Georgina's POV Inimpake ko na ang lahat ng gamit ko dahil nga ay babalik na ulit ako ng apartamento. Ayon kay Mr. McGrail, isang buwan rin daw ang stay ko roon. Mahusay din pala itong si propesor, kahit na soccer championship nila ay ginawa niya pang blackmail sa kanila. Siguro naman ay thankful nalang din ako na ginawa niya 'yun para naman maging maayos ang trato nila sa akin. Kasalukuyan kong dala-dala ang mga gamit ko patungo sa apartamento. Naalala ko na may kasundoan nga pala kami na susubukan nilang kumbinsehin ang mayabang na 'yun na humingi ng sorry sa mga sinabi nito sa akin. Siguro naman ay nakumbinse na nila 'yun? Nasa harap na ako ng pinto at sinimulan ko ng pindotin ang door bell. Wala pang tatlong segundo ay nabuksan agad ito. Isang napakalaking himala lamang dahil kahapon naman ay parang ayaw nila akong papasokin. "Welcome back," bungad ni Theo sa akin nang makapasok ako sa loob. "Have you already convinced the old man?" lumapit sa direksiyon ko si Ayato. Mabilis akong napaatras at agad na nag-iwas ng tingin. Bakit ba ang hilig-hilig nilang hindi magsuot ng damit pang-ibabaw? Tama nga ang hula ko. Nagbabait-baitan lang itong mga 'to sa akin nang dahil sa pakiusap nila sa akin kahapon. "Hindi pa. Susubokan ko nalang mamaya," kaswal na sagot ko. Nag-eexpect ako na may tutulong na magdala ng mga gamit ko patungo sa magiging kwarto ko. Pero wala parin pala. "Your room is right there," itinuro ni Theo ang kwarto na nasa kaliwa. Syempre ay hindi na ako magtataka dahil napakadumi parin dito sa loob. Ang kalat na nakita ko kahapon ay mas dumami at nadagdagan pa ngayon. Nang makapasok ako sa loob ng magiging kwarto ko ay nakahinga naman ako ng maluwang. Hindi ito makalat na gaya ng inaasahan ko. Mabuti. Ibinababa ko muna ang mga gamit at pinanuod ang bawat sulok. May kama, mini-table, upoan at walk in closet. Ipinatong ko ang picture frame naming dalawa ni lola sa mini-table. Binisita ko siya kahapon sa Ospital. Ayon sa doktor ay nanghihina na ang katawan niya, dulot araw ito ng kanyang pag-tanda. Alam ko namang balang araw ay hahantong sa ganito ang sitwasyon naming dalawa, ngunit hindi ito magiging rason upang sukoan ko at o panghinaan ng loob. Siya ang naging dahilan kung bakit ako nagsusumikap ngayon, gusto ko pa siyang makitang gumaling at makasama ng mahabang panahon. Kaya't umaasa at positibo parin akong gagaling siya. Napangiti ako nang matapos ko ng mai-arrange ang mga gamit ko. Pumasok sa isip ko na ito na nga pala ang magiging kwarto ko hanggang matapos ang buwan. Napagdesisyonan kong lumabas na muna ng kwarto upang inspeksiyonin ang kanilang salas. Ngunit wala parin talaga akong masabi sa mga kalat na nakikita ko. Tinitingnan ko palang ang mga kalat ay kumukulo na ang dugo ko. Dahil nga ay dito na ako titira- simula ngayon ay gusto kong organisado at malinis ang lahat. Wala nang tao sa living room. Umalis siguro sila. Napakamot ako ng ulo at napapaisip kung malilinis ko ba talaga ang mga kalat na ito ng isang araw lang. Nagsuot ako ng gloves at kumuha ng basahan. Sisimulan ko munang maglinis sa kusina. "Diyos ko," iyon nalang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi na ako magtataka kung bakit mas madumi pa ang kusina kaysa sa living room. Koskos dito, Koskos diyan. Walis dito, walis diyan. Kalat dito, kalat diyan. Mahigit Isang oras rin akong naglinis. Ang daming mga napapanis na pagkain at may nilalanggam na. Nakakadiri talaga. Ganito ba talaga mamuhay ang mayayaman? Pasalamat ang mga lalaking 'yun at pinalaki ako ni lola na masipag. Sa huli ay nalinis ko na rin ang buong kusina. Dito naman sa living room ang isusunod ko. "Trust? Diyos ko naman bakit nakakalat 'to dito?!" May napulot akong dalawang sachet ng condom sa ilalim ng couch at sa ilalim ng lamesa. Ang sagwa talaga nila. Siguro kay Haiden 'to? Ilang beses na akong nagpunas ng pawis. Grabe, nakakapagod pala talagang maglinis ng mga kalat ng mga lalaking ito. Tinali ko muna ang buhok ko na nagmumukhang bun upang hindi maging sagabal at inalis na muna ang salamin sa mga mata ko. Nakakadistract kasi habang pinagpapawisan ako. "What are you doing?" Natigilan ako sa pagkuskos ng bubble gum sa gilid ng lamesa nang makarinig ako ng boses. Lumingon ako at nakita ang lalaking mataas ang tingin sa sarili. "Buhay kapa pala? 'Wag ka munang magpasalamat at magsorry sa'kin. Mamaya na matapos kung malinis itong kalat niyo," sabi ko habang pinagpatuloy ang paglilinis. Nanggaling siya sa loob ng kwarto niya at mukhang kakagising lang. Medyo kunot pa ang suot nitong gray shirt at ang nagugulo niyang buhok. "Why would I even apologise and say thank you to someone like you? No one even told you to clean and make the apartment tidy," he crossed his arms over his chest. Nagkasalubong ang kilay ko. Totoo nga ang kwento ni Addie. Napaka-ignorante at napakayabang talaga ng taong ito. Hindi ko na siya pinansin. Hindi na kami mga bata para mag-away. At hindi ako matatapos ng mabilisan nito kapag pinatulan ko pa siya. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglilinis. Nararamdaman ko ang presensiya niya sa aking likoran dahil naririnig ko ang apak ng mga paa niya. "Hey, dork. Did you hear what I said? Stop cleaning," hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa pag-lilinis. Napakayabang niya talaga. Bakit ba hindi nalang siya magpasalamat na nagmagandang loob ako na linisan ang apartmento nila? Nakahinga ako ng maluwang dahil dumaan ang ilang minuto at napansin kong hindi na siya nagsalita. A minute later he said something. "I just noticed that you're actually pretty when you get rid of wearing that ugly thick-rimmed big eye-glasses. You look good this way," Kaswal na sabi niya na nakapagpahinto sa buong sistema ko. "Nang-iinsulto ka na naman ba?" pinagsingkitan ko siya ng mata. Wag kang magpapadala sa mga salita ng mayabang na yan, Georgina. "Nope," tipid na sagot niya. Mabilis akong napatayo at napaatras nang mapansin kong lumapit ito sa direksiyon ko. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ko ngunit hindi parin ito tumitigil hanggang sa napaupo na ako sa sofa habang siya ay nakatayo na sa harapan ko. I stiffened. Yumuko siya upang magpantay ang paningin namin. Isang pulgada nalang ang pagitan ng mukha ko sa kanya. "Don't you know who I am? Aren't you afraid of me?" he was staring at my face intently, as if he's looking for something. Hindi ko man lang namalayan na titig na titig narin pala ako sa kabuoan ng itsura niya. He smell nice. Makakapal na kilay at mahahaba ang pilik mata. Messy black jet hair. That frightening obsidian eyes. Ang kanyang matangos na ilong, that soft and pinkish lips at saka ang jawline niya.. ang... ang sarap hawakan.. Teka?! Ano ba itong iniisip ko?! "Bastardo! b-bakit naman ako matatakot sa'yo? Lumayo ka nga!" Buong pwersa ko siyang itinulak sa dibdib ngunit hindi man lang ito gumalaw. I can't help but curse on my mind how hard his body was. Gawa ba sa bakal ang katawan niya? Kainis! Why am I having a hard time at this moment? "If you dare to call me bastard again, you know what will happen to you." Napairap na ako. Sa tingin niya ba matatakot niya ako sa pangbabanta niya? "E bakit? Ano naman ngayon kung tatawagin ulit kitang bastar-" "For you to shut up. Edi hahalikan nalang kita." A second had passed Napakurap-kurap ako. Tila ba nakukuryente ang buo kong katawan at umiinit ang pisnge ko. A-ano raw ang sabi niya? Nangunot nalang ang noo ko nang maya-maya pa ay narinig ko siyang tumawa. Napakapit pa ito sa kanyang tiyan na para bang hindi siya makahinga. "Don't get me wrong, but you actually believe na hahalikan kita?!" amusement was drawn on his face. "You're being insane right now, look at your face in the mirror! You look like a crushed tomato! You're so hilarious!" halos lumabas na ang ugat sa leeg niya kakatawa. Napairap ako. The audacity of this retard to humiliate me! Argh! sumusobra na talaga siya! "Tapos ka na? Kasi kung tapos kana pwedeng umalis kana sa harapan ko? dinidisturbo mo ako sa ginagawa ko. Mas lalo mo lang pinapabagal ang paglilinis ko, tabi nga diyan!" tumayo ako at lumayo sa kaniya. Siya naman ay tawa parin ng tawa. Kainis, hindi parin nawawala ang pang-iinit ng pisnge ko. Siraulo talaga, ginawa niya pa talaga akong katatawanan, nakakabwiset! "Mapasukan sana ng langaw 'yang bunganga mo," bulong ko. "Saying anything?" "Wala! Sabi ko umalis kana dito!" may bahid ng pagkainis sa boses ko. "You want me to leave huh? You're under my teritory and I own everything you see here. Which means, you dork, cannot boss me around." naglakad siya patungo sa sofa. "I will now allow you to clean the apartment. That's your payment for slapping me yesterday. Make sure to mop and scrub the floor, Am I understood, nanny?" naka-dekwatro pa ang mga paa niya habang nakaupo sa sofa. Hingang malalim. Breathe in.. Breathe out. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili. Una tinawag niya akong 'dork', ngayon naman 'nanny'. Alam kong sumusobra na siya pero mahaba pa naman ang pasensya ko. I just gave him a bored glare. Hindi ko na sasayangin ang laway ko para makipag-away pa sa kanya. Matapos ang sampung minuto ay tumayo na ako at napahugot ng malalim na paghinga nang matapos narin ako sa wakas sa paglilinis. Napapahid narin ako ng pawis at isinuot na ulit ang salamin. "Woah!" "What in the world?" "Am I still in the same apartment?" sunod-sunod na banggit ng mga kalalakihang kakapasok lang sa loob ng apartment. "Damn! It's really clean," hindi makapaniwalang sabi ni Haiden. Nakatayo lang ako at pinagmamasdan ang reaksiyon nila sa buong living room. "Even the kitchen is clean!" Sigaw ni Ayato ng makita ang kabuoan ng kusina. How ridiculous. Para naman yatang hindi pa nila naranasan ang makakita ng malinis na tirahan? "Did you clean the mess all by yourself?" iginiya pa ni Russ ang paningin bago hininto ang mga mata sa akin. Napahawak ako sa baywang ko. "Oo naman, dahil nga titira na ako dito. Simula ngayon, gusto kong malinis at hindi na nakakalat ang lahat. Gusto kong organisado ang lahat ng gamit dito. Napagod rin ako sa paglilinis kasi ang iba dito ay hindi man lang nagpresentang tumulong sa'kin kahit kanina pa siya dito," Syempre pinaparinggan ko si Knox. Gumuhit agad sa mukha niya ang galit na ekspresyon. "Knox would never dare to help you. That's impossible, he doesn't even know how-" pinutol agad ni Knox ang sasabihin ni Ayato. "Shut your f*cking mouth. I'm already hungry, go order some food." Order? "Anong order?" nagkasalubong ang kilay ko. "Walang mag-oorder! Hindi ba kayo marunong magluto?" dumaan na ang limang segundo ngunit walang sumagot ni-isa sa kanila. Napasapo agad ako sa noo. "So wala nga? Diyos ko naman! Umabot na kayo sa ganyang edad hindi parin kayo marunong magluto?!" "It's f*cking none of your concern," sabat naman ni Knox na alam kong numero uno sa pagiging batugan. "Maghintay muna kayo. Magluluto lang ako. Walang mag-oorder. Saka huwag na din kayong magkalat diyan," bilin ko at umalis na patungong kusina. Naghanap ako ng makakain sa loob ng refrigerator nila. May nakita akong mga gulay na nakalagay sa loob ng plastic. Salamat naman at sariwa pa ang mga ito. May kalabasa, talong, okra at marami pang iba. Mga gulay siguro ito na pinadala ng mga magulang nila at kahit kailan ay hindi nila ginalaw. Napag-isipan kong pinakbet nalang siguro ang lulutoin ko. Pagkatapos ng trenta minutos. Nakapagluto narin ako sa rice cooker nila na sa tingin ko ay hindi pa nagagamit. "Hey! Are you done?!" boses iyon ni Haiden na galing sa living room. At nagreklamo na ang mga senyorito.. "Ito na mga senyorito! Tapos na po!" sunod-sunod kong inilapag ang mga niluto sa mahaba at glass table na nandito sa living room. Medyo malaki naman ang lamesa at marami ring upoan kaya kasyang kasya kaming lahat na kumain dito. "What the hell is that?" kunot noong tanong ni Keiran. Nagsasalita pala 'to? "Uh.. I don't eat grass," reklamo ni Haiden at itinuro ang pagkain sa lamesa. Pinaikot ko ang aking mata. "Anong grass? Gulay 'yan at hindi damo," sabat ko. "Saka hindi ba't sabi niyo nagugutom na kayo? Don't worry, wala namang lason 'yan. Ang totoo nga niyan ay mas healthy pa 'yan kaysa sa mga kung ano-anong inoorder niyo." "She's right. Let's just eat," suhestiyon ni Russ at umupo na. Napansin kong hindi maipinta ang itsura nina Knox, Haiden, Ayato at Keiran samantalang sina Theo, Yohann at Russ naman ay nagsisimula nang kumain. "Can we really eat this?" reklamo pa ni Haiden na nakangiwi habang tinititigan ang pagkain. "It's really good! tikman niyo nalang kasi," Sabi pa ni Theo habang ganang gana ang kain. Napansin kong nagdalawang isip pa ang apat kung kakainin ba talaga nila ito. Pero confident ako na kakain sila dahil alam kong gutom na sila at wala na silang ibang choice. At napilitan nga silang kumain sa niluto ko. Dahan dahan nilang nginuya ang gulay. At ayon, habang tumatagal ay napapasarap naman ang bawat subo nila sa pagkain. Matapos ang ilang minuto ay naubos narin ang laman ng pinggan nila. Psh. May pareklamo reklamo pa? Masasarapan lang din naman pala. "May natira pa ba? I'm a bit hungry," tanong ni Ayato na mukhang nasarapan sa pinakbet. "Yeah, meron pa ba?" segunda pa ni Haiden. "Wag kayong mag-alala, Meron pa," I smiled sheepishly. "That's good," sabad naman ni Knox.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
ang ganda ng kwento
05/02/2025
0so amazing
16/10/2024
0okay
10/09/2024
0Lihat Semua