logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

“Goodmoring, Madam Saturn.”
Ramdam ko ang panlulumo sa boses ng mga trabahador dito. Ang lulungkot ng mata nila at parang namatayan silang lahat. Grabe! Lumumang tignan ang Elvañia. Ang mga puno na sobra-sobrang sagana sa pagbubunga ng mga prutas ay ngayong tuyot at kakaunti na lang ang mga dahon.
Ang mga restaurant na dinadayo ng mga turista ay ngayong wala nang kalaman-laman. It looks so hopeless. Parang wala nang pag-asa ang resort namin kung tititigan.
“Unti-unti nang bumabagsak ang resort, Madam. Si Sir Balse po ay nagresign na. Halos kulang-kulang bente na po ang nawala rito, ang iba nga po ay gusto na ring umalis kaso inaalala nila na wala silang sasahurin at ipapakain sa kanilang pamilya, kaya nanatili muna sila't nagtiis na lang kahit maliit ang sasahurin.”
Nakakalungkot silang tignan. Isang buwan lang akong nawala rito at ganito na ang nangyari. Ibinilin ko ang lahat ng gastusin at pera kay Balse.
Shit! Nakay Balse lahat ng pera!
“Pinaalis n'yo si Balse?!” Inis kong sigaw.
“M-madam, dalawang linggo na po simula no'ng umalis kayo, hindi na po namin s'ya nakita.”
Napasapo ako sa noo. Bwiset na 'yan! Sinasabi ko na nga ba't hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking 'yon.
Si Papa kasi basta na lang kung magtiwala, kapag nakausap n'ya lang kahit isang beses, makukuha na agad ang loob n'ya. Ngayon, naggagahol kami sa supply dahil wala ngang pera pang-deliver.
“Magkano ang natira sa inyo?” nakakunot-noo kong tanong.
“Madam, wala pong natira—”
“What!? Sa Fifty million walang naiwan!? Anak ng!”
Parang nagsisiputukan ang ugat sa ulo ko. Alam na kaya 'to ni Papa? Kung oo, bakit parang kalmado pa s'ya? Kung hindi naman, baka isugod ulit si Papa sa hospital nang wala sa oras.
Singkwenta milyon ang nawala sa amin at imbis na ipang-ayos na lang dito ay mapunta pa sa gamot ni Papa.
“I guess I have no choice. Babawiin ko ang pera, Brennon. Kailangan mapalitan ang lahat ng nawala sa madaling panahon.”
Nagkunot-noo s'ya. “Don't be impulsive, Saturn. Naiisip mo ba ang sinasabi mo? Kung babawiin mo ang pera, mas lalong sasama ang kalagayan ng Papa mo. That's what he want, gusto n'ya ng lupa namin. Paano kung nalaman n'yang lahat ng pinanggastos mo rito ay gamit sa lupang binili n'yo? Malalaman n'yang nanakaw ang higit milyon-milyong pera. Ganoon din, maghahanap ka rin ng perang panggastos ng gamot ng Papa mo at mas lalo kayong malulugi.”
Hindi ko 'yon naisip. Saan naman ako kukuha ng perang maggagawa namin dito? Mang-uutang? God! Hindi ko inaasahang mangyayari 'to sa 'min.
That slut Balse. Oras na makita ko 'yon. Aabot kami sa korte.
“Wala na akong pera, Brennon. Siguro sasabihin ko na lang ang totoo—”
“That's shit, Saturn! Ako ang gagastos sa kailangan n'yo. Hindi mo naiisip ang takbo ng utak ng Papa mo. 'Pag nalaman n'ya ang nangyari, ipapatapon ka na naman sa Tita mo sa Singapore, do'n ka mamumuhunan hanggang sa maging maayos muli ang Elvañia. Ayoko na muling maiwan, Saturn. So let me...and please just stay.”
Parang may kung anong hayop sa t'yan ko at hindi sila mapakali. Ang puso ko ay napakabilis ng pagtibok. Hindi ko masyadong maipasok ang lahat ng sinabi n'ya sa utak ko. Ang tanging naalala ko lang ay, ayoko na muling maiwan so please just stay.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa bench, malapit sa dagat. Nagpapahangin at nag-iisip-isip ng pwedeng maitulong para mas mapabilis ang lahat.
Pasulyap-sulyap ako sa kan'ya na gumagawa roon. As usual, nagtitipa na naman s'ya sa laptop n'ya habang kinakausap ang mga trabahador do'n.
Nilingon n'ya ako kaya nagsalubong ang mata naming dalawa. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at binusog na lang ang sarili sa magandang tanawin.
Minsan naiisip ko na parang ang sarap nalang maging ibon. Malayang nakakalipad, walang problemang naiisip at nakakapunta sa lugar na gusto nila.
“Is there something bothering you?”
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi ko.
“Wala naman, pinagmamasdan ko lang ang kabuuan ng Elvañia,” ani ko habang nakatingin sa malayo.
Ramdam kong nakatingin s'ya sa akin kaya nilingon ko s'ya. Nagtama na naman ulit ang mata namin ngunit ngayon ay mas matagal na.
“So binubusog mo ang sarili mo sa akin?” aniya at bumaba ang tingin sa aking labi.
“Ano?” maang-maangan kong wika.
“Nakita kitang nakatitig sa akin kanina,” aniya.
“Anong nakatitig!? Iniisip ko kasi 'yong pera, ang laki ang nawala. Nanghihinayang ako.”
“That's not it, ramdam kong nakatingin ka, naiilang nga ako kaya tumingin ako pabalik.”
“Ikaw lang ba ’yong view doon? ’Wag ka ngang assuming!”
“Really, huh?”
Lumunok ako at tumingin sa likod n'ya. “M-may naghahanap 'ata sa'yo?” Nauutal ako dahil hindi n'ya pa rin inaalis ang nakakailang n'yang mata sa akin.
“Sino?”
I looked at him. "'Yong mga gagawa, malamang. Uso kasing lumingon.”
Bigla s'yang napatayo sa sinabi ko at bumaling sa mga lalaki. I shook my head and put the attention back on the view.
“Sir, baka bukas pa raw po madala rito 'yong mga materyales. Marami pa raw ang pending at hindi pa nadadala sa kanila.”
Tumango si Brennon at ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila habang nakatingin sa malayo. Hindi ako makarelate dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila.
“It's okay, basta hindi aabot ng isang linggo. Gumawa na rin ako ng poster para maghired ng tauhan,” aniya at pinakita ang ginawa.
Napanganga ako sa ganda ng pagkakaukit. Malinis at walang mga bura-bura, ang mga paint ay hindi rin lumagpas, maayos din ang Value n'ya dahil maayos ang pagkaka-arrange ng malabo sa makapal na kulay.
Kung napag-aralan n'yo ang Principles of Design at Elements of Art alam n'yo ang Value na tinutukoy ko. Bawat pattern at texture n'ya ay napaka-ayos. Kahanga-hangang tignan.
“Kailan mo pa sinimulan 'yan?” tanong ko na nakatingin pa rin sa ginuhit n'ya. It's 3d art kaya ang ganda.
“Kanina lang.”
Lahat kami ay napatingin sa kan'ya.
“Kanina lang?! Bakit ang bilis matapos?”
“Ako ang may-ari ng Cacienda at ako rin ang nagdesign ng mga 'yon, hasa na ako rito,” aniya at kumindat pa.
Hindi ko alam kung ano bang nakain n'ya at may pakindat-kindat pang nalalaman, samantalang kanina ay kinakausap lang ako kapag nagtatanong kung tapos na 'yong mga pinipirmahan ko.
“Tch.” Umirap ako sa kawalan at naglibot-libot muna.
May ginagawa naman s'ya kaya ayos lang. Gusto ko muna ng tahimik na paligid...'yong walang nakasunod, walang makulit, walang maingay at higit sa lahat walang nakakapagkulo ng dugo ko.
Malaking lupa ang Elvañia pero doble naman ang laki ng Vaercesa. Ang problema nga lang, tinakas ang pera namin. Tinakas ng pinagkakatiwalaan ni Papa.
Sobra akong nanghihinayang dahil wala namang tao na magiging masaya kapag nawalan ng mahigit milyon-milyong pera. Walang nakakaalam kung saan s'ya nagpunta, kahit address ay pineke n'ya. Sinubukan din nilang tawagan ang numero kaso hindi na makontak.
Hangga't kaya kong itago, gagawin ko. Kailangan kasi dahil kay Papa. Masyado na s'yang maselan sa mga bagay. Konting lakad lang ay hahapuin na agad, pero kahit papaano, nakakaya n'ya pa ring dumalo rito paminsan-minsan.
Sumulong muna ako sa may kubo namin dahil biglaan ang pagbagsak ng ulan. Hindi na ako nagtaka dahil makulimlim ang langit simula pa kanina. Habang nakaupo ako sa kawayan na upuan na ito ay pinanood ko lang ang mga taong nagsisitakbuhan para makahanap ng masisilungan.
Ayos lang naman sa akin kung umulan para kahit paano ay nadidiligan ang mga halama naming nag-aagaw buhay na.
“God! My laptop!”
Napabaling ako sa lalaking basang-basa na ng ulan. Parang ginasumot ang mukha nito at tinutuyo ang hawak niyang gamit.
Nagkatitigan kaming dalawa. Napatingin ako sa katawan niyang bakat na bakat sa damit. Parang nag-init ang buong kubo dahil sa kan'ya.
“Ginagawa mo rito? Akala ko pumasok ka sa hotel,” panimula niya.
“Hindi, inabot din ako habang naglalakad, e,” sabi ko naman habang nasa katawan pa rin niya ang titig ko.
“Eyes up here, Saturn. Tutunawin mo na ang katawan ko.” Tumawa s'ya.
“H-huh? Sorry,” ani ko at nag-iwas tingin.
Kahit sa malayo ako nakatingin ay kita ko sa gilid ng aking mata ang paghubad niya ng kan'yang pantaas at piniga ito.
Napatingin ulit ako sa kan'ya. Nakatalikod s'ya sa akin ngunit bawat paggalaw n'ya ay nagsisilitawan ang muscle ng likod n'ya. Shit! Nag-iinit ang pisngi ko. I can't remove my eyes from him!
He rub his hair using his shirt. Nilingon n'ya ako at ngumisi naman s'ya. “Namiss mo ba ang katawan ko? Kanina ka pa ah,” saad niya.
“Fuck you! Ang galing mong magpatawa.”
“Talaga? Kaya pala halos maglaway ka sa kaka-titig sa katawan ko.” Ngumisi siya at umupo sa hindi kalayuan sa akin.
“Sino ba naman kasing hindi mapapatingin e napakaliit lang ng kubo na 'to,” singhal ko at tumayo na.
“Oh! Saan ka pupunta?”
“Sa kwarto ko.”
“Ang lakas ng ulan, Saturn, baka magkasakit ka!”
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya. Nakakunot-noo ito at seryosong-seryoso na nakatingin sa akin.
“Maliligo na lang ako saka hindi tayo pwedeng magtagal dito, hahanapin nila tayo.”
“Hayaan mo sila. Hindi naman tayo mawawala rito dahil magkasama tayo.” Muli n'yang sinuot ang damit kahit basang-basa pa ito at lumapit sa akin. “Ayokong magkasakit ka, patilain muna natin ang ulan.”
Nilingon ko siya at umirap. Hindi ako nagpatinag, nilusob ko ang napakalakas na ulan. Wala pang sampung segundo ay basang-basa na agad ako. Ilang hakbang palayo pa lang ang nalalakad ko ay katal na ako sa lamig.
"Saturn!!"

Komentar Buku (10)

  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    25/04

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    30/01

      0
  • avatar
    ObogKayeann

    nice one

    25/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru