logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Chapter 4
Humikab ako at kinusot ang mga mata. Tiningnan ko ang wall clock at nakitang pasado alas dos na ng madaling araw. Nanlaki ang mata ko at agad na sinara ang libro pati notebook.
"Shoot! Baka ma-late pa ako bukas!" Nasapo ko ang sariling mukha.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig dahil sa may center table ako gumagawa ng assignment at 'yong take home quiz namin. Hindi pa ako tapos kaya sa school ko na lang siguro itutuloy. Nag-unat ako bago pinatay ang ilaw sa sala at dumiretso na sa kwarto.
Natagpuan ko sa ibaba ng aking kama si Susie at mahimbing nang natutulog. Ngumiti ako at nilapitan siya para himasin saglit ang ulo.
"Good night, Susie."
Pagkahiga sa kama ay agad nawala ang ngiti ko sa labi. Naalala ko ang nangyari kanina bago umuwi. Hinintay ako ni Jairo sa labas ng coffee shop hanggang alas dose para may kasabay ako pauwi?
Bakit niya ginawa iyon? Concern? Tahimik lang din siya hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Hindi naman kami friends kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang gawin iyon. O baka naman... may gusto siya sa akin? Napahawak ako sa mukha ko nang maramdamang uminit ito.
"Ahh! Ano ba 'tong iniisip ko?" Napapadyak pa ako dahil sa pinag-iisip.
I suddenly remember Fera's smiling face. Natigilan ako sa pag-iisip at bumuntong hininga. Pakiramdam ko ay mali itong iniisip ko. Fera likes him... or not.
Alas kwatro y media ako nagising sa parehong araw. Halos dalawang oras lang ang naitulog ko. Baka mamaya ay sabog na sabog ako sa coffee shop. At... hindi ko pa tapos ang gawain ko sa school.
Mabilis ngunit tahimik akong kumilos para hindi magising si Susie. Bago ako umalis ay hinanda ko na ang pagkain niya hanggang mamayang hapon. Sana lang ay hindi ulit siya dumumi sa inuman o lagayan niya ng pagkain. Kapag tinopak pa naman iyon ay kinakain niya pati dumi. I feel bad for her.
Saktong pabukas pa lang ang kapehan nang makarating ako. Nilingon ako ni Luhan nang makitang hinahabol ko ang paghinga sa tabi niya. Siya ang nagbubukas tuwing umaga.
"Huh? Kyomi, akala ko ay hindi ka papasok ngayon?" Kumunot ang kanyang noo.
"Sinong nagsabi?"
Bago niya ako sinagot ay binuksan niya na muna ang pinto. Pumasok siya kaya bumuntot ako agad.
"Nag-text sa akin kagabi si Manager. Si Peter na muna ang hahalili sa 'yo dahil nandito ka raw kagabi?
"Papasok na si Peter ngayon?"
"Yup. Wala bang text sa 'yo si Manager?" tanong niya habang naglalakad papunta sa staff room.
Nilabas ko ang phone at binuksan iyon. Hindi ko na natingnan noong umuwi ako kanina dahil dead batt na. Ni-charge ko lang pagdating sa bahay tapos hindi na binuksan ulit.
Ngumiwi ako nang makitang may text nga roon si Manager Gus at ilang tawag galing sa kanya.
From: Manager Gustavo
Are you home? Text me when you get home.
Kyomi, pahinga ka na lang mamaya. Huwag ka nang pumasok at papasok na raw si Peter. Siya muna papalit sa 'yo.
Good mornight, Kyomi. Thought you'd already asleep. Huwag ka nang pumasok bukas.
"Nag-text nga sa akin si Manager." Sinundan ko si Luhan sa staff room.
Nag-aayos na siya ng gamit kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Mag-almusal ka na muna," aniya sabay tingin sa akin.
"Kumain ka na? Sabay na tayo kung ganoon."
"Kumain na ako sa bahay. Alam mo na, para tipid." He smirked and shrugged his shoulders.
"May libre namang kape at tinapay, ah?"
Hindi na siya nagsalita kaya nagkibit na lang din ako ng balikat. Bawat empleyado sa kapehan ay puwedeng pumili ng kahit anong kape at tinapay, isang beses sa isang araw. Libre iyon. Kaya nga nakalilibre ako ng almusal tuwing pumapasok dahil dito ako kumakain. Pinipili ko rin iyong mabigat sa tiyan na tinapay para hanggang out ko, hindi ako ganoon kagutom.
Alas sais talaga nagpapapasok ng customer ang Coffee Break pero pasado alas sinco ay nagbubukas na kami. Siyempre, kailangan din naming maglinis at ayusin ang inventory.
"Anong kape mo?" Luhan asked as he prepared the coffee grinder.
"House blend, as always."
Nagtimpla rin yata siya ng kape niya dahil dalawang baso ang nilapag niya sa mesa namin sa loob ng staff room. Kinuha ko ang phone at nagtipa ng text kay Manager.
To: Manager Gustavo
Good morning, Manager. Ngayon ko lang po nabasa ang text niyo. Dito na po ako sa CB.
"Dito ka na lang muna. Ako na mag-aayos sa labas. Parating na rin siguro si Klint," sabi ni Luhan kaya nag-angat ako ng tingin.
"Okay!" I smiled.
Kinagatan ko ang tinapay na hawak at binuksan muna ang account sa Mobile Legends. Nakita kong naka-online agad si Emer kaya in-invite ko sa classic. Epic siya, mythic ako. Hindi puwede sa rank.
Sinuot ko ang aking earphone at in-open ang mic dahil iyon ang gusto niya.
yourbabyboi: lodi kyo
yourbabyboi: galing yan
abekyomi: pabuhat, sir.
yourbabyboi: cb ka kyo?
abekyomi: uu. mage ako a
yourbabyboi: We need a tank
Tumawa ako dahil tinadtad niya iyon sa chat box.
I picked Lunox and changed her emblem set. Tiningnan ko ang kakampi namin at nakitang may nag-adjust naman kahit paano. Nagsimula na ang laro kaya gumalaw na ang hero ko. Naningkit ang mata ko sa gumamit ng Minotaur na hindi gumalaw agad dahil nag-type yata siya ng message.
jairoah: Lunox, taga saan ka?
Jairoah talaga? Hindi ko na sinagot dahil inuutusan na ako ni Emer na pumunta sa mid. Nakita kong nadagdagan ang naka-mic on sa tabi ng map.
"Patulong blue buff," sabi ko.
Narinig kong nagmura si Emer dahil nag aagawan sila sa buff ng mm. Baliw talaga 'yon. Dapat ibigay niya na lang muna, e.
"Tulungan na kita," sabi ng kung sino.
Nakagat ko ang aking labi at kumunot ang noo. Malalim at baritono ang boses nang nagsalita at tila pamilyar. I checked whose the other one who opened their mic. Si Minotaur. Jairoah.
Sa akin lang dumikit ang tank dahil tinutulungan akong mag-level 4 agad. Naungusan ko agad ang mm namin.
"Tank, tulungan mo 'yong marksman," sabi ko sa mic.
"Yaan mo siya. Sa 'yo lang ako didikit," sagot ulit sa akin.
"Fuck!" Tumawa si Emer. "Baog mm natin nito."
"Ambush natin sila. Lapit ka lang muna sa akin, Lunox. Magse-set ako," sabi ulit ng pamilyar na boses.
Hanggang sa matapos ang laro ay kagat-kagat ko ang aking labi. Ako ang MVP at nakakuha naman ng gold si Minotaur. Emer got silver and the rest were bronze
Saglit lang iyong game. Wala pa yatang sampung minuto dahil nag-surrender ang kalaban. Nakita kong ni-like at ni-follow ako ni jairoah.
I followed him back because... wala lang. Pinatay ko na ang phone at nag-ayos ng sarili. Inubos ko na rin ang kapeng lumamig na. Nag-text ulit ang manager namin.
From: Manager Gustavo
Omw to shop. See you, Kyomi.
To: Manager Gustavo
Ingat po. Hehe.
Sobra tuloy kami sa staff sa umagang iyon. Pero mas maganda na ang sobra kaysa kulang.
Karamihan sa customer tuwing umaga ay nag-aaral din sa Cariña High tulad ko. Semi-private iyon at ang pinakamalaking school na may Senior High sa lugar namin. Almost twenty thousand sa isang taon ang tuition. Binayaran ko iyon nang buo noong enrollment dahil baka magastos ko pa. May voucher naman kaya nabawasan din ang tuition fee.
Naipon ko ang perang iyon sa pag-part time noong Grade 10 ako rito sa CB at pag-full time noong summer. Marami pa rin namang customer dahil may matayog na building malapit sa amin at ang mga empleyado roon ang madalas sa amin. Bumalik lang ako na part-time ngayon dahil may pasok na.
"Alis ka na, Kyo." Ngumisi si Luhan sa akin at pinalitan na ako sa cashier.
Ngumiti ako pero humikab din. Tumawa siya.
"Tamlay ng mata mo, ah? Baka matulog ka sa klase?
I pouted my lips at him. Bumukas ang pinto sa opisina ng manager at lumabas ang isang matangkad at magandang babae. Elegante at mukhang mamahalin ang kanyang suot na bestida at dalang bag.
She's pretty. Pretty mad. Padabog niyang sinara ang pinto at nagmartsa palabas ng kapehan. Nagkatinginan kami ng ilang staff.
"Jowa ni Manager?" usisa ni Diana.
"LQ?" si Luhan naman.
"Huy! Huwag nga kayong tsismoso riyan!" saway ni Mandy, iyong pinakamatanda sa aming lahat.
Pagdating sa school ay sa Chevon agad ang diretso ko para bumili ng pagkain. Naabutan ko ang ilang kaibigan na nagkukumpulan sa isang puwesto roon. Nakita ako ng isa at kinawayan. Kumaway ako pabalik at nagsenyas na bibili lang.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko pagdating sa table nila.
"Nagkokopyahan lang kami. Tapos ka na sa assignments at quiz?"
"Hala! Hindi pa nga, e. Pakopya? Kaunti na lang need ko." Nakigulo na rin ako habang kumakain.
Nilabas ko na rin ang gamit para kumopya habang kumakain. Naguluhan tuloy ako kung kanino kokopya dahil nagpapasahan sila ng notebook.
"Tama ba 'to? Paano mo kinuha 'to, Loke?" tanong ni Johnny.
"Mangopya ka na lang, pre."
"Baka mali—"
"Kay Hazel galing 'yan," agap ni Loke.
Natahimik ang kaibigan ko at nagsulat na lang din. Hindi sila makaalma kapag sinabing kay Hazel iyon. She's intelligent. Mabuti talaga at may matalino sa grupo namin.
Well, maalam din naman itong mga kaibigan ko. Magagaling pagdating sa oral at memorization. Kalaban lang ang katamaran.
Biglang may bumagsak na libro sa sentro ng mesang gawa sa bato. Napaangat kami ng tingin at nakita si Fera na nakahalukipkip. Sa likod niya ay sina Orange at Risca.
"Chat ako nang chat sa gc, walang sumasagot. Dito lang pala kayo nagkokopyahan!"
"Tapos ka na, Fera?" tanong ko.
"Hindi pa. Pakopya rin!"
"Mamaya, ah? Kyomi? Fera?" singit ni Risca.
Kumunot ang noo ko at hindi agad nakuha ang sinabi niya. Nalukot ang mukha ni Risca at kinatok ang noo ko.
"Inom, mamaya."
Oh, there. Tumango na lang ako.
Hindi ako masyadong naka-focus sa klase dahil kumikirot ang ulo ko. Ganito ako lagi tuwing kulang sa tulog. Nagpaalam ako sa teacher namin na magbabanyo pero ang totoo, bibili ako ng kape at iidlip saglit.
Parang akong walking dead habang naglalakad patungo sa cafeteria. Bumili ako ng instant coffee at naupo sa isa sa mga table na naroon.
Ilang beses akong humikab bago hinipan ang kape. I slurped the hot coffee as loud as I could. Technique iyon para hindi mapaso ang dila kapag mainit ang kape.
Mabibigat na ang mga mata ko nang may umupo sa katapat kong upuan. Napasinghap ako bago tumuwid ng upo.
"Ikaw na naman?" I asked him.
As usual, naka-pony tail ang kanyang buhok. Ngumiti siya at nagpangalumbaba habang pinapanood ako. Hindi ko maiwasang mamangha lalo sa kanyang perpektong mukha ngayong maliwanag dito at natititigan ko siya.
Malalim at mapungay ang tila nangingilatis na mga mata sa ilalim ng makapal niyang pilikmata. Mataas ang kanyang ilong at hugis puso ang kulay rosas na labi. Tumagilid nang bahagya ang kanyang ulo habang tinitingnan ako kaya napansin ko rin ang perpektong hulma ng kanyang panga.
"Bakit wala kang kasama? Hindi ba ay kaibigan mo si Loke?"
Tamad akong tumango sa kanyang tanong.
"Puyat na puyat, ah?" He chuckled a bit. "Hindi ka natulog?
"Natulog pero dalawang oras lang."
Napawi ang ngiti niya. Tumikhim siya at umayos ng upo bago umiwas ng tingin.
"At least you got some sleep..." halos ibulong niya iyon.
Anong ibig niyang sabihin doon? Tiningnan ko siyang mabuti at napansing malalim ang ibaba ng kanyang mga mata.
"You didn't sleep?" Humigop ako ulit sa kape.
Tumingin ulit siya sa akin at ngumisi. "Hindi, e. Iniisip kasi kita hanggang umaga. Ayan, 'di ako nakatulog."
Nasamid ako sa narinig at lumabas pa ang kape sa ilong ko. Kinuha ko agad ang panyo na nasa bulsa ng palda ko para punasan ang ilong at bibig nang unahan ako ni Jairo. Nasa tabi ko agad siya at nakayuko sa harap ko, hawak ang isang panyo
Hinawakan niya ang baba ko at marahang pinunasan ang madungis na mukha. Iniwas ko ang mukha sa hawak niya at ginamit ang sariling panyo sa pagpupunas ng sarili.
"Ako na!" pagalit kong sabi.
"I'm sorry."
He didn't even sound sincere. Halos maiyak ako dahil sa hapdi ng ilong ko. Natapunan pa ang puti kong blouse at maroon na palda. Wala pa naman akong extra uniform or shirt.
"Excuse me, restroom lang ako."
Tumayo ako at tinalikuran siya.
"May extra kang damit? May dala ako," aniya.
Humigpit ang hawak ko sa panyo at hinarap siya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakayuko at nakatitig sa aking kamao.
"Pasensiya na, Kyomi. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. It was just a..."
"Anong kailangan mo sa akin?" putol ko sa sinasabi niya.
Umangat ang tingin niya sa mga mata ko. Kita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya.
"Anong ibig mong sabihin?" he asked, confused.
Naglakad ako palapit sa kanya hanggang sa halos magdikit na ang katawan namin. Bahagyang nanlaki ang mata niya lalo na nang hawakan ko ang matigas niyang braso. Nakayuko na talaga siya nang tuluyan habang nakatingala ako sa kanya. Bakit kaya noong nagpaulan ng katangkaran, tulog ako?
"Noong unang nagkita tayo, hindi mo ako sinulyapan man lang... tapos ngayon, nagpapakita ka lagi sa akin."
Biglang sumilay ang maliit na ngisi sa kanyang mukha. Kumibot ang kanyang labi at naningkit ang mga mata.
"Talaga? Alam mo ba kung kailan tayo unang nagkita?"
Binangga niya ako sa dibdib kaya napaatras ako. Tumambol agad ang puso ko. Tumingin ako sa paligid at nagpasalamat na walang ibang estudyante dahil class hour ngayon.
"Oo! Nakabangga mo 'yong kaibigan ko sa may Chevon. Si Fera—"
"Oh? Tapos? Nagagalit ka ngayon kasi hindi kita sinulyapan man lang noon? Tapos ngayong ikaw lang ang tinitingnan ko, galit ka rin?"
Natahimik ako at hindi nakasagot. Damn. Saan nga ba ulit ako nagagalit? Hindi ko na rin alam.
"Sinabi ko bang galit ako dahil doon?"
Humalakhak siya at mas lumapit sa akin. Napapikit ako dahil kanina ko pa naamoy ang pabango niyang banayad lang ang tapang sa ilong.
"Bakit? Hindi ka ba nagagalit ngayon? Namumula ang mukha mo... ang mga pisngi mo, lalong lumalaki..." he teased.
Napahawak ako sa aking pisngi, gulat sa sinabi niya. This guy! Bakit niya ba ako sinasagot ng tanong? Kanina pa 'to, ah! Walang matinong sagot.
"S-shut up!" I spat. "Bahala ka nga sa buhay mo!"
"Hmm... Kyo, baby, please tell me how should I make it up with you." Tumawa siya lalo.
Sa sobrang asar ko, tinulak ko siya sa dibdib pero hinawakan niya lang ang dalawang pulso ko at hinila palapit sa kanya. Sumubsob agad ako sa kanyang dibdib at napapikit nang mas lalo siyang naamoy.
"Huwag mo akong tinutulak kung ayaw mong mahulog ako lalo," malambing niyang sinabi sa tapat ng aking tainga bago ako binitiwan.

Komentar Buku (85)

  • avatar
    a******8@gmail.com

    ang ganda ng story mo te s blurb palang madadala kana good job

    19/07/2022

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    Gerlie Mandia

    ganda

    01/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru