logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Four

Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang papasok sa napakalaki at natitiyak kong mamahaling restaurant bar na pag-aari ni Drake na iyon.Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa loob.Mukhang mga yayamanin ang mga taong naroroon.Bigla tuloy akong nakaramdam ng panliliit sa sarili.First time in my life na makakapasok ako sa ganitong lugar.Dati kasi hanggang karenderya lang ang abot ko.Pero ang lugar na katulad nito ay alam kung hindi nababagay sa akin.
"Just relax, Reese." narinig kong wika ni Dana.Hinawakan nito ang kamay ko at marahang hinila patungo sa napakalaking counter.May limang lalaking naroroon habang masayang naghahalo ng Iba't-ibang alak.Alam kong ito ay mga bartender.Kaagad ng mga ito binati si Dana.
"Good evening Ms.Dana." magiliw na bati ng lima.
"Good evening too.Where's chef Drake Lucero?"
"Nasa restaurant kitchen po."
"Okay thanks," hinawakan ni Dana ang kamay ko at humakbang kami ngunit bigla rin kaming napatigil ng magsalita ang Isa sa mga bartender.
"Sino pong kasama niyo? saang bundok po siya nanggaling?" anito sabay hagalpak ng tawa. "Mukhang malayo po kayo sa kabihasnan," patuloy na panlalait nito.Umalsa ang blood pressure ko ng dahil sa narinig.
"Hoy! sino ka ba? kung makapanglait ka naman, para kang hindi galing sa mahirap! gusto mo ng salpukan?" nanggagalaiti kong wika.Natawag ko na tuloy ang atensiyon ng mga taong naroroon.Mabuti na lang at medyo madilim sa loob.Pero ang iba ay pinagtitinginan kami.
"Gusto mo bang masesanti?" si Dana.
Bigla namang humingi ng paumanhin ang lalaki.
"Palaban ka pala," natatawang saad ni Dana habang tinutungo namin ang kinaroroonan ng kitchen.
"Kung kinakailangan,kapag pakiramdam ko masyado nang tinatapakan ang pagkatao ko,aba! hindi ako magpapatalo!" matapang kong tugon.Humalakhak ito.
Nagpatuloy kami sa paghakbang.Napaawang ang aking mga labi ng makita ang napakalawak na kitchen.Abala ang mga taong naroroon sa pagluluto at pagpre-prepare ng orders ng mga kustomer.Ang higit na tumawag sa atensiyon ko ay ang lalaking seryoso habang may tinitingnan sa isang recipe yata iyon.Nag-uumapaw ang kaguwapuhan nito dahil sa sout nitong unipormeng puti.
"Hoy!" untag sa akin ni Dana.Saktong nag-angat ng tingin si Drake.Nagulat pa ito ng makita kami mula sa bungad ng pintuan.Nakita kong mabilis itong lumapit sa kinaroroonan namin ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang madilim na anyo ng mukha nito ngunit hindi sa akin nakatingin kundi kay Dana.
"What is she doing here?" pabulong nitong tanong.Nilingon ako ni Dana ngunit kaagad din na bumaling kay Drake.
"Ipinapasyal ko lang siya Kuya." masiglang tugon ni Dana.
"Hindi ito amusement park o Luneta park, Dana." mariing saad ni Drake ngunit sa akin nakatingin.
"Alam ko,gusto ko lang ipatikim sa kaniya ang mga pagkain niyo dito."
Saglit itong sumulyap sa akin. "Puwede mo siyang dalhin sa karenderya." narinig kong wika nito.Kahit ramdam ko na ang panglalait nito ay sinubukan ko pa rin ang kumalma kahit sa totoo lang ay kumukulo na ang dugo ko.
"You should accompany her to manila zoo mas bagay siya doon," mapang-lait nitong saad atsaka hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Pasensiya na ha, pero baka sarado na po ang manila zoo ngayon." nakangisi ngunit naiinis kong wika.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Dana.Samantalang marahas na buntong-hininga naman ang pinakawalan ng aroganteng si Drake.
"Sa susunod, kapag maisipan mong magpunta sa ganitong lugar, ibagay mo naman iyang sout mo.Look at you! para kang monkey bride na tinakasan ng kaniyang monkey groom," madilim ang anyo ng mukha nitong nakatitig sa sout ko.
Isang dark gray dress ang sout ko na aabot hanggang talampakan at nakalugay ang aking kulot at aalon-alon na buhok.Simpleng babae lang ako.Hindi ko rin hilig ang maglagay ng mga kolorete sa aking mukha dahil ang kagandahan daw sabi ni ante Fe, ay dapat pure.Parang puso, dapat pure love daw ang pinapairal doon.At Isa pa, sabi ni ante Fe, maganda raw ako kaya sapat na iyon para maniwala ako.
"Excuse me lang po ha, mawalang galang na ha, hindi po ako monkey.Siguro kung maging monkey man ako, ako na ang pinakaganda sa monkey na makikita mo." naiinis kong wika.
Kumunot lang ang maiitim nitong mga kilay sabay iling at bumulong sa sarili.
"I'm just wasting my time here." anito sabay talikod.
Nagkatinginan lang kami ni Dana. "I'm sorry ganoon lang talaga si kuya.Hindi siya ganiyan dati." anito atsaka hinila ako nito papunta sa isang bakanteng upuan at nag-order ng pagkain at alak.
"Oy hindi ako umiinom." wika ko.
"Lady's drink lang naman iinumin natin." nakangiting saad ni Dana.Hindi ko pa talaga nasusubukang uminom hanggang soft drinks lang talaga ako.
"Ma'am, here's your order." siyempre bahagya nanaman akong kinabahan.Paano, Nakita ko nanaman ang Iba't-ibang hitsura ng mga kubyertos.
"Puwede magkamay?" nahihiya kong tanong.
"Sure." ani Dana.Habang kumakain,Panay naman ang pagkukuwento ni Dana ngunit hindi doon nakabaling ang atensiyon ko kundi sa guwapong lalaking papalapit sa kinaroroonan namin.
"Kuya!" masiglang wika ni Dana. "Join us!' dugtong pa nito.
"No thanks!" saad nito ng madilim ang anyo ng mukha.
"Let's go home." anito na nanatiling nakatingin kay Dana.Parang hindi ako nag-e-exists dito.
"Maaga pa atsaka kasama ko si Reese gamit ko ang sasakyan ko."
"Ewanan mo na lang 'yan dito siya na ang bahalang maghanap ng kaniyang masasakyan pauwi."
Naalarma akong tumingin kay Dana.Gusto kong humingi ng saklolo mula dito.
"Hindi puwede! don't you remember na bago pa lang si Reese dito sa maynila?" hindi makapaniwalang saad ni Dana.
"Baka mapahamak ka lang kapag siya ang kasama mo," walang gatol nitong saad na naging dahilan upang tumubo ang dalawang sungay ko sa ulo.
Hindi ako nakatiis,tumayo ako at tinitigan ito ng masama.
"Ano ba kasi ang tingin mo sa akin? hindi ko ipapahamak si Dana! alam mo, sayang ka, edukado, guwapo pero sobrang gaspang nang ugali mo! kasing-gaspang ng puwet ko!" inis kong turan sabay talikod sa dalawa.Wala na akong pakialam.Naglakad ako palabas ng lugar na iyon.
"Reese!" narinig ko pa ang pagtawag ni Dana sa pangalan ko ngunit hindi na ako nag-abala pa ang lingunin ito.Sumusubra na ang lalaking iyon.Nakakasakit na siya masyado ng damdamin.Mas mabuti na lang siguro kung babalik na lang ako sa probinsiya.Doon ay walang nanglalait sa akin, at walang nananakit.
"Anak, bakit ang aga mong nakauwi? nasaan si Dana bakit hindi mo kasama?" sunod-sunod na tanong ni nanay nang mabungaran ako sa may pintuan.Bagsak lang ang balikat ko at nanghihinang umupo sa sofa.
Sumunod naman ito kaagad sa akin doon.
"Nay, pasensiya na po pero hindi ko na po hihintayin ang kasal niyo."
Gulat ako nitong pinakatitigan." Bakit? anong problema?" nag-aalala nitong tanong.
"Ngayon pa lang ay nakikini-kinita ko na na hindi kami magkakasundo ni Drake.Masyado siyang mapagmataas! mapang-mata," saad ko at hindi ko na napigilang umiyak.Sakto namang bumaba si Mr.Vergel mula sa hagdanan.
"What's goin on here?"
Buntong-hininga lang ni nanay ang narinig kong sagot sa tanong nito.
"Si Drake.Anak mo." matabang na wika ni nanay at napailing. "alam kung ayaw niya sa akin bilang kaniyang magiging step-mother pero, hindi ko naman gustong inaapak-apakan niya itong anak ko.Oo mahirap lang kami noon pero,may mabubuti pa rin kaming asal."
"Damn!" narinig kong pagmumura nito. "I will talk to him," anito.Nakita kong may tinawagan ito sa cellphone at alam kong si Drake iyon.
"Let's see each other tomorrow! pumunta ka dito bukas na bukas sa bahay Drake Lucero!" anito at humakbang palalayo.Galit na galit ito habang kausap ang lintik na Drake na iyon.
"Huwag ka namang padalos-dalos anak, hayaan mo na si Drake.Dapat ang mas isipin mo ngayon ay ang kasal ko.Matagal kitang hindi nakita kaya huwag ka naman bumalik ng probinsiya." malungkot na wika ni nanay.
"Pasensiya na po kayo 'nay masyado po akong nagpapaapekto sa Drake na iyon.Hindi na po ako babalik sa probinsiya katulad ng kagustuhan niyo."
Mabilis ako nitong niyakap at hinalikan sa noo.
"Kumusta na nga pala ang ante Fe mo doon?"
"kinukumusta ka rin niya, 'nay."
Ngumiti ito at pinakatitigan akong mabuti. "Kung nalulungkot ka na wala ang ante Fe mo, hayaan mo paluluwasin din natin siya dito sa maynila hindi pa man nagaganap ang kasal namin ni Vergel."
Dahil sa sobrang tuwa, mabilis kong niyakap si nanay.Sa wakas maiibsan na rin ang pangungulila ko kay ante Fe.
Kinabukasan, dumating nga ang Drake na iyon dito sa bahay ni Mr.Vergel.Hindi na ako nagtaka ng makitang sambakol ang mukha nito.
Alam ko at nararamdaman ko ang galit ng ama nito sa mga sandaling iyon.Nakapamaywang pa itong mariin na tinitigan si Drake.
"Say sorry to her," Ani Mr.Vergel habang nakaturo sa akin.
Nakita ko ang pagkadisgusto nito habang pinagmamasdan ako.
"Why do I need to do it, Dad? Wala akong natatandaang ginawa kong kasalanan against her," naiiritang saad ni Drake.
"Ano itong sinasabi ni Reese kagabi?" nagtitimping tanong ni Mr.Vergel sa anak.
"I don't know, Dad!" pasigaw nitong tugon.Halos matanggal ang panga ni Mr.Vergel dahil sa inaasal ng anak.
"Alam mo minsan, naitanong ko sa sarili ko kung saan ako nagkulang bilang isang ama sa'yo? I also wonder why you act something like that na para kang hindi edukadong tao o walang pinag-aralan,"
"Excuse me lang po," sabat ko sa usapan ng dalawa hindi kasi ako nakatiis at nanggigigil ako. "Dagdag kaalaman, hindi po basehan ang pinag-aralan sa ugali ng isang tao.May mga tao talagang kahit may mataas na pinag-aralan at may propesyon sa buhay na magagaspang ang ugali." wika ko na diniinan pa ang huling salita.
"Kadalasan pa nga, itong mga dukha at walang pinag-aralan ang may matinong pag-iisip."
Hindi makapaniwalang tumitig sa akin ang hinayupak na si Drake.Kahit paano naman ay gusto ko rin makaganti.
Si Mr.Vergel naman ay nakaawang lamang ang mga labi na nakatingin sa akin.
"And are you trying to say na hindi ako matino?" nanggagalaiting saad ni Drake.Kulang na lang ay lunukin ako nito ng boung-buo.
Mabilis naman na inawat ni Mr.Vergel ang sariling anak.Si nanay naman ay tahimik lang ito sa isang sulok habang nakikinig sa usapan namin.
"Ikaw na po ang bahalang umintindi.Kung sa tingin mo hindi ka nga matino, subukan mong baguhin ang ugali mo." matapang kong saad.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Drake. "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para magsalita ng ganiyan sa harapan ko.You are nobody! sampid ka lang dito sa pamamahay ni Daddy!"
"Drake stop it!" Ani Mr.Vergel.
Napalunok ako at parang tinarak ng punyal ang dibdib ko dahil sa sinabi nito.Ang sakit ng sampal ng katotohanan pero kailangan kong magtiis para kay nanay.
"Say sorry to her!" galit na utos ni Mr.Vergel.
"No!"
"Drake!"
"No!"
"I said, say sorry to her! or else, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"
"I don't care, Dad!"
Kasabay niyon ay ang paglapat ng kamao ni Mr.Vergel sa panga ni Drake.Natarantang lumapit si nanay at ako naman ay hindi nakahuma dito sa aking kinauupuan.Bahagya akong nakaramdam ng panginginig sa aking mga tuhod dahil sa takot.Hindi ko akalain na ganoon kalaki ang dala kong gulo pagdating ko pa lang sa pamilya ng mga ito.Parang hindi ko yata maaatim na masira silang mag-ama dahil sa akin.Tumayo ako at mabilis na lumabas.Mabilis kong hinamig ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga.Ilang sandali lang ay namalayan ko na lamang ang sarili ko na umiiyak habang naglalakad sa daan.Parang namanhid ang buo kong katawan.Parang hindi na ako nakaramdam ng takot kahit na alam kong bagong salta lang ako sa lugar na iyon.
"Ma'am saan po kayo pupunta? katatawag lang po ni ma'am Regina,ibinilin niya sa aming mga security guards na huwag kang pahintulutang lumabas kasi delikado para sa iyo."
Mabilis akong nag-angat ng tingin.Nasa harapan na pala ako ng malaking gate ng village na iyon.
"Pasensiya na po, Sige babalik na lang po ako." saad ko at tinalikuran ang mga ito.Humakbang ako pabalik.Binagalan ko lang ang lakad ko at nagmuni-muni.
Naisip ko rin, siguro kung nasa probinsiya lamang ako, masaya ako ngayon sa pagtitinda ng mga isda kasama si ante Fe.At nakikita at nasisilayan ko sana ang guwapong mukha ng aking crush na si Rigor pero hindi eh, nandito ako sa impyernong lugar.Narealize ko rin na, wala naman pala halaga ang yaman ng isang tao kung wala kang saya sa puso.Katulad ni Drake, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat pero bakit parang hindi niya pa naranasang sumaya.Palaging galit at nakasimangot.Napailing na lang ako at binilisan ang paghakbang ng makita ko ang biglang pagdilim ng kalangitan mukhang uulan pa yata ng ganoon kaaga.

Komentar Buku (234)

  • avatar
    BagonzaKyla

    sa dami kunang nabasang story dito lang ako mangiyak ngiyak.nakarelate sa bawat story na mababada mo. kahit pa basahin mo ng isa, dalawang o higit pa di ka magsasawang basahin sa Ganda na story na to.Salamat author/writer na gumawa ng story nato. sana naman po may kasunod pa ganda kasi ng pagkakasulat haggang dulo nakakaexcite. may book2 po ba? Kong Meron man sana ma publish na...

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Mary Jane Mamii

    bitiinnnnnnnnnn😥😥😥😥 drake wer na u. next next next po.. thankyou. Godblessyou alwayssss po💖💖

    04/04/2022

      0
  • avatar
    Jared Grijalde

    Nga husay

    9d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru