logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 06

DIANARA
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwartong inaakupa ko rito sa Penthouse ni Zihyun dahil matapos mangyari ang pagpirma n'ya ng kontrata kanina ay agad nya akong hinila palabas ng bahay nila at dinala ako rito sa LH Building.
Nasa kabila lang ang kwarto n'ya at bago n'ya ako iwan dito sa kwarto ay sinabi n'yang tawagin ko lang s'ya kung may kailangan ako.
Pero dahil nga nahihiya ako lalo na sa mga binitawan kong salita sa kanya noong nasa Mall kami ay hindi ko 'yon gagawin.
Wala naman akong sakit para mang-utos, lalo na at s'ya pa ang may-ari nitong tinutuluyan namin. 
May hiya ka pa pala,Daya?
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto at saka ako lumabas, bumungad sa 'kin ang malinis at malaking sala ng penthouse ni Zihyun.
Tiningnan ko ang pintuan ng kwarto n'ya at nang makitang nakasara iyon ay agad akong nagtungo sa kusina, hindi naman ako nahirapang hanapin ang kusina n'ya dahil nung dumating kami kanina ay pinaalam n'ya na sa 'kin kung nasaan ito.
Pagpasok sa kusina n'yang halatang pang-mayaman ay pinuntahan ko agad ang ref at naghanap doon ng maluluto.
Mayroon s'yang bacon,sausage,egg,ham at iba't-ibang klaseng alak sa loob no'n. Pati ref ay organize, hindi mo aakalain na lalaki ang nakatira.
Nang may mahanap akong isang buong manok ay agad ko iyong kinuha. Simpleng adobong manok lang ang niluto ko at sa loob nang isang oras na pagluluto ay natapos din ako.
Kinuha ko naman iyong rice cooker na may luto ng kanin. Matapos ihanda ang makakain sa dining table ay sakto namang kumulo ang tiyan ko. 
Napaigtad ako nang pagharap ko sa pintuan ng kusina ay naroon na si Zihyun at nakahilig sa hamba ng pinto.
"U-uh...babayaran ko na lang yung...yung mga—"
"What did you cook?" Tanong n'ya at umayos ng tayo at lumapit sa hinanda ko sa dining table.
"Uh...adobong manok." Sagot ko at lumapit na rin doon saka naupo sa tapat n'ya.
"Uh-huh..." Tugon n'ya bago nagsandok ng kanin, akala ko ay para sa kanya iyon kaya gano'n na lang ang gulat ko nang ilagay n'ya iyon sa pinggan ko. Nagsandok pa s'ya ulit at nilagyan ang pinggan ko, hindi pa siya nakuntento sa dami kaya nang akmang ilalagay niya ulit sa pinggan ko ang ikatlong sandok niya ng kanin ay pinigilan ko na ang kamay niya na ilagay iyon.
"T-tama na to. Hindi ko na mauubos kapag dinagdagan mo pa masasayang lang." Wika ko at nang tingnan ko ang reaksyon n'ya ay nakatingin lang s'ya sa kamay n'ya na hawak ko. Agad kong tinanggal iyon at nagsandok na lang ng ulam.
Ipinilig niya ang ulo niya at tumikhim saka naglagay ng kanin sa pinggan niya.
Ilang minuto kaming tahimik na kumakain lang nang bigla s'yang tumikhim dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Nilunok muna n'ya iyong nginuya n'ya bago siya nagsalita. "About the marriage contract, I will talk with my mother to cancel it if you'll just continue acting like that."
"Ha?"
"That." He pointed out, "I like the fiesty Dianara not the shy one—"
"Sure ka? Mabilis pa naman akong kausap." Napangisi ako nang sabihin ko iyon sa kanya pero agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko nang ngumiti s'ya dahilan para mas lalo pang nadepina iyong nag-iisang dimple n'ya sa kanan.
"Yeah, kapag ako ang kasama mo huwag kang mahihiya, next week lang ay opisyal na asawa na kita." Doon nawala ang ngiti ko at mukhang napansin n'ya 'yon. "If you're uncomfortable hearing that. I'm not sorry, take it or leave it."
Parang nahirapan akong lunukin kung ano man ang bumara sa lalamunan ko nang sabihin n'ya iyon. Pero mukhang hindi n'ya napansin ang naging reaksyon ko sa huling sinabi n'ya dahil nagpatuloy na s'ya sa pag-kain.
Take it, nahiya ka pa girl. Ipinilig ko ang ulo ko nang sabihin iyon ng mumunting boses sa isipan ko. Siguro kung nagkatawang tao lang ito ay kanina ko pa itong nasakal.
"HOY, TOTOO KASAL KA NA?" Impit na tumili si Martha nang sabihin ko iyon sa kanya, nag v-videocall kami ngayon at sinabi ko sa kanya ang nangyari sa araw ko pero hindi ko binanggit sa kanya kung sino at paanong nangyari lahat. "Pero...hindi ba masyadong mabilis? Sino ba 'yang asawa mo at ng makotongan ko, hindi ako inimbitahan e."
"Fixed marriage lang kasi Marth," Hindi ko mapigilang sabihin sa kanya.
"Ah ok—" natigilan s'ya at kumurap-kurap. "Ano'ng sabi mo? FIXED MARRIAGE?!"
Tumango ako at napilitan nang i-kwento sa kanya lahat-lahat, at ang tanging sinabi n'ya lang ay, "Mahirap yung ganyan pero kung isang Jeon lang din naman ang magiging asawa, go ako 'te."
Napailing na lang ako at saka nag-paalam na sa kanya dahil nakaramdam na ako ng antok.
Matapos iyong hapunan namin kanina ni Zihyun ay nagpresinta s'yang maghugas ng pinag-kainan at sinabi n'yang kaya na n'ya yun kaya hindi na ako nagpumilit.
At nung nasa kwarto na ako ay sakto namang tumawag si Martha, sa sobrang pagod ko siguro ay nakatulog agad ako pagkatapos mag-paalam kay Martha.
MAAGA AKONG nagising kinabukasan dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Rafael—iyong pumunta sa bahay namin sa Antipolo. Gusto n'ya daw ako makausap in person since nasa Manila naman daw ako kaya pumayag ako.
Simpleng plain white na spaghetti strap at white cargo pants tsaka black na boots—ang nag iisa kong boots ang suot ko. Hinayaan kong nakalugay lang ang buhok ko at ang dala kong bag ay iyong black sling bag ko na nabili ko lang sa ukay noong nakaraang taon pa.
Lumabas ako ng kwarto na s'ya ring paglabas ni Zihyun at agad na dumapo ang tingin n'ya sa 'kin saka ako hi-nead to foot. 
"Where are you going?" Tanong n'ya.
"May I-me-meet lang ako—"
"—where?"
"D'yan nga lang sa labas." Sagot ko at akmang lalagpasan na s'ya nang bigla hinigit n'ya ang braso ko dahilan para mapahinto ako at tiningnan s'ya mata sa mata na sana pala ay hindi ko na lang ginawa dahil matiim ang titig n'ya sa, dibdib ko.
 Sh*t!
Napailing-iling s'ya saka binalik ang tingin sa mga mata ko. "Sasamahan kita."
Seryoso ba ang lalaking 'to? Sasamahan n'ya ako tapos suot lang ang puting sando at khaki shorts with matching messy hair pa? Hindi naman halatang bagong gising s'ya, 'no?
"Hindi na, mag ta-taxi—"
"—No, I'll go with you. May bibilhin din ako sa Mall for my friend's upcoming birthday" aniya. "Wait here, I'll just go get my car key."
Wala pang limang minuto ay lumabas din s'ya suot naman ngayon ang gray cargo short at white t-shirt.
PAGDATING namin sa Mall ay agad din s'yang nag-paalam para bumili na ng pang-regalo sa kaibigan n'ya at sinabing i-te-text n'ya na lang ako kung sakaling wala pa ako sa parking lot.
Kanina lang din kami nagbigayan ng phone number kaya ayos na rin 'yon kaysa naman puntahan niya pa ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Rafael.
Pagdating ko sa café na sinabi ni Rafael ay nakita ko agad s'ya malapit sa glass wall at nakaupo habang nakatingin sa kawalan.
Lumapit ako sa kanya at agad naman s'yang nagtaas ng tingin at nang makita ako ay napangiti s'ya, binigyan ko s'ya nang tipid na ngiti at naupo na sa katapat n'yang upuan.
"I'm glad you came, Ate." Ngumiti s'ya at iminuwestra sa 'kin ang isang tasa na may lamang kape.
"Thanks!" Ani ko.
"Matagal na kitang gustong makausap minsan nga ay pumupunta pa ako sa bahay n'yo in Antipolo pero ang naabutan ko lang doon ay si Tito!" Panimula n'ya.
"Kaano-ano ka ni Tatay?" Diretsang tanong ko.
"He's my uncle—"
"—kung ganoon bakit hindi ko naman kayo nakikita at hindi rin kayo nai-kwento sa 'kin?" Naguguluhang tanong ko at hindi ko mapigilang mapatingin sa mata n'yang kulay abo gaya ng sa 'kin.
"You see our family is damn complicated. Mom and Tito is siblings but our grandparent's don't like Tita Fatima cause she's from a poor family."
Nang banggitin n'ya ang pangalan ni Nanay ay kumabog ang puso ko, kilala rin n'ya si Nanay.
"P'wede mo bang i-kwento sa 'kin lahat nang alam mo tungkol sa kanila?"
"It's not my story to tell, Ate—"
"Kanina mo pa ako tinatawag na 'Ate', ilang taon ka na ba?" Kalmadong tanong ko.
"I'm twenty-six."
"Parehas lang naman pala tayo ng edad—"
"Yeah, 'cause we're twins you know." Aniya na nagpatigil sakin sa pagsasalita.
"K-kambal? Kambal kita? Paano?" Mas lalo tuloy akong naguluhan.
"Inampon ka lang nila Tita Fatima kasi 'yon ang gusto ni Mommy para hindi ka kunin ng pamilya ni Dad sa amin—"
"Inampon?"
"Yes. Tunay kang Gil dahil magkapatid si Mommy at Tito—the one who adopted you, more on cared for you ever since you're a kid."
Halos hindi ma-proseso nang utak ko ang lahat nang nalaman ko ngayon tungkol kay Tatay at sa totoong Mama ko.
Bakit parang ang unfair?
"Basically, pinsan natin sila Felicia." Aniya.
"Eh, bakit ba kasi 'Ate' ka nang 'Ate'? Kakambal mo 'ko—"
"Mas matanda ka sa 'kin nang anim na minuto." Wika n'ya at nagkibit balikat.
"So....kapatid pala talaga kita?" Tumanog naman sya. "Tapos yung kasama mong pumunta sa bahay namin sa Antipolo ay ang magulang natin?''
"You got it, right."
"Bakit ngayon niyo lang ako naisipang puntahan?'' Hindi ko mapigilang itanong.
Sumimsim si Rafaela ng kape niya bago ako sinagot, "Dad's family doesn't want a woman to manage the Hidalgo Empire, they suggested to k*ll you but Mom begged our Uncle, the man who thought is your father, to take you somewhere that is far from Dad's family who wanted to k*ll you that time."
"Ano'ng dahilan para ngayon niyo lang ako sinubukan na kausapin tungkol dito?''
"Our grandparents on our father's side are both de*d and Mom finally decided to talk to you 'cause no one will hurt you now."

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Eliza Cabailo Cabildo Herrera

    good story

    29d

      0
  • avatar
    Mark Jhun Gonzaga

    p kkkkkk

    12/08

      0
  • avatar
    Babyjane Sambayon Keliste

    botjbinibivucycycycubkvjcyfyvjvufugufufugjjvjvjvjgjvjvigivjvkbkbkbkbkbkhkbjguvugjgjgigigjvivjvjgkhkhkhkhkbigigigihihkbkbkbkbkboboboblbkbjvkvurugjfnjvkgjgkfjfyddyfjcjcucjcjfjfjfucitrcdrrerereufufufucufufugivhchchcufuguguvjvjvhkbkbohigiguryeteutiyogjcjcnvkhlhouogicjgohiguf gyftsestfuguvhhcgcgycvvuvucgcgcvujbjbibjvivivuvugugucufucucucucufufufufucucugyfyguguvuguvucycycycycufhchgugugufufugjfififufufufufufufigifiigigufufufufugififjfifigigigogifififjfifigigigjgjfjviviciviivivoiîufufufydyfugigififigigig

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru