Georgina's POV Nabanggit ni Mr. McGrail sa akin na pitong kalalakihan ang makakasama ko sa loob ng apartamento nila. Kaya ko naman siguro 'to hindi ba? Ano na naman ba itong pinapasok ko? "Bakit ang lalim na naman ng iniisip mo?" nakabusangot na tanong ni Addison, ang nag-iisa kong kaibigan sa school. Kasalukuyan kaming kumakain sa loob ng cafeteria. "Iniisip mo na naman ba kung paano ka makakahanap ng pang gastos sa pagpapagamot ng lola mo?" dagdag niya. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko ipinaliwanag sa kanya ang lahat ng napag-usapan namin ni Mr. McGrail, pati narin ang tungkol sa kondisyon nito. "Pitong boys?! Geez! ang swerte mo naman!" natutuwang bulalas niya bago pinaghahampas ang balikat ko na tila ba kinikilig. Napairap ako. Why am I not surprised? "At saang banda naman 'dun ang maswerte? Kung hindi lang talaga 'to para kay lola at sa grades ko, siguradong tinanggihan ko na 'yun." Nag-angat siya ng kilay. "Masyado ka namang defensive. Panindigan mo nalang kaya 'yan. Total tinanggap mo na. You just have to give it a try," pangungumbinse niya. Napahugot ulit ako ng malalim na paghinga bago humarap sa kanya. "Madali lang sabihin pero para sa'kin mahirap. Wala talaga kayong pinagkaiba ni Mr. McGrail." -- Dumating narin ang araw ng pansamantalang paglipat ko. Masyadong mabigat sa kalooban ko ang pag-iwan sa bahay, may mga ala-ala roong habang buhay kong pinapahalagahan. Secured naman ang paglock ko sa mga pinto at bintana bago ako umalis, sapat na dahilan na 'yun para gumaan ang pakiramdam ko, pero hindi ko parin maiwasan ang mabahala. Nagpapasalamat ako at malapit lang itong apartamento sa pinapasokan kong paaralan. Hindi ko na kailangang gumastos pa ng malaki para sa pamasahe. Wala narin akong dapat na ikabahala sa mga gastosin. Nagboluntaryo na si Mr. McGrail na siya na ang bahala at magpo-provide sa lahat ng pangangailangan ko. Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng kahit kaunti. Masyado pa namang mamahalin itong apartamento at wala pa akong mapagkukunang pera dahil hindi pa ako nakakahanap ng permanenteng trabaho. "Room 124," bulong ko habang hinahanap ang numerong ito. Matamlay na napangiti ako nang makaharap ko na ang pinto. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko sinimulan ang pagpindot ng door bell. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi ito bumukas. Pinindot ko ulit ito sa pangalawang subok. Nagkasalubong na ang kilay ko dahil hindi parin ito nabubuksan kaya't sinubukan ko ulit sa pangatlong subok. Patience, Georgina.. Hindi parin ito nabubuksan. Sa pang-apat na subok ay mas nilakasan at binilisan ko pa ang pagpindot. Wala bang tao sa loob o sadyang literal na bingi lang talaga sila? "Well, what do we have here?" bahagya akong napaatras nang biglang lumabas sa pintoan ang isang higanteng lalaki. No, scratch that. A seven-footer guy is wiggling his eyebrows in front of me. Why do people has to be this tall? nakakapagod kaya tumingala. This guy has a dark brown pompadour hairstyle. His cut is characterized by hair that styled up and off his forehead. Has a teak wood eyes and a limestone skin. And of course the labret piercing that placed in the centre of his lower lip. Inayos ko muna ang salamin ko bago tumingin sa itsura niya. Nag-iwas agad ako ng tingin nang mapansin kong wala itong pang-ibabaw na damit. "Are you lost, cutie?" ngumisi pa siya ng nakakaluko bago sumandal sa pader. Napakurap ako. Tinawag niya ba akong cutie? Pinagsingkitan ko siya ng mata. "Wala kabang balak na papasokin ako sa loob?" Bakit ba ako dinidistract ng katawan niya? pati narin ng hikaw sa bibig niya. Dumaan pa ang ilang segundo ay bigla nalang itong tumawa. At ano naman siguro ang nakakatawa? "You are a pretty good joker, aren't you?" he said, chuckling. Joker? Ako joker? "Mukha ba akong nagbibiro?" "Who is it?" tanong ng isa pang lalaki na bigla nalang sumulpot sa likod niya. Sumilip ito mula sa likuran niya at pinagmasdan ako. This guy is tall as him. His chocolate brown hair styled in a curtain fringe-up that maintains traditional part down the middle. His hair back has subtle lift which shows his sharp jawline. Has a sienna skin and a hazel eyes. "She just said, she wants to get inside. Isn't she funny?" natatawang sabi nito habang gumagalaw ang kanyang adams apple. For heaven's sake Mr. McGrail, bakit ang gagwapo naman ng mga ito? Ito ba talaga ang itsura ng mga taong kailangan kong pagtuunan ng pansin at turoan ng magagandang asal? Mali yatang apartamento ang napuntahan ko. This was very unexpected. Sapagkat pumasok sa isipan ko kung saan ako lulugar at kung ano ang pakay ko rito. Gagawin ko ng maayos ang parti ko kung saan gustong mangyari ni Mr. McGrail alang-alang sa scholarship ko at kay lola. At hanggang doon lang dapat 'yun. "Let that girl in," sabi ng lalaki na nasa likod niya. His voice was stern and deep. "Wait- what? Are you serious?" looks like this lip piercing guy doesn't believe what he heard. Sa huli ay pinapasok na nila ako sa loob, pero take note, wala ni isa sa kanila ang nagbulontaryo na magdala sa mga gamit ko. Gentleman? Wala. And this time, it's expected. "Who the hell is she?" tanong ng lalaking naka-headphone at nakahilata sa sofa. This guy has a light brown hair, styled in a one sided quiff. A smooth hair with backward wave. Has a warm ivory skin and has an ocean eyes. Psh. Hindi ba mauubosan ng gwapong nilalang ang apartamentong ito? Iginiya ko ang paningin sa loob. Maganda ang apartamento at napakalaki. Moderno ang mga kagamitan. The interior has a striking black-and-white paneled walls and tiles, and coordinating neutral carpets, curtains and other stuffs, ngunit hindi na ako magtataka dahil kung sa bagay ay puro lalaki ang nakatira dito. They even has their own individual rooms. Ang hindi ko lang maindihan ay kung bakit hindi nila ito napapanatiling malinis. Diyos ko naman, Bakit naman sobrang kalat?! May damit doon, pakalat-kalat na sapatos, medyas at belt dito, may mga iba't-ibang bote sa bawat sulok, may basag na salamin at tira-tirang sigarilyo. May brief pa akong nakita sa lamesa. Gross! Napapangiwi nalang ako sa nakikita. "Yeah, why did you let her in?" tanong pa ng isang lalaking kumakain ng mansanas. This guy has a brown mid-length bowl cut, his bangs settles at mid-length over his eyebrows, skillfully framing his face with more hair down the back of his head. Has an ebony eyes and a sand skin. "Man, are you trying to provoke knox again? 'Ya know he's not gonna like this," sulpot ng lalaking may dala-dalang paint brush. I already knew he's an asian. His hair is styled as two block with bangs which is popular for korean hairstyles. His hair flows naturally over his face. Has an cobalt eyes, a pale ivory skin and has two earings on his left ear. Is he a k-pop idol somehow? "Girlfriend mo ba siya, Russ? Damn.. I haven't thought that this kind of girl is your taste," natatawang sabi ng isa pang lalaking nakaupo sa sofa habang nagninigarilyo. This guy obviously looks like an asian too, his dark curly hair is styled in a perm hair cut that create an irresistible look leaving his undercut part straight, trimmed sideburns into a pointed edge with layers of subtle curls. Has a beige skin and a paris brun eyes. But why am I praising this guy when he just insulted me a while ago? "Don't be such a d*ck, Ayato. I forgot to tell you yesterday that we are having a new roomate. Well.. I guess a girl roommate. Sinabi sa'kin ni McGrail kahapon," paliwanag nung lalaking Russ yata ang pangalan, ang lalaking nagpapasok sa akin kanina. Mabuti naman at meron pang isang lalaki dito na matino ang pag-iisip. Siguro naman ay pwede na nilang ipakita sa akin ang magiging kwarto ko upang makapag-ayos na ako ng mga gamit ko? "Are you f*cking kidding me? That dumbass told you? That's b*llshit," may isa na namang lalaki ang biglang sumulpot. Halatang kakatapos lang nitong maligo dahil nakasabit pa ang tuwalya sa kanyang balikat at medyo basa pa ang kanyang itim na itim na buhok. His deep dark hair is styled in a short block curtain that look reminisced of a bad boy image. Back hair sides are shorter while the front is long parting the middle. Since his hair is wet, it was slicking through his back looking like another version of Leonardo De Caprio's 90's hairstyle. Has an obsidian eyes, porcelain skin and a small mall under his eyes. Nope, this is already too much. I'm definitely not gonna say I'm captivated. Stop drooling now, Georgina.. "A roomate huh? When did I even agree with that?" The guy with an obsidian eyes mumbled. "Hey, awful looking ugly dork," bumalik ako sa katinuan nang dinuro niya ako. "I want you to get the hell out of here. There's no way in hell I'm going to let you stay. Now, get out!" sumigaw pa ito bago itinuro ang pinto. My jaw dropped and could not believe what I just heard. Oo at kailangan ko pang magsuot ng salamin dahil lumalabo na ang paningin ko. I preferred wearing hoodies, oversized shirt, long pants, sweaters at kahit ano pang damit na mas komportable ako. Medyo magulo lang ang buhok ko ngayon. How dare him?! Hindi ako panget! Si lola mismo ang nagsabi sa akin nun! Subalit kinimkim ko muna ang galit ko. Kailangan ko munang maging kalmado at pasensyosa. Papaano nalang ang mga pangako ko kay Mr. McGrail kung kahit ako ay mawawalan agad ng pasensya sa mga taong ito? I came here to discipline them, at iyon ang gagawin ko. "Hoy ikaw," I regained my posture trying to calm myself. "Ipapaalam ko lang sa'yo na hindi ko ginustong tumira dito. But I'm sorry, dahil wala na akong ibang option kung 'di ang tanggapin. Pati kayo ay wala naring magagawa. Ipakita niyo nalang sa akin ang magiging kwarto ko para makapag-ayos na ako ng mga gamit ko," kalmado ngunit strikto kong sagot. "And who do you think exactly you are? This is my apartment which means that old man can't f*cking decide. So get your filthy ass out of here. Otherwise, you are this desperate? Aren't you ashamed of yourself? How pitiful, you're not even-" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pati ang sarili kong kamay ay kusa ng gumalaw. Nasampal ko siya. It echoed inside the apartment making the other boys behind him said 'ow!' in chorus. Parang naapakan ang buong pagkatao ko sa mga sinabi niya. "Hindi ko gawain ang iniisip mo dahil pinalaki akong may respeto sa sarili. Hindi ako katulad niyo- mayayaman nga kayo at may itsura pero wala namang kwenta kasi kahit aso ay hindi makain 'yang pag-uugali niyo, lalo ka na!" dinuro ko siya sa dibdib. "Wag kang mag-alala, tulad ng gusto mo. Lalabas ako dito sa makalat na apartamento niyo na kulang nalang tawagin kong dumpsite. Sana hindi kayo magsisi," kalmado kong binitbit ang mga gamit papunta sa labas ng empyernong ito. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapagpalabas ng sama ng loob. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam. "What the hell?" rinig ko pang sabi nung lalaking mataas ang tingin sa sarili bago ako nakalabas. Walang modo! Siraulo! G*go! Gustong- gusto kong isigaw 'yan sa harapan niya, ngunit gaya nga ng sabi ko ay hindi ako pinalaki ni lola na masama ang ugali. Bahala na si Mr. McGrail sa kanila. Pagsisisihan nila ang ginawa nila sa'kin. - "Kamusta naman ang first day with the boys? Mga pogi ba sila? May cute ba? Share na dali!" Hindi ko nasagot ang sunod-sunod na tanong ni Addison. Lutang parin ako hanggang ngayon. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga binitawang salita ng lalaking 'yun. Akala niya kung sino siya para pagsalitaan ako ng ganoon? Pasalamat talaga ang taong yun at nakapagpigil pa ako kahapon. Kung hindi, baka hindi lang sampal ang matitikman niya sa'kin. "Hoy, Georgina Seffrin. You're spacing out again. Ano ba naman 'yang itsura mo? Parang ang hirap i-sketch. What's wrong ba?" Isa pa 'to.. "Hindi ka kasi artist kaya mahihirapan kang i-sketch ang mukha ko at saka mismong artist binibigyan nila ng kahulugan ang bawat piece of art na ginagawa nila. Nakikita nila ang kagandahan ng loob kaysa sa panlabas na anyo. Kaya mas importanti parin ang ugali kaysa sa itsura!" nagulat si Addison sa mga sinabi ko, pati narin ako ay nagulat. Ganun naba talaga kalakas ang epekto sa'kin ng mayabang na 'yun?
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
ang ganda ng kwento
05/02/2025
0so amazing
16/10/2024
0okay
10/09/2024
0Lihat Semua