logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 TWO

There was a loud sound from the kitchen, dahilan para maalimpungatan si Louise. Kahit hindi pa masyadong mulat ang kanyang mga mata ay tumakbo na siya papunta sa kusina. Mula roon, naabutan niya ang kanyang ina na nasa harapan ng kalan at may hawak na sandok.
“Ma, anong ginagawa mo?!” Mabilis niyang inagaw mula rito ang sandok. “Sinusubukan mo na naman magluto?” tanong niya. Napatingin siya sa sahig malapit sa gilid ng paa ng kanyang ina at nakita roon ang basag na bote ng mantika na binili niya noong isang araw.
“Gusto sana kita ipagluto,” sagot nito sa malumanay na boses.
Hindi ito ang unang beses sinubukan magluto ng kanyang ina. At ganito nga parati ang kinahahantungan. Noong unang beses nitong sinubukang mag-luto ay nasunog lang ang niluto nito at muntikan pa masunog pati na rin ang bahay na inuupahan nila.
Napapikit at napabuntong-hininga na lamang siya. “Huwag kang aalis diyan,” aniya at kumuha ng walis at pandakot.
Hindi ni Louise masisisi ang ina dahil iniisip nito na dahil sa kondisyon na meron ito ay wala na itong silbi. Her mother had a car accident 20 years ago. She wasn't been able to see. Kaya naman, kapag may pinapatrabaho si Charlie sa kanya ay inaasikaso niya muna ito bago iwanan.
Matapos ang aksidente ng kanyang ina ay hindi pa naman ito nabulag. Pero ang sabi nito sa kanya, simula raw noong maaksidente ito ay nanlalabo na ang mga mata nito paminsan-minsan. At tuluyan na nga itong lumabo noong nasa third year High School siya. Dahil doon, kinailangan niya pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para tustusan ang pangangailangan nilang dalawa—Kasama na ang para sa operasyon nito. Gusto niya kasi ulit makakita ito.
Parati tuloy sumasagi sa isipan niya, na kung pinanagutan kaya sila ng kanyang ama niya ay maayos ba ang buhay nila? Nakapagpatuloy kaya siya sa kolehiyo? Matagal na kaya na naoperahan ang ina niya?
Ang kanyang ina ay naging Domestic Helper noon sa Copenhagen, ang capital ng Denmark. Doon nito nakilala ang kanyang ama niya. Pero bukod sa Denmark nakatira ang ama niya, wala siyang iba pang alam tungkol dito. Masyadong iwas ang kanyang ina sa usaping tungkol ito.
“Alam mo ba kung anong kahulugan ng pangalan mo?”
Napahinto si Louise sa ginagawa at dahan-dahang iniangat ang tingin sa kanyang ina.
Ngumiti ang kanyang ina na para bang nakikita siya. “Ang Louise ay nangangahulugan na famous warrior,” her Mother said as her eyes water. Mabilis naman pinunas nito ang sariling luha na tumulo.
Napatitig si Louise rito.
“Ang Zara naman ay nangangahulugan na Bright as dawn. . .” Ngumiti ulit ang kanyang ina, ngunit may namuo na naman na luha sa mga mata.
Bakit bigla na lang sinasabi nito sa kanya ang mga bagay na ito?
“Wise and Queen, iyan ang ibig sabihin ng Quinn.” Tuluyan at sunod-sunod na tumulo ang mga luha ng kanyang ina. “Isabella. . .napakagandang pangalan, hindi ba, anak? Na ang kahulugan ay GOD's Promise.”
Doon ni Louise binitawan ang walis at nilapitan ang ina. “Ma, may problema ba?” tanong niya, naroon ang pag-aalala.
Hindi sumagot ang kanyang ina. Sa halip ay niyakap lang siya nito nang mahigpit.
Iginaya niya ito agad papunta sa upuan na kahoy doon sa maliit nilang sala at pinaupo ito. Kumuha siya ng baso para painumin ito ng tubig. Akmang lalagyan niya ito ng tubig ang baso nang mahagip ng kanyang mga mata niya ang sampung plastic bag na malalaki na naroon sa estante.
Kusang kumunot ang noo ni Louise. Nilapitan niya ang estante at tiningnan ang laman ng mga plastic bag. Tumambad sa kanya ang mga noodles, de lata, palaman, tinapay, kape at marami pang iba. Mas lalo pang kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang passport sa loob ng isang plastic bag. Nang buklatin niya ang passport ay napanganga siya, at halos lumuwa ang mga mata dahil nakapangalan ito sa kanya at ang isa naman ay sa kaniyang ina. Saan galing ang mga ito?!
Nilingon ni Louise ang kanyang ina na nakaupo at saka muling ibinalik ang tingin sa dalawang passport.
“Ma—”
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang bumukas ang pintuan ng bahay nila. Hindi niya natuloy ang sasabihin niya at mabilis na ibinalik ang dalawang passport sa plastic bag at inilagay ulit iyon sa estante.
“Good morning!” Yella greeted them, malawak ang ngiti at deri-deritsong pumasok sa loob ng bahay. Inilapag nito sa lamesa ang basket na hawak na puno ng mga prutas. “Mama!” sigaw nito patakbo sa kanyang ina.
Pinagmasdan ni Louise lang ang dalawa. She couldn't just ruin their moment kahit gustong-gusto na niya itanong sa kanyang ina kung kanino galing ang mga grocery at ang dalawang passport na iyon. Ni wala ngang nakukwento ito na kapamilya nila, liban sa kanyang lolo't lola na pumanaw na raw. Kaya wala siyang maisip kung kanino galing ang mga iyon.
“Ang aga mo ata? Akala ko sa hapon ka pa pupunta?” puna niya kay Yella, ngunit ang mga mata ay nakatuon sa ina.
“Wala naman kasi akong gagawin ngayon,” sagot ni Yella sa kanya. “At tsaka may urgent meeting nga pala tayo sabi ni—" Hindi tinuloy ng kaibigan niya ang sasabihin nang makita ang nanunuway niyang tingin.
Ayaw na ayaw ni Louise na bumabanggit ng tungkol sa trabaho nila sa harapan ng kanyang ina. Pagsasabihan na naman kasi siya nito at pipilitin na humanap ng ibang trabaho, na pag-uugatan lang ng kanilang away.
“M-mama gusto mong pinya?” agap ni Yella. “H-heto, marami akong dala.” She mouthed 'sorry' to Louise at kinuha ang pinya na nasa basket.
Akmang kukunin ni Yella ang kutsilyo nang magsalita ang ina ni Louise. “Wala ba talaga kayong balak umalis sa trabaho na yan?”
Ito ang usapan na iniiwasan ni Louise.
Mariin na napapikit si Louise at hindi sumagot.
“Kailan kayo aalis? Kapag isa na sa inyo ang nag-aagaw buhay?”
Hindi sila nakapagsalita ni Yella.
“O kapag isa sa inyo ang wala ng buhay?”
At mas lalo pa silang hindi nakapagsalita.
Hindi naman kasi ganoon kadali iyon para kay Louise. Trabaho niya ang pinag-uusapan. Malaki ang kinikita niya mula rito na hindi niya kikitain sa iba. Konti na lang din at makokompleto na niya ang pera na para sa operasyon na iniipon niya. Isa pa, pamilya na rin ang turing niya sa mga kasamahan. Hindi ganoon kadali ang gustong mangyari ng kanyang ina na umalis na lang basta.
“Ikaw, Yella, nakapagtapos ka—doktora ka dapat ngayon. Nasa hospital ka dapat, nagpapahaba ka dapat ng mga buhay at hindi kumikitil ng mga buhay. Alam kong nagrerebelde ka sa mga magulang mo kaya ka pumasok diyan sa sindikato—”
“Ma, hindi nga kami sindikato!” Mabilis na depensa ni Louise sa kanyang ina. Hindi niya alam kung bakit pilipilit nito na mga sindikato sila, kahit hindi naman talaga.
“At ikaw naman.” Hindi nakatingin ang kanyang ina sa kanya pero alam niya na siya ang sinasabihan nito. “Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo, na mas gugustuhin ko pa ang mamatay sa gutom, kaysa ang mapahamak ka?”
“Ma—"
“Maghanda ka na ng almusal," pagtatapos ng kanyang ina ng usapan kaya wala na siyang nagawa.
Sabay sila ni Yella nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago kumilos at naghanda ng almusal. Habang kumakain sila ay walang nagsasalita sa kanilang tatlo. Matapos nila kumain ay nagpresinta naman si Yella na siya na ang maghuhugas ng mga plato.
“Ayaw pa rin ni Mama sa trabaho natin?” maya-maya'y tanong Yella. Kinuha nito ang basahan na nakabit sa pinto ng ref. at pinunasan ang mga kamay.
Sinulyapan ni Louise ang ina na nakaupo sa sofa at abala sa pakikinig sa tv. “Oo,” she said honestly. Sino ba naman magulang ang gusto ng ginagawa nila? Puwedeng-puwede sila paglamayan ngayon, bukas o sa makalawa kung magkataon.
“Anong oras nga pala ang meeting?" pag-iiba ni Louise ng usapan.
“9:30.”
“Para saan daw?”
Nagkibit-balikat si Yella. “Hindi naman sinabi. Biglaan nga, e."
Tumingin si Louise sa relong pangbisig. Alas otso pa lang kaya puwede pa siya mamalengke at ipagluto ang ina ng tanghalian nito.
Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo. “Maliligo na ako. Maaga pa naman, pupunta muna ako sa palengke.”
Tumango si Yella. “Dito lang ako kay Mama.”
Matapos ni Louise maligo ay nagbihis siya ng pang bahay lamang muna. Walking distance lang naman kasi ang palengke mula rito sa bahay nila at hindi rin siya magtatagal. Nagpaalam siya sa kanyang ina at sinabing si Yella muna ang bahala rito.
“Nubenta na lang,” tawad niya sa dalawang piraso, at sariwa pang mga bangus.
“Oh, sige nubenta,” suko ng tindera dahil kanina pa niya ito pinipilit sa ganoong presyo at nagtagumpay naman siya
.
Kumuha siya ng tatlong pirasong kamatis, dalawang sibuyas, dalawang siling haba, walong pirasong kalamansi at isang buong luya. Lumipat naman siya sa lalagyan ng mga gulay at kumuha ng isang piraso ng talong, isang tali na kangkong, at isang pirasong labanos.
“195 lahat,” sabi ng tindera at inilagay na sa plastik ang mga binili niya.
Kumuha siya sa wallet ng dalawang daan para ibayad. Mabilis siyang napalingon nang may bumangga sa balikat niya. Isang lalaki. . .Naka suot ang lalaki ng sombrero. Napatingin din ito sa kanya bago ito tumingin sa likuran nito. Humihingal pa ito, na halatang galing sa mabilis na pagtakbo.
Bumaba ang tingin ni Louise sa mga kamay nitong may hawak na wallet na itim. Pang babae iyon. . .
“Magnanakaw! Magnanakaw!” sigaw ng isang Ginang sa di kalayuan, na nakaagaw pansin sa mga namimili.
Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang marinig iyon at mabilis na tumakbo.
Mabilis naman na inilapag ni Louise ang hawak na plastik at hinabol ang lalaki. Nang lumingon ang lalaki sa likuran at nakita nitong hinahabol ay mas lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo, dahilan para itulak ang mga nakaharang sa daraanan nito.
Halos makarating na sila malapit sa labas ng palengke at konti na lang ay maaabutan na ni Louise ang lalaki. Dumampot siya ng dalawang repolyo. Babayaran na lang niya iyon mamaya. Malakas niyang ibinato ang isang repolyo sa lalaki. Katulad ng gusto niyang mangyari, sapol ang lalaki sa batok kaya napahinto ito nang bahagya.
Hindi pa nakontento si Louise at ibinato niya pa ang isa pang repolyo. Sapol ulit ang lalaki. Nang makalapit siya rito ay pagalit niyang hinila ang damit nito sa likuran at marahas na inagaw ang wallet mula nasa kamay nito.
“Bitawan mo nga ako!” singhal ng lalaki sa kanya. Imbes na bitawan niya ay mas hinigpitan niya ang kapit dito. Tinapunan niya rin ito nang masamang tingin.
“Walanghiya ka! Magnanakaw!” Napaatras si Louise at nabitawan ang lalaki sa damit ng nang bigla na lang sumulpot ang Ginang na may-ari ng wallet at pinagsusuntok ang lalaki dahil sa galit. Nasa likod nito ang dalawang tanod.
Walang tigil pinagsusuntok ng Ginang ang lalaki. Kung hindi pa siguro inawat ng dalawang tanod ay hindi ito titigil.
“Wallet niyo ho,” baling niya sa Ginang. Hindi na niya hinintay pa magsalita ito at naglakad na pabalik para kunin ang pinamili niya at bayaran ang dalawang repolyo na ginamit niya.
“What took you so long?” malakas na tanong at naka taas pa ang kilay ni Yella sa kanya.
“Maraming tao,” she lied. Ayaw niya pag alalahanin ang kanyang ina. Mukha naman naniniwala si Yella dahil hindi na ito nagtanong pa ulit sa kanya.
Tinungo ni Louise ang kusina at nagluto ng sinigang para sa tanghalian ng kanyang ina. Nang matapos siya magluto ay inilagay niya ito sa lamesa. Ganoon din ang sinaing, plato, kutsara, tinidor, baso at pitsel na may tubig. Pagkatapos ay nagbihis na para sa pag alis.
“Sa main tayo,” sabi ni Yella habang pasakay ng kotse nito.
Mabilis siyang humarang sa daraanan nito. “Saan?” pagtataka niya at inalala kung ano ang petsa ngayon.
“Sa main.”
“Bakit?” tanong niya. “Hindi pa naman katapusan ng buwan, ah?” Tuwing katapusan lang ng buwan kasi sila nagme-meeting at puwede pumunta roon lahat ng bawat cluster dahil may cluster hide out naman. Kaya nagtataka siya dahil pitong araw pa bago ang katapusan ng buwan.
“Hindi ko rin alam,” sagot ni Yella sa kanya at iniharap sa kanya ang cellphone nito para ipabasa ang text ni Marco, na sa main na sila pumunta.
“Tara.” Isinuot na niya ang helmet at sumakay sa motor niya. Sumakay na rin si Yella sa kotse at naunang umalis.
“Cluster, Code, at pangalan?” tanong ng guard sa gate.
“Cluster 1, code 258, Mariella Acosta.”
Bumukas ang malaking tarangkahan at nag-drive si Yella papasok sa loob.
“Cluster, code at pangalan?”
“Cluster 1, code 235, Louise Zara Quinn Isabella Trinidad.”
Kung ang cluster-hideout ay tama lang para sa kanilang lima, ang main-hideout naman nila ay kasya ang dalawang libong tao.
“It's nice to see you again, Louise.”
Ikinunot ni Louise ang noo niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Kababa niya lang sa motor niya at sumulpot ang lalaking ito.
"You don't remember me, do you?” dagdag pa ng lalaki.
It was Joseph Santillan, bagong recruit sa samahan nila mula sa cluster 14.
“Dapat ba?” tanong niya rito. Narinig niya ang mahinang tawa ni Yella mula sa likuran.
Natatawang umiling si Joseph sa kanya. “Ang mga tipo mo talaga ang gusto ko sa babae.”
“At ang mga tipo mo naman ang ayaw ko,” prangka niya rito at tinalikuran.
Naglakad na siya papunta kina Alec. Narinig niya pa ang pagtawag ni Joseph Santillan sa pangalan niya ngunit hindi na siya nag-abala pa na lingunin ito.
“Si Boss Lorenzo,” mahinang wika ni Alec nang makalapit siya.
“Si Lorenzo?” Hindi niya ito maintindihan. “Anong meron sa kanya?”
“Patay na. . .”
Matagal bago naproseso ng utak ni Louise ang salitang binitawan ni Alec.
“P-patay?” her jaw dropped.
Lorenzo had been friends with everyone. Kahit nakakatanda ito sa kanila ay hindi ito katulad ng iba. Magaling ito makisama at halos lahat ay malapit dito. Ito ang nagpasok sa kanya sa samahang ito. Ito ang coach niya. Lahat ng nalalaman nito ay itinuro nito sa kanya dahil balang araw raw ay magagamit niya ang lahat ng itinuro nito. Ito rin ang leader niya bago ito maging Head ng samahan nila at ilipat siya sa pamumuno ni Charlie. Kung mabait si Charlie ay mas mabait si Lorenzo. . . Paano itong namatay?

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Camacho Ma Diezel

    unexpected plot twist, I like it🫶

    06/08

      0
  • avatar
    CalaroLaurel Jan

    goods

    25/07

      0
  • avatar
    RoldanLourince

    ang ganda

    19/06

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru