands. Eeh!" tili ulit niya.
Hindi ko nalang siya pinansin. Kahit pa maghalikan sila ay wala akong pake. Pero no... hindi ko hahayaang mabiktima ng Drake na iyon ang bestfriend ko. No way...
>>×<<
PAGKATAPOS NAMIN ni Corine doon sa cafe ay nagpaalam siyang umalis na dahil may gagawin pa siya together with her family kaya heto ako ngayon, mag-isang nag window-shopping sa mall. Hindi ko kasi feel mag shopping ngayon kaya window-shopping lang muna. Hindi ko pa rin naman gustong umuwi sa bahay. Nakakabagot doon.
Kanina pa ako naglalakad sa loob ng mall at isa lang ang nararamdaman ko. Naramdaman kong parang may sumusunod sa akin.
Okay... I'm acting like a paranoid. For my information, maraming tao sa mall kaya marami talagang susunod sayo lalo na kung pareho kayo ng pupuntahan.
Pero iba talaga, eh. Parang may isang tao talagang sumusunod sa akin. Binilisan ko ang aking paglalakad para sana maiwasan ko ang taong sumusunod sa akin---kung meron man. I sometimes stopped and immediately looked at my back to caught whoever is following me dahil nararamdaman ko talaga. Pero I just saw people passing by my side. Wala akong nakikitang kahinahinalang tao.
I sighed and continue to walk. Hindi ko nalang ito pinapansin. Maybe I just being paranoid.
Sumakay ako sa escalator para pumunta sa Clothes Section. Inaliw ko ang aking sarili sa mga magagandang damit mapa-lalaki o mapa-babae man ito. Tingin lang naman, eh... wala akong balak bilhin.
Dali-dali akong lumingon sa aking likuran dahil for heaven's sake may nararamdaman talaga akong nakamasid sa akin.
So weird and creepy!
Mabilis akong naglakad. It was a semi-run, I supposed. Bumaba ako sa escalator. Kahit saan lang ako napadpad hanggang sa napadpad ako sa Food Section at doon, nakakakita akong mapagtataguan. Isiniksik ko ang aking sarili doon sa food stool.
And then, my hunch was right. I saw a man who was looking everywhere. Seems like he was looking for me. Hindi ko siya kilala dahil nakatalikod siya mula sa pinagtataguan ko.
Gotcha!
Inilabas ko ang aking sarili mula sa stall na pinagtataguan ko.
"Sinusundan mo ba ako?!" I asked, raising my voice para magulat siya.
Awtomatiko siyang napaharap sa akin dahil sa gulat and my eyes widened to realize who he is. His facial expressions tell that he was shocked that I caught him---and so I am. His mouth gaped.
Bakit niya ako sinusundan?
Bakit ako sinusundan nitong lalaking palaging nakasuot ng hoodie jacket?
×××

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Ginalyn Pascual

    good

    25/07

      0
  • avatar
    calzadoRegilyn

    jrid

    19/07

      0
  • avatar
    Marvin Santos

    nice one

    24/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru