logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Red Mask Gina A. Chapter 5

NILAPITAN NI SHOLA ang ina ng makita niyang nag-iisa itong nakaupo sa likod bahay nila at tila malalim ang iniisip. Gusto niyang kausapin para marinig mula rito ang katotohanan sa kanyang nakita sa mata nito."Inang?" Napatingin ang ina sa kanya umupo siya sa tabi nito."Inang, sabihin mo sa akin ang totoo. Gusto kong marinig mula sa iyo sa nakita ko sa mata mo."
"Shola, Anak." Hinawakan niya ang palad ng dalaga.
"Gusto kong malaman ang totoo Inang, sino ba ako? At sino ang mga lalaking iyon?" sunod-sunod niyang tanong. Tama nga ang kapatid sa sinabi nitong makikita mo ang nakaraan noon. Pagnaisuot muna ang maskara sa mukha mo.
"Puwede bang huwag na natin balikan pa ang nakaraan, masyadong masakit ito, Shola."
"Pero, Inang. Kung ito ang gagamot sa lahat ng sakit, tatangapin ko sabihin mo sa akin."
Napabuntong-hininga ng malalim si Amina, siguro ngay panahon na rin para malaman ng dalaga kung sino ba ito. At isa pa nakita na nito ang nangyari noon."Sige, tutal nasa tamang pag-iisip ka na, Shola. ito na rin siguro ang takdang oras para malaman mo lahat."
"Kung hindi dahil sa maskarang ito..." Hinaplos muna niya ang maskarang nasa braso."Wala akong alam, itatago mo ba sa akin habang-buhay ang lahat, Inang?"
"Oo, ang sabi ko bahala na ang tadhana para sa iyo, Shola. Ito nga gumawa na siya ng paraan. Ikaw si Shola Padilla Monticello, anak nila Clara at Leiden, meron kang masayang pamilya, ang magulang mo sobrang bait nila sa mga tao. Ang bayan nang Monticello ay pag-aari ng inyong angkang  at ito'y pinamana sa iyong Ama. Pero kay lupit ng kapalaran para sa inyo, may taong nainggit o sakim, gusto niyang maghari sa bayan ng Monticello kaya nagawa niyang patayin ang buong pamilya mo." tumulo ang luha ni Amina. Kahit na matagal nangyari ito may panghihiyang pa rin siya kung sana buhay silang lahat siguro ngayon ay masaya silang namumuhay sa Monticello.
Naikiyom ni Shola ang isang kamao, sa hindi maipahiwatig bigla siyang nakadama ng galit sa puso."SINO SIYA, INANG SINO ANG MAY KAGAGAWAN!?" Hindi maikaila sa boses niya ang namumuong galit.
Hinaplos-haplos ni Amina ang hawak na kamay ni Shola, para kumalma ito. Ito lang ang tangi niyang magawa, dahil nararamdaman niya ang galit nito."Si Fernan Morale."
"Fernan Morale? Fernan Morale?" tila ba sinasaulo ni Shola ang pangalan nito.
"Oo, kung makikita mo siya sa kanya mo malalaman ang lahat gaya ng nakita mo sa akin mata."
"Gusto ko siyang makaharap, Inang." Ni minsan hindi siya nag hangad nang kung ano man, masaya na siya sa piling ng kinikilalang pamilya. Pero ngayon isa lang ang nais niya ang makaharap si Fernan Morale na iyom.
"Pero papaano, Shola? Walang nakakalabas dito na galing na sa labas maliban sa mga taga tribo at ang Itang mo."
"Inang, napunta tayo rito ng hindi sinasadya, may paraan din siguro kung papaano ako makakalabas dito."
"Meron," sabat ni Anig nakikinig pala sa kanilang usapan.
Nagliwanag ang mukha ni Shola sa sinabi ng ama."Itang, papaano?"
"Kung saan kayo bumagsak noon, doon din ang daan pabalik sa inyo."
"Anig, di ba ito ay isang bangin na malalim?"
"Oo, ito lang ang daan,  Amina."
"Pero papaano makakalabas, Shola?"
Napatingin si Anig sa maskarang nasa braso ni Shola. Napatingin din si Amina rito."Ang maskara ba ha, Anig?"
"Oo, Amina."
"Itang, samahan mo ako kung saan kami bumagsak noon ni Inang." Nakadama ng kasiyahan sa puso si Shola sa sandaling iyon.
Tumango si Anig sa dalaga.
"Puwede bang ngayon na, Itang?" hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras kung puwede naman pala.
"Oo, sige tara na."
Papalabas na sila ng tribo ng humabol si Abet nakikinig din pala ito sa usapan nila kanina."Sa...sama ako." Hinihingal niyang sabi.
Hindi naman natanggihan ni Shola ang kapatid, dahil malapit siya rito."Sige tara na."
Nang marating nila ang kagubatan."Dito ko kayo nakita, kahit madilim sa gabing 'yon."
Tumingin sa itaas si Shola wala siyang nakikita kundi mga dahon at matatayog na puno.
"Ama, saan ang daan papalabas?" si Abet.
"Kung saan sila na hulog doon din anak."
"Ate, Shola. Kaya mo bang akyatin ang mga puno para makita mo kung ano ang nasa itaas?"
Napatingin si Shola sa maskara sa braso niya kung siya lang hindi niya kayang umakyat. Tumingala siya."Kaya ko sa tulong ng maskara."
"Kung ganon Ate, ano pa ang hinihintay mo gawin mo na."
Ngumiti si Shola."Apurado ka masyado, Abet."
"Atat lang Ate, para makita ko kung gaano kalakas ang taglay ng maskara."
Natigilan si Shola, hindi kasi niya alam kung paano kunin ang maskarang nasa braso."Ate, bakit?" takang tanong ni Abet.
"Oo nga naman Shola, bakit natigilan ka?" segunda rin ni Amina.
"Paano ba?" Napatingin siya sa magulang at kapatid.
"Eh, ano bang ginawa mo sa kuweba para mapunta sa mukha mo ang maskarang iyan, Anak?"
Napaisip si Shola wala siyang maisip dahil abala siya sa dambuhalang ahas eh, umiling siya."Abala kasi ako sa ahas, Itang. Kaya hindi ko napansin kung paano napunta sa mukha ko ang maskara."
"Ate, subukan mong hawakan iyan maskara, susunod siguro iyan sa iyo ikaw kaya ang kanyang Reyna." turo ni Abet.
Sinunod naman ni Shola ang sinabi ng kapatid. Hinawakan niya ang maskara kumapit ito sa kamay napatingin muna siya sa tatlo tumango naman sila bilang pag sang-ayon sa gagawin niya.
Nang mailagay ni Shola ang maskara sa mukha pakiramdam niya tila kinakain nito ang buong katawan at ang mga ugat tila ba naglalakad patungo sa maskara nakaramdam siya nang sakit. Napaluhod siya masakit kasi ang pagdaloy nito sa kanyang katawan.
"Ate...?" Lalapitan sana ni Abet ito pero pinigilan siya ng ama. At umiling ito sa kanya.
Nang humigpit ng husto ang maskara sa mukha napahiyaw si Shola."Ahhh!" Hinawakan ang  maskara gustong-gusto niyang tanggalin ito.
"Anak!" dadaluhan sana ni Amina ang dalaga pero pinigilan siya din siya ng asawa.
"Hayaan mo siya, Amina. Pagnasanay na ang katawan, isip at puso niya wala na siyang sakit na mararamdaman pa."
"Ate, kaya mo iyan, ikaw pa," panpalakas loob ni Abet.
Tumayo na si Shola. Ramdam pa rin niya ang pananakit ng mga ugat pati na rin sa mukha pero kaya na niya itong labanan.
"Sige na, Ate."
Tumango siya sa tatlo. Dahan-dahan muna siyang humakbang hanggang sa pabilis ng pabilis pati ang pag-akyat niya sa puno kay bilis din para siyang female version ni Tarzan sa pag lambitin sa mga baging.
"Ate, ang galing!" tuwang-tuwa  si Abet sa nasasaksihan.
Narating ni Shola ang pinakatoktok ng punong pinakamatayog kitang-kita niya ang buong paligid puro berdeng dahon ang nasisilalayan ng mata.
Napapikit siya huminga ng malalim kay sarap damhin ang sariwang simoy ng hangin kay bango nito.Nagmulat na siya sabay tingala. Nakita niya ang napakataas na lupang pader. Kung nasa taas ka at titingin ka sa ibaba tila isang dangkal lamang ang makikita sa mga puno.
"Saan ako dadaan diyan ang taas, ah?"
"Ate, anong nakikita mo!"sigaw ni Abet.
"Anak, hindi ka marinig ng Ate mo, dimo nga siya nakikita di ba?"
"Nagbabakasakali lang naman ako, Inang."
Dinig ni Shola ang sigaw ng kapatid pati pandinig niya kaytalas na mabilis siyang bumaba.
"Oh, hayan na si Ate."
Nang makalapit si Shola sa kanila."Anak, ano?" tanong ni Anig.
"Nakita ko, Ina, Ama, Abet."
"Anong balak mo, Anak?"
"Pupunta ako ngayon sa sinabi mong bayan, Inang."
"Ate, babalik ka pa ba rito?" nalungkot bigla si Abet.
"Oo naman, siyempre narito ang tahanan ko."
"Pero ang totoo mong tahanan ay nasa bayan iyong pupuntahan, Ate."
"Babalik ako."
"Talaga, Ate? Pangako mo iyan ha."
"Oo."
"Sige na Anak, alam kung ito na ang tamang panahon sa pagbabalik mo sa Monticello, pero ang hiling ko lang huwag mong gamitin ang Monticello sa pag papakilala mo sa mga tao."
"Anong ibig mong sabihin, Inang?"
"Delikado para sa iyo pagnalaman ni Fernan na meron, Monticello pang nabuhay, ikaw si Shola Padilla, alam kung kaya mong makisalamuha sa mga tao dahil matalino ka, Anak."
"Sige po Inang, iyan ang akin gagamitin."
"Mag ingat ka, Shola."
"Opo Ama, gagawin ko po ito."
"Ate, puwede bang sumama sa iyo para may kasama ka."
"Saka na, Abet. Pag maayos na ang lahat dadalhin ko kayo sa bayan ng akin magulang, papaano po aalis na ako."
Tumango sila hindi naman napigilan ni Amina na hindi umiyak. Niyakap ni Shola silang tatlo.
Huminga ng malalim si Shola bago siya humakbang tumingin muna siya sa tatlo ngumiti naman sila sa kanya.
Kung anong bilis ni Shola kanina sa pag-akyat mas lalong bumilis ngayon sa isang iglap nasa toktok na siya ng puno.
Dahan-dahan siyang tumuntong sa mga dahon pinakiramdaman niya ang sarili baka mahulog siya wala naman siyang makakapitan. Napangiti si Shola dahil hindi siya napapaano. Inihakbang niya ang isang paa sa dahon baka kasi bubulusok siya pababa. Hindi nangyari pakiramdam niya ngayon tila siya naglalakad lamang sa lupa bumuwelo si Shola at tumakbo ng mabilis patungo sa pader na lupa.
Nang marating niya ang bangin idinikit ang kamay sa lupa tila may magnet ito, dahan-dahan siyang gumapang pataas para siyang gagamba sa sandaling iyon. Dahil masyadong mataas ito parang hindi mo mararating ang ibabaw. Pag-apak ni Shola sa lupa ng Monticello may kaba siyang naramdaman."Ito na ang simula, kung sino ka man, Fernan Morale? Matitikman mo ang galit ng isang Monticello, lahat kayong lumapastangan sa buhay ng pamilya ko!" Naikuyom niya ang kamao.
Umakyat sa isang puno si Shola, tanaw na tanaw niya ang buong bayan ng Monticello. Napakunot-noo siya ng may nakita siyang sasakyan sa di kalayuan sa kanya. At may taong nakasandal dito. Tumingin siya sa ibang direksyon may sasakyan na paparating."Ano kaya ang nga iyan?" tanong niya sa sarili ngayon lang kasi siya nakakita ng ganon uri na bagay.
Mabilis na tinungo ni Shola ang daan para tignan ang nakita at kung ano nga ba ito, nang papatawid na siya, tamang pagdating ng isang sasakyan. Siya ay naguluhan kaya napahinto siya sa gitna.
"May mababanga tayo!" sigaw ng mga nasa loob.
Inapakan agad nang nagmamaneho ang preno kung kayat naglikha ito ng matingding ingay, tamang huminto ang sasakyan sa mismong harapan ni Shola na napatakip sa kanyang tenga.

Komentar Buku (66)

  • avatar
    Nathaniel Rivera

    willa

    10h

      0
  • avatar
    Bj Prado

    magangda

    6d

      0
  • avatar
    Cecil Alburo

    nice

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru