logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3

Mirasol Driana
Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Inaantok pa ako! Gusto ko pa sanang umidlip pero di na pwede. Baka ma-late ako sa group activity namin ngayon.
We decided na sa TSU na lang namin gawin iyon since bukas naman ang University kapag Sabado.
Hindi naman inabot ng isang oras ang paghahanda ko. Nagsuot lang ako ng black na jogger, black shirt, sneakers at gray cap na may letter "M" sa gitna. Palagi kong suot ang cap na ito dahil regalo ito ni DM sa akin. Nagdala na din ako ng extrang black shirt para sa pagpunta ko mamaya sa bahay nila Kai.
"Hi, Mira babes! Good morninggg!" Sigaw ni Jam. Ang aga-aga sigaw agad. Napaka-energetic niya naman ngayon?
Nginitian ko siya at nagsalita, "Good morning, Jam. Ang energetic mo ngayon ah?" Medyo may bahid iyon ng pang-aasar.
"Duh, Mira! It's Saturday kasi and I don't have any paperworks to do kaya let me celebrate this 'free' Saturday! Woooooh!" Tumalon-talon at inikot niya pa ang buong living room. What's with this girl?! "Sayang lang, may pupuntahan ka ngayon. 'Satur-Date' sana!" Pagrereklamo niya.
"Bukas na lang, babawi ako, promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Sure 'yan, ha?" Tumango ako. "Yay! Kain ka na sa dining area, may breakfast na doon." Tinuro pa niya ang pasilyong daanan papunta sa dining area. "By the way, kwentuhan mo ako later about sa pagkikita niyo ni Kai, ha? Ayie!" Nang-aasar ang tono niya.
"Tch, si Tita ang nag-invite sa akin, hindi si Kai. Okay?" Sagot ko naman. Baka anong isipin eh, jusko!
"Sabi ko nga, hehe. Basta tell me later ha? Enjooooy!" Dahan-dahan siyang umalis ng living room habang may isang evil smile ang nakapinta sa kanyang mga labi.
Tch, walang malisya 'yung pagkikita namin ni Kai. He's just a friend of mine. Not literally 'mine'.
Nagbreakfast lang ako saglit, oo talagang fast. Nagmamadali akong pumunta sa University. Buti naman at nakipag-cooperate ang mga members ng group namin. May reporting kasi sa lunes kaya todo gawa kami ngayon. Buti na lang at natapos rin agad.
"Bye, guys!" Iwinagayway pa ni Liera ang kamay niya sa ere habang naglalakad patungo sa kotse niya. Liera is our group leader.
Nagtungo na ako sa gilid ng gate ng University. Eksaktong 9 o'clock ay may humintong Gray Mercedes Benz sa harapan ko. Isang pamilyar na kotse. Mula roon ay lumabas si Kai, he's wearing a white shirt and a black trouser.
"Shall we go?" Tanong niya habang binubuksan ang pinto ng shotgun seat.
Tumango ako at pumasok na sa loob. Sumakay na rin siya sa driver's seat at nagsimulang magmaneho.
"Saan pala tayo pupunta? Diba nabanggit mo na may pupuntahan muna tayo bago dumiretso sa bahay niyo?" Pagbabasag ko sa katahimikan. Halos fifteen minutes kaming walang kibuan eh.
"Dito." He said and parked the car. Nasaan ba kami?
Tumanaw ako sa bintana at luminga-linga. Saka ko lang narealize kung nasaan kami.
Nasa...simbahan?
Napa-sign of the cross ako bigla. Hindi niya man lang sinabi, sana nagawa ko agad iyon. Way ko kasi iyon ng pagbibigay respeto sa Diyos.
"We're going to attend mass?" Dahan-dahan siyang tumango at ngumiti.
"Tara?" Tanong niya at nagsimulang maglakad. Sumunod naman ako.
Nang malapit na kami sa may entrance ng simbahan ay nagpaalam siya sa akin. Hintayin ko na lang daw siya dito mismo sa pwesto ko mamaya. Suddenly, pumunta siya sa bandang likuran ng simbahan.
Ilang oras pa ay may nag-sasalita doon sa may microphone na magsisimula na ang mass. Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Sa paglipas ng ilang minuto, nagsimula na ang misa. Pumunta na ang pari sa harapan, kasabay ng mga altar servers. Doon nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
Si Kai.
Ngitian niya ako nang makita niya ako. And I did the same thing.
Kaya pala mukhang nagmamadali siya kanina. Hindi naman niya sinabing altar server siya. Matapos ang ilang oras ay...
"The mass has now ended."
Binuksan ni Father ang bote ng holy water at winisikan ang lahat ng nandoon. I feel blessed today, thanks to Kai.
"Hey, Driana!"
"Chammy!"
Napalingon ako sa kanan ko ng marinig ang boses ni Samuel. Akala ko guni-guni ko lang, totoo pala.
Sa harapan ko naman, nandoon si Kai na nakapagbihis na.
Lumapit ako kay Samuel, "Chammy! Nice to see you here. Kumusta?" I tapped his shoulder.
"I'm good, Chammy! Sa wakas ay natapos na din ang 'childish punishment' sa akin ni Dad. How about you, how's your studies? I heard that next week na physical training niyo?" Mahabang lintanya niya.
"Yeah, next week na nga haha. Mahirap 'yon lalo na't first year kami tapos first time rin! Pero, alam mo namang kakayanin, di'ba?" Itinaas ko pa ang nakakuyom kong kamao. Sabay kaming natawa ni Sam.
"Let's go, Driana." Rinig kong sabi ni Kai. Oh, I almost forgot na kasama ko siya!
"Oh, bro! As I've expected, you're here. Anong gagawin niyo ni Chammy?" Sam also tapped Kai's shoulder.
Tiningnan lang siya ni Kai, napakalamig, "Just tell ya later. I and Driana need to go. Bye, bro." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalabas. Pagkalabas namin ay huminto siya at humarap ulit sa simbahan at nag-bow. I also bowed as my respect.
Nang makasakay kami sa kotse niya at nagsimula siyang magdrive ay nanatili ulit ang katahimikan.
"You seems very close with Samuel, huh?" Tanong ni Kai, hindi inaalis ang tingin sa daan.
"Yeah, he's my childhood friend. Didn't I told you before?" Nagtataka kong ani.
"I don't know, Driana. Hindi ko na matandaan." He said using his cold voice.
"Mira nga kasi, hindi Driana!" Pagrereklamo ko sabay tingin sa labas.
"Do you know what your name, 'Mirasol' means?" Imbis na sagutin ang reklamo ko ay hindi niya ito pinansin.
Ngumit ako, "Mirasol means sunflower."
"Great! How about 'Sol'?" Tanong niya ulit.
"Sol means...sun." Nakangiti parin ako. Napapangiti talaga ako kapag naiisip ko ang meaning ng name ko. Napakaganda eh!
"Nice. You are the sun of your own world, Driana. You're the flower that brings hope, joy and light to the dark garden." He said, meaningfully.
His eyes we're shining.
Why is he saying that to me?
"Uh, Si Yu'us ma'åse', Kai." I give him a soft giggle.
"What?" Kumunot ang noo niya.
"Uh, ibig kong sabihin, 'thank you'." Paliwanag ko.
"Chamorro Language?" I nodded. "I want to learn that." Nagpout pa siya.
"Marami sa YouTube." I chuckled.
"Tch, by the way, daan muna tayo sa drivethru?" Inilihis niya na naman ang topic.
I gave him a thumbs up. Dumaan kami sa Drivethru ng McDo at umorder. Nakakagutom na. Alas dies na pala ng umaga.
"Do you like kids?" Kai suddenly asked. Bakit niya naman biglang naitanong 'yon?
"Oo naman, kids are precious." Sagot ko sabay kagat sa burger.
"That's nice. Magugustuhan mo ang next destination natin." Sabi niya't kinuha rin ang burger niya at kumagat ng madalian, nagdadrive pa kasi siya.
"Traffic!" Naiinis na usal niya. Kumamot pa sa ulo na parang batang naiinis sa kaaway.
"Kai." I called him. Nang lumingon siya ay pinunasan ko ang ketchup na nasa gilid ng labi niya gamit ang tissue paper.
"Binata ka na pero parang bata ka parin kumain." Tumawa-tawa pa ako, pero napansin kong walang imik si Kai.
Nang tingnan ko ito ay nakitang kong tulala ito. Iwinagayway ko ang kamay ko sa harapan niya ngunit wala parin.
Beep! Beep!
"Oh, sorry." Natauhan si Kai ng marinig ang busina ng kotseng nasa likuran namin.
Pft!
Naging busy na ulit siya sa pagdadrive. I can sense some awkwardness. Naiilang ba siya dahil sa pagpunas ko ng ketchup sa may labi niya kanina?
"Awkward?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Don't be." I patted his head.
"We're here." He finally announced.
Nasa isang Bahay-Ampunan kami ngayon.
Nang makababa siya, agad na sinalubong siya ng mga bata. Alam kong pagbubuksan niya pa ako ng pinto kaya inunahan ko na siya.
"Kuya sino siya?"
"Gelpren mo kuya?"
"Kuya ang ganda niya!"
"Kuya, siya na ba ate namin?"
"Ang ganda mo po ate!"
"Ate ano pong name mo?"
Ngumiti ako sa mga bata. Isang titig mo pa lang, alam mo nang makukulit sila. Siyempre, leader sa kakulitan, si Kai.
"Kiddos! Quiet muna, let her speak." Malumanay na sabi ni Kai. Agad din namang nagsitigil ang mga bata
I smiled again, "Uhm, hello kids! Ako si Mirasol Driana Romero, a friend of your kuya Kai. Pwede niyo akong tawaging 'ate Mira'."
"Hello po, ate Mira! Welcome po sa aming munting tahanan!" The children said in chorus. Mukhang nakasanayan na nilang ganoon kapag may bisita.
"Nice to meet you all!" I waved my hands.
May ilan sa kanila na nakikipagngitian sa akin, may ilan na makukulit ngunit ang nasa likuran ay mukhang mahiyain.
"Uhm, hello!" I approach a little girl. Maybe she's 8 or 9 years of age. "Anong pangalan mo?" I smiled sweetly para hindi siya matakot.
"A-Amir po, ate." Unti-unting nagkaroon ng ngiti sa labi niya.
"Nice to meet you, Amir." I cupped her face. "Ang cute cute mo naman!" Nakakagigil itong batang 'to!
"Eh, natatandaan ko po, sabi nila mama, ipapadala na daw po ako dito kasi ang pangit pangit ko daw po. Wala daw po silang anak na pangit tapos po pabigat pa raw po ako sa buhay nila kaya nung gabi, iniwan po nila ako sa may gate nitong Bahay-Ampunan."
Biglang nagbago ang ekspresyon ko. She's too young to experience that kind of shit.
"Shh, hindi ka pangit at mas lalong hindi ka pabigat, okay? " Naaawa ako sa kanya. Napakabata niya pa para maranasan iyon.
Instead of a verbal response, isang yakap ang inisagot niya sa akin. Naririnig ko ang mga hikbi niya. I caressed her back to make her feel okay.
"Uhm, kiddos, sinong gutom na?" Kai tried to change the mood.
"Akoooo!!!" Masiglang ani ng mga bata. Nagsilundagan pa iyong iba.
"Then let's go. Food's already in the dining area!" Masiglang sabi ni Kai. Nagsitakbuhan naman ang mga bata papunta sa dining area ng Ampunan. "Slow down, kiddos!" Sigaw ni Kai.
Si Amir naman ay kinarga ko. Hindi naman siya mabigat. Sumabay sa paglalakad ko si Kai. Ang tapang-tapang ko palang maglakad mag-isa, hindi ko pa pala alam ang daan papungang Dining Area! Gosh, Mira!
"You really likes children. Magiging isang mabuting ina ka in the near future." Was that a compliment? Okay, I'll take it.
"Thank you. Ikaw rin, you'll be a good father. A superdad, I think?" I giggled.
Ibinaba ko na si Amir nang marating namin ang dining area. Pumunta na rin siya sa mga kaibigan niya.
"Alam mo, kung may trabaho lang ako and I have my own house her in Tarlac or somewhere, I would adopt Amir and let her feel what a normal child would feel." Sabi ko kay Kai habang pinagmamasdan ang mga bata na may malaking ngiting nakapinta sa mga mukha nila.
"Pwede mo naman siyang ampunin even tho you're in the Sandoval's Residence." Kai said seriously.
"Hindi, I mean, gusto ko kasi sariling pera ko na ang gagamitin ko para pang-support sa bata. Nakakahiya naman kasi kung hihingi pa ako kila Mhi at Dhi. Tsaka nakakahiya din kina Tita." Bumuntong-hininga ako. "Maybe the right time will come."
"I guess you're right." He then gave me a smile, which is sinuklian ko rin ng isang matamis na ngiti.
Pagkatapos ng conversation namin na iyon, nagkanya-kanya na muna kami ng gawain. Inaasikaso namin ang mga bata. Tumulong na din ako sa pagbibigay ng pagkain sa mga bata, ang iba'y nahihiya pa.
"Hi, ate!" Amir waved her hand when she saw me. May makulit na side din pala itong batang ito. Maybe lumalabas lang 'yon kapag komportable na siya sa isang tao. I smiled at her and waved my hand.
Exactly 11:30 o'clock nang matapos kami sa ginagawa namin. Nasa may parking lot na kami ngayon, kasama sina ate Hilda at ate Eva.
"Kids, what will you say to kuya Kai and ate Mira?" Tanong ni ate Eva habang nakaharap sa mga bata.
"Thank you for visiting us. Please do comeback again! Your work is much appreciated!" They said in chorus, nagpalakpakan pa pagkatapos.
"Thank you, kiddos! Ate Mira and I need to go now. Bye-bye, kiddos!" Iwinagayway ni Kai ang kamay niya kaya't ginawa ko rin ang parehong bagay.
Nang tumalikod na ako ay may naramdaman akong yumakap sa akin, si Amir.
"I love you, ate. Balik ka po ha?" Ngumiti siya ng napakalaki.
I caressed her hair, "Oo naman, babalik si ate."
Humiwalay na siya sa akin, sumakay na rin kami ulit ni Kai sa kotse. Almost half an hour ang ginugol niya sa pagdadrive hanggang marating namin ang bahay nila. Traffic na naman kasi eh.
"Oh, hi Mirasol Driana! I'm glad you came!" Masiglang bati ni Tita Divina. Bineso niya pa ako.
"A pleasant day po, Tita." Nakangiti kong saad.
"Come in, come in!" Inalalayan niya pa ako papunta sa living room nila like I'm her daughter. "Please take a seat, hija."
Nang makaupo ay inilibot ko ang paningin ko sa kanilang bahay. Kulay brown ang interior design ng bahay nila. Sa likuran ng couch na ito ay may nakasabit na painting na sunflower at isang family picture nila na nasa malaking frame.
What a nice and perfect family.
Napangiti ako sa aking naisip. Kung ganyan lang din si Dhi sa akin. Pft, nakakatawa lang na isiping hindi niya ako tanggap. Was I an orpan or what?
"Driana, hija?"
Gulat akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko.
"Uh, sorry po. Ano po ba 'yon?" Nahihiya kong sabi. Act normal, Mira!
"Let's go to the dining room, hija. Tanghali na't hindi pa kayo kumakain." Katulad kanina'y inalalayan niya ulit ako patungong dining room. Hawak-hawak niya ang kamay ko.
Pumwesto na kami sa table. Kumukuha pa lang kami ni Kai ng pagkain ng biglang chumika itong si Tita.
"How's your studies, son?" Tanong nito kay Kai.
Sumubo muna si Kai, "It's good, ma. I have good scores at quizzes and tests. I'm doing good." Ngumunguya at tumatangong ani ni Kai.
"That's good, son. As what I've expected." Ngumiti pa ito. "How about you, Driana?" Baling nito sa akin. Di ko inexpect 'yon ah? Pati pala ako kasama, pft!
"Okay naman po. I'm preparing for our physical training po. Baka next week po kasi magstart na po." Sagot ko naman, itinigil muna ang pagkain.
"Physical training? What course do you take ba, hija?" She became curious.
"BS Criminology po."
"Oh, a criminology student and a culinary student is in front of me right now!" Amazed pang bulalas ni Tita. So, Culinary Arts ang course ni Kai...
"Anyways, goodluck sa training niyo, Driana hija. It takes 4 years of training, am I right?" dagdag pa ni Tita.
Tumango ako, "Opo, 4 years po ang course ko, equals 4 years of trainings din po. Advantage naman po is pwede kaming umuwi ng bahay, hindi po 'yung mismong mags-stay po kami sa campus or sa lugar po ng pagtetrainingan namin."
"You will be busy, super busy, for 4 years, huh?" Nakangusong ani ni Tita.
"Opo, aside po kasi dyan, marami pa po'ng dapat pag-aralan sa napiling course po namin." Pagpapaliwanag ko. Hindi na nakakakain sa dami ng mga pinagsasasabi ko.
"So you have no time for having a partner?"
Nasamid ako sa tanong na 'yon. Bakit kailangan pang ma-mention 'yon? Agad akong uminom ng tubig.
"Oh, are you okay? Sorry, hija." Pumunta pa siya sa may side ko para himasin ang likod ko.
"O-Okay lang po ako. Thank you po." Pinilit kong magsalita. "I have no time for love po, Tita. Career is much important, love can wait."
"I see, sige na, you may continue eating." Tita Divina said.
After ng lunch, nagkwentuhan muna kami sa may garden nila. May table and chairs naman kasi doon. And after that, tumuloy na kami sa music room. Remember, Tita said na tugtugan ko raw siya.
Pagkapasok naming tatlo, napahanga ako sa dami ng instruments! Malawak din ang room. Gitara at violin lang kasi ang meron sa bahay namin sa Saipan. Bale natuto ako ng ibang instruments sa school dahil kasali ako sa banda.
"Ai..." Bulong ko sa sarili ko. Ai means 'wow'.
"Bunita?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Tita sa linggwahe ng mga Chamorro. Is she also a Chamorro or marunong lang talaga siya?
"Hunggan." Sagot ko sabay tumango, I was mesmerized by it's beauty.
May design kasi ng universe ang isang side ng kwarto, sa isa ay mga sunflower at daisy, sa isa naman ay mga music notes and instruments, at sa isa'y mga clouds.
"You're like an alien invading the Earth, ma." Pagrereklamo ni Kai, totally don't understand what we're saying.
"It's the Chamorro language, son. Bunita means beautiful and hunggan means yes." Paliwanag ni Tita, habang dumiretso sa couch na naroon.
"You didn't tell me na marunong ka palang magsalita noon?" Tanong ni Kai habang tumatawa.
"I forgot to tell you. You know, I'm old." Tumawa na rin si Tita. "I have a Chamorro friend kasi. Si Tita Eliana mo."
Kai's mouth formed an 'o', "So, Bethi's a half Chamorro?"
"Pure. Your Tito Loid has the same ethnicity." Again, Kai's mouth form an 'o'.
"Excuse me po, Tita." I said in a lower tone, lumingon siya sa akin. "Sino po nagpaint lahat nang iyan?" Curious kasi ako eh.
"My son." Maikli niyang tugon at inilibot ang paningin sa paligid ng room.
So he has a talent when it comes to painting. Pareho sila ni DM! Naalala ko na naman tuloy siya.
"Ang ganda po." 'Yan na lang ang tanging nasabi ko.
Matapos iyon ay ibinigay na sa akin ni Tita ang gitara at sinimulan ko na siyang tugtugan. Habang tutugtog ako ay nagkukwento siya. Plucking lang naman kaya di bale.
"Do you know that Kai can sing?" Nakangiting ani ni Tita. She's like a teacher giving trivias.
"Ma!" Pagsasaway ni Kai sa mommy niya.
"C'mon, son, sing with Driana." Utos pa ng mommy niya at itinuro ang tabi ko.
"No, mom. I have cough." Palusot niya at umubo-ubo pa. Nako, lumang style! Pero bumenta parin sa mommy niya.
"Can I sing some of my orinigal compositions po?" I asked.
Tita's eyes lit, "Of course, hija! Let me hear, let me hear!"
Agad kong ini-strum ang gitara sa ibang chords at kinanta ang aking orihinal na komposisyon. Fading Love ang Title nito.
"Aw, pain! You're song sounds great!" Pumalakpak pa si Tita nang matapos ako, like I'm performing in an event or something. "I hope na marealease yan, one day."
Sana nga.
After that, ibang instruments naman ang itinugtog ko. Umabot na ng alas otso ng gabi, nandoon parin ako. Alas nuebe na nang makapagpaalam akong uuwi na. Malapit lang naman kaya't hinatid na rin ako ni Kai.
"Thank you for today, Driana. Super nag-enjoy ang mommy ko na nakasama ka niya and of course nag-enjoy rin ako." Sabi ni Kai, nakasandal siya sa pinto ng shotgun seat.
"Thank you rin. Nag-enjoy rin ako especially doon sa orphanage. It's my first time." Pagod man ay nakuha ko paring ngumiti.
"I guess I need to go?" Kai jerk his thumb to his car. I just nodded.
"Uh, Kai?" Pagtawag ko sa kanya bago pa man siya makapasok ulit sa kotse. Lumingon naman siya.
"Good night." Nakangiti kong sabi.
He smiled back, "Good night." Then he drove away.
Nakangiti kong tinahak ang daan papunta sa aking kwarto. Bakit walang tao sa living room? Ganitong oras gising parin si ate Rossah. Pero baka tulog na? How about si Jam? Baka pumarty na naman?
Hindi ko na pinansin iyon at nagshower na lang. Kalaunan ay nakatulog na rin, may ngiting nakapinta sa labi.

Komentar Buku (19)

  • avatar
    JalalodenNorfatmah

    grabee

    08/07

      0
  • avatar
    BurlazaBetang

    puck you

    10/02

      0
  • avatar
    lou camangonbyron

    it's good

    26/12

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru