logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4.

Uwian na, nandito pa rin ako sa loob ng classroom. Nililigpit ko pa kasi ang mga gamit ko. Kasama ko pa naman sila Yuna kaya hindi ako nag-iisa.
 “So, ano nga ba kayo ni Brian?” tanong sa akin ni Rose. ‘Yan na naman ang mga tanong nila.
 “Friends,” simple kong sabi habang hindi sila tinatapuan ng tingin.
 “But, isn't weird?” taka kaming tumingin kay Yuna.
 “Weird?” kunot-noong tanong ko.
 “I mean, sa pagkakakilala namin sa kaniya. He's a snobbish, cold, and a quiet type of person. But now, he's different,” sabi niya. Napa-isip naman ako. Yes. He's actually weird. Hindi ko nga alam kung nagi-exist siya. I mean, I never heard he's name. Ngayon lang talaga.
 “Maybe, he's inlove?” patanong na sabi ni Rose. Love? Psh! It doesn’t exist. I should change the topic.
 “Guys, naniniwala ba kayo sa bampira?” tanong ko sa kanila. Hindi ko kasi maalis sa isipan ko. Kinunutan naman nila ako ng noo.
 “Vampire? Naniniwala ka ro'n? They only exist in books. Meaning, hindi sila totoo,” wika ni Rose.
 “Oo nga. Kathang isip lamang sila. At kung totoo man sila… I’ll marry one of them, ‘Cause as far I know, they're handsome,” kilig na wika ni Yuna. ‘Ayan na naman, nagsisimula na naman ang malanding ‘to.
 Agad naman siyang binatukan ni Rose. “Ang landi mo!”
 “Hindi kaya! Pero, Gab? Bakit mo ba natanong?” tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba pero, sasabihin ko na lang.
 “I had a dream about vampires,” sagot ko.
 “Weh? Sure ka?” tumango na lamang ako. “Care to tell?” Rose said.
 “In my dream, I was in the middle of the forest and it's full moon. Habang naglalakad ako, may nahagip akong anino kaya pinuntahan ko ‘yon, and it turns out, it's a guy. I thought that the guy will help me escape from that forest but it turns out, I'm running. Why? Because he's a f*cking vampire! Red eyes and a very dangerous fangs. Hindi ko makita ang kabuoang mukha niya, I don't know why,” paliwanag ko sa kanila.
 “Then?” agad nilang tanong. Hmm. They're interested. Mas mabuti na nga ‘yon.
 “Tapos, nadapa ako. Nakaapak ako ng matulis na bato. Dumugo ang kaliwang paa ko, wala kasi akong suot na slipper. Ang nakaka-gulat pa ay nakatayo na siya sa harapan ko kaya umatras ako. May nakita akong kutsilyo sa gilid ko kaya kinuha ko iyon saka itinapon sa kaniya na naiwasan naman niya. Tumakbo na ako kahit na duguan ang paa ko. But, nahuli pa rin niya ako saka kinagad ang leeg ko,” patuloy ko.
 “Eh? Forest? Full moon? Vampire?! Nakakatakot naman!” takot na sabi ni Yuna.
 “May sinabi ba siya o tinawag sa'yo?” tanong ni Rose kaya tumango.
 “Ano ‘yon?!” sabay nilang tanong.
 Uhmm… kailangan ko bang sabihin? Maybe, ‘Yong una nalang ang sasabihin ko.
 “Stay still, I won't hurt you,” bored kong sagot sa kanila.
 “What?!” gulat nilang sigaw. Nagulat ako ng tumili silang dalawa.
 “Hoy! Anong nangyari sa inyo?” taka ko tanong sa kanila.
 “That guy is your Mr. Right!” kilig na sabi ni Yuna.
 “Tsk. Tara na nga! Ang dami niyong alam. Dumidilim na,” sabi ko saka kinuha ang bag bago lumabas.
 Tsk. Mr. Right talaga, ha? I don't believe it.
 Hinabol naman nila ako. “Ba't ba ang bilis mong maglakad?” kapos hiningang sabi ni Yuna.
 “Basta!” saka agad sumakay ng makita ko ang kotse na ginamit ni Mang Karding.
 Ewan ko lang pero feeling ko may sumusunod sa amin. Isang nakakatakot na presensya. Kanina ko pa kasi naramdam iyon sa cafeteria. Bakit niya ba kami sinusundan? O ako lang.
 Nang makarating ako sa mansyon ay agad na akong bumaba sa kotse saka pumasok sa loob sa mansyon. Bumungad naman sa akin si Manang Esha na naglalakad pababa ng hagdanan.
 “Manang, ‘asan po si Tita?” tanong ko rito.
 “Oh, iha. Nandiyan ka na pala,” naglakad siya papunta sa harap ko. “Ang Tita mo ay nag-overtime sa trabaho. Mamayang hating gabi pa raw siya makakauwi,” sagot nito sa akin.
 “Ah, ganon po ba? Sige, po. Punta nalang po ako sa taas,” magalang kong sabi sa kaniya.
 “Sige, iha. Nga pala, may cake sa kusina, kunin mo nalang sa ref.” tumango na lamang ako saka tumungo sa kwarto ko. Binagsak ko ang aking bag sa mini sofa ko. Kinuha ang aking cellphone saka humiga sa kama.
 When I open my cellphone, may nagpop-out sa notification sa fb ko. So, tiningnan ko kung ano ‘yon. Nabitawan ko agad ang aking cellphone dahilan para tumama iyon sa ilong ko. “Sh*t!” saka kinuha ulit ang cellphone ko saka tiningnan ulit iyon habang hawak pa rin ang ilong ko. Nilipag ko ang cellphone ko sa gilid.
 OMG! No! No! No! Hindi, Gab. You're an anti-romantic. Chill, Gab, chill!
 Hinuha ko ulit ang cellphone ko saka tiningnan ulit ang nag-add friend sa akin. Lalaking napaka-gwapo. He's name is Xenon Vamir.
 Vamir? Hmm… Sounds familiar.
 He's handsome. A very handsome guy and he's very popular. ‘Yong profile niya ay 1 million ang reactors. OMG! Hindi ko alam kung ilang oras na akong titig na titig sa picture.
 Halos mabitawan ko na ang aking cellphone nang may tumawag.
Unknown number?
 Agad ko naman ‘yong sinagot. “Hello?” Ngunit walang sumagot. Tiningnan ko ulit ang aking cellphone, naka-on call pa naman. “Hello? Who's this?” tanong ko ngunit walang sumagot. “Hoy, kung sino ka man! Bakit ka ba tumawag sa'kin?!” ngunit wala pa rin. Medyo naiirita na ako. “Fine! End ko na 'to!”
 “Baby,” I froze.
 T-That v-voice.
 
 Bigla naman nag-end call. Ilang minuto akong nakatitig roon. Hindi ko alam kung prank lang ba ‘to o hindi. Ang boses niya ay katulad ng boses na nasa bathroom. Iniling ko na lamang ang ulo ko. He's not him, I think? Hindi siya iyon. Baka wrong number lang.
 Bumaba ako sa kama saka nagbihis ng pajama at black hoodie. Lumabas na ako sa kwarto saka tumungo sa kitchen.
 “Manang,” tawag ko kay Manang Esha.
 “Bakit, iha?” tanong nito sa akin. Nagluluto siya.
 “Lalabas lang po ako. Pupunta lang ako sa convenience store, may bibilhin lang ako,” paalam ko sa kaniya.
 “Sige, iha. Mag-ingat ka, ha? Maraming tambay sa labas,” babala nito sa akin. Tumango naman ako.
 Lumabas na na ako sa mansyon. Pinagbuksan ako ng gate ng guard namin. Nagtatanong pa nga ito kung kailangan ko raw ba ng kasama, ngunit sinabi ko na okay lang ako. Kaya ko naman mag-isa, hindi naman ako takot mag-isa.
 Habang naglalakad ako papuntang convenience store ay napapansin kong parang may sumusunod sa akin, ngunit kung tumingin ako sa aking likuran, eh wala naman. Napakunot ang noo ko dahil roon. Kanina pa ‘to ah. Hindi naman sa takot ako, sadyang nawe-weirduhan na ako dahil kanina pa itong umaga. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad kahit ramdam ko pa rin na may sumusunod sa akin, binalewala ko lamang iyon.
 Nang makarating ako ay agad na akong pumasok saka pumili ng mga gusto kong bilhin at nilagay iyon sa cart. Palinga-linga pa ako sa paligid kung may tao bang nakatingin sa akin o sinusundan ako, ngunit wala talaga. Feel ko pa rin ang presensya niya. Sino ba ang sumusunod sa akin? Bakit hindi ko siya makita? Guni-guni ko lang ba iyon?
 Nang matapos na akong mamili ay agad akong pumunta sa cashier para bayaran ang lahat ng nabili ko.
 “One thousand, nine hundred, twenty-one, ma'am,” saad ng cashier.
 Binigyan ko naman siya ng two thousand. “Keep the change,” sabi ko.
 “Thank you, ma'am.” Tumango na lamang ako saka kinuha ang aking binili.
 Lumabas na ako sa convenience store kasi hindi pa rin ako komportable. Kailangan kong umuwi sa bahay baka ano pa ang mangyari sa akin dito sa labas.
 Habang naglalakad ako pauwi ay may nadaanan ako nagi-inuman. Tsk. Mga lasingero! Nagsasayang lang sila ng pera. Hindi nila iniisip ang kabuhayan nila.
 “Hoy, miss!” napahinto ako nang may tumawag sa akin.
 Alam kong sila iyon kaya nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad. Napahinto agad ako ng humarang sila sa akin. Limang lalaki na parang ka-edad ko lang. What did they want? I don't have the mood to fight right now.
 “Saan ka pupunta, miss?” tanong sa akin ng may mahabang kulot na buhok. Nakangisi ito sa akin.
 “What do you need?” mataray kong tanong sa kanila.
 “Aba! Englishera, pare!” natatawang sabi ng panot, tumawa rin ang mga kasama niya. Eh? Mga lasing na talaga sila. Sa bagay, iyon naman ang ambag nila sa mundo. Mga walang kwenta!
 “I don't have time for this, excuse me,” lalagpasan ko na sana sila ng hawakan ako ng panot at saka ‘yong mahaba ang buhok sa braso.
 “A-Ano ba! Bitawan n'yo ako!” nagpumiglas ako. Ang higpit ng paghahawak nila. Kung may mood lang ako ngayon, kanina pa sila nakadapa sa kalsadang inaapakan namin.
 “Ang ganda mo naman, miss. Pwede bang pagsaluhan ka namin?” saad ng naka-badboy hair cut habang hinahaplos ang aking pisngi. Akala mo naman gwapo, mukha namang tae. Pwe!
 “Don't touch me, you assh*le!” sigaw ko rito dahilan para mailayo niya ang kamay niya na nasa pisngi ko.
 “Palaban ka. I like it!” nakangiting sabi nito at sinusubukan akong halikan, ngunit iniiwas ang aking mukha saka dinuruan. Ang sarap niya durugin.
 “You b*tch!” saka sinuntok ako sa tiyan dahilan para mamilipit ako sa sakit.
 P*ta! Kung makakawala talaga ako, ikaw ang uunahin kong hayop ka! Ang sakit!
 “Let me go!” matalim ko siyang tiningnan.
 “Lumalaban ka pa, ha?!” at akmang sasampalin ako ng may nagsalita dahilan para mapahinto siya.
 “Let her go,” napatingin kami sa nagsalita. Napakunot ako nang makita ang lalaki.
 Nasa harap siya namin. Matangkad siya, naka-cap, naka-black mask, at naka-gloves. Kaya hindi ko makita ang mukha niya. Balot na balot niya at parang galing sa burol dahil puro itim ang suot niya. Tinitigan ko siya dahil parang ang pamilyar niya.
 “At sino ka naman?” natatawang tanong ng sumuntok sa akin. Hindi yata siya takot sa lalaki. Mas matangkad pa naman iyon sa kaniya. Napairap nalang ako.
 “It’s none of your business. Now let her go,” wika ng lalaki. Pamilyar ang boses niya. Pero, goodness! Ang sarap sa tenga.
 “Pa'no kung ayaw namin, ha?! Ano gagawin mo?” maangas na tanong ni Panot. Angas ni pare ah! Eh ang pandak pa naman.
 Nabigla ako—este kami ng mabilis itong nakapunta sa leader ng mga lasing na'to. Para siyang hangin dahil sa kaniyang angking bilis. What?! How did—
 “P-Paano mo ‘yon nagawa?” utal ng tanong ng lalaking sumuntok sa tiyan ko. Ang sarap niya putulan ng braso.
 Nagulat na lamang kami ng sinapak ng lalaki ang leader dahilan para tumilapon ito at nawalan ng malay dahil tumama ito sa poste.
 “H-Halimaw. Halimaw!” sigaw ng apat saka tumakbo na. Mga duwag! Mga walanghiya rin!
 Naiwan ako sa harap ng lalaki na ito. Hindi naman ako natatakot, baka sadyang malakas lang talaga siya kaya tumilapon ang lalaking pangit na ‘yon. Pero ang bilis… ay ganoon din naman ako kaso mas mabilis siya.
 Napa-upo ako dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng aking tiyan. Huhuhu. Ang sakit. P*tanginang mukha unggoy na ‘yon. ‘Pag nakita ko talaga ‘yon ulit, papatayan ko talaga siya! Walanghiya! Ang sakit!
 “Are you okay, miss?” tanong ng lalaki sa akin dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kaniya.
 “Mukha ba akong okay, mister? Hindi naman ‘di ba?” mataray kong sabi sa kaniya. Sinubukan kong tumayo pero napa-upo ulit ako.
 Narinig ko naman itong tumawa. Nabigla ako nang binuhat niya ako saka naglakad. What the—heck?! Sino siya para buhaton at hawakan ako?!
Napatitig ako sa kaniyang mukha. Parang… nagshine ang mukha niya kahit madilim naman. Gusto ko siyang sigawan dahil sa pagbuhat niya sa 'kin ngunit hindi ko magawa. Bakit ganoon?
 Napatingin ako sa face mask niya. Gusto ko iyong tanggalin kaya dahan-dahan kong hinawakan ang mask niya. Hindi naman siya umangal at tumingin lang sa akin. Nang tuluyan ko ng natagal ang mask niya. Napanga-nga ako dahil ang gwapo niya kahit medyo hindi ko kita ang mukha nito dahil madilim. He looks like a d*mn demi god!
 Naramdaman kong huminto ito saka tumitig sa akin. Napakurap-kurap ako nang maging pula ang mata niya. What? Naging pula? Wait… don't tell me… na siya ‘yong… no way!
 Nakaramdam ako ng antok habang nakatingin sa kaniyang pulang mata. Hindi ko alam kung bakit. Dahan-dahan pumikit ang mata ko kahit anong pigil ko ay pumipikit pa rin ang mata ko. Bago pa ako tuluyang makatulog, narinig ko ang huli niyang sinabi.
 “Sweet dreams, baby.”

Komentar Buku (24)

  • avatar
    Em Em Mansilla

    ang ganda

    9d

      0
  • avatar
    PecsonJemken

    it's Good a story

    27d

      0
  • avatar
    Jenchoi Keziah

    good

    27d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru