logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Red Mask Gina A. Chapter 3

PINAKIUSAPAN ni Anig ang kanilang mga ka tribo lalo na ang matatanda.
"Bakit, nais mo silang mabuhay, Anig?" tanong ng pinakamatanda sa tribo.
"Tata, Ampin. Ito ang sinasabi ng puso at isipan ko!"
"Bakit nga?"
"Sinasabi ng puso ko, iniibig ko siya." Tumingin siya sa babaeng wala nang buhay.
Kilala nila si Aning, ni minsan wala itong sinasabi sa kanila. At siya ang tagapagligtas nila. Nagtinginan ang mga matatanda at nagtanguhan. Ang ibig sabihin pumapayag sila sa nais ni Anig. Kaya naman inihanda na nila ang dapat nilang gawin para isagawa na ang kanilang ritwal.
Tinanggal muna ng ama ni Anig ang bala na nakabaon sa balikat ni Amina, saka tinapalan ng dahon na gamot. Si baby Shola hinilot-hilot nito ang buong katawan ng sanggol saka may ipinatak na dahon gamot sa bibig nito."Anig, nakahanda ka na ba?"
"Opo, Ama."
Nasa gitna ang wala nang buhay na sina baby Shola at Amina, pinalibutan sila ng mga taong tribo.
Si Anig nakahawak sa ulo ni baby Shola ang ama niya kay Amina naman.
"Umpisahan na natin habang nasa lupa pa ang kanilang anino," ani ng isang matanda.
Naghawak-hawak kamay ang mga ito si Anig at ang ama nasa may ulunan ng dalawa.
Nang mag-umpisa ng mag-usal ng ritwal ang mga ito. Idinikit ng mag-ama ang ulo nila sa ulo nila Amina at baby Shola saka umusal ng taimtim.
Lumipas ang limang minuto pumalahaw ng iyak si baby Shola si Amina napahinga ito ng malalim tila hinahabol niya ang kanyang paghinga.
"Ama, tagumpay tayo." masiglang turan ni Anig.
Ngumiti ang ama nito sa kanya.
"Ba...baby Shola," unang wika ni Amina sa pagmulat ng mata. At saka siya napatingin sa mga tao na nagtatanong ang kanyang mata kung nasaan sila at kung sino ang mga ito.
"Ligtas na kayo." wika ng pinakamatanda sa tribo.
Bumangon si Amina saka lumuhod sa katri."Maraming salamat po sa inyong lahat." Kinuha niya si baby Shola kanyang niyakap ito.
LUMIPAS ANG DALAWANPOT TAON.
"Shola, Anak, pumarito ka nga sa bahay!" dinig ni Shola na sigaw ng ina. Sa sandaling iyon nasa puno siya ng rambutan kasama ang kapatid na lalaki.
"Nariyan na po Ina, Abet. Tinawag na tayo ni Ina, tara na."
"Ikaw lang naman ang tinatawag ni Inang eh Ate, dinadamay mo pa ako." Sabay bato nito sa buto ng rambutan na galing sa bibig.
Napailag si Shola sa ginawa ng kapatid pinanglakihan niya ito mata."Tatamaan ka sa akin, tara na, tinatamad ka na naman, eh."
"Sige na nga lang."
Sabay na tumalon ang magkapatid at tumakbo patungo sa kanilang bahay.
Ikinasal sina Amina at Anig sa tribo. At biyayaan sila ng dalawang anak sina Abet, Ange. Si Shola itinuring nilang tunay na nilang anak ang dalaga.
"I...ina, bakit po?" hinihigal na bungad ni Shola.
"Saan ba kayo galing ha na dalawa?"
"Diyan lang po, Ina."
"Hala sige, tumungo kayo sa taniman ng kamote tulungang ninyo inyong Ama at si Ange, roon."
"Opo, Ina, tara na, Abet."
Nakangiti si Amina habang pinagmamasdan si Shola, makikita sa anyo nito na isa talaga itong Monticello, ubod ng ganda nagmana sa ina nitong si Clara.
Nanghihinayang lang si Amina para kay Shola, ang pangarap ng magulang na maging Professional Ito sa ano mang larangang ng negosyo. Lagi kasi sinasabi ni Clara sa kanya ang nais para sa anak tuwing pinapaliguan nila si baby Shola. Hindi nangyari ang nais nito para sa anak, dahil sa trahedya sa buhay nila. Pero kahit papaano tinuturan niya ito kung papaano magbasa at mag sulat ito."Kung hindi sana nangyari ang masamang trahedya sa buhay ninyo, Shola. Sana malayo na ang narating mo sa idad mong iyan, gusto kung lumabas ka sa tribong ito hanapin mo ang iyong sarili pero natatakot ako baka matagpuan mo sila at malaman nila na isa kang Monticello, kaya hahayaan ko na lang na tadhana ang magbibigay ng dahilan upang ikay magbalik sa mundong nararapat para sa iyo, Shola." Tumalikod si Amina kasabay ng pag patak ng luha naalala niya ang nangyari noon.
"Ate, Shola. Pagod na ako, ang bigat." reklamo ni Abet.
"Ikaw ha kalalaki mong tao, pagurin ka, tignan mo nga si Ange, daig ka pa niya."
"Kasi Ate, malakas siya tapos ang katawan malaki pa kaysa sa akin no, kung makukuha ko lang iyon sigurado ako na ako na pinakamalakas sa tribo natin."
"Huh? Ang alin ang makukuha mo ha, Abet?" Kunot ang noo ni Shola.
"Ate, sasabihin ko sa iyo, pero atin lang ito ha."
"Oo, ano ba kasi iyan ha?"
"May narinig ako, kina Apo lakay."
"Ano nga?"
"Sabi nila pag may makakuha raw sa maskara na nakatago sa isang kuweba tiyak magkakaroon siya ng kakayahan at magtataglay ng kakaibang lakas."
"Huh? Naniwala ka naman, ha."
"Ate, sina Apo lakay na ang nagsabi ano ka ba, alam nila kung ano ang meron dito sa tribo."
"Oh sige sabihin na natin totoo, eh anong kakayahan naman ito, ha?"
"Makikita mo kung ano ang nangyari noon."
"Ano? Hoy! Abet, tumigil ka nga. Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo. Eh, kung sakali ano naman makikita mo aber?"
"Noon, siguro kung papaano ka pinanganak ewan gano'n siguro, Ate. At maging malakas ka pa."
"Ewan ko sa iyo, Abet. Gutom ka lang yata eh, kung ano-ano na ang pinag-sasasabi mo, ah."
"Kung hindi ka naniniwala sa akin Ate. Eh, di huwag basta ako naniniwala ki na, Apo lakay."
"Eh, anong gagawin mo ha, Abet?"
"Siyempre kukunin ko ito, Ate."
"Kung totoo man iyan pinag-sasasabi mo Abet, delikado iyan, papaano kung may makahuli sa iyo, aber?"
"Alam ko Ate, narinig ko nga na sabi ni Apo Lakay na wala pa raw nakakakuha nito, laging bigo ang lahat ng mag tangkang kunin ito."
"Ganoon naman pala, kukunin mo pa, baka mapahamak ka niyan, tignan mo nga iyan katawan mo patpatin."
"Kaya nga kukunin ko ito Ate, para maging malakas ako ano ka ba," sobrang disidido siya para makuha ang tinitukoy nito.
"Ewan ko sa iyo, pag malaman ni Ama iyan balak mo sigurado hindi siya papayag."
"Sasabihin mo ba kay Ama, Ate?"
Napatingin si Shola rito nagmamakaawa naman itsura ni Abet na huwag sabihin sa ama nila.
"Papaano kung mapahamak ka, ha."
"Hindi Ate, nariyan ka naman di ba, sasamahan mo ako."
"Ano? Idadamay mo pa ako sa kalukuhan mo ha, Abet. Ayoko-ayoko!" matigas niyang tangi.
"Sige na Ate, mamayang gabi kabilugang ng buwan pupuntahan natin ang kuwebang sinabi nila, Apo lakay."
"Ang tigas ng ulo mo, Abet!"
"Sige na, Ate," pangungulit niya.
Napabuntong-hininga ng malalim si Shola hindi naman niya puwedeng pabayaan ito. At isa pa kung ano ang gusto talagang ginagawa nito walang makakapigil kahit na ang ama pa nila. Kanino pa ba siya magmamana kundi sa ama nila.
Hating-gabi dahan-dahan nilapitan ni Abet, ang ate Shola niya."Ate!" Sabay kalabit nito.
"Hmmm, ano ba!"
"Ate, tara na," anas nito.
Napabalikwas naman ng bangong si Shola."Talaga bang pupunta ka, ha?"
"Pssttt! Ate, ang boses mo baka marinig nila Ina at Ama, Oo. Talagang pupunta ako kung ayaw mong sumama sa akin Ate, mag-isa akong aalis ngayon na."
"Naman oh, Abet!"
"Ate, babalik din tayo bago sumikat ang araw."
Walang nagawa si Shola kundi samahan ito hindi naman niya be puwedeng hahayaan mag-isa ang kapatid."Sige na nga lang sasamahan na kita." Kinuha niya ang itak na sadyang pinagawa ng Ama para sa kanya. Para mayroon siyang sandata kung sakaling may taong makapasok na masama sa kanila, pero sabi ng ama wala naman. O di kaya sa mga hayop na mababangis.
Ngumiti ito."Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ako matitiis Ate, salamat tara na."
Banayad na lumabas ng kubo ang dalawa ganoon din sa paglabas nila sa tribo. Sa paglusob nila sa kakahuyan lakad takbo ang ginawa nilang dalawa, tila ba hindi sumasayad ang paa nila sa lupa dahil wala kang maririnig na ingay sa naaapakan nilang mga tuyong dahon.Trenta minutos narating na nila ang kuweba."Ate, narito na tayo handa ka na ba?"
"Bakit ako ang tinatanong mo di ba dapat ikaw kung handa ka na."
"Ate, handang-handa na ako, pasukin na natin ito!" Excited nitong turan.
"Kinakabahan ako, Abet. Parang may mangyayaring hindi maganda, huwag na kaya tayong tumuloy."
"Ate naman, narito na nga tayo, a-atras pa ba ako, kung takot ka ako na lang ang papasok sa loob hintayin mo na lang ako rito sa bukana."
"Sasamahan kita." walang katol na wika ni Shola hindi niya puwede pabayaan ang kapatid baka kung mapaano pa ito sa loob ng kuweba.
"Kung ganon Ate, tara na."
Pumasok na nga sila sa loob ng kuweba para lang manglaki ang kanilang mata sa nakita.
Napapa-atras si Shola sa nakita nilang dambuhalan ahas samantalang si Abet nakatayo lamang ito hindi nakikitaan ng takot sa mukha.
"Hoy! Abet!" usal ni Shola. Pero walang narinig ito wala siyang pagpipilian kundi lapitan ang kapatid."Abet, ano ba, tara na,"  anas pa rin niya sabay hawak sa braso nito.
Tinabig lang nito ang kamay niya."Ate, hindi ako aalis!"  matigas nitong saad.
"Magpapakamatay ka ba ha? Tignan mo nga iyan, mas malaki pa sa atin, puwede na niya tayong lamunin ng buo, kaya tara na bago pa magising iyan!"
"Ate, tulog di ba? Kaya pagkakataon ko na ito, tignan mo hayon ang maskara, oh!" Turo nito sa bandang taas ng kuweba.
Tumingala si Shola tama nga si Abet nakakabit sa tila mukha sa isang bato.
"Ate, tignan mo ang kinang pa rin nito kahit daan taon na ang nakalipas, tama nga sina, Apo Lakay."
"Abet, huwag ngang matigas iyan ulo mo, makinig ka naman sa akin oh, delikado umalis na tayo rito!"
"Hindi Ate, kukunin ko iyan!" humakbang ito.
"Abet..." hindi siya pinansin nito."Anak ng...Abet, naman."
Determinado talaga ito na makuha ang maskara, kahit na kapahamakan pa susuubin niya ito.
Sa muling paghakbang ni Abet, may naapakan siya na sanga na siyang nag likha ng ingay. Ito ang dahilan kung kayat kumalaw ang dambuhalan sawa. Humakbang pa muli si Abet, wala siyang takot sabi kasi ni Apo Lakay mga katyang-isip lamang ang mga nagbabantay sa maskara kung matatakot ka hindi mo ito makukuha at ito'y iyon ikamamatay.
Tuluyan nagising ang sawa napatingin ito kay Abet, itaas na nito ang katawan naunat yata ang mata ni Shola sa nakikitang laki nito.
"Hsssssttt!" tunog nito.
"Abet...!"
Dere-deretso lang si Abet, sinalubong siya ng sawa."Hsssstttt!" Sabay buka nito sa bunganga para lamunin ang binata.
Nanglaki ang mata ni Shola sa nakita."Abet, takbo!" sigaw niya pero huli na. Para lang lumamon ng manok na buhay ang sawa.
"Hindi!" Sigaw ni Shola kinalas ang nakasugpit na itak sa bewang niya.
"Ilabas mo siya! Abet!" sigaw niya.
Tumingin ang sawa sa kanya napapaatras si Shola.
"Hsssssttt!" Gumapang ito patungo sa kanya.
Wala nang oras para tumakbo pa si Shola, inihanda na lamang niya ang sarili. Sa paglapit ng sawa bumuka ang bunganga nito para siya naman ang lamunin tumakbo siyang paiwas rito sabay taga niya natamaan ito kita pa ni Shola, ang pagkahiwa ng balat nito pero sa isang iglap nawala ito nag hilom na agad.
"Anong kababalaghan ito, bakit ganon?" hindi siya makapaniwala sa nakita.
"Hssssttt!"
Tumakbo muli si Shola mabilis ang bawat kilos niya sanay na siya sa takbuhan. Hinabol siya ng sawa tumuntong si Shola sa batong mataas. Gagawin niya ang lahat makuha lang niya ang kapatid. Alam niyang buhay pa ito sa loob ng tiyan ng sawa. Pumuwesto siya para talunin ang sawa nakahanda na siya sa kanyang gagawin pero na kita siya ng sawa isang malakas na hampas ng buntot niya ang tumama kay Shola.
"Ahhhhh!" sigaw niya tumilapon siya pataas tatama siya matatalim na batong pader naging alerto si Shola.
Pagdapo niya sa batong pader kahit na nasaktan siya hindi niya hinayaan ang sarili na mahulog sa ibaba kundi durog-durog ang buto niya humagilap siya ng kanyang makakapitan. Ang nahawakan ni Shola ay ang maskara tamang dito siya tumama.
"Ang Maskara?"
"Hsssstttt!" gumapang ang sawa pa akyat sa kanya.
Hindi na nag dalawang isip pa si Shola, kanyang hinila ang maskara kung saan ito nakakabit.
Pagkakuha niya napatitig siya sa hawak. Ang ganda kasing tignan tila ba buhay na dugo ang kulay nito pulang-pula.
Nawala na sa isip ni Shola ang sawa naglaho naman na ito ng nasa kamay na niya ang maskara.
"Ate, Shola!" tawag ni Abet.
"Abet?" Inilibot niya ang mata para hanapin ang sawa."Nasaan na ito?"
"Sino, Ate?"
"Ang sawa."
"Bumaba ka na riyan, Ate."
Napatingin si Shola sa ibaba iniisip niya papaano siya baba ngayon?
Nabasa naman ni Abet ito."Ate, talon!"
"Ano? Tatalon ako, gusto mo bang mamatay ako ha, Abet?"
"Ate, nasa kamay mo ang maskara. Bakit di mo subukan ang taglay nito."
Napatingin si Shola sa maskara."Totoo ka kaya? Baka pagtumalon ako bali-bali naman ang buto ko? Pero kailangan kung gawin mag-u-umaga na." Tumalon na nga siya."Ahhh!" hiyaw na sabay pikit ng mata.
Sa mismong harapan ni Abet siya lumapag Pinakiramdaman muna ni Shola ang sarili kasi naman walang tunog ang kanyang pagbagsak. Dahan-dahan niyang minulat ang mata. Ang nakangiting kapatid ang nakita."Abet?"
"Di ba tama ako, Ate?"
"Oo, nga! Oh heto na ang maskara, nakuha na natin tara ng umuwi," anyaya niya sa kapatid at inabot ang hawak na maskara rito.
Tumangi ito."Sa iyo iyan Ate, ikaw ang nakakuha."
"Hindi ko naman kailangan ito ah, kaya sa iyo iyan. Oh, kunin mo na, Abet." nilagay ni Shola sa kamay ng kapatid ang maskara.
Pagdantay palang ng kamay ni Abet, sa maskara."Aray!" hiyaw nito.
"Bakit?"
"Ate, ang init napaso ako." Hinihipan pa ang palad.
"Anong, mainit hindi ah, bakit ako di naman napapaso?" takang-taka siya.
"Sa iyo nga ang maskara na iyan, Ate."
Itinaas ni Shola ang maskara inikot-ikot."Anong meron ka, ha?" Aniya bigla na lang itong lumipad sa mukha niya."Ahhh!" sigaw niya.
"Ate, Shola, anong nangyayari saiyo?"
"Ahhh! Ahhh!" Pilit na tinatangal ni Shola ito pero lalong dumidikit naman ito sa mukha niya."Ahhh, Abet, tulungang mo akong alisin ito, Ahhh!" pakiramdam ni Shola hinihigop ng maskara ang mga ugat niya.
"Ahhhh!" huling sigaw ni Shola siya ay nawalang ng malay.
"Ate, Shola." Dinaluhan agad ni Abet ang kapatid.
Ang hindi alam ng dalawa ang isang oras na nilagi nila sa loob ng kuweba, katumbas nito ang isang araw sa labas.
"Apo Lakay, alam mo ba kung saan sila nagtungo? Dalawang araw na silang wala," nag-aalalang saad ni Anig.
"Hindi ko alam, Anig."
"Malapit sa iyo si Abet, Apo Lakay. Wala ba siyang sinasabi na pupuntahan nila ni Shola?"
Umiling ito. Nasa ganon silang pag-uusap ng may sumigaw na patungo sa kanila.
"Apo Lakay, Apo Lakay!"
"Ano iyon?"
"Ang kuweba, Apo Lakay, naglalaho ito!"
Nagkatingin sina Apo Lakay at Anig.
"Nasa kuweba sila at nakuha nila ang Maskara," may galak na saad ni Apo Lakay.
"Amina," tawag ni Anig sa asawa.
"Bakit, Anig?"
"Halika pupunta tayo sa kuweba, naroroon sina Abet at Shola."
Lahat ng tao sa tribo mapabata man sumama para tignan ang kuweba.
"Ate gi..." hindi na ituloy ni Abet ang sasabihin at na mangha sa nakikita na niya.
"Anong nangyayari?" Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid sa harapan nila may talon na mataas si Shola nakahiga sa bato nasa gitna sila ng tubig.
Pagkadating nila Anig sa kuweba."Apo Lakay, tignan mo."
"Malaya na ang tribo natin, Anig." Lumuhod ito at nagdasal bilang pasasalamat.
"Abet, Shola," tawag ng ama at ina nila.
"Ama, Ina, narito kami." sigaw ni Abet ng makita nag magulang.
"Amina, naroroon sila."
Inalalayan ni Anig ang asawa tinungo nila kung nasaan ang dalawa.
"Ama, patawad po, si Ate Shola, wala pa rin malay," wika agad ni Abet.
Napatingin silang lahat sa dalagang nakasuot ng maskara.
"Hmmm!" ungol ni Shola unti-unti na siyang nagkakamalay.
"Ate, Shola." Hinawakan  ni Abet ang braso nito.
Nagmulat si Shola pagkakita kay Abet. Bigla niyang sinakal ito.
"Shola, Anak huwag." Awat ni Amina.
Nabaling ang tingin ng dalaga rito. Tumayo si Shola biglang sinakal si Amina.
"So...Shola!"  napatingin ang dalaga rito. At may nakikita siya sa mga mata ni Amina.

Komentar Buku (66)

  • avatar
    Nathaniel Rivera

    willa

    10h

      0
  • avatar
    Bj Prado

    magangda

    6d

      0
  • avatar
    Cecil Alburo

    nice

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru