logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

Mirasol Driana
Its already 5 in the evening. Nandito kami ngayon ni Jam sa kwarto niya.
"Mira, ready ka na?" Tanong sakin ni Jam. Me-make-up-an niya na kasi ako. Marahan akong tumango.
Sa katunayan lang ay hindi naman talaga ako mahilig sa make-up eh, sadyang alam ko lang ang tawag sa mga ito pero hindi ako interesado. Ngayon lang talaga ako nag-make up. Hays, naalala ko noon, kahit na graduation ko ay powder lang talaga ang nilalagay ko.
Nagmailabas na ni Jam ang nasa loob ng make-up kit niya, nagsimula na siyang lagyan ng powder ang mukha ko. Pagkatapos nito'y nilagyan nya naman ng eyeshadow ang mga talukap ng mata ko. Sunod naman ay ang contour at ang blush on. Hindi na rin ako pumayag na maglagay ng eyelashes dahil sadyang mahaba na ang mga pilikmata ko. Hindi na rin ako naglagay ng lipstick o liptint dahil normal nang mapula ang mga labi ko.
"Oh, ayan, pak!" Malawak ang ngiti ni Jam habang tinitingnan ako.
Ngayon ko lang din natingnan ang "finish product". Matagal akong napatitig sa salamin.
Ako nga ba ito?
Ibang-iba sa normal ko'ng hitsura.
"Okay na couz! Ang ganda mo super!!!" Papuri sa akin ni Jam. Ginantihan ko lang ito ng ngiti. I'm speechless right now.
Pagkatapos ay umupo na muna ako sa kama ni Jam dahil siya naman ang nag-aayos sa sarili niya. Sanay na sanay na talaga siya sa mga ganyang bagay.
Siguro'y mga limang minuto lang din ang ginugol nya sa pag-aayos at hindi ko maipagkakailang maganda nga siya. Kahit naman walang make-up ay maganda siya.
Naghintay na muna kami ng ilang minuto pa't nakarinig na ng busina ng sasakyan galing sa labas.
"Here he is." Tumingin sa amin si ate Sassa, at muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa nya.
"Let's go na couz." Aya sa akin ni Jam at nauna nang maglakad palabas. Hays. "Bye, ate kong pangit. Alis lang kami sandali ha? Be stress-free!"
"Mauna na muna kami ate Rossah." Sambit ko at ngumiti kay ate Sassa.
"Enjoy the party, Mira." Malumanay niyang sabi at nagpatuloy na sa pagbabasa.
Sumunod naman ako agad kay Jam. Akmang bubuksan ko na ang pinto sa likurang bahagi ng kotse ng bumaba si Kai at pinigilan ako.
"Huh? Bakit?" Curious kong tanong sa kanya. Imbis na sagutin ay sumenyas lang siya na sumunod ako sa kanya.
Umikot siya sa kabilang banda. Sa may... Shotgun seat? Siya ang makakatabi ko? Ang akala ko'y si Jam ang makakatabi ko. Hays.
Pilit na lang akong pumasok sa katabi niyang seat at tahimik lang sa biyahe. Napatingin ako sa labas, ang ganda ng mga bituin at ng buwan!
Muli, nagulat ako ng biglang bumukas ang bintana. Tinitigan ko ang katabi ko, tila wala itong pakialam at seryoso lang sa pagdadrive.
"You wants to see the moon and stars, do you?" Binasag niya ang katahimikan.
"Hmm, I really love the moon and stars" Sagot ko sabay ng pagtango.
Ilang minuto ulit ang naging pagitan ng katahimikan at muli, sa ikatlong pagkakataon ay nagulat na naman ako...dahil sa isang kamay na humawak sa kamay ko.
Ang kamay ni Kai!
Dali-dali kong tinanggal ang kamay kong napailalim sa kanang kamay niya.
"Oops, sorry. I thought it was the gear shift ---"
"Shut up, dude." Pinutol ko ang sinasabi niya. He just chuckled.
Tiningnan ko naman si Jam sa likuran at laking pasasalamat ko ng hindi niya iyon nakita at hindi narinig ang usapan namin dahil naka-earphone siya at busy sa pagse-cellphone. Siguro'y nagpopost na naman ito sa social media ng mga litrato niya kanina na naka mirror shot. Hays.
Tatlong minuto pa kaming bumiyahe hanggang sa makarating kami sa bahay na pag-aari nila Kai. Hindi pala bahay kundi mansion. Masasabi kong maganda ang exterior design nito.
"Come in." Sabi ni Kai habang naunang maglakad papasok sa nakabukas na gate na mayroon ding mga palamuti. "Oh, I forgot." Bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinintay akong maabutan siya. Inilagay niya ang kanyang nakakuyom na palad sa may tiyan niya.
Mabuti na lamang at nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Ipinasok ko ang isa kong kamay sa may braso niya at hinawakan ng kanang kamay. Nilingon ko naman si Jam na nasa likuran namin at cellphone parin ng cellphone.
"Don't be nervous." Bulong sa akin ni Kai dahil talagang nininerbiyos ako sa dami nang nakatingin sa amin.
Tumigil kami sa paglalakad. Sa harap ng isang nasa middle age nang lalaki. Siguro'y nasa 40s na ito.
"I thought Jam will be your partner again? Hahaha." Sabi pa nito't tumawa ng mahina.
"Well, it's time for change..." Sagot ni Kai sa lalaki at tumawa din. "...Dad."
D-Dad? Daddy niya ang lalaking ito? Oh gosh! Ngayon ko lang napansin na magkahawig nga pala sila. Maya-maya rin ay isang babae naman ang lumapit sa akin. Hula ko, mommy ito ni Kai.
"Hi, tita Eliana." bati ni Kai at bineso ito.
Mali yung hula ko. Hays «T_T»
"Oh, who's this? She's not familiar tho."
Malamang ngayon lang naman ako pumunta dito. Kailangan ba lahat ng pupunta dito kilala niya? Boplaks din eh.
Lumingon siya sa likuran, "Oh, hi Jamilla Daisy! Pleased to see you again." Bati naman nito kay Jam at bineso din. "Oh! I forgot, so what's your name, hija?" Nakangiti nitong tanong.
Kahit kinakabahan ay sinubukan kong maging presentable. Ngumiti ako, "Mirasol Driana Santiago Romero. I'm Jamilla's cousin po."
"Oh! A Romero..." Biglang nag-iba ang aura niya! Then she smiled again. "Oh, by the way, pleased to meet you, Ms. 'Romero'." She started to walk away. Si Mr. Aquino naman ay nagpaalam na din muna dahil aasikasuhin daw niya ang ibang bisita.
What's with her? Emphasizing my last name? Magkakilala ba sila ng pamilya ko?
"Hey, Driana..." Tawag sakin ni Kai.
"Driana your face. Mira is my nickname." Ang ayaw ko kasi sa lahat ay tawagin ako sa second name ko. Hays.
"But I want to call you Driana." Nag-pout pa ang loko. "Please?"
"Tsh, hindi. Ayoko, ayoko, a-yo-ko." Mahina kong sambit dahil ayaw kong pagtinginan dito.
"Ayaw mo?" Umiling ako. "Sige, 'babi' na lang." He chuckled. "Babi, hehe."
"Shut up, Kai. Baka may makarinig at kung ano pang isipin." I glared at him.
"Eh, di ka nga nahihiya don sa "chammy" eh." Pft! Chammy? Sa tawagan namin ni Samuel? Hahaha loko!
"Seriously? May malalim kasi iyon na kahulugan kaya 'wag ka nang maingay." Paliwanag ko at nag quiet sign pa.
"Anong kahulugan? Kwento mo bilis." Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Our hands were intertwined. Pumunta kami sa second floor ng bahay, sa may veranda. "So, what's the story behind that chammy thingy?"
Talagang interesado siya? Hays.
"Chammy kasi nga Chamorro kami. Kaya naging Chammy. Wala 'yong special meaning no." Paliwanag ko.
"Eh yung satin, gusto mo meron?" He chuckled again. Bakit ba ang hilig nitong tumawa? Hays.
"By the way, anong Chamorro?" Dagdag pa niya.
Seryoso?! Hays.
"Alam mo yung Saipan?" Paunang tanong ko. Umiling siya. "Ang saipan ay nasa Northern Marianas Island. Medyo malapit lang din dito sa Pilipinas. Sa Mindanao to be exact..."
Napa-ahh naman siya habang tumatango-tango.
"...At ang mga nakatira doon, lumaki na doon, namumuhay na doon, ay tinatawag na mga Chamorro. We have our own culture. We have our own cuisines na may pagkakahawig din sa mga Filipino dishes tulad ng Chicken Kelaguin na tulad ng recipe dito na Kilawin. Basta madami pa. And also, the beach, magaganda ang beach doon dahil nga nasa isla kami kaya malamang may dagat. Magandang magbakasyon sa Saipan." Mahabang paliwanag ko sa kanya. Mukha akong guro dito eh.
"Oh, that sounds great and amazing! I want to go to Saipan when the vacation comes. Uuwi ka ba doon?" seryoso talaga siya? Pero pwede din.
"Uh, yes, I'm going to Saipan kapag bakasyon na. Since it's already July, maybe sa Pasko, uuwi ako ng Saipan. Miss ko na din kasi sila eh."
"Promise yan ha? Sasama ako sa'yo..." At talagang sinigurado na niya. Hays.
"Oo na, oo na." Pagpayag ko. Napangiti naman siya.
Maya-maya pa'y nagsalita na ang emcee. Siguro'y narito na lahat ng bisita kaya't magsisimula na ang party. Nasa baba na kami ngayon ni Kai. Pagbaba namin ay nakita ko si Jam na may mga kasamang babae. Mga kaibigan din siguro niya. Hays, mukhang pareho kaming busy.
"A pleasant evening, ladies and gentlemen, my name is Rojhun and i will be your host in this special day of our Madam A! Happy birthday, ma'am!" Nagpalakpakan naman ang mga bisita. "So, let us welcome our Madam, here in front to greet us her welcome address. Let's give her a round of applause!" Muli, nagpalakpakan ang mga tao.
Pumunta na si Mrs. Aquino sa harapan. Tumigil na din ang palakpak.
"Hmm, first of all, thank you, Rojhun for being my emcee on my special day." Ngumiti naman yung emcee. "And of course, thank you for all the greetings, the gifts and this effort that you made for me. I really appreciates this so much. Thank you for joining me here, tonight, enjoying this night. Also, I want to call my unico hijo, Dave, here in front."
"Just gotta go there, Driana." Pagpapaalam niya sa akin. Hays, here we go again. Driana, Driana, Driana. Hays-,-
Pumunta na si Kai sa harapan. Nagsipalakpakan ulit ang mga tao.
"Son," tumingin si Kai sa kanya. "Thank you for changing my life. I owe you a lot, my son." Mangiyak-ngiyak na sabi ng mama niya. "I love you so much." Sabi niya ulit at niyakap ng mahigpit si Kai.
Binigay naman ng mama niya sa kanya ang mic. "Ma," he started. "Thank you also for changing my life. Without you, I am nothing. Wala ako ngayon kung ano at nasaan ako kung hindi ka dumating sa buhay ko. Thank you so much, ma. I love you too." Sabi niya din at niyakap ulit ang mama niya.
Pagkatapos non ay ang emcee na ang nagsalita. Hindi na ako masyadong nakinig dahil bumalik na si Kai sa tabi ko. Nasa table kami ngayon at kumakain.
"Umiiyak ka kanina." Pang-aasar ko. Ngumiti naman ito ng pilyo at napakamot pa sa ulo.
"Hindi ah." Pagtanggi pa nito. Sige, tanggi pa kahit halata naman.
"Halata kaya, 'wag ka nang tumanggi." Lalo ko pa siyang inasar.
"Tch, oo na, i cried earlier. Ano, happy?" He pouted.
"Tsk, tanggi ka pa." Bwelta ko naman.
"Ang cute mo." He said out of nowhere. Anong nakain neto?
"Sabog ka ba?"
"I'm serious." sabi ulit niya.
"Okay." sagot ko naman.
"Ayos ng sagot mo, Driana." Sabi niya at nag thumbs up pa.
"Mira nga e'." Pasaway naman 'to.
"Driana." Hindi parin talaga sumusuko.
"Mi-ra. Mira." Pag-uulit ko.
"Babi." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"Suntok, gusto mo? May freebie pa na sipa 'yon. Free trip to the hospital pa!" Naiinis kong sabi at nagtuloy na sa pagkain.
Teka, teka! Bakit ba ako nakikipagbangayan sa lalaking ito eh hindi naman kami close?
After a couple of minutes, lumapit na din sa amin si Jam. Naupo na din siya at kaharap na kami.
"Oh gosh, I'm so pagod na. I've been talking to 'em since we arrived her. Gosh, i want to higa to my kama naaa!" Reklamo niya. Tama nga naman siya, kanina pagdating pa lang namin, sinalubong na agad siya ng mga kaibigan niya.
"Don't ya worry, JD, ipapaalam ko na kayo when the clock strikes at 8 pm." Nakangiting sabi ni Kai.
"Uh, thanks but i said don't tawag-tawag me JD coz it's like panglalaki!" Reklamo naman ni Jam. Hays, panglalaki din naman yung Jam ah?
Habang hinihintay na mag-alas ocho, nagkwentuhan muna kami about some stuff.
"Hey, Mira, matagal pa ba bago pumunta dito si DM?" Tanong ni Jam sabay uminom ng wine.
"Uh, bukas na yung flight niya ㅡ" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si mamhi.
"Excuse me." Pagpapaalam ko sa kanila at saka pumunta sa tahimik na lugar.
"Mhi? Napatawag ka po?" Bungad kong tanong.
["Gusto lang kitang kamustahin, Rian. Namimiss na kasi kita eh..."] Sagot ni mhi sa kabilang linya.
Tila nadurog ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"I miss you too, mhi. Don't worry, babalik ako dyan sa Saipan sa vacation." Pagpapawala ko ng lungkot na nadarama niya.
["Talaga, anak?"]
Tila kusa nang tumulo ang isang mainit na likido mula sa aking mata nang marinig ko ang salitang 'anak' na kanyang binitawan kani-kanina lamang.
'anak.'
Salitang hindi ko man lamang narinig mula sa sarili kong ama. Palagi niya lang akong tinatawag sa pangalan ko...pero hindi niya kailanman ako tinawag na anak. Kaya inggit na inggit ako kay DM kasi siya yung paborito ni dadhi. Siyanga daw yung 'prinsesa' niya. Pero hindi ko magawang magalit kay DM kasi kapatid ko siya...
"O-Oo naman po." Pilit kong nilalabanan ang sarili ko sa pag-iyak dahil nakakahiya sa mga makakakita sakin.
"By the way, mhi, anong oras po ba ang flight ni DM bukas?" Pagiiba ko ng usapan.
["Hindi na siya matutuloy, anak."] Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ha? Bakit po, mhi?"
["A-Ah, m-may nag o-offer daw kasi sa k-kanya na m-mag-aral a-abroad. T-Tinanggap niya naman kasi alam niya na m-maiintindihan mo rin daw naman..."] Uutal-utal niyang sagot sa akin.
Parang may mali...
"Uh, okay po, mhi. Pakisabi na lang na mag-iingat siya doon." Pilit kong di ipinahalata ang pagkailang ko.
["Sige, anak, makakarating kay DM. O' siya, babye na muna anak, may gagawin muna ako sandali."]
"Bye, mhi." Huli kong sambit bago pinatay ang linya ng tawag.
Bumalik na ako sa table namin at tanong na naman ang bumungad. Aba, siyempre galing sa madaldal na si Jam. Hays.
"Oh, sino yung tumawag couz?" Di pa ako nakakaupo ay nagtanong na siya.
"Si mamhi." Maikli kong sagot. Pakiramdam ko ay unti-unting bumabalik ang dating ako.
"Nga pala, hindi na tayo matutuloy sa airport bukas." Mapait kong sambit.
"Ha? Eh, bakeeet? Hindi na ba matutuloy si DM dito? Ano sabi ni Titaaa? Sayang naman no?" Naka pout siya nang matapos ang sangkatutak na tanong. Si Kai naman ay nanatiling tahimik at nakikinig.
"Sabi ni mhi, may nag-offer daw kay DM na mag-aral abroad tapos tinanggap niya naman." Paliwanag ko, naiinis ng konti.
"Sayang naman couzzz! I want to see DM pa naman!" Reklamo nya ulit. She's the Reklamo Queen, hays.
"Ehem," Kai faked a cough. "It's already 8 o'clock, guys." Ani niya at tumayo na. "Ipapaalam ko na kayo."
Pagkaalis ni Kai sa table namin ay naghanda na kami ni Jam para umuwi. Pagbalik ni Kai ay kasama na niya yung mommy at daddy nya.
"Hi Tito and Tita." bati ulit ni Jam sa Daddy ni Kai, they just smiled.
"Jamilla and Driana, I hope that you enjoyed my party." Panimula ni Mrs. Aquino.
"As always, Tita. Thank you for inviting us here." Pagpapasalamat din ni Jam sa kanila.
"Uh, hija, Driana?" Tawag sa akin ni Mr. Aquino.
"Yes po, Mr. Aquino?" Nakangiti kong tanong dito.
"Uh, erase that Mr. Aquino thing. Just tito. Oh, by the way, are you from Saipan?" Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman?
"Ah, yes po. Paano niyo po nalaman?" Palagi akong nacucurious sa araw na ito ah.
"You look like a Chamorro kasi. I mean, you have a Chamorro-like beauty. You're pretty. Right, hon?" Baling pa nito sa asawa niya.
"Yes, hija. You're pretty." Pagsang-ayon nito. Nahihiya na tuloy ako. "Rojhun?" Pagtawag nito sa emcee kanina, sakto namang lumingon ito. "The blue box, please?" Nakangiti nitong utos at nakuha naman agad ng emcee ang nais niyang iparating.
"Ah, mom, dad, I think we need to go." Pakikipagsali ni Kai sa usapan.
"Wait, son." Ani ng mommy nya. Sakto namang dumating si Rojhun na dala ang isang kulay blue na maliit na box. "Thanks, Roj."
"Driana..." Tawag sa akin ni Mrs. Aquino. Nakita ko namang natatawa si Kai dahil alam niyang ayaw kong tawagin akong Driana.
"Yes, ma'am?" Ani ko, lumapit naman ito sa akin.
"Tita will do. I wanna give this to you, hija." Sabi niya't binuksan ang kahon na naglalaman ng isang kwintas. Music note ang pendant nito. "You're like a perfect song composition, hija." Ibinigay nya ito kay Kai at siya namang isinuot nito sa akin.
"Thank you po, T-Tita. I really do appreciate it po kasi I'm into music din po kasi." Pagpapasalamat ko sa kanya. Napakasaya ko!
"Oh, that sounds nice, hija! What instruments can you play?" Tila naging interesado siya.
"Ah, kaya ko pong tumugtog ng gitara, drums, piano, violin, flute, at kalimba po." Nahihiya kong tugon.
"Wow, you're such a talented girl. Can you visit me here tomorrow tapos tugtugan mo ako?" Nagulat ako sa sinabi niya. "I think, pwede ka naman daanan ni Kai sa university ninyo?"
"H-Hindi ko po kasi dala yung gitara ko po eh..."
"It's okay, we have a music room here, hija. Punta ka dito bukas, okay? I'm hoping na makakapunta ka." Talagang gusto niyang tugtugan ko siya.
"S-Sige po." Nahihiya man akong sumang-ayon ngunit mas nahihiya akong tumanggi.
"So, I think, we should go na?" Ani Kai. "Hatid ko lang sila, mom, dad."
"Bye, Tita and Tito!" Pagpapaalam ni Jam tsaka bumeso.
"Ah, ba-bye po..." Nahihiya kong sabi.
"Bye, hijas! See you tomorrow, Driana!" Huling sabi pa ng mommy ni Kai bago kami naglakad papuntang gate.
Nasa sasakyan na kami ngayon. Tulad ng dati, nasa shotgun seat ulit ako. Paandar pa lang ang sasakyan ay chumika na si Jam. Akala ko ba'y pagod 'to?
"Mira, couz?" Tawag sa akin ni Jam.
"Hmm? Bakit?" Agarang sagot ko naman.
"Kumusta nga pala studies mo? I heard na magtetraining na kayo, soon?" Napatingin si Kai sa salamin at tinitigan si Jam ng may pagtataka.
"Hmm, start na siya next week. Bale gugugol ako ng 4 years para sa course na ito." Eksplanasyon ko.
"That means 4 years of physical training?; Gosh, Miraaa!" Bulyaw ni Jam habang si Kai ay tahimik na nakikinig sa amin.
"Oo, 4 years. Kaya ko naman yun, 'no!" Proud ko pang sabi.
"I know, Mira. I'm so proud of you!" Ngumiti lang ako.
"What course do you take, Driana?" Biglang singit ni Kai.
Huminga ako ng malalim, "Criminology
"Hmm," tumango-tango ako.
"It seems hard," tumigil siya. "But I know you can do it." Tulad kanina, ngumiti lang ulit ako.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ulit kami sa bahay. Bumaba na ako sa kotse dahil alam kong pagbubuksan na naman ako ni Kai.
"Thanks for tonight, Jam." Ani ni Kai.
"Thanks for inviting us, Kai. Happy birthday again kay Tita." Sabi ni Jam at tumalikod na sa, I gotta go na sa room ko. I'm so sleepy na talagaaa." Tumango lang ako at nakita siyang naglalakad na papunta sa loob.
Maglalakad na din sana ako ng tawagin ako ni Kai, "Mira." Lumingon ako. "Thanks for tonight, I hope you enjoy the party."
"Of course, ang bait ng mommy mo, eh." I chuckled. "Ang ganda din ng kwintas..."
"She loves giving gift." Nakangiting sabi ni Kai. "And by the way, anong oras kita susunduin sa University niyo, bukas? I have no classes naman kasi Sunday bukas but I have something to do."
"Wala din kaming klase bukas pero may gagawin kaming group activity sa University. Maybe 9 am, tapos na kami." Inisip ko kung may iba pa akong gagawin pero wala na.
"That's good. 9 am, hintayin mo ako sa may gate ng University niyo," tumango ako. "But, may gagawin muna ako then we're going straight to the house by 12 pm." He explained.
"12 pm? Andami mo yatang gagawin bukas? Baka maabala pa kita sa pagsundo mo sa akin?" Tanong ko.
"No, no. Hindi naman makakaabala 'yon eh. Actually, gusto kita isama sa next location natin bukas." Paliwanag ulit niya.
Ngumiti ako, "Okay, sige. Pasok na ako ha?" Pagpapaalam ko. "Goodnight!"
Pumasok na din siya sa kotse niya at bumusina bago umalis. Nakangiti konb tinahak ang daan papunta sa may main door ng bahay. Pagkabukas ko'y si ate Rossah parin ang tumambad sa'kin. Kasama si Chuchu, ang alaga nilang aso, at si Mew, ang alaga nilang pusa.
"Chuchu and Mew!" Excited ko'ng sabi. I'm into dogs and cats. Agad naman na lumapit sa akin yung dalawa. I hug them tightly.
"I'm getting jealous, Mira. Mas nauuna mo pang batiin 'yang dalawa kesa sa akin." Kunwaring tampong sabi ni ate Rossah. "Haha kidding aside." Malumanay parin na sabi niya. Natawa rin ako dahil sa inasta niya.
"Parang bata, ate hahaha." Tumawa ulit siya ng malumanay.
Palagi talaga siyang malumanay. May sakit kasi siya sa puso kaya bawal siyang ma-stress. Kaya iniingatan namin na huwag makagawa ng bagay na ikakasama niya.
"Akyat na ako, ate Rossah, ha? Napagod ako eh." Pagpapaalam ko sa kanya dahil gusto ko na matulog. Tumango lang siya at ngumiti. "Goodnight, ate." Ani ko bago umakyat sa hagdan.
Bago pa man ako makarating sa kwarto ko'y nadaanan ko ang nakabukas na kwarto ni Jam. Nakita kong nakabulagta na sa kama si Jam, nakasuot parin ng gown niya. Pumasok na muna ako sa kwarto ko upang makapagbihis at magtanggal ng make-up. Pagkatapos naman noon ay lumabas na ako. I was just wearing a pajama tapos isang oversized shirt na kulay blue. Lumabas ako ng kwarto ko at bumalik sa kwarto ni Jam. Kahit antok na antok na ako'y pinilit kong gisingin ang diwa ko dahil kailangan kong asikasuhin si Jam.
Kumuha ako ng pajama at shirt sa closet niya. Tinanggal ko ng dahan-dahan ng gown niya. Wala namang kaso iyon dahil may pang-ilalim naman siyang suot at isa pa, pinsan ko naman siya at pareho kaming babae. Hindi ko mabilisang natanggal ang gown dahil sa sobrang likot niya. Sampung minuto ang ginugol ko para mabihisan siya. Tinanggal ko na rin ang make-up niya. Inayos ang pagkakahiga at kinumutan ng maayos. In-on ko na rin ang lamp niya. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
Kalaunan ay nakatulog na.

Komentar Buku (19)

  • avatar
    JalalodenNorfatmah

    grabee

    08/07

      0
  • avatar
    BurlazaBetang

    puck you

    10/02

      0
  • avatar
    lou camangonbyron

    it's good

    26/12

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru