logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Ella's Tragedy

Ella's Tragedy

Lennon Leia


[Una] Larong nauwi sa kababalaghan

"Erp! Sali ka na bilis!" excited na aya sa akin ni Chris. Ang pasimuno sa lahat ng kalokohan ng barkada namin.
"Tss. Hindi naman totoo 'yan. Para kayong mga bata."
Nandito kami sa bakanteng lote sa likod ng school.
“Sus!Ang sabihin mo takot ka lang!"
sabi ni Paul
”Talaga? Ako pa ang takot?! Sino kaya ang tumili na parang bakla no'ng nanood tayo ng The Healing?" nakangisi kong tugon kay Paul na ikinaiwas niya ng tingin.
Sa buong tropa, si Paul na yata ang pinakamahina ang puso pagdating sa katatakutan. Kaya nga, hindi ko maintindihan kung paano siya napapayag sa kalokohang 'to.
"Erp. Sali ka na kasi! 'Wag ka ngang KJ!"
"Oo na! Pambihira. High school na tayo mga pare! Naniniwala pa kayo sa spirit of the glass?" naiiling kong sabi.
Kahit isang malaking kalokohan ang gusto nilang paglalaro ng spirit of the glass, sinang-ayunan ko nalang din. Ano pang gagawin ko?
Lumapit ako sa tumpukan nila sa may ilalim ng puno ng mangga. Mag-aalasdose na rin ng gabi.
"O bilis na, simulan na natin 'tong kalokohang 'to," walang gana kong sabi matapos maupo sa tabi ni Chris..
"Yeeesss! 'Yon o! Kailangan pang pinipilit eh! Pabebe ka pa, pota!" sabi ni Kevin.
Inismiran ko lang siya dahil sa sinabi niya.
"Teka lang! Wala pa si John. Bumili ng kandila."
Kumpleto ang tropa para sa kalokohang ito. Nandito si Kevin, ang cursing machine. Si Paul na scare baby. Si Chris na hindi nauubusan ng mga kalokohan. At si John na utusan ng grupo.
Lahat ay malaki ang ngisi sa mukha at halatang excited sa paglalaro ng spirit of the glass. Hindi ko alam kung anong naisipan ng mga tukmol na 'to pero alam naman naming lahat na hindi naman ito totoo. Pero sabi nga ni John, wala naman raw mawawala sa amin kung susubukan. But still, this is shit.
"Mga erp! Nandito na ang kandila! Yiiieee!!!” at iwinagayway niya pa ang biniling kandila habang patakbong lumalapit sa amin.
"Paul, ilabas na ang ouija board!” utos ni Chris bago nilabas niya 'yong baso.
Iniayos kaagad nila ang ouija board sa gitna ng bilog na ginawa naming lima. Ipinatong ni Chris ang baso sa gitnang bahagi ng board kung saan may bilog do'n na tila para talaga sa baso. Sunod ay sinindihan ni John ang mga kandila upang magsilbing liwanag namin. At ang panghuli ay ang sapilitang paglalagay ng mga daliri namin sa ibabaw no'ng baso.
"Okay. Concentrate guys! Ang goal natin ay may matawag na ispirito!" pahabol ni John.
"Teka! Hindi ba tayo magdadasal!?" tanong ni paul.
Nagkatinginan kaming lahat dahil sa tanong ni Paul. Matapos ang ilang segundo ay sabay-sabay kaming tumawa.
"P*ta ka! Ikaw pa nagsabi sa akin ng duwag 'tapos ikaw naman pala 'tong takot!” tukso ko kay Paul.
Sanay na kami kay Paul. Pagdating sa mga katatakutan ay napakalaking duwag!
"Tss! Di uso dasal sa 'tin. Hindi rin naman Niya tayo pakikinggan kasi mga demonyo tayo! Hindi Niya tayo bati," sabi naman ni John.
Sinimulan namin ang paglalaro ng Spirit of the glass nang hindi nagdadasal. Bakit pa? E sa sama ng mga ugali namin, hindi Niya kami pakikinggan.
Inikot ko muli ang tingin ko sa lahat ng mga kaibigan ko bago ko ipinikit ang aking mga mata. Napabuntong hininga pa ako. Alam kong wala kaming mapapala sa kalokohang 'to. At sisiguraduhin ko talagang ako ang unang magsasabi ng ‘I told you so.’
"Ispirito. Ispirito. Tinatawag ka namin," panimula ni Kevin.
Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo napulot ni Kevin ang linyang iyon, pero hindi ko mapigilang matawa.
“Ayos nga! Seryoso guys!” inis na saway sa akin ni Chris. Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang aking pagtawa. Lintek! Mukhang seryoso talaga sila rito.
"Ispirito, Ispirito, tinatawag ka namin," ulit ni Kevin.
Idinilat ko muli ang mga mata ko nang wala namang mangyari sa baso matapos sabihin 'yon ni Kevin sa ikalawang pagkakataon. Nailing ako. Sabi ko na e. Kalokohan talaga ang lahat ng ito.
“Putcha! Sabayan niyo kasi ako!” reklamo ni Kevin na ikinatawa ko muli.
“Isa pang tawa mo, sasapakin na kita,” komento ni Chris habang nakapikit pa rin.
Sa totoo lang mukha talaga silang mga timang.
"Ispirito, Ispirito, tinatawag ka namin.l," sabay-sabay na sabi nilang apat. Habang ako ay pinipigil bumuhanglit ng tawa habang pinapanood sila. Parang mga tanga.
"Putcha! Wala naman e!" komento ni John matapos walang nangyari sa ilang beses na pagtawag nila sa ispiritong hindi naman totoo.
"Sshh! Ispirto nandito ka na ba?" and still no response. Hindi gumalaw ang baso.
"Ispirito tinatawa----" napahinto si Kevin nang biglang humangin ng malakas.
Napatingin ako sa paligid. Sigurado akong humangin dahil naramdaman ko iyon. At malakas na hangin iyon. Pero ang kakaiba ro'n ay ang hindi paggalaw ng mga dahon ng punong mangga na nasa itaas namin gano'n din ang dahon ng ibang puno na nakapalibot sa amin. Paano nangyari 'yon gayong napakalakas ng hangin na iyon?
"Ispirito, nandito ka na ba?"
Sabay-sabay kaming nagulat nang gumalaw ang baso at pumunta sa salitang YES ng ouija board.
"P*ta! Hindi tayo naglolokohan dito! Sino naggalaw ng baso?!" galit na tanong ni Kevin.
Nagkatinginan kaming lahat. Walang nakasagot. Napataas ang kilay ko sa nangyari. Ibig bang sabihin no'n ay kusang gumalaw iyong baso? That’s stupid and impossible.
Tiningnan ko si Chris na malakas mantrip sa aming lima. Maaaring siya ang naggalaw sa baso. Pero seryoso rin ang tingin niya at masama ang tingin na nagpalipat-lipat sa aming apat waring tinutukoy kung sino nga ang naggalaw sa baso.
“Put* kayo. Ayos nga. Sino gumalaw no'ng baso?” seryosong tanong ni Kevin habang nakatingin sa akin.
Kaagad akong nagkibit-balikat para ipaalam na hindi ako ang gumalaw no'ng baso at hindi ko alam kung sino.
Natigil ang pagsisihan naming lima ng muling gumalaw ang baso. Napunto ito sa mga letrang A-K-O.
Nagkatinginan muli kaming lahat at sa itsura ng bawat isa, nasisiguro kong wala sa amin ang naggalaw ng baso.
Kung gano'n… totoo ang spirit of the glass? At may natawag na kaming ispirito?
"P*ta ayaw ko na mga pare!" at kaagad na tumayo si Paul, kinuha ang bag niya.
Hindi pa man siya nakakahakbang paalis ay bigla nalang namatay ang sindi ng mga kandila kasabay ng pagkabasag ng baso na nakapatong lang sa ouija board.
Hindi namin nagawang matapos ang laro na iyon sa pag-aakalang wala namang mawawala sa amin kahit hindi namin ito tinapos.
Pero mali kaming lahat.
Ang pangunahing batas pala sa paglalaro ng spirit of the glass ay ang tapusin ito hanggang dulo.
Kaya naman, simula ng gabing iyon, isa-isang nabago at nayanig ang mundo namin na sumali sa larong iyon.

Komentar Buku (132)

  • avatar
    Maylene Ranada

    sobrang nakaka takot at nakkapang nindig balahibo habag binabasa ko Q no

    3h

      0
  • avatar
    Abegail Alpaño

    3,0000

    1d

      0
  • avatar
    Prince Cejhay Latada

    goods

    3d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru