logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

"Nandito na tayo, iha," sabi ni manong. Pinagbuksan niya ako nang pinto kaya agad na akong lumabas baka mangalay siya.
"Salamat sa paghatid, Mang Karding," pagpapasalamat ko, tumango siya at ngumisi saka pumasok sa kotse.
Naglakad ako papuntang gate at huminto sa bukana nito. Huminga muna ako ng malalim saka pumasok. Pagtapak ko palang papasok ay napapikit na akong habang naglalakad.
"'Ayan siya! Nakakatakot!" girl 1.
"Woah! She's so beautiful and at the same time fierce, as always," boy 1.
"Liligawan ko 'yan, pare. Ang hot niya kahit naka-jacket siya," boy 2.
"Kung bibigyan ka ng pagkakataon. Narinig mo naman siguro ang tungkol sa kaniya at ng mga manliligaw niya, 'di ba? Sige, sabihin na nating liligawan mo siya. Pero, alam naman nating busted ka na sa umpisa pa lang. Hindi lang busted ang ibibigay niya sayo kundi sapak din. Kaya mo?" boy 3.
"He's right, dude. Kaya wag mo ng subukan, masasaktan ka lang," boy 1.
"Tsk. Hindi naman 'yan maganda. Sadyang malandi lang talaga 'yang babae na'yan. Isa ring prostitute," girl 2.
Napahinto ako dahil doon at saka tumingin sa babaeng nagsabi no'n. Nakatingin siya sa akin kasama ang dalawang babae na alam kong aliporos niya. I smirk, then, walk towards their direction, seriously.
"Hala! Narinig ka ata!" rinig kong sabi ng isang kasama niya.
"Ako ba ang sinasabihan mong prostitute?" tanong ko sa babaeng nagsabi na malandi ako nang huminto ako sa harapan nila.
Gusto ko siyang suntukin, gusto ko siyang sabunutan, at gusto ko siyang kitilan ng buhay ngayon, ngunit ayo'kong magsayang ng lakas para lamang sa babaeng 'to. Pagkakita ko pa lang sa hindi kagandahang mukha niya ay naiirita na ako. Mukha pa naman siyang clown dahil sa kapal ng make-up niya.
"Oo, bakit?" sagot niya saka ako tinaasan ng kilay.
Aba! She's brave! Pero, hindi 'yan ang dahilan para umatras ako. Hindi niya ata ako kilala. Poor her.
"Paano mo naman nasabi 'yon?"
"Halata naman, eh. Isa kang prostitute dahil nagkakandarapa ang mga lalaki sayo dito sa loob ng academy. Malay ko ba kung inaakit mo sila," mataray niyang sabi.
Ang taray pa! Hahaha sorry, not sorry pero mas mataray pa ako.
"Talaga? May proweba ka?" tinaasan ko siya ng kilay at hinihintay kung meron man, ngunit natahimik lang siya. "You know what girl? I don't have time for this nonsense," at akmang tatalikod ng magsalita ito ulit.
"Hoy, malanding babae!" kunwaring gulat akong napatingin sa kaniya. Nilagay ko ang dila ko sa ilalim ng pisngi ko.
"Malandi? Sa pagkakaalam ko'y wala akong nilalandi. At sino ka ba para pagsabihan ako ng ganiyan? Ka-dugo ba kita?" Isa nalang, hindi ko na siya uurungan. Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng 'to. Hindi niya ata alam na short tempered ako.
"Hindi mo 'ko ka-dugo. At hindi ko gugustuhin na maging ka-dugo ang isang malanding prostitute na kagaya mo," nakangisi niyang saad.
Ok, that's it!
"Wow! Ako? Malandi? Prostitute? Pinatatamaan mo ba ang sarili mo? Alam mo, sa ating dalawa, ikaw ang nagmumukhang malanding prostitute. Sino ba naman kasing matinong babaeng ginawang croptop ang school uniform," natatawa kong sabi. Nagpupuyos naman siya sa galit. Pinigilan naman ito ng mga kasama niya nang subukan niya akong sugurin. Ang dali naman ata niyang magalit. Well, that's how I wanted.
"How dare you to judge my outfit?!" nakawala siya sa pagkakahawak ng kasama niya. Sinipa ko ang tiyan niya nang tangkain niya akong sampalin. Napaupo siya sa sahig at namimilit sa sakit.
Nag-squat ako para mapantayan ang kaniyang mukha. Hinawakan ko ang kaniyang panga saka inaangat para mapatingin siya sa akin.
"Bago ka manghusga, dapat ay may proweba ka, ha? Kasi mapapahiya ka lang," walang emosyon kong sabi.
Tumayo ako saka naglakad papunta sa mga lalaking narinig kong nagbubulongan kanina, or should I say, chismisan. Narinig ko pang sumigaw ang babaeng 'yon na ikinairap.
Nang huminto ako sa harapan ng tatlong lalaki ay nakita kong nagpipigil ng hininga ang dalawa at nanginginig pa. Nakakatakot na ba ako kahit wala pa akong ginawa?
"What can I do for you, beautiful lady?" napatingin ako sa lalaking nagsabi no'n. Siya 'yong boy 1 kanina, I think.
"What's your name?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang gulat ng mga kasama niya. Minsan lang kasi ako magtatanong ng pangalan ng isang lalaki at sabihin na nating swerte ang mga 'yon.
Ngumiti naman ito. " I am Brian Dela Cerna, at your service," hindi ko alam kung namalik-mata ba ako, pero nakita kong naging red orange ang mata niya. No, that's impossible!
Binaliwala ko na lamang iyon. "Bring that girl to the clinic," sabi ko. Alam kong bossy ako kaya dapat susundin nila ang sasabihin ko, sa ayaw at sa gusto nila.
"As you wish." sabi nito. What a gentlemen. But, he's not my type. I am anti-romantic, I guess?
Agad na akong umalis doon, may kukunin pa ako sa locker ko. Bahala na 'yong babaeng clown na 'yon. May tutulong naman sa kaniya.
Bata pa lamang ako ay wala na akong nagugustuhan. Hindi ko alam kung bakit, pero wala talaga akong nagugustuhan hanggang ngayon. Siguro, may hinihintay ako or maybe not. I guess, ganito na ako for the rest of my life.
Bumalik ako sa ulirat ng maramdam kong may tumapik sa balikat ko. Nandito na pala ako sa harap ng locker ko, hindi ko man lang napansin. Tumingin ako sa dalawang babae na nasa aking gilid. "What?"
"Balita ko'y nakasagutan mo 'yong princess bee," Yuna Yamez, ang kaibigan kong napakatapang. Wala siyang inuurungan pero takot naman sa daga. "Anong ginawa mo sa kaniya?"
"Princess who?" inisip ko kung sino ang tinutukoy nila " Ah! Siya ba 'yong nasipa ko kanina?" Tumango sila at parang naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Well, I don't care kung siya man ang princess ng mga bubuyog. Bagay lang kaniya ang ginawa ko. She has no right to judge me. Sa katunayan nga ay kulang pa 'yon ," sumandal ako sa locker at humalukipkip.
"That's our girl," napaismid ako kay Yuna. She's the one who always support me from everything.
"What about Brian? Nakarating sa amin na nakausap mo raw siya?" Rose Faharda, the queen bee of this school. Unlike Yuna, matatakutin siya. She's kind and a little bit brave, I think.
"Yes, nakausap ko siya. I told him to bring that princess bee to the clinic," walang ganang sagot ko. I don't want to talk, actually. I just feel bored. Nagkatinginan muna silang dalawa saka tiningnan ako na para bang namamangha sila sa sinabi ko. "Why are you both staring me like that?"
"Girl, hindi mo ba alam?" tanong ni Rose, halata ang pagkamangha sa kaniyang mukha. Ano naman ang nakakamangha sa sinabi ko?
"Ang alin?"
"Really?! Hindi mo talaga alam?! You're unbelievable!" hindi makapaniwalang tanong ni Yuna. Mukha naman hindi nila ako kilala. Duh! Wala akong pakialam sa mga taong hindi importante sa akin. "Girl! Si Brian 'yon! Si Brian na walang paki sa mga babae! Si Brian na nagagalit kapag nilalapitan siya o binibigyan siya ng kahit ano ng mga babae! Hindi mo alam?! Campus crush 'yon, bhie! Lahat ng babae nagkaka-crush sa kaniya, except nga lang sa'yo," eh? Akala ko pa naman gentlemen 'yon.
"Pakialam ko ba kung campus crush 'yon," inirapan ko sila dahil sa puro chismis ang tanging alam nilang gawin. Mga marites talaga.
"Gab, you're unbelievable!" sabay nilang sabi. Bakit? Totoo naman kasi. Ano ba ang pakialam ko ro'n? I have nothing to do with him. At hindi naman ako interesado sa buhay ng ibang tao.
Napatingin kami sa taong huminto sa harapan namin. Naging istatwa ata ang dalawa nang makilala ang nasa harapan namin dahilan para mapairap ako. Parang ngayon lang sila nakakita ng lalaki. Oo, lalaki ang nasa harapan namin.
Yumuko siya na para bang principe. "Good day, beautiful lady," beautiful? Sa'n banda? Bolero ang Brian na 'to.
"Anong kailangan mo?" masungit kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam pero nabu-bwesit ako sa pagmumukha niya.
"Nagawa ko na ang pinapagawa mo," sabi nito sabay tumayo ng matuwid. Tapos na pala, eh anong ginagawa niya rito? Nanghihingi ng kapalit?
"Thank you?" patanong kong sabi sa kaniya. He just chuckled then, walk towards his locker. Mapakunot ang noo ko. 'Yon lang ba ang sasabihin niya? Pinagtri-tripan ata ako nito eh.
Sabay napalingon ang dalawang bruha sa akin nang makaalis na si Brian, ngunit hindi ko sila pinansin at binuksan nalang ang locker ko. Napaatras ako sa gulat nang pagbukas ko ay maraming nahulog na chocolates, flowers, at love letter mula sa loob ng locker ko.
"What the-hell?!" inis kong sigaw. Narinig ko pang tumawa ang dalawa na lalong ikinairita ko. Napatingin naman ang ibang istudyante sa gawi namin. Kita ko ang inggit sa mga mata nila.
"Ang ganda mo talaga, frieny," pang-aasar sa akin ni Rose saka tumawa. Tumawa rin si Yuna at sinabihan ako na ang haba raw ng buhok ko.
"Shut up!" akala ko tatahimik sila ngunit mas lumakas lang ang tawa nila. Inis kong kinuha ang libro ko. "Sa inyo na 'yang mga chocolate because I don't want it! Saka kunin niyo na rin ang mga love letters na 'yan and throw that rubbish away!" agad nilisan ang locker room. Pero bago ako tuluyang makaalis ay narinig ko pang babasahin daw nila iyon. Napairap nalang ako.
###
Hours past, natapos na rin ang klase. Bored na bored na ako kanina pa kaya nagpapasalamat ako sa bell nang tumunog ito. Nauna akong lumabas. Hindi ko na hinintay ang mga bruha dahil kanina ko pa gustong umuwi dahil may bumabagabag pa rin sa aking isipan.
Nagitla ako nang may biglang umakbay sa akin. Hahawakan ko na sana ang kamay ng lapastangan umakbay sa'kin nang magsalita ito. "Hey, beautiful lady. Can you be my friend-No, bestfriend?" nairita na naman ako nang marinig ang boses ng lalaking 'to. This is the third time na nakita ko siya ngayong araw and I hate it!
"At bakit ko naman tatanggapin ang alok mong makipagkaibigan?" pagsusungit ko sa kaniya. I don't like his presence. Parang may kakaiba kasi sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.
"'Cause I want to," pati ang pagngisi niya ang naiirita ako. Oo, gwapo siya pero bakit parang hindi ako tinatablan ng ngiti niya. Ang ngiti ng isang playboy.
"Paano kung sasabihin kong hindi?" tanong ko sa kaniya.
"Pipilitin kita," sabi nito dahilan para mapahinto ako. Nainis ako lalo dahil sa sinabi. Aba! Ang kapal din!
"Fine! Basta 'wag mo lang akong guguluhin palagi dahil masusuntok kita ng wala sa oras," hindi siya threat pero parang gano'n na nga.
"I won't promise," ngumiti siya saka ginawaran ako ng halik sa pisnge ko na ikinagulat ko.
"You-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil kumaripas na siya ng takbo.
"Bye!" Grr! Akala ko pa naman na hindi siya makulit. I was wrong, very wrong.
Umiling nalang ako saka sumakay sa kotseng nakaparada sa harap ng gate. Umandar naman ito agad. Nagbuntong hininga ako dahil ang araw ko ay parang misteryo. Iniisip ko pa rin kung bakit napanaginip ko iyong lalaking bampira. Pilit kong kalimutan iyon pero hindi ko magawa. Paulit-ulit siyang pumapasok sa isip ko. At isabay mo pa 'yong Brian na FC. Akala niya ata close na kami dahil kinausap ko siya.
Nang makarating na kami sa mansyon, agad na akong pumasok sa loob. Nakita kong naka-upo si Tita sa sofa habang nanonood ng TV at kumakain ng popcorn.
"Tita? Bakit ang aga mo atang nakauwi ngayon?" napalingon naman ito sa akin at agad na tumayo.
"Oh, nandiyan ka na pala. Maaga lang natapos ang work ko," sagot nito bago ito lumapit saka ako niyakap. Nagmamay-ari siya ng isa sa mga sikat na clothing line sa pilipinas kaya hindi ko inaasahan na maaga siyang makakuwi.
"Lets eat dinner." sabi niya saka ako hinila patungo sa dinning room.
Kumain kami ng haponan habang tinatanong niya ako kung kamusta na raw ang araw ko sa school. Syempre, sinabi kong 'okay lang'.
Agad naman akong tumungo sa kwarto ko nang matapos akong kumain. Nilagay ko ang aking bag sa mini sofa saka pumasok sa banyo. Hinubad ko lahat ng saplot ko saka pumunta sa shower.
Habang naliligo ako, may naramdaman akong humahalik sa balikat ko. Ramdam ko rin ang palad sa beywang ko. Parang may kumikiliti roon.
"Hmm." mahinang ungol ko at napapikit nang sipsipin nito ang leeg ko.
Agad akong napadilat nang ma-realize ko na ako lang pala ang tao rito at mas malala pa ay wala akong ni-isang saplot. Wala sa sarili akong napatingin sa beywang ko. Nanlaki mata ko nang makitang may kamay na nakahawak doon. Iginilid ko ang aking mukha para malamang may tao ba talaga at laking gulat ko nang makitang meron nga talaga. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil panay halik pa rin siya sa kanang balikat ko.
Dahil sa takot ay agad kong kinalas ang kamay niya na nakahawak sa beywang ko saka siya hinarapan. Napakunot-noo ako at natakot din nang wala akong makitang tao roon.
"Baby," nanlaki ang mata ko nang may bumulong sa aking tenga. Napakunot noo ako nang biglang humangin kahit sirado naman ang shower. Nanlaki ang mata ko lalo nang may ma-realize...
"What the heck?!"

Komentar Buku (24)

  • avatar
    Em Em Mansilla

    ang ganda

    9d

      0
  • avatar
    PecsonJemken

    it's Good a story

    27d

      0
  • avatar
    Jenchoi Keziah

    good

    27d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru