𝗜𝗜 : 𝗦𝗰𝗮𝗿𝗲𝗱 𝗕𝗹𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗣𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗢𝗳 𝗩𝗶𝗲𝘄 Panay silip ko sa labas dahil kinakabahan parin ako na bigla na naman kaming sugudin ng infected na hindi namin na namalayan,hindi ko parin inaakala na mangyayari ito ng ganito ka bilis at totoo nga ang sinabi sa akin ni Aster bago kami umalis na may pagkakataon na sumusugod ang mga infected na hindi manlang namin nalalaman at ang ikinatataka ko lang na kong bakit ni hindi ko manlang naramdaman o naramdaman manlang ni Daisy na nakasabit na ang infected na iyon at kong paano na naging gan'on kabilis ang pangyayari. "Kamusta siya?" Napatingin naman ako sa katabi ko na si Celine at bakas parin sa mata niya hanggang ngayon ang gulat at awa habang pinagmamasdan niya si daisy sa balikat ko na nakatulog dahil sa pag-iiyak. "Ang sabi niya kanina baka matakot raw ako at tumago sa likod mo." Natatawang sambit ko habang ang paningin ay sa kaibigan ko. "Hindi ko aakalain na ganito siya matakot, kailan pa niyang mapatulala sa isang infected na muntik na siyang masugatan." "She's ok now,ang kailangan niya lang ay ang patatagin ang takot na nararamdaman niya." Sambit niya. "Natatakot ako na wala pa tayo sa kalagitnaan ay ganito na ang nangyayari sa atin." Tiningnan ko siya na nakatingin rin siya sa akin at ngumiti. "Kayanin mo para sa kanya,dahil nasisiguro ko na simula ngayon ay mag-kakaroon na siya ng tiwala sa 'yo pag-katapos ng ginawa mo sa kanya." Tinapik niya lang ang balikat ko pag-katapos ay sinandig niya na ang ulo niya sa salamin at dahan-dahan pinikit ang mata. Napabuntong hininga nalang akong binalingan ulit ng tingin si daisy na kahit nag-uusap kami ni Celine ay hindi parin maialis ang pag-hihimbing ng tulog niya kaya nakangiting inayos ko ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya, dahan-dahan kong inalis ang mga hibla ng buhok niya sa mukha at iligay sa likod ng tainga niya. "Malulusaw ang babaeng 'yan kong ganyang lalake na nakangiti na pinagmamasdan siya." Natatawang sambit ni Aster sa akin habang ang paningin niya'y sa kalsada. "Mahal mo na ata ang babaeng 'yan." "Tch. Mahal ka d'yan,'di ba pwedeng masaya lang ako dahil nakilala ko siya." "Masaya ka dahil mahal mo na siya." Bakas sa boses niya ang pagiging seryuso kaya masyadong nahirapan ako kong nagbibiro ba siya o ano sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasabi mo riyan." "Huwag mo ng itanggi pa,"napatingin naman ako sa salamin na nasa unahan na siyang pagkikita ng tingin namin dalawa. "Lalake ako at naiintindihan ko ang nararamdaman mo." Senreyong sambit niya sa akin. Naguguluhan man ay binaliwala ko nalang at dahan-dahang sinandig ang ulo sa upuan na kinauupuan ko at pinikit ang mata. "Good night Inlove boy." Gusto ko man magalit dahil sa sinabi niya pero hindi ko nagawa dahil ang sarap sa pakiramdam na mainlove ako pero natatakot ring masaktan kong 'di ako kayang ibalik ang pag-mamahal na gusto ko, ngumiti nalang ako ng mapait at dinamdam ang pag-dapo ng antok sa akin. *** "Masyado mo naman atang dinadamdam ang nangyari kagabi." "Hindi ko maintindihan na kong paano ang infected na iyon nakalapit ng gan'on." Bakas sa dalaga ang panggamba dahil sa nangyari sa kanya. "Mag-pasalamat ka nalang lalo na't walang nangyaring masamaya sa 'yo." "Iyon na nga eh,paano Chris kong hindi pa nag-sisimula,pa 'no kong may kakayahan na silang hindi pa natin alam." "Sa tingin ko...dahil sa mabagal na pag-papatakbo ni Aster kaya gan'on ang nangyari." "Pero ang ikinatataka ko lang,bakit gan'on dahil patay naman ang ilaw ng sasakyan natin at mabagal lang ang usad natin." Napakusot naman ako ng mata at dahan-dahang minulat ang mata ko gan'on nalang ang ngiti ko ng si daisy ang bumungad sa akin na nakangiti rin. "Mabuti naman at gising ka na." Nakangiting sambit niya sa akin kaya napaayos naman ako ng pag-kakaupo at nakangiting tiningnan ulit siya pero nakatingin siya sa labas kaya sinundan ko lang ng tingin ang tiningnan niya na agad naman kumunot ang noo ng makita ko sina Chris, Celine at aster na may dalalang mga plastic kaya nag-tataka kong binalingan ng tingin ang katabi ko. "Lumabas sila ng ganito ka aga?" Naguguluhan ko ulit na tiningnan sa labas at gan'on nalang ako kabahan ng may mga nakakita sa kanila na infected kaya wala silang nagawa kundi bumalik sa store na pinagkuhaan nila. "Si Celine ang may gusto na lumabas,ang sabi ko sa kanya kahit na hindi na siya kumuha ng mga medicine." Bulong na sambit nito nakita ko naman siya na nakayuko na at gan'on nalang ang pag-gulo ng isip ko na kong bakit umiiyak siya. "Ano ba't lumabas pa sila,hindi ba may mga medicine naman na tayo rito. Bakit kailangan pa nilang lumabas?" Tanong ko sa kanya. "Dahil hindi iyon sapat para sa atin...lalo na sa akin." Pahina ng pahina ang boses niya kaya gan'on nalang ang pag-tataka ko na kong bakit iyon ang sinabi niya. "Hindi kita maintindihan daisy,ano't ba't nag-kakaganyan ka?" "Ayaw kong matulad sa kanila blaze,ayaw ko." "Ano bang pinagsasabi mo?" "Natatakot ako." Bakas sa boses niya ang takot naramdaman ko naman ang panglalamig niya ng mahawakan ko ang kamay niya. Nag-tataka man ay napayakap nalang ako sa kanya na siya niyang muling pag-uyak. "Kong ano man 'yang nararamdaman mo, please lang labanan mo. Dahil sa oras na maulit ulit ang nangyari sa'yo baka wala na ako sa tabi mo." Naguguluhan ako na kong bakit iyon ang nasabi ko sa kanya,gusto ko mang bawiin ang sinabi ko pero nasisiguro ko na narinig na niya kaya hinaplos ko nalang ang buhok niya. Masyado na ba akong nag-aalala sa kanya kaya kong ano-ano na ang nasasabi ko kahit na hindi ko pa napag-iisipan ay sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak ko sa ng bumubuka ang bibig ko at kong ano-anong salita ang nasasabi ko sa kanya. "Nawala lang kami saglit may yakapan mg nagaganap." Agad naman akong lumayo kay daisy ng marinig ko ang boses ni Chris sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya na nagbabanta pero ang luko ngumisi lang, binalingan ko naman ang iba na nakatingin rin sa akin pero si aster na wala paring reaksyon sa nakikita niya para bang wala siyang pakialam sa nakita niya. Tiningnan ko naman si Celine na iiling-iling na tumabi sa akin pero napansin ko na subrang takagtak ang mga pawis nila sa mukha sa subrang pagod na ginawa nila. "Mayabang ka talaga Chris,sinasabi ko na nga ba't ikaw ang may dahilan na kong bakit sila nag-tatakbo dahil d'yan sa kaingayan ng bibig mo." Bulyaw ni Celine matapos ng dalawang oras na katahimikan. "Bakit ba ako ang sinisisi mo?" Sigaw naman ni Chris pero dahil sa nasa unahan siya nakaupo nabatukan naman siya ni aster na masamang nakatingin sa kanya. "Eto kas— isa mo pang salita Christian itatapon na kita sa labas." Mahinahong sambit ni Aster pero dahil sa alam ni Chris at ako at ang iba ay natahimik na siya na kahit mahinahon na salita ni aster banta na iyon pag-dating kay Chris. Iiling-iling nalang akong tumingin sa katabi ko na nakatingin naman sa labas kaya napabuntong hininga nalang akong binaling ang tingin sa unahan para makita ang aming dinadaanan ng sasakyan. 𝗧𝗼 𝗕𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗲𝗱...
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 26 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (35)
skylaire7y3
im just starting
09/10/2024
0
Rowena Garcia
Yes mahibalik pa pag ito ay nagkaisa at nagkakaunawan sa bawat isa
im just starting
09/10/2024
0Yes mahibalik pa pag ito ay nagkaisa at nagkakaunawan sa bawat isa
07/09/2024
0MAGANDA NAMN SIYA
22/07/2024
1Lihat Semua