logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Pag-dungaw niya sa bintana nakita niyang umaambon na hanggang sa lumakas na. Pinalitan niya ang suot niyang damit ng rashguard. Tumakbo siya papunta sa dalampasigan, para siyang batang tuwang tuwa. Solong solo niya ang dagat dahil siya lang ang tao, sumisid siya sa malalim na parte ng dagat. Nang medyo lumakas na ang alon umahon na siya ngunit bigla siyang natumba dahil nakabangga siya sa isang bulto. Hindi niya nakita na may tao dahil nakayuko siya.
“Ayos ka lang, Miss?” pamilyar ang boses. Inabot nito ang kamay upang tulungan siyang tumayo ngunit parehas silang nagulat nang tumingala siya.
“Ikaw!” sabay na wika nila. Tinabig niya ang kamay nito. Kaya niyang tumayo kahit hindi siya tulungan nito.
“Hanggang dito binabangga mo ako!”
“Hindi kita nakita dahil ang liit mo,” naiinis siya sa sinabi nito.
“Bawiin mo ang sinabi mo!”
“Bakit ko babawiin ang sinabi ko? Totoo naman ang liit mo. Bakit kasi nag-lalakad kang nakayuko? Hindi ka talaga marunong mag-ingat.”
“Kahit mag-ingat ako kung sinasadya mo talaga na banggain ako wala din saysay ang pag-iingat ko. Ang lawak lawak kasi ng dalampasigan dito mo pa talaga napili dumaan banda sa akin!” aniya. May dalawang mata naman ito para makita na may tao. Anong silbi ng mata nito kung hindi gagamitin? Lalong nadagdagan ang inis niya sa lalaki. Hindi niya pa nga nakakalimutan iyong nangyari sa parking lot tapos ngayon gagawa naman ito nang eksena.
“Ano magagawa mo dito ko gusto dumaan?” tanong nito. Napaatras siya sa dagat dahil unti unting lumalapit ito. Advance lang siya mag-isip baka halikan naman siya.
“W-wala, maaari bang huwag ka sa akin lumapit.”
“Bakit natatakot ka bang mahalikan?” nakangising tanong nito.
“Hindi!” matapang na sagot niya. Itutulak niya na sana ito ngunit biglang kumulog nang malakas sa gulat niya napakapit siya sa braso nito. Bakit ngayon pa kumulog? Simula noong bata pa siya takot na siya sa kulog. Malamang tuwang tuwa itong manyak na ito kasi mag-kadikit na ang katawan nila.
“Kanina ang tapang tapang mo tapos ngayon takot na takot ka dahil lang sa kulog,” bumuntong-hininga ito. “Sorry pero iiwan na kita dito. Wala ako pakialam kung takot ka sa kulog." Ang sama talaga ng ugali nito, nangangatog na nga ang tuhod niya sa takot. Tatanggalin na sana nito ang kamay niya sa braso nito ngunit hindi natuloy dahil yumakap siya rito. Pakiramdam niya ang init kahit ang lamig, lumakas din ang tibok ng puso niya.
“Kahit ngayon lang maging mabait ka sa akin,” mahinang wika niya. Wala na siyang narinig na salita mula rito, hanggang sa huminto ang ulan. Kusa na siyang kumalas sa yakap at tumalikod na siya. Hindi na siya nagpasalamat dahil nakaramdam na siya ng hiya. Hindi pa siya nakakalayo nang tawagin siya nito. “Era! Sorry,” napahinto siya. Hindi dahil sa nagsorry ito kundi dahil alam nito ang pangalan niya. Wala siyang maalala na sinabi niya rito ang pangalan niya. Paano nito nalaman? Paglingon niya wala na ito, parang ang bilis naman ata nito maglakad. Hanggang sa makarating siya sa kwarto iniisip niya pa rin ito.
“LE,” tawag ni DG. Binuksan niya ang pinto.
“Pasok kana muna.”
“Grabe, ang tagal mo maligo sa dagat. Kami ni Lia, bukas na lang maliligo kapag mainit na.”
“Masarap kasi magbabad sa dagat." Bigla sumagi sa isip niya na baka si Lia, ang nagsabi ng pangalan niya doon sa lalaki. Maaaring kakilala ito ng kaibigan niya pero impossible naman, tatanungin niya na lang mamaya si Lia.
“Puntahan natin si Lia, para masimulan na natin uminom,” aya ni DG. Eksaktong paglabas nila palabas na din si Lia sa kwarto nito. Malapit sa may tabing dagat ang napili nilang pwesto, tumupad siya sa usapan nila na mag-papainom siya. Ginawa niyang dalawang bucket ang order niyang san mig.
“LE, wala ka naman sigurong balak na lasingin kami,” wika ni Lia.
“Mayroon, uubusin niyong lahat iyan.”
“Kami lang iinom? Ikaw hindi? Unfair naman.”
“Ahh—ei, oo kayo lang. Pero nagbibiro lang ako syempre," medyo nagalala siya sa sarili niya. Kaya niya pa kayang uminom ng madami? Kung sabagay ngayon na lang siya iinom ulit. Kagabi pala uminom din siya ng wine, okay lang siguro iyon.
“Okay lang iyan kung hindi uminom si LE, para may magbantay sa atin,” saad ni DG.
“Hindi pwde, kailangan tumikim din siya para hindi lang tayo ang malalasing.”
“Oo na nga, iinom na ako, Lia.”
“Ganyan nga LE, cheers." Tingin niya matatagalan sila uminom kasi hindi naman malakas uminom si Lia. Pero kung iinom din siya ng madami malamang saglit lang itong san mig sa kanila ni DG.
“Ano Lia, nakahanap kana ba ng lalaki?”
“Wala pa nga LE, minamalas ako ngayong araw maghanap ng lalaki. Iyong mga gwapo na nakita ko hindi ko na nakitang muli.”
“Naku, baka alam nila na pinagpapantasyahan mo sila kaya nagtago na.”
“Buti nga pinag-papantasyahan ko sila. Nakakawalang gana tuloy," hindi nila mapigilan ni DG, na hindi matawa. Para kasing problemado si Lia sa lalaki.
“Madaming boylet dito oh! Huwag mo na hanapin iyong nakita mo,” aniya.
“Wala akong ganang maghanap ngayong gabi dahil mas masarap uminom.”
“Hindi kaba nang-hihinayang sa pakalat kalat na lalaki ngayon? Tingnan mo ang dami nila.”
“Hindi, LE.”
“Bukas pa iyan magkakaron ng gana ulit sa lalaki,” saad ni DG.
“Lia, may itatanong ako sa iyo. May kakilala kabang nandito din sa resort?”
“Wala, bakit LE?”
“Wala naman natanong ko lang," ibig sabihin hindi talaga kilala ni Lia, iyong lalaki.
Nakatingin siya sa kabilang table habang nagiisip, siguro nahulaan lang ang pangalan niya. May umupong tatlong lalaki sa katabi nilang table pero hindi niya pa rin maalis ang tingin niya doon. Nagtama ang mata nila ng lalaki, nakilala niya kaagad ito. Bakit kung saan siya nandoon din ito? Sinusundan ba siya nito? Minamalas pa naman siya kapag nakikita niya ito.
“Heineken ba bro?” narinig niyang tanong ng kasama nito.
“Yeah," ang mata nito nanatiling nakatingin sa mata niya. Nakipagtitigan siya rito wala siyang balak bawiin ang tingin niya hangga’t hindi nito binabawi ang tingin. Talo siya kapag siya ang nauna hindi nga siya kumukurap, ngumisi ito. Alam talaga nito kung papaano siya inisin, ang sarap batuhin ng bote.
“Draven, wala kabang balak mambabae?” tanong ng kasama nito. Kung hindi pa nagtanong ang katabi nito hindi niya maaalala ang pangalan nito. Hindi niya agad naalala ang pangalan ng lalaki. Kung sabagay, sino ba ito para tandaan niya ang pangalan? Buti na lang makakalimutin siya.
“Wala.”
“Ano ba iyan bro? ang boring naman ng buhay mo. Ihahanap nga kita ng babae.”
“Huwag na bro, hindi ako interesado sa babae. Sasakit lang ang ulo ko sa kanila."
Tumaas ang kilay niya, hindi ba nito alam na mas masakit sa ulo ang mga lalaki. Nakakahiya naman sa kanilang mga babae na palaging niloloko ng lalaki. Nabuhay ang agam agam niyang galit sa mga lalaki. Bakit ba nakalimutan niyang manloloko lahat ng lalaki? Bukod pa diyan mga sinungaling walang isang salita mga paasa. Sa inis niya natungga niya ang isang boteng san mig.
“Alam mo Nike, ikaw na lang mambabae.”
“Cole, kailangan mambabae si Draven, upang magkaroon ng kulay ang buhay niya.”
Ano tingin ng mga ito libangan lang ang babae, pampalipas ng oras? Napakuyom ang kamao niya. Kaya madami ang umiiyak na babae dahil sa mga ganitong klaseng lalaki. Uminom pa siya gusto niya malasing, hindi niya na mapigilan ang galit, binagsak niya ang bote sa lamesa. Nagulat ang mga ito pati sina Lia at DG.
“Anong nangyari, LE?” nag-aalalang tanong ni DG.
“Wala! Magpapahangin lang ako upang mabawasan ang galit ko sa mga lalaki," sinadya niyang lakasan ang boses niya upang marinig nina Draven.
Iniwan niya ang dalawa niyang kaibigan, hindi niya alam kung saan siya papunta ang gusto niya lang lumayo sandali. Mas mabuti nang umalis siya kaysa makagawa siya ng hindi maganda. Malaki talaga ang galit niya sa mga lalaki pero nitong mga nagdaang taon medyo nabawasan na. Pero tuwing naaalala niya ang dahilan kung bakit siya galit sa mga lalaki umuusbong ang pagkamuhi niya sa lahat ng lalaki. Alam niyang mali idamay ang lahat ng lalaki ngunit tao lang siya, nasaktan siya. Sinubukan niya naman na huwag mamuhi sa lalaki ngunit hindi niya magawa. Oo, Walang alam ang mga ito sa pinag-dadaanan niya subalit kalahi pa rin ng mga ito ang lalaking nanakit sa puso niya. Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya? Ganito na lang ba siya habang buhay? Kailan mawawala ang galit sa puso niya? Ang daming katanungan niya sa sarili niya na hindi niya masagot. Umupo siya sa buhangin, humagulhol siya. Kahit ayaw niyang umiyak hindi niya pa rin mapigilan ang pag agos ng luha niya.
“Punasan mo ang luha mo ang pangit mo tingnan.” Tumingin siya sa nag-abot ng panyo ngunit hindi niya kinuha. Pinahid niya ang luha niya, bakit siya sinundan nito? Hindi niya kailangan ng karamay, manhid ba ito? Hindi ba ito nakakahalata na naiinis siya. Sana naman marunong itong makiramdam na gusto niyang mapag-isa.
“Umalis ka!” aniya. Umupo ito sa tabi niya kahit tinataboy niya na ito. Bakit ba ang tigas ng ulo nito? Hindi niya naman ito kaano ano pero kung umasta parang close sila.

Komentar Buku (73)

  • avatar
    Mitz Chesca

    so awesome and I love you

    5d

      0
  • avatar
    SisterJericho

    great

    14d

      0
  • avatar
    Edith Escobel

    because the story is so beautiful I'm going to happy to story is so very I'm happy to reading the story

    29d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru