logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

INTERSECTING LOVE

INTERSECTING LOVE

Renel Gomez


PROLOGUE

JULIE ANN
NAKATINGIN LANG ako ngayon kay mama habang hawak-hawak ko lahat ng damit na ibinigay niya sa akin. As in maraming damit. Can you hold 20 dresses and shirts just by yourself only? Kasi ako sobrang nahihirapan na ako.
"Ito pa isukat mo," dagdag pa niya ng isang damit. "Tapos ito," pang-22 na ito. "At ito pa..."
"Ma!" naisigaw ko pagkatapos ay binitawan ko lahat ng damit na hawak ko. Nalaglag ito lahat sa sahig. Halos matabunan na kasi ang mukha ko sa daming ibinigay niya. "Ano 'to? Bakit kailangan kong magbihis? Bakit ang dami nito?!" inis na tanong ko.
Hello? She woke me up carrying many beautiful dresses and shirts. Sino bang hindi maiinis? Hindi pa ako nakakaligo tapos pabibihisin na niya ako? At kailangan ito pang mga damit ang susuotin ko?
"Anak, you need to dress beautifully." iyan palagi ang sabi niya.
"Eh, bakit nga, ma? Wala naman tayong lakad ngayon." wika ko. Meron nga ba, o wala? A basta wala akong lakad ngayon.
"Basta. Magbihis ka na diyan." sabi niya. Masyadong excited ang naging tono ng pananalita niya. Tiningnan ko siya ng buong pagtataka at nakita naman iyon ni mama kaya napabuntong hininga siya. "Mamaya ko na sasabihin, okay? Magbihis ka muna." sabi niya sabay pulot ng mga damit sa sahig.
I cannot resist anymore dahil siya na ang naghatid sa akin sa banyo. She smiled before leaving. Bumuntong hininga na lamang ako. Sigurado akong may kakaibang mangyayari ngayon. 
Before I proceed to change my clothes, I take a bath first dahil for Pete's sake bagong gising pa lamang ako! 
And after an hour ay nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Kasalukuyan pa akong nakaupo sa aking kama habang sinusuklay ang aking basang buhok.
"Anak..." sambit ng nasa likod ng pinto. Si mama. 
"Yes, ma?" pasigaw kong tanong. I didn't stand up first dahil hindi pa ako tapos magsuklay.
"Labas ka na diyan, may bisita tayo." sabi niya. 
Napakunot ang noo ko. That may be the reason bakit ako pinabihis ni mama. I doubt kung sino sila. 
"Opo, ma. Wait a minute!" sagot ko then double the movement of combing my hair. 
Then after a while, agad na akong lumabas sa aking kwarto at bumaba sa hagdanan. 
Mula sa hagdanan ay tanaw ko ang tatlong tao. Ang dalawa ay wari koy mag-asawa at ang isang binatang lalaki naman ay mukhang anak ng dalawa.
No'ng makita nila ako ay agad silang napatayo. "Oh... she's here." rinig kong sabi ni mama.
What's going on? Kailangan ba talaga nilang tumayo at titigan ako? 
Well, thanks to my mama for giving this dress I am wearing right now. I prefer this dress dahil yung iba ay kita ang likuran at ayaw na ayaw ko ang style na iyon kaya ito nalang. A simple all around dress na kulay dilaw. 
I felt awkward nung nakita ko ang kanilang matang nakatingin sa akin. The guy showed me his smile. 
Pilit nalang akong ngumiti upang hindi nila mahalata ang uneasiness ko. Pagkarating ko sa harapan nila ay agad na lumapit sa akin sina mama at papa. Taka ko silang tiningnan at nginitian lang ako ni mama.
"This is my daughter, Julie Ann." pagpakilala sa akin ni papa. "Julie Ann, sila ang Sandoval Family." turo ni papa sa kanila.
So, they are the Sandoval Family. Our family's business partner. 
"I'm Drake..." biglang sabi ng binata sabay lahad ng palad niya sa akin. 
"Julie Ann." pagtanggap ko sa kamay nito sabay ngiti. 
Matangkad siya sa akin ng kaunti. Sakto ang pangangatawan na halatang nagji-gym. Matangos ang ilong. Singputi ko at medyo singkit ang mga mata.
"Take a seat." nakangiting sabi ni mama. 
We sat just across them. Pinapagitnaan kami ng maliit na glass table. Kaharap ko si Drake na pansin kong panay tingin sa akin.
"Alam na ba niya ito, Venice?" tanong ng babae kay mama sabay tingin sa akin.
Anong sinasabi niyang alam ko?
"Ah, hindi pa. Baka kasi mabigla siya kaya mabuti pang ngayon lang niya malalaman para marami tayong mag-e-explain sa kanya." lalo akong nagtaka sa sinagot ni mama. Ako ba ang tinutukoy nila?
"Ano po 'yong tinutukoy niyo?" I asked them. Mukhang sila lang ang nagkakaintindihan, eh, mukhang ako ang tinutukoy nila.
"Anak," nakangiting sabi ni mama sa akin. Pansin ko kanina pa ngumingiti si mama. I mean kakaiba ang ngiti niya. Ano ba talagang meron? "'Di ba, our business really needs a successor?" Tumango ako sa tanong ni mama. 
"And we should keep cycling our money for future purposes." dagdag ni papa.
"So?" tanong ko. What's their point?
"And we came up to the conclusion that you two should marry each other---" 
Hindi na natapos ni mama ang sasabihin niya dahil agad akong napasigaw sa gulat. "What?!" 
Napatingin ako sa lalaking nagpakilala sa akin na Drake. Mukhang alam na niya ang tungkol dito dahil wala siyang kahit na katiting na reaksyon. So he agreed?
"To keep our business grow, dapat kayo ang magkakatuluyan." sabi ng babae na wari koy ina ni Drake.
"Ha!" hindi makapaniwalang singhal ko. "No way..." reklamo ko.
Kaya ba pinabihis ako ng maayos ni mama dahil dito? Para maganda akong tingnan sa harapan nila?
"Bakit naman, ayaw mo ba sa akin?" tanong ni Drake. May halong lambing ang kanyang boses. Gwapo siya pero sadyang hindi ko siya feel. Okay?
Tumingin ako sa kanya. "You agreed in such idea?!" my voice raised.
"Yes. Why not? You are beautiful, by the way." sagot niya sabay ngiti ng matamis.
"Huh!" singhal ko. Tiningnan ko sina mama at papa. "Hindi ba dapat ako ang mamimili nang kung sino ang gusto ko?" sabi ko sa kanila.
"It is for our business---"
"Business! Damn it!" pigil ko kay papa at hindi ko mapigilang tumayo. "I want to experience a romantic relationship yet you destroy it!" I shouted in disappointment.
Ang kaninang nakangiting si mama ay napalitan ng pagkaseryoso. "Magpapakasal kayo, sa ayaw at sa gusto mo." matigas na sabi nya.
"Ha!" halos hangin nalang ang naibuga kong salita. I cannot believe them! Are they really my parents?
We girls wanted to make our wedding a remarkable and memorable one. We want that to happen to the man we truly love. A man we really liked to be with us to the future at hindi 'yong gusto ng ating pamilya o nang kung sino man.
"Malayo pa naman ang kasal ninyo. So there is a chance that you will learn to love him." dagdag ni papa na ikinapigil ko ng galit. There's no point on arguing them.
"Look at him. Gwapo, maputi, matangos ang ilong, maganda ang pangangatawan. I'm sure hindi malayong ma-in love ka rin sa kanya." sabi ni mama.
I stared at the Sandoval couple na ngayon ay tahimik na lamang na nakaupo. Tiningnan ko si Drake na hanggang ngayon ay nakangiti paring nakatingin sa akin. Kung ibang babae siguro ay nagtatalon-talon na kapag makita ang taong ito lalo na kapang ngumingiti. Pero iba ako eh... lalo na ngayon na hindi ko gusto ang nangyayari. Kung sa ibang sitwasyon siguro baka magustuhan ko siya. I could not feel it.
I unbelievably look at my parents. I am their only daughter yet business lang ang pinapahalagahan nila, hindi ang mararamdaman at nararamdaman ko.
"I cannot believe this." sabi ko sabay iling bago ako umalis sa kanilang harapan at lumabas ng bahay. I heard my parents call my name many times pero hindi ko sila pinapansin.
Fixed marriage huh?! Great. My dream of having a romantic love story is now destroyed.
×××

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Ginalyn Pascual

    good

    25/07

      0
  • avatar
    calzadoRegilyn

    jrid

    19/07

      0
  • avatar
    Marvin Santos

    nice one

    24/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru