logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 VII

Chapter Seven:
Hindi ko alam kung ano nagawa o nasabi ko kay Jeremiah, baka nga may napakain ako ng hindi dapat pero nakumbinse ko talaga siya na sumali at mag-audition na kasama ko. Tuwing uwian ay sabay na kaming pumupunta samin dahil duon kami nagpapractise ng mga linyang aming bibitawan sa mismong araw. Wala namang issue si mama o si papa sakanya dahil hindi rin naman siya nagpapakita na may motibo siya sakin at hindi naman siya nagsasalita kahit kinakausap na siya; kailangan ko pang i-explain nang maigi sa mga magulang ko kung paano siya kapag hindi na ako ang kausap -mahiyain sa ibang tao.
Sa kabila nito ang pag-iwas sakin ng mga kaibigan ko. Araw-araw na akong pinupuno ng texts na layuan siya at bigla na lang tumigil nang hindi ko rin tinigilan si Jeremiah. Like I said before, I am my own person and people shouldn't dictate on what I should do. Kung magiging honest ako talaga, kahit na bihira lang ako makarinig sakanya, mas gugustuhin ko pa siyang kasama keaya sa mga kaibigan kong hindi rin natitigil yung bunganga. At least yung pagiging madaldal mo gamitin mo sa nakakabuti, you don't go around judging other people when you personally don't even know their story.
I'm personally a victim of that kaya ayokong gawin sa kapwa ko rin kasi alam ko ang mararamdaman nila. Being misunderstood because of issues that surround you? Your name? Your appearance.
Bullshit.
Maraming tao ipinapangalan akong parang alaga nilang tatlo dahil palagi akong nasa likod, tuta kung baga; ako gumagawa ng mga projects and assignments nila at ginagawa ko lahat ng pinapagawa nila. But that was before ako mapuno at nag pa-fight back para sa sarili ko. Narealise ko na hindi kailangan tapak-tapakan ang dignidad ko para lang magkaroon ng kaibigan. Kaibigan ko pa rin naman sila at naging mas maayos naman ang trato nila sakin to my surprise.
Nang makakita ako ng nagtitinda ng kwek-kwek, agad akong lumapit dito at kumuha ng stick at tumusok ng tatlo bago magsawsaw. Hindi kasi ako nagpapalipas ng street food kapag nakakakita ako. Tiningnan naman ako ni Jeremiah na parang napaka kadiri kong tao. Binayaran ko na lang si kuyang nagbebenta kasi medyo na offend ako sa expression niya sa mukha. Kinakain ko na lang ito nang tahimik tutal ganun din naman ang gusto niya.
Nakarating na rin kami ng bahay na walang umimik saaming dalawa. Siya na mismo nagbukas ng gate dahil madalas naman siyang nandito and as I recall, siya daw kasi yung lalake. Nakakasakit ata sa ego niya na ako magbukas ng gate eh bahay naman naming 'to. I mean hindi naman maiiwasan ang judgement at baka laking burgis din itong lalake na 'to na ni minsan hindi napakain ng magulang ng mga pagkain sa labas.
"Ma! Nandito na kami!" paalam ko kung sino man ang nasa bahay.
"Sige 'nak!" rinig ko ang sagot ni mama na nasa kusina. "Paghahandaan ko na kayo ng meryenda!"
Day-off ni mama. That means magagawan kami ng makakain, as always.
"Okay po!" ang sabi ko na lang na dire-diretso na sa taas para makapag umpisa na ulit ng practise para sa auditions.
Tahimik na sinundan ako ni Jeremiah patungo sa rooftop kung saan madalas kaming nandito na dalawa. Buti na lamang at naitaas ang tent dahil mainit pa rin ang sinag ng araw. At nahihiya naman ako sa skin colour niya, akala mo hindi talaga na-a-arawan. Ang puti, he's like a blank canvas, waiting to be painted on.
Ibinaba ko na ang bag sa gilid at umupo, kasama na ang script. I guess nasanay na ako na walang usapan na nagaganap saaming dalawa kaya I was reviewing kung nasaan na kami nagtapos the last time we were rehearsing.
"Huling scene na pala tayo." ang sabi ko sakanya nang binabasa ang mga linya na susunod. "Parang ang bilis naman natin, bukas siguro isang bagsakan na lang tayo tapos ayun na."
Parang nalungkot naman ako nun. If he doesn't insist to keep practising, hindi ko na siya makakasama nang ganito sa susunod na mga araw.
Nakita kong nakabuka na ang bibig ni Jeremiah, may sasabihin ata, nang biglang dumating si mama na may dala-dalang tray ng pagkain, dalawang baso ng juice at isang malaking pitsel. Umupo siya sa tabi at ngumiti.
"Kamusta naman?" tanong niya as she pats her lap. "Okay naman? Hindi naman kayo nag-aaway?"
Tiningnan ko si mama nang masama na masyado nang nangingialam. Hindi ko pa ba sakanya nasabi na hindi kumportable si Jeremiah sa mahahabang usapan? My mother is trying to accomplish something here. I don't mean to be harsh, I don't. Iba lang talaga yung approach ni mama at nag-aalala ako.
"Hindi naman po." sabi ni Jeremiah na nagbabasa lang ng script. As usual, hindi mahaba ang response niya. Nasanay na rin siguro si mama. Kahit ng aba parang sinasadya ni Jeremiah na maging cold, sanay na sanay na si mama. Hindi na naooffend kapag ganun ang kaibigan.
Tumango si mama nang nakangiti pa rin. "Pwede ko na ba kayong panoorin?" tanong nito.
"Maaaa," reklamo ko. "Bukas na para buong storya na. Promise."
"Okay!" tumayo agad si mama. "I'll leave you two to it. Pero promise niyo saking dalawa 'yan ah."
Tumango si Jeremiah. Parang hindi naman siya natatakot pero ako nahihiya sa pinagsasabi ni mama. I'm so glad he wasn't the type of person to mind what kind of people he was with. The whole time I was with him, I've been really observant of him. Alam niyo yung kasabihan na kung sino pa yung mga tahimik, sila yung mas may alam sa paligid nila. Well I beg to differ. Extroverted people can be the same too. Nakakauha ng mga impormasyon kapag nakikipagdaldalan kahit kanino.
Hindi naman ako nagkakamali na tahimik siya but I think, para sakin, there was something with him na kakaiba. Na may tinatago siya. It's like what other people say; kung sino pa ang hindi masyadong nakaka grab ng attention, sila talaga ang may tinatago. And I think na wala naming taong sobrang transparent, hindi ba? We all have our own dirty little secrets; we just choose specific people to show them to.
But I doubt it. He's been nothing but... nice. Kahit na minsan maarte siya sa mga bagay-bagay. Pero naiintindihan ko naman kasi dahil sabi niya sakin na hindi naman niya kailangan ng mga kaibigan kaya walang tao yung nakakapagpakita sa kanya ng mga bagay na he was reeally missing on. At hindi na naman siya naiilang kapag kasama ako. Pero ako naman yung ilang sakanya. I think it's just me- it's just me who feels something. Parang gusto ko nga rin malaman ang tungkol sa pagkabata niya pero kailangan ko naman maghintay kung ready na siya magopen-up sakin. Hindi ko naman siya pewersahin. Baka kasi mayroon nap ala siya naging kaibigan na naging dahilan kung bakit na siya ganito. O di kaya may nangyari na iba.
Gustong gusto ko talaga malaman.
But he keeps me around so I'm really glad.
"Kailangan mo na ang lumayo sakin." biglang sinabi ni Jeremiah na ikinagulat ko.
Nagtataka akong tumingin sakanya na naweirduhan pa. "A-anong pinagsasabi mo?"
Tumayo siya at lumapit saakin nang hindi ko inaasahan. Ang tangkad niya kaya nakatingala ako na parang tumitingin ng skyscraper. Grabe rin ang mga tingin niya sakin. It's not fair how tall he is compared to me! Sa tingin niya maiintimidate ako?
Oo. Malamang.
"Hindi ka ba nakakapansin?" biglang tanong niya bago lumuhod sa harapan ko. "Pati mga kaibigan mo sinusuway mo na para lang makasama ako. Mga kiabigan mo 'yun. Hindi mo ba sila paniniwalaan?"
H-hala. Anong demonyo na baa ng sumapi sakanya at bigla siya nangsasabi ng mga ganito? Sinasabi ko na, may sirang turnilyo 'to sa ulo eh. Nagalaw na naman ata ngayon.
Ibinaba niya yung script sa lamesa at kinuha ang dalawang kamay ko sakanya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. His hands are huge. Bakit hindi ko pa napapansin? So warm his hands were~ I could hold them all night--
"Bakit ako? Sa lahat ng lalakeng pwede mong magustuhan bakit ako pa? Masama akong tao, hindi mo ba nakikita 'yun? Marami ng prueba, nakita mo na nga ako mismo pero nagpupumilit ka pa ring makasama ako."
"T-teka, Jeremiah, anong pinagsasabi mo?" tanong ko sakanya na pilit kinukuha yung mga kamay ko sa hawak niya but he wouldn't budge. He had a strong grip on me.
I was still confused at the words he was saying. Halata bang gusto ko siya? Did I underestimate him? Baka halata lang talaga ako? At anong ibig sabihin niyang masamang tao? Tama ba yung pinaghihinalaan sakanya ng mga kaibigan ko?
"Wala kang sasabihin? Makikipaghiwalay na ako sa'yo, tigilan na natin 'to. For everyone's peace of mind. Para sa mga taong nag-aalala sa'yo. For your sake and my sake." hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko na parang hindi niya na ako papakawalan pa. "Pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Hindi ako nagsisisi na binigay ko ang pagmamahal at pagkatao ko sa'yo, Paula.."
Sino si Paula? Bakit tinatawag niya akong 'Paula'? Hindi naman Paula pangalan ko.. si Lyra-- oh shit. Gets ko na.
Tinanggal ko yung isang kamay ko para kunin yung script at pinaghampas hampas siya sa balikat nang paulit-ulit. Umasa ako sa pinagsasabi niya! Akala ko totoo na! Kahit na parang napakimpsoble naman na sasabihin niya sakin 'yun, pinaasa pa rin ako ng ugok!
Nahuli ko siyang tumatawa. Something I've never seen before kaya napa hinto rin ako sa pagpapalo sakanya. Akala mo nasa langit ka kapag nakita mo ang ngiti niya.
"Practise na tayo, Lyra." sabi na rin niya bago tumayo. "Aking mahal na Paula pala."

Komentar Buku (31)

  • avatar
    Lao Basilio Shirley

    nice story

    9d

      0
  • avatar
    Nurfaisa Maulana

    💘💘💘

    29d

      0
  • avatar
    EdisanRodime t

    salamat po

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru