logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Red Mask Gina A. Chapter 7

SA MAY GATE nang bahay ng Morale inihatid ni Alexis ang mga ito.
"Pumasok muna kayo," anyaya ni Enrique sa dalawa gusto kasi niyang makasama pa ang babae.
"Huwag na, Sir Enrique, kailangan ko pa siyang dalhin sa hospital, pakisabi na lang sa kay Sir, na umalis na ako."
"Okay," may ngiting anito alam kasi nitong hindi ito ang huling pagkikita nila ng babae. Tumingin siya rito."Magkikita pa tayong muli, miss." panigurado niya sa sarili.
Hinintay muna ni Alexis na makapasok sa loob ang kotse ni Enrique saka sila umalis.
Habang nasa daan sila."Okay ka lang ba ha, Miss? May masakit ba sa iyo?" tanong ni Alexis sa babae.
Napaisip si Shola bakit tila alalang-alala ito sa kanya hindi naman siya napaano eh? Baka akala nito nasaktan siya dahil napaupo siya kanina. Kung nangyari man ito okay lang sa kanya masmalala pa nga pag umakyat sila ng puno ni Abet minsan bumabagsak siya sa lupa pinagtatawanan pa siya ng kapatid.
"Saan ka pala nakatira?" pukaw ni Alexis sa pananahimik ng babae.
Napaisip si Shola saan nga ba? Wala naman siyang alam alangan naman nasabihin niya sa lalaki na sa isang tribo siya nakatira hindi rin niya alam kung saan ito parte kahit nga Hilaga, Kanluran, Timog, Silangan, di niya masabi kung alin doon.
"Miss...? Teka ano nga pala ang pangalan mo? Ako nga pala si Alexis," pakilala niya.
"Shola." walang katol niyang tugon. Hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihin ang pangalan niya hindi naman niya mabawi dahil nasabi na."Ay ang tanga ko talaga bakit ko sinabi," pagalit niya sa sarili.
"Shola, bagay sa iyo. Pangalan ng diyosa na kapuri-puri. At ang ganda mo!" walang halong kasinungalingan ang kanyang sinabi at galing ito sa kanyang puso.
"Salamat, pero ang tingin ko sa akin sarili simple lang naman ako."
"No, you are not, meron kang kakaibang ganda so exotic."
"Talaga? Eh ano ang e..." inisip niya ang sinabi ng lalaki inilagay pa ang hintuturo sa sintido."E...exotic  na sinasabi mo?"
Napangiti si Alexis ang cute kasi ng babae."Believe me, Shola. Exotic, iyon kakaiba sa lahat basta maganda ito hindi ko ma-explain kung gaano kaganda."
Napatingin si Shola sa binata iba kasi ang dinig niya sa pagbigkas nito sa kanyang pangalan, meron bang kakaiba hindi lang niya masabi ito. Napansin niya ang ngiti ng lalaki. Napatitig siya rito at bigla na lang pumintig ang kanyang puso. Dinama niya ang dibdib damang-dama niya ang mabilis na pagtibok ng puso."Huh! Ano ito? Bakit ganito? Anong nangyayari sa puso ko?" sunod-sunod niyang tanong sa sarili.
Kung sa tribo nila tinatawag siya sa kanyang pangalan na Shola nang mga kabinataan wala lang sa kanya pero ngayon may nadarama siyang kakaiba nakikiliti ang kanyang puso.
Ramdam ni Alexis ang titig nang babae sa kanya. Ewan ba niya pero masaya siya."Bakit?" tanong niya.
"Huh, bakit? Para saan?"
"Ah, bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?"
"Masama ba?"
"Hindi kung katulad mo ang tititig sa akin, kahit pa nga habang-buhay mo akong titigang it is my pleasure."
"Ha?" Napasama sa paggalaw ang mukha ni Shola sa pag bigkas niya ng ha." Habang-buhay? Diba mag-asawa lang ang habang-buhay na magkasama, ibig mong sabihin gusto mo akong makasama habang-buhay? O maging asawa?"
Napangiti si Alexis damang-dama niya ang kainosentihan ng babae, he want to said yes pero maaga pa para rito not now alam niya na darating ang araw oras para sa ganon bagay. At alam niya sa sarili tinamaan nang pana ni Kupido ang kanyang puso para sa babae. Love at first sight no. Minsan na niyang nadama ito noon. Basta masasabi niyang gusto niya ito."Oh, narito na tayo."
Napatinngin ni Shola ang taas ng hospital kung saan nakapaskil ang pangalan nito.
"Monticello hospital," basa niya.
"Oo, pag-aari ito dati ng mga Monticello."
Napatingin si Shola sa lalaki dahil sa sinabi nito."Dati? Bakit ngayon?"
"Kasi wala ng mga Monticello rito, kaya pag-aari na ito ng mga Morale."
Naikuyom ni Shola ang kamao."Bakit sa kanila? Di ba hindi naman nila pag-aari ito?"
"Walang magagawa ang mga mamamayan dito dahil sila na ang namamahala sa bayan ito, dati ang pangalan ng bayan ito ay Monticello pero pinalitan ni Fernan, ng Morale."
Muling ibinalik ni Shola ang tingin sa karatula.
"Mabuti nga hindi pinalitan ang pangalan nitong hospital, gusto niya pero ayaw ng mga Doctors sabi kasi nila, tama lang na may naiwan na ala-ala ang Monticello rito, tara na sa loob para matignan ka at ng makauwi ka na at makapagpahinga."
Sa totoo lang wala naman masakit sa kanya ayaw na sana niyang mag pa check-up kaso gusto niyang pumasok sa loob para madama ang pagiging Monticello niya.
Habang tinitignan ng nurse si Shola, ang mata naglikilikot sa paligid."Sir, wala naman galos si Ma'am," wika ng nurse.
"Sigurado ka, Miss?" paniguro ni Alexis.
"Sabi ko naman di ba okay lang ako," sabat ni Shola.
Dahil walang makitang galos o ano man kay Shola agad na rin silang lumabas.
Patungo na sila sa kinapaparadahan ng sasakyan ni Alexis may nakasalubong sila binati ni Alexis ito."Mayor?"
"Captain Alexis, anong ginagawa mo rito?" napatingin ito kay Shola.
"Pina-check up ko siya, Mayor." Tumingin siya kay Shola.
"Ang ganda ng kasama mo, Alexis. Girlfriend mo?"
Hindi naman nakasagot kaagad si Alexis, si Shola ang sumagot dahil hindi niya alam ang ibig sabihin ng girlfriend.
"Oo, girlfriend niya ako."
Kunot-noo na napatingin bigla si Alexis sa dalaga. Gusto niyang itama ito pero naisip niya huwag na ito naman ang nagsabi.
"Mabuti kung ganon, hindi mo ba ako ipakikilala sa girlfriend mo, Captain Alexis? Oh ako na lang."
Halata sa Mayor na natipuhan nito si Shola."Ako pala si Mayor Roco Arco." Nilahad  nito ang kamay kay Shola.
Hindi alam ni Shola kung para saan ang paglahad nito ng kamay napatingin lang siya sa palad nito.
"Hindi mo ba naintidihan ang sinabi ko? Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo tapos ilagay mo ang iyon kamay sa kamay ko," turo nito.
"Ah, Shola."
"Shola, ano?"
"Shola Mo..." natigilan siya mabuti na lang hindi niya nasabi na buo ang Monticello." Shola Padilla."
"Nice meeting you, Shola Mo Padilla, take my hand."
Napilitan tangapin ni Shola ang kamay nito.
Pagkadalaiti ng kanilang kamay  napatitig si Shola sa mata nito.
Boss ibalato mo na sa amin ang mga babae ang gaganda nila.
Gago wala sa plano iyan mabait pa rin ako sa kanila. Narinig niya pero hindi niya nakita ang kinakausap nito.
Pinisil ni Mayor ang palad ng dalaga hinayaan lang naman ito ni Shola."Hayop ka, ikaw ang mauuna!" sa isip niya.
Nakangiti ng maluwag ang Mayor akala nito nagustuhan ng dalaga ang ginawa niya.
"Ehemmm, Shola. Ihatid na kita, alam ko pagod ka," pagpaparamdam ni Alexis ayaw niya sa nakikita kilala niya ang Mayor babaero ito. Hinila niya si Shola para malayo ng bahagya sa mayor.
Lahat ng tauhan na kasama ni Fernan noon mangyari ang krimen na ginawa nila sa pamilya Monticello, may ibinigay siyang mga katungkulan sa bayan may vice Mayor, at Mayor at iba pa.
"Mayor, mauna na kami sa iyo."
"Sige, Captain Alexis, Shola, saan ka nakatira?"
Hindi umimik si Shola ngayon palang gusto na niyang baunan ng patalim ito meron siyang dala nakatago sa kanyang hita.
Nagkabit balikat na lang si mayor sa hindi pag sagot ni Shola.
Nang makalayo na sina Alexis."Napakagandang babae!" Ngumisi ito sa isip niya maging akin ka kahit pa kasintahan ito ng kapitan. Mayor siya kapitan lang ito.
Nang nasa sasakyan na sila."Shola, bakit mo sinasabi kay Mayor na girlfriend kita?"
"Bakit masama ba?"
"Hi...hindi!"
"Ano ba ang ibig sabihin ng girlfriend?"
May pagtataka sa mukha ni Alexis, bakit hindi nito alam ang ibig sabihin ng girlfriend."Saan ba ito nang galing?"
"Bakit ayaw mo akong sagutin?"
Sa isip ni Alexis, bakit pa niya sasabihin ang totoo sa dalaga eh pag nalaman nito ang ibig sabihin baka bawiin pa ang nasabi.
Ngumiti siya iba ang kaniyang sagot."Saan ba ang bahay ninyo, Shola?"
Ang tanong muli ni Shola sa sarili."Saan nga ba?"wala siyang maisagot na tirahan niya sa Monticello."Sige deretso lang," nasabi na lang niya.
Dumere-deretso naman si Alexis hanggang sa dulo ng daan. Ang Mansion na nang mga Monticello ang nasa dulo. Huminto si Alexis dahil wala ng ibang bahay maliban sa Mansion.
"Monticello Residents," basa ni Shola.
"Shola, saan ka ba talaga nakatira? Wala naman bahay na iba rito kundi iyan mansion ng mga Monticello dati, sa likod meron mga kabahayan doon ka ba makatira?"
Tila walang narinig si Shola sa sinabi ni Alexis dahil ang mata at isipan nakatuon sa mansion. Wala sa sariling Binuksan ni Shola ang pinto ng sasskyan agad na bumaba.
Napasunod si Alexis."Shola?" aniya.
"Salamat dito na lang ako, umuwi ka na."
May pagtataka sa isipan niya si Alexis kung bakit bumaba si Shola."Pero, hindi kita iiwan dito, Shola."
"Okay na ako, salamat ulit, maglalakad na lang ako pauwi sa bahay." pagsisiningaling niya.
Hindi kunbinsido si Alexis sa sinabi ni Shola."Sigurado ka?"
"Oo, kaya iwan mo na ako, salamat."
Walang nagawa si Alexis kundi iwan na ang dalaga. Pagkasakay niya sa sasakyan at pinausad kumaway ang dalaga sa kanya ganon din ang ginawa niya."Sino ka ba, Shola Mo Padilla? At saan ka ba galing? Bakit bigla ka nalang sumulpot dito? Isa kang misteryosa para sa akin, pero aalamin ko kung sino ka." napasulyap si Alexis sa side mirror nakatayo pa rin si Shola na nakatingin sa kanyang paglayo.

Komentar Buku (66)

  • avatar
    Nathaniel Rivera

    willa

    10h

      0
  • avatar
    Bj Prado

    magangda

    6d

      0
  • avatar
    Cecil Alburo

    nice

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru