logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 03

#TDSAChapter03
"Nay nandito na po ako." saad na tawag ko nang makarating kaagad ako ng bahay.
Mula dito ay inisip ko pa rin 'yung sinabi ni Patrick sa akin kanina.
'Nice to meet you'
Nice to meet you raw? But then my heart that time beats to fast parang kung walang nakabara sa dibdib ko ay lalabas ito ng kusa.
Maaga pa man kaya alam ko na wala si Nanay sa bahay pero kahit ganun alam ko na may ginagawa na naman siya. Kung wala sa likod nasa kina Aling Teresa, o Aling Maria.
Walang sumagot kaya alam ko na kung saan pupuntahan si Nanay, marahil ay may ginagawa ito likod. I know her routine kaya sinanay ko na ang sarili ko.
Kaya agad ko ring inilagay sa loob ang gamit ko at saka nagbihis. Inuna kong tinunga ang bakuran ng bahay namin, then I saw her washing clothes.
Pagkatita ko nakita ay agad ko itong nilapitan. Tapos umupo sa harapan niya. She's still holding a brush and pabric with bar yung ginagamit pang sabon sa mga damit.
She's also sweaty at may tumutulo nang pawis sa noo niya pababa ng leeg. Kaya 'yung dala kong bimbo ay itinapat ko na lang din sa kanya tapos pinunasan ang pawis niya.
"Nay, bakit po kayo naglalaba?" tanong ko.
Habang pasimpleng pinupunasan ang pawis na tumutulo mula sa noo niya.
"Eh! Nak, uh... alam mo naman na kailangan natin ng pera Diba? saka sayang rin ang pera na rin ito." umuubong sagot niya sakin.
Naawa tuloy ako tapos ay kinuha ang hinahawakang sabon at brush.
"Kailangan natin Nay, Pero kung palagi niyong ginagawa? Kukulangin lang din ang pero na nakukuha niyo sa paglalaba sa mga gamot kung lalala masyado ang sakit mo Nay. Pwede naman ako ang maglalaba nay, 'wag na po kayong kumilos, baka mas lumala pa ang sakit mo." sabi ko sa kanya.
Bilang isang anak ay dapat intindihin rin natin ang mga hinaing at mga kailangan nating pakinggan sa mga magulang natin, not all people can say na malaki na sila, kaya kaya na nila sarili nila.
I'm not those shitty because she got me here, and all of the aspect of her, I loved and I always love. Kasi Nanay ko siya at hindi mababago ang tingin ko sa pamilya at malapit sa akin.
Walang nakakaalam na may sakit si Nanay, kahit si Tatay ay wala ring alam, dahil palagi naman yun nasa sugalan at inuman.
'Yung makikita mo ang Nanay na nahihirapan. Hindi ko kaya, parang wala akong silbi kung siya lang ang gumagawa para makapera. Anong silbi ko kung hindi ko siya tulungang? I'm useless and powerless dahil wala akong magawa.
Kaya habang may oras pa akong tumulong ay gagawin ko ito. It's not for her but I want to help her in spite of everything goes by.
Since nasa wastong edad na ako pwede naman ako ang maghanap ng pera, pero gusto kasi ni Nanay na makatapos ako ng pagaaral para raw matulungan ko ang mga kapatid ko.
"Hindi pa naman lumala anak, saka bakit maaga ka yata ngayon?" Tanong niya sa akin.
Nagmano muna ako bago ko siya hiranap.
"Kaya nga pinaalalahanan kita Nay, dahil alam ko na hindi pa man iyan malala, pero 'wag niyo naman pong abusuhin ang sarili niya." Sagot ko. "Wala kaming mga professor Nay, kaya maaga na lang akong umuwi, wala rin naman akong gagawin doon." sagot ko saka kumuha ng damit at kinusot.
Pagtingin ko sa kamay ni Nanay, ay napahinto ako.
"Kanina ka pa naglalaba Nay?" takang tanong ko saka kinuha ang kamay niya.
Medyo namumula ito at may sugat. Wala na akong sinabi at pinatayo na lang siya.
"Wala lang ito anak, saka marami pa akong lalabhan." Sagot niya.
"Kaya ko naman lahat, Nay, pero 'wag mo naman hahayaan na masugatan ang sarili niyo. Ako na ang maglalaba, magpahinga ka na lang doon." sabi ko.
Ganito ako kapag nagalaala, mas lalo lang akong maiinis kung hindi ito susunod kaya walang magawa si Nanay kundi ang pumasok sa loob.
Ayaw kong makita siyang nasasaktan. Hanggang kaya ko ay ginagawa ko. Mas gusto ko na ako ang nahihirapan kaysa ang Nanay ko. Kaya kong gawin basta hindi lang siya nahihirapan.
Nakita kung huminto ito at nagabalang tumingin sa akin.
"Hindi anak, kaya pa naman ni Nanay mo. Ikaw na kaya ang magpahinga alam kung pagod ka." nakangiting sabi nito sa akin.
"'Wag na matigas ulo Nay, ako na ang maglalaba nito lahat." sabi ko.
Walang wala ito lahat, dahil sanay na ako sa mga bagay na mahihirapan, parang automatic na ang katawan kong gumawa dahil sa sanay na ito.
Kaya walang magawa si Nanay at nagpatuloy na rin sa pagpasok, nagsimula narin akong kumusot ng mga gamit. Wala naman kaming pera para sa washing machine kaya kusot lang ang afford ko.
Buti na lang may breeze water detergents kaya hindi na ako mahihirapan kusutkusutin dahil may dala itong sampung kamay, ana pa nang napapanood sa advertisment sa TV.
May dalawang banyera pa ng labahan, kaya binilisan ko nalang ang kilos ko. Kaya nung bandang mag aalas tres na nang hapon ay natapos ko na rin lahat. Kahit na sinabihan ko si Nanay na 'wag na akong tulungan ay bumalik pa rin ito at tumulong pero 'yung sa pagbanwas na lang ng damit, at sa pagsasaklay rin ng mga damit upang matuyo.
Pagod na pagod akong umupo sa isang kawayan na upuan at saka tumingin sa ilog na malapit lang sa amin. Kung hindi lang madumi ito baka ito pa ay isa sa mga pasyalan ng mga tao dito.
Mga abusado ang mga tao kaya ayan ang dumi at maraming nagkakalat kalat na basura, lalo na 'yung mga Pampers at diaper na ginagamit. Itinatapon lang din, hindi alam kung gaano kalaki ang epektong balik kapag may mangyayaring sakuna. May mga napkins rin na lumulutang kaya unang tingin mo palang madumi na.
Sa bandang kaliwa naman ay may naliligong mga bata walang mga basura doon dahil may paril na nakapilkil at may harang, masayang naliligo hindi alintana ang mabahong paligid at tubig.
Medyo mahangin ang kinauupuan ko, nakaramdam ako ng kakaibang antok, kaya nung medyo may init na tumagos ay tinungo ko ang duyan para doon sumampay.
Hindi ko namalayan ang oras at napaidlip ko sandali. Napansin ko na lang na tinawag ako ni Nanay.
"Anak, gising na." paggising nito sa akin. Luk
Pagmulat ko ay nakita ko kaagad si Nanay. Siguro copy paste talaga ako ni Nanay. Dahil sa murang edad palang ay nagtratrabaho na. Saka marami rin ang nagsasabi na magkamukha rin kami ni Nanay.
"Anong oras na po, Nay?" tanong ko. Habang pinisil pisil pa ang mata ko kung may muta ba itong naabisyunahan mula sa pagtulog.
"Kumain ka muna, may inihanda akong banana que doon at ipagtitimpla rin kita ng Kape, saka anak malapit ng mag-alascinco ng hapon" sagot niya bago itinuro ni Nanay sa bandang kusina namin.
"Kayo, po kumain na?" tanong ko. Nang nakapagstrench na ako ay tumayo na rin ako papuntang loob ng bahay.
"Tapos na, kaya humayo ka na diyan." Sabi ni Nanay. "Alam kong pagod ka sa kalalaba anak, kaya kumain ka na muna tapos ay magpahinga na ulit, hindi mo naman kailangang gawin 'yun kaya na nga ni Nanay mo.. baka nakakaabala lang ako sa mga gagawin mo. Sasusunod anak, ay 'wag ka nang tumulong at gawin mo na lang ang kailangan." payo niya pa.
As she said, I did not tolerate myself, na siya lang ang kikilos dito, because I have my father, hindi ko lang alam kung saan basta tumulong siya ay okay na rin. There's no big problem at all. Sana magbago na nga.
Kahit ganyan si Nanay ay hindi talaga iyan, sakim sa pagkain. Mas inuuna niya ang mga anak kaysa sa sarili. Kaya nga naaawa ako, sa kanya. Kung hindi lang dahil kay Tatay hindi magkakaganito si Nanay.
Medyo kumikirot pa rin ang likod ko dahil na rin sa paglalaba. Pero kinaya ko nalang tumayo para makakain, hindi pa kasi ako kumain, kaya nagugutom narin.
Inupo ko lang ang pamamanhid ng kamay at pananakit nang likod ko, tapos ay kinuha ang pagkain na ipapakain sa akin ni Nanay.
"Diyan ka lang, ipagtitimpla kita ng Kape." Sabi ni Nanay.
"Ako na po Nay," sagot ko.
"Nako, kahit ito naman ay pagbigyan mo ako, palagi mo nalang pinapagod ang sarili mo." Sagot ni Nanay.
Tama si Nanay, palagi talaga akong pagod. Dahil para lang magkapera ay gagawin ko lahat. Saka may maintain na gamot si Nanay, kaya kailangan talaga.
"Hindi naman Nay, pero 'wag niyo pong abusuhin ang katawan, baka kung ano pa ang mangyari." Sagot ko kay Nanay.
Kumuha lang ng tasa si Nanay saka tinimpla ang Kopiko Blanca, saka Ibinigay sa akin.
"Ang swerte ko talaga ay naging anak kita Anna," biglang sabi ni Nanay. "Paano ba kita mapapasalamatan?" Tanong nito. .
"Hindi naman kailangan, Nay saka hiling ko lang talaga ay magpahinga po kayo at uminom ng gamot." Sabi ko. "Hindi pa po ba umuwi si Tatay, Nay?" Tanong ko.
Kagabi ko pa kasing hindi nakikita si Tatay. Kahit medyo may karantaduhan si Tatay Ernesto ay mahal ko iyon. Kahit may topak pa ay Tatay ko parin. At tinutulugan rin niya ako sa mga project ko at sa mga pangangailangan ko.
"May pinuntahan, magtratrabaho ata para pangsugal." Sagot ni Nanay.
Hindi naman sila nagaaway pero may time talaga na maiinis nalang si Nanay lalo na kung uuwi si Tatay na lasing. Hindi naman demanding si Tatay na manghjnhi ng pera dahil may trabaho naman ito. Pero adik talaga ito sa sugol.
"Mabuti naman si Tatay kaysa sa iba Nay." Nakangiting anas ko sa kanya.
Alam kong mahal ni Nanay si Tatay, kaya nga sila tumatagal pa, dahil nagmamahalan.
"Aba'y dapat lang talaga, dahil yung ang ipinangako niya sa akin." Kontra ni Nanay sa sabi ko.
Hindi kasi ganito ang buhay namin ngayon... Dahil sa maling tao ay naging ganito kami.
Ganito kasi ang kwento ni Nanay Estrella at Tatay Ernesto. Si Nanay Estrella ay may kaya, sanay na mabibili ang gusto habang si Tatay naman ay laki talaga sa hirap. Kaya nung magkakilala umano sila ay nagkaunawaan.
Hindi gusto ng mga magulang ni Nanay, na maging kasintahan si Tatay Ernesto ni Nanay Estrella. Pero hindi parin hadlang ang mga magulang nito na hadlangan ang pagiibigan nila. Kaya ginawa ni Tatay ang lahat para lang mapa-oo ang mga magulang ni Nanay.
Hanggang sa bumukod na nga sila ng pamilya. I'm their first baby, at bilang ako ay naranasan ko talaga na mamuhay ng sakto. Nakapagtapos naman si Tatay at si Nanay, pero si Tatay lang raw ang nagtratrabaho kasi bawal pa si Nanay.
Hanggang sa nakabukod na sila Nanay at Tatay ng kaunting nesgosyo, na siyang ginawa rin sa bahay namin. Hanggang sa lumago ito. Isang electrician kasi si Tatay at nagaayos ng mga sirang bagay na pwede pang magamit.
Ang shop na maliit ay nagimprove at naka-hire na sila ng mga trabahante ng dumating sa punto na niloko sila ng isang investment. Hindi alam nila Nanay at Tatay na fake pala lahat ng iyon kaya. Tudo kong tudo ang pagsign nila sa contract. Hindi nila alam na ang lahat ng nalikom nilang pero sa bangko ay nanakaw na pala nung investment na sinaliban nila.
Silbi naloko lang sila.
Dumating sa punto na unti unti naring nagbago ang buhay namin. Kaya ganun nalang din ang pagkalasing ni Tatay at paglululong nito sa sugal. Hindi ko rin naman masisi kung bakit, pero dahil sa nangyaring iyon ay siyang nagbigay sa amin ng ganitong uri ng pamumuhay.
Kaya simula nung araw na iyon ay nagbago na ang buhay namin. Limang taon ako noon, habang buntis naman si Nanay kay Anton.
Nagbago dahil niloko kaya kami ganito ngayon. Minsan mga inisip ko na kung hindi nawala at nalugi ang shop namin? Ganito pa ba ang buhay ko? O baka magbabago dahil may pero kami?
I'm sure na magbabago talaga ang buhay namin kaysa ngayon at hindi kami nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon pa lang.
...
Pagkatapos kumain nagpahinga na ulit ako.
"Kailangan mo ba ng Cellphone anak?" tanong sa akin ni Nanay bigla.
That's really important!
"Bakit mo naman naitanong, Nay?" tanong ko.
Kung ako lang gusto ko talagang magkaroon pero saan ako hahanap ng pera? Saan ako manghihiram ng pera pambili?
"Baka kasi kailangan mo, kaya ibibili nalang kita. May palugitan naman doon sa lungsod saka doon na rin may pautang at pakuha ng cellphone na magganda at kalidad. " sagot ni Nanay.
"Hindi po naman iyon kailangan Nay. Saka saan ka naman po maghananap ng pambayad? Mas kailangan niyo pong imaintain ang gamot niyo po Nay, kaysa yung cellphone." sabi ko.
Para ano pang pagkakaroon ng cellphone kung magkakasakit lang naman si Nanay sa kakakayod.
Mas importante ang kalusugan ni Nanay kaysa sa ibang bagay.
"Sabihin mo lang sa akin, anak ah? Gagawa ako ng paraan para makabili tayo." Sagot lang ni Nanay.
Sa panahon ngayon ay kailangan na talaga natin ng gadgets o kung anong makabagong teknolohiya ang ginagamit. Mas naiimpluwensyahan na kasi ng makabagong teknolohiya ang mundo natin. Kaya maraming kabataan ang umaasa sa teknolohiya. Pwede ka nang maka- research, isang pindot lang google na agad.
Isa rin ang social media sa mga pinagiinteresan ng mga kabataan o mga tao ngayon. May Facebook, Twitter, Instagram at iba pang mga social accounts na ginagamit.
I have Facebook, kasi kailangan.
Syempre kahit ganito lang kami hindi naman ako nahuhuli sa mga makabagong uri ng pagkukumunikasyon. Kahit mahirap lang ay may karapatang parin kaming gumawa at gumamit.
"Nay punta muna ako kina Aling Maria, magiinternet lang ako sandali." paalam ko.
Mga dalawang bahay lang ang layo kina Aling Maria sa bahay namin kaya wala pang ilang minuto ay nandito na ako.
Nagdala lang ako ng bente para ipanghulog sa computer. Saka na rin papel at ballpen para isulat ang mga kailangan.
Naghintay muna ako ng ilang sandali dahil marami ring mga bata ang naglalaro dito. Pumunta ako sa gilid at nakinood nung palabas na pinapanood ng isang dalagita.
Korean Drama.
Kita ko kung paano kinilig si Deana, yung batang nanood ng K-Drama. Nung naghalikan ang mga bida sa pinapanood. Grabi ang tili niya sa sarili at kinusot kusot pa ang mapupunghay na mga mata.
Hindi ba malaswa kung isipin na sa murang edad ay nakapanood ka na ng sensitibong senario?
Nakinood nalang din ako. Mas naganahan rin akong manood lalo na catching ang palabas. Kahit hindi ako nakapanood sa nauunang episode ay maiintindihan mo kaagad ang daloy ng kwento.
Syempre gusto ko rin naman iyon. Kaso wala akong time makapanood dahil marami talaga akong ginagawa, saka malimit lang kami kung gumamit ng TV dahil lalaki ang kuryente.
"Ate Anna, ang ganda ng palabas 'no?" tanong ni Deana sa akin.
Nung natapos niya ang isang episode. Nakinood rin naman ako, Ewan basta nanood lang ako..
"Ah! Oo," sagot ko nalang.
Hindi naman ako nakapanood ng simula pero maganda naman ang palabas.
"Dito ka na po Ate, tapos na rin po ang episode, sa susunod na po ulit ang labas, sayang nakakabitin lang talaga." sabi ni Deana sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "May time ka pa, maghihintay nalang ako." Sagot ko. "wala ka bang ibang gagawin? Assignment, project? Magresearch ka na lang para may makuha ka rin impormasyon."
"Nako ate, sayo na yan.. wala po kaming assignments, project Ate, bigat ko na lang sayo kanina ka pa kasi naghihintay." sabi niya lang tapos ay tumayo na at umalis.
Hindi pa man siya nakakalayo ay nagpasalamat nalang ako sa kanya.
Marami-rami ring mga kabataan ang may mabubuting asal, lalo na trumato sa mga nakakatanda. Maganda ang pakikitungo sa kapwa kabataan. So, I admire them, kasi sa murang edad ay may magandang pakikitungo na ito sa bawat tao at higit sa lahat ay gumagalang.
Ginawa ko kung ano ang kailangan at mga importanting impormasyon ay isinusulat ko at ginawan ng base para sa gagawin report bukas. I'm sure nandoon na si Prof. Ortega.
Hindi nagtagal ay umuwi narin ako. May isang oras at kalahati pa kasi si Deana kaya hindi ko na nagasto ang pera ay itinabi ko na lang ito.
Umuwi na rin ako, hapon na at mag aalas sais na kaya, iniligpit ko na ang gamit ko saka pumunta na sa likod ng bahay.
Nandoon na pala si Nanay.
"Nay, Natuyo na po ba lahat?" Tanong ko.
Inilagay kasi niya ang mga nalabhan sa basket.
"Tuyo na lahat anak," sagot niya lang at patuloy parin sa pagkuha ng mga labada.
Tinulungan ko lang si Nanay, saka tinupi ang mga damit.
"Sino pong may ari nito Nay? Ako na po ang maghahatid." tanong po.
"Nandito na ako," ana ng kapatid ko.
Si Anton, saka si Amy.
"Diyan lang kina Ma'am Santiago, patulong ka na sa kapatid mo," sabi ni Nanay.
Tapos tinawag si Anton. Sabay silang pumunta sa loob saka nagmano kay Nanay.
"Opo, Nay magbihis lang ako sandali." Sagot lang ni Anton. Second year highschool na si Anton at si Amy naman ay grade 3.
'Di rin nagtagal ay inihatid na rin namin ang mga labada. Naglalakad pa kami nang humingi ng limang peso si Anton sa akin.
"Ate, may limang peso ka po? Pang internet ko sana." tanong ng kapatid ko.
"Meron ako, bibigyan kita pagkarating natin sa bahay." sagot ko.
Ngumisi lang ito sa akin tapos ay ibinalik ang tingin sa daanan.
Hindi ako madamot sa mga kapatid ko, dahil kung ano ang pagkukulang ng mga magulang namin at pinupuna ko na lang.
"Salamat, Ate. Saka patulong na rin po ako sa research ko. Naguguluhan kasi ako Ate." sabi niya sa akin.
"Tungkol saan ba ang research mo?" tanong ko. Wala pa naman kaming research noon kaya bakit sa kanila meron na?
"About sa Literature of writing ate." sagot niya.
"Okay, madali lang naman yan." sagot ko lang tapos ay inihatid na kina Ma'am Santiago ang nilabhan naming damit.
Binayaran kami ng pitong daan ni Ma'am Santiago sa dalawang basket. Tapos ay umuwi narin kami ng kapatid ko. Kasi magpapatulong pa siya sa research niya.
Kalalabas lang namin sa isang kanto ng mapansin namin ang isang lalaki na pinalilibutan ng mga tambay. Kaya agad akong lumapit dahil alam ko na may pinagdidiskitahan naman sila.
Baka may naligaw?
Kasi ganito ang mga tambay dito, pag may maliligaw tiyak na mapapasubok.
Tapos tinanong ng tinanong.
Pagkakita ko sa lalaki ay nagulat talaga ako.
Why his here? Remus?
Paano siya nagala dito?
Saka naka motor lang siya. Kaya agad akong lumapit at hinawakan ang kamay ni Remus na nanginginig.
"Kasama ko siya, kaya layuan niyo siya."
***
Another update, Chapter 3

Komentar Buku (35)

  • avatar
    Madelyn Claveria

    ang ganda

    23/07

      0
  • avatar
    Marky Stephen Giducos

    this is very important thank you

    22/06

      0
  • avatar
    Jan Cedric L. Jimenez

    good

    17/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru