logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

kabanata:Teatro

Kabanata-III
Hindi ko parin makalimutan ang sinabi ng lalaking yun saakin. katatapos lang namin kumain at nandito ako ngayon sa pangalawang palapag ng aming hacienda, sa balkonahe habang nakatingin sa mga guwardiya na nag uusap. At akin namang nilalasap ang hangin.
"Ikinagagalak kong ika'y mapangasawa ko binibining Estella" rinig kong bulong ni Don Fabian saakin sabay ngiti napatingin ako sa harap ko kung saan siya ngayon naka upo at tinanggal ko agad ang aming tingin nang magsalita si Don Velasco "sino nga sakanilang mga babae ang mapapangasawa ng aking anak na si Don Fabian" sabay tingin saamin napatingin naman ako kay Josefina na kumakain ngayon.
"Si Josefa" sabay turo sa wagi kung saan si Josefina naka upo ngayon nakatingin naman ngayon si Don Fabian kay Josefina at balik tingin saakin.
"Akala ko ikaw na..sayang" rinig ko namang bulong niya sabay ngiti uli.
"Kung ganoon kailan natin sila ipapakasal ni binibining Josefina" dagdag naman ni Don Velasco sabay tingin kay Josefa "siguro po sa unang linggo ng Marso" sagot naman ni Don Fabian sabay tingin naming lahat.
"Kung ganoon ang iyong hiling ay masusunod sa unang linggo ng Marso kayo maikakasal.ayos lang ba saiyo yoon Josefa?"saad ni Don Velasco sabay tingin kay Josefa agad namang napalunok si ama na baka hindi sumagot si Josefa ngunit
"Opo sa u-unang linggo ng marso kami ikakasal" sagot ni Josefa sabay ngiti kita naman sa mga mata niya na ayaw niya ayaw niya pang makasal ngunit wala siyang magagawa iyon ang disenyon ni ama.
Kahit na ako ay nakatalikod ramdam ko ang yapak ng paa na papalapit saakin napatingin ako sa aking likuran nakita ko si Don Fabian papalapit saakin habang siya'y naka ngiti. "Kay ganda ng tanawin hindi ba" sambit niya sabay tingin saakin habang naka ngiti ulit ito agad akong napalunok aalis na sana ako ng biglang mag salita muli ito "sandali maari mo ba akong samahan" saad niya pa at napalingon ako sakanya "pasensya na ginoo may gagawin pa ako" sagot ko naman sabay pasok sa aking silid.
TANGHALI na ako nagising bumungad agad saakin ang aking magulong silid nakakalat ang mga pintura, pluma, at mga papel. Naka handa na rin ang aking umagahan kahit pa tanghali na akong nagising. Habang kumakain sa aking silid tinatanaw ko ang mga nagliliparang mga ibon at mga punong sumasayaw sa hangin nang marinig ko ang isang Kalesa napatingin ako roon nakita ko si Don Fabian at ang kanyang ama na papasok sa kalesa at nag paalam sa aking ama.
Narinig kong may kumatok sa aking pinto bubuksan ko sana ito ngutin bumukas ito at may sumilip ng kaunti "p-pasensya na ate Estella bukas po kasi ang iyong pinto" wika ni Natasha habang nakayuko ito nakita ko namang may hawak itong parang isang liham "ano ang iyong pakay?" pag tatanong ko sabay tingin sa kanya "may ibig na ipinamibigay si ginoong Fabian sainyo..isang liham" mahinhin niyang wika at inabot saakin ng liham na may dalawang rosas isang pula at isang puti "s-salamat" sagot ko
akin namang kinuha ang isang liham nag paalam na si Natasha saakin "s-sandali kamusta na si ate Josefa" pag dagdag ko bago pa niya isara ang aking pinto "maayos na siya ipina inom namin siya ng mabisang halamang gamot" pag sagot niya sabay bukas ng pinto at nag paalam habang naka ngiti.
Kanina ko pa tinitignan ang liham na ibinigay saakin ni Natasha nais ko sanang buksan ito na ngangamba akong hindi iyon saakin ngunit kita ko namang may pangalan ito yun ang aking ngalan sinubukan kong buksan ito ngutin may tumawag saakin.
"binibining Estella may bisita ka" rinig kong sabi ng isang kasambahay rinig ko rin ang katok nito agad kong tinago ang liham sa ilalim ng aking aparador na malapit saaking kama "sandali lang po" sagot ko naman sabay inaayos ang aking sarili "nasa hardin sila ngayon nag aantay" sambit naman niya "sige po,salamat po" pag sagot ko sabay takbo sa paliguan upang maligo
"kanina ka pa namin inaantay ni Leonor" bulong ni Clara bahang abala naman si Leonor sa pag tingin sa mga ibat ibang bulaklak sa aming hardin.
"Ganoon ba pasensya na" saad ko lumapit naman si Leonor saakin at nag salita "marahil mali ata ang punta namin...sige paalam na" saad niya habang umaarteng malungkot "sige paalam" pag sasagot ko naman sabay tingin saakin si Leonor habang naka taas ang kanyang kilay "ganoon ba aalis sana kami pupunta sa maynila upang pumasyal kay tahimik kasi dito sa kawit" saad ni Leonor habang umaarteng nanghihinayang "sayang naman maganda pa naman ang mga pasyalan doon may mga museo mga.." dag dag pa niya hindi niya na natapos dahil nag salita na ako
"Saan ba tayo pupunta?" pag tatanong ko sa "maynila ano pa ba" pag sagot ni Leonor habang nakawak sa kanyang bewang "mukhang ayaw mo,sige mauuna na kami" dagdag niyang muli aalis na sana sila "sige na nga tayo na" sambit ko tsaka umalis.
Tatlo kami ngayon naka upo sa kalesa ni Leonor mag katabi sila Leonor at Clara. abala nanamang nag babasa si Leonor ng paborito niyang libro habang si clara naman ay nakatingin sa bintana.
"Ano nga palang gagawin natin sa maynila"pag tatanong ko sabay baling sa kanilang tingin "balita ko kasi may magandang palabas ngayon sa maynila" sagot naman ni Leonor sabay lipat ng pahina sa librong binabasa niya "tama ka mahuhusay din ang mga aktor doon" pag dagdag naman ni clara sa sinabi ni Leonor
Makalipas ang apat na oras sa pag byahe narating nanamin ang teatrong sinasabi nila malaki ang lugar dito maraming kalesa ang nakaparada at hindi naman karamihan ang mga tao ngayon "Estella tayo na" pag tatawag saakin ni Clara habang sumesenyas na mag lakad "kay ganda na talaga rito" pag sasaad ni Leonor habang nakatingin sa mga estruktura masasabi kong mahuhusay ang pag kakadisenyo nito pati ang aming nilalakaran ngayon ay kita na mayaman ang mga tao rito dahil yari ito sa laryo
Ngayon ay nasa harapan na kami ng teatro,Pag pasok namin ay aakalain mong nasa isang kastilyo ka dahil sa ganda ng pag kakadisenyo rito pati mga aranya ay parang nag kakahalaga ng dolyar-dolyar dahil sa ganda at liwanag nito at nag bibigay akit sa loob.Binayaran ko na ang magiging silyang pag uupuan namin.
Magiisang oras na kaming nag aantay ngunit di parin nag sisimula ang palabas sa teatro dahil kakaunti palang ang mga manonood, nasa gitna kami ngayon naka-upo kaya kitang kita ang entablado saamin. Malaki ang entablado malaki rin ang pulang kurtinang na mag sisilbing patalastas nito na maari ring pag bukas at sarado.
Malapit ng mapuno ang teatro at nag simula ng patayin ang ilaw na siyang ipaparamdam saamin ang kuwento.
Nagulat ako ng may tumabi saakin hindi ko ito maaninag dahil sa sobrang dilim ng teatro sinubukan ko itong tignan ng mabuti ngunit hindi ko talaga maaninag ng biglang mag bukas na ang ilaw at nag simula na ring mag bukas ang kurtinang pula
"Parang pamilyar ang lalaking ito saakin" bulong kong sabi gulat naman akong napatingin kay Leonor dahil nag salita ito "tama ka dahil siya ang iyong nobyo...hindi ba" ngisi niya sabay takip sa kanyang ilong at bibig gamit ang kanyang pamaypay habang tumatawa ng tahimik "sino?" tanong naman ni Clara kay Leonor sabay tingin saaming dalawa.
"Siya ba ang tinutukoy niyo?" sabay turo sa gawi ng lalaki habang ang lalaki naman ay abala sa paguusap sa kanyang katabing  "tama ka" bitin na sagot si Leonor habang tumatawa ulit " heto nanaman po kami hindi ko siya nobyo" saad ko naman habang naka tingin sa kanilang dalawa.
"Hmm... Bakit mo naman itinatago pa kitang kita na nga ng dalawa kong mata kung paano kayo mag yakapan" pag aasar niyang muli sabay ngiti.
"Magandang Hapon mga binibini't ginoo kunting katahimikan lang po tayo'y mag sisimula na, ang kuwentong ating ipapalabas ay patungkol sa pag iibigan ng dalawang bida na nag mula pa sa europa" pag sasalita nang lalaki sa entablado sabay pakita ng bansang italya.
Habang abala ang iba sa panonood ako naman itong hindi makahinga dahil sa katabi ko ngayon ang lalaking sumalo saakin dalawang araw lang ang makalipas at sa kaunting galaw ko lang ay mararamdaman ko ang bisig niya pilit ko ring lumalayo na baka mag tama ang aming mga braso dahil sa oras na baka mag tama ang aming mga braso tiyak na magtataka ito.
"Ano nga uli ang itatanghal ngayon??"
Pag tanong ni Leonor sa aming dalawa "ang pag iibigan nila Romeo at.."saad ko di ko na naituloy dahil sa gulat na mag kasabay kaming mag salita "Ang pag iibigan nila Romeo at Julieta na mula sa italya" pag tutuloy niya sabay tingin saakin na siyang kinagulat naming tatlo

Komentar Buku (5)

  • avatar
    Tata Tambor Abong

    okkaayo

    03/01

      0
  • avatar
    Micaela De Asis

    💗💗💗

    02/01

      0
  • avatar
    Zoe

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    28/08/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru