logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 6

❝He saved her❞
"Go Gideon!" cheer ng isang babae.
Automatikong napako ang tingin ko sa mga pares ng madidilim na mga mata, hubad na katawan at ang supladong mukha ng taong kinaiinisan ko mula kahapon. 
"Tabi!"
Sa sobrang gulat ay hindi ko agad nagalaw ang katawan ko. Ang tanging nagawa ko lang ay ang mapapikit dahil sa takot na tumama ang nagraragasang bola sa mukha ko. 
But before the ball hit me, someone towered me with his masculinity. Nadagdagan pa ang gulat ko at nanlaki ang mga mata. 
Tutok na tutok sa 'kin ang mga matang puno ng dilim, igting ang panga at kunot ang noo. Direkta akong naka tingin du'n at parang nakakita ng kalawakan sa mga matang iyon. Tila may malaking pader na pumuprotekta sa 'kin ngayon. His sweat fall from his hair down to his cheek to his jaw, hanggang sa pumatak ito sa lupa.
My breathing halted. Isang malakas na pag lagapak ang narinig ko ng tumama ang bola sa likuran niya na rason kung bakit lumiit ang distansya sa pagitan namin. Isang maling galaw ay magkakadikit na ang aming mga katawan.
Ramdam na ramdam ko ang lakas ng pagtama ng bola sa likuran niya. Pinilit n'yang h'wag ngumiwi pero bakas pa rin ang sakit sa mukha niya. 
I can't utter any words dahil sa nangyari. Pakiramdam ko nawala ang inis ko sa kaniya kahapon. He save me kahit na ang suplado niya. Para s'yang pader, alam kung malakas ang tama ng bola pero ni hindi s'ya na tinag.
"Dre, okay ka lang?!" 
"Tulungan n'yo si Deon!" sigawan ng mga kasamahan niya, tumakbo sila palapit sa amin, pati yung mga taong nanonood ay napapalibutan na rin kami. 
"Okay ka lang, Shai?" napa lingon ako sa nagsalita, si Jeha.
Sa sobrang gulat ay hindi ko na napansin na kasama ko pala s'ya bago ako dapat tamaan ng bola. Tila may aftershock ang nangyari kaya tumango nalang ako nang walang reaksiyon.
"Guys! Kayo na bahala kay Kuya, samahan ko na muna si Shaira." Ani Jeha sa kasamahan nila. They nodded.
Hindi pa rin ako naka-usal nang salita ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa kan'ya dahil sinamahan n'ya ako kahit may mga taong masama ang tingin sa 'kin ngayon. Hindi man lahat pero alam kong admirer niya ang mga babaeng 'yun.
"Dito tayo, Shai." Aya ni Jeha sa 'kin at itinuro ang isang tiangge malapit rin sa nilalaruan nila. Sumunod ako sa kan'ya nang lutang ang isipan.
Nang nakaupo kami, nakaupo na rin sa malapit na upuan si Deon kasama ang mga kaibigan n'ya. 'Yung iba ay pinapaypayan pa s'ya dahil sa lagatak nang pawis niya.
He's seating finely. Ginamit niyang tungkod ang siko at itinukod sa tuhod. Ang buhok niya ay basa at tumutulo ang pawis doon. Hinahabol din niya ang hininga. Dahil siguro sa paglalaro nila kanina o baka naman ay dahil do'n sa nangyari.
Ewan ko. Nag-guilty ako, lalo na nang tumingin siya sa 'kin. Tulad ng dati ay wala na naman itong emosyon. Blanko lang ang itsura niya na parang walang iniindang sakit. Pero nakakaramdam pa rin ako ng konsensiya.
"H'wag kang mag-alala kay Kuya, matibay 'yan!" Napa tingin ako kay Jeha na may positibong tiwala kay Gideon.
"Okay lang ba talaga siya? Kasalanan ko talaga 'yun." Pag-aalala ko. Kinakabahan. Totoo naman kase. Kung hindi dahil sa akin ay hindi s'ya madidisgrasya. Hindi kase ako tumitingin.
"Naku! H'wag ka ngang mag-alala! Matibay 'yang si Kuya Deon. Mas delikado pa nga ang ibang hinarap niyan noon." Pagpapagaan ng loob niya sa akin.
Kahit na naguguilty ako, kahit papaano ay nabawasan naman ang pag-aalala ko sa kaniya dahil napa ngiti ito sa kung ano mang sinabi ng kasamahan niya.
"Sana nga." Wala sa sariling usal ko.
"Nga pala, libre ka ba bukas? Ipapasyal kita sa mga magagandang tanawin dito sa baranggay namin. Bago ka lang dito 'di ba? First time mo?"
"Oo. Sabi rin ni Ate Abby na pagkatapos ng pre-natal duty niya sa health center bukas ipapasyal n'ya ako sa Vista Grande. Resort daw dito na may sunflower plantation?"
"Oo. Maganda roon. Pwede bang sumama?" excited na tanong niya. She's facing me while holding my hands. She's very witty and sweet.
Ngumiti ako. "Oo naman, papayag naman siguro si Ate." Ani ko. Naisip kong kailangan kong maging mabait sa kaniya dahil siya itong nagmagandang loob na kumausap sa akin dito. Besides, hindi naman ako introvert. I can be a social butterfly too.
"Talaga? Anong oras? Naks, excited na 'ko riyan!" ani niya.
"Oo nga," usal ko, natawa. Mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin eh. "Pagkatapos daw ng duty niya bukas. Puntahan ko nalang daw siya." Wika ko. 
"Ah, nasa health center din ako bukas eh. Tutulong kay Ate." Ani niya.
Nginitian ko nalang siya at muling napa tingin kay Deon na naglalaro na naman ngayon. Is he okay now?
"Nag-aalala kana naman ano? Maniwala ka, okay lang 'yang si kuya." Ani sa 'kin ni Jeha at tinapik ang kamay ko. 
"Kuya mo?" tanong ko out of curiosity. Pansin ko kasing kuya siya ng kuya sa kaniya. 
She laughed. "Hindi. Actually, cousin ko siya. Hindi niya 'ko kapatid." Natatawang ani niya.
Ah? Pinsan pala, akala ko kapatid. 
"Pero parang kapatid ko na rin dahil pareho kaming walang kapatid. Magkasama rin kami sa bahay. Sobrang bait kase niyang si Kuya, sobra! Kaya nagkakasundo kami!" bidang ani niya. 
Tinanong ko lang naman na kung kuya niya eh. Bakit andaming sinabi? Why so specific? Natawa ako sa isipan sa pagiging sarcastic ko.
"Bakit?" tanong niya sa'kin ng napansin ang pagmumuni ko. 
"Nothing," ani ko.
"Kuya?" 
Bigla kaming napa tayo ng dumaan ang barkada ni Deon sa kinauupuan namin, kasama siya na blanko pa ring naka tingin sa 'kin. Sa totoo, galit ba siya dahil siya 'yung natamaan ng bola? e bakit ni-save niya pa rin ako? Kanina ko pa 'to napapansin na masama ang tingin sa akin e.
"Tapos na ang warm up namin. Maliligo kami sa La viste, sama kayo?" tanong ni Thad, 'yung medyo pandak sa kanila na blond ang buhok. Iyong singkit.
"Sasama ka?" baling ni Jeha sa akin. Doon lang ako natauhan.
My lips twisted. "Hindi siguro." Ani ko. Nahihiya lang talaga ako kase 'di ko naman sila kilala, maliban siguro kay Jeha. 
"Kayo nalang pandak. Ayaw ni Shaira e." Ani Jeha at naka ngiting tumingin sa 'kin.
Kumunot ang noo ko. Hindi rin siya sasama?
"Hindi ka sasama sa kanila?" nahihiyang bulong ko. Paano ba naman, napapalibutan kami ng mga lalakeng kasama niya. Dumagdag pa ang malamig na tingin ng isa. 
"Hindi na muna. Gusto pa kitang maka sama eh!" natatawang ani niya sa akin. Wala ba 'tong ibang kaibigan? Pero sa bagay, mabuti't may kasama ako.
"Kuya, kayo nalang ang maligo! Hindi rin sina Maycel maliligo eh." Ani niya at tiningala ang pinsan. 
Nahihiya akong tumingin sa kan'ya siguro dahil una palang at hindi ako sanay. I want to thank him. Pero paano ko sasabihin? Sa pakikitungo palang niya sobrang nakaka tamimi na. 
Should I?
"Tayo na." Malamig na sabi nito at nauna nang umalis. 
I bit my lowerlip. D*rn.
"D-deon!" halos mabuwal ako sa binubuka ng bibig ko. Kaya ko 'to! Salamat lang naman eh!
Everybody went silent when he look back with a furrowed brows. Based on his body langguage, tinatanong niya kung ano ang sasabihin ko. Parang magta-thank you ako na parang hindi. Lalong kumunot ang noo niya nang 'di ako makapagsalita. He moved so I got agitated.
"T-thank you! Thanks for saving me!" sigaw ko na pilit pinisa ang pride. 
Kahit na ang taas ng pride ko, mabuti rin akong tao. Marunong akong mag-pasalamat sa taong tumulong sa 'kin. Not because anak mayaman ako, hindi na 'ko marunong gumalang at magpasalamat. 
"Tsss, forget about it." He hissed lowly but I still heard it.
Binabawi ko na talaga ang sinabi ko bago lang. Sa halip sa isang malugod na 'you're welcome' ang matanggap ay parang isang baldi ng ice ang binuhos niya sa 'kin. 
What the hell?! Sincere ba talaga siya sa pagtulong? Tinulungan nga ako, parang sinabi niya rin na parang ang lampa ko for that b*llshit act.
Nang-init ang mukha. Naiinis na naman ako sa kan'ya. So using my sharp stares, I followed his back then cursed.
D*mn you again! Sagad!

Komentar Buku (26)

  • avatar
    Felmar Ramos Cayasa

    good

    5d

      0
  • avatar
    OgrimanZenaida

    ok very nice

    16d

      0
  • avatar
    MijaresClaudine

    hhu

    21/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru