logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

Aleck Therese Del Viega
Maagang akong nagising para magpunta sa palengke at bilhin ang mga kakailanganin sa lulutuin ngayong araw.
Pagkatapos ng ritwal sa umaga agad akong umalis ng bahay ko at sumakay ng tricycle.
Pagkadating sa palengke, agad akong bumili ng gulay. Repolyo, carrots, at baguio beans para sa pancit. Pagkatapos, pumunta ako sa bilihan ng seafoods para bumili ng hipon at isda. Sunod ay bumili ako ng karne para sa lulutuing adobo at manok para sa fried chicken.
Pagkatapos bumili ng mga kakailanganin agad na akong umuwi para makapagluto.
Mahigit isang oras ang iginugol ko sa pagluluto. Nang matapos, agad akong nagbihis at naghanda sa pag-alis papuntang Hope House of Angels. Isang institusyon na tumatanggap ng mga ulila ,palaboy at mga batang may kapansanan na inabandona ng magulang at pamilya.
I found this institution two years ago when I accidentally lost my way home while riding my motorcycle. I talked to the directress if I could volunteer and since then I am visiting the institution every saturday.
I always cook and bring foods to the children. That's my way of giving joy to them.
When I arrived at the institution, agad akong sinalubong ng guard at kinuha ang mga dala ko.
"Good morning ma'am"bati niya sa akin.
"Good morning kuya" ganting bati ko sakanya at sabay na kaming naglakad papasok.
"Hala kuya, bakit may mga kotseng pang sundalo dito? Wrong timing po ata ako ngayon" nagtatakang tanong ko nang makita ang mga sasakyan ng sundalo, tatlo iyon so I assume na madami sila.
"Okay lang po iyan ma'am, may charity works po sila ngayon at free check up sa mga bata" sagot niya sakin sabay bukas ng pinto sa dining.
"Mabuti naman po kung ganun kuya" sagot ko dito saka inilapag sa lamesa ang mga niluto ko.
"Salamat nga po pala kuya, pwede po ba akong sumilip sa venue?"
"Oo naman po ma'am, ako na po ang bahala dito"
"Sige po kuya, punta na ko dun, salamat ulit sa tulong" paalam ko sakanya.
"Walang anuman po ma'am" narinig kong saad niya bago ako tuluyang makalabas ng kitchen.
Nagtungo ako sa function hall ng institution na sa tingin ko ay pinagdadausan ng charity work.
Sa may malapit sa pintuan pa lang, kita na ang mga naka uniform na mga sundalo. Di ko na lang sila pinansin at tuluyan ng pumasok sa loob.
Bumungad sakin ang nakakalat na sundalo, some are with childrens nakikipag usap, ang iba ay nakikikanta sa mga bata at ang iba naman ay tumutulong sa mga doctor na nagchecheck up sa mga bata.
Agad ko namang namataan si mother superior at nagtama ang aming mga mata. Nginitian ko siya at naglakad papalapit sakanya.
"Good morning mother superior" bati ko sakanya saka siya niyakap
"Buti at dumating ka na, kanina pa kita hinihintay. Di ko nasabi sa iyo na may mga bisita tayo, kahapon lang din ako natawagan eh" paliwanag niya sa akin
"Okay lang po iyon" sagot ko sakanya.
"Oh siya sige, maiwan na muna kita ah, hanapin mo na lang si lenlen kanina ka pa nun hinahanap sakin, andyan lang yung batang iyon."
"Sige po, may dala nga po pala akong pagkain nasa kitchen na po pero base sa nakikita ko ngayon may dala rin silang pagkain sa mga bata"
"Okay lang iyon iha, we can just give it to the soldiers and the other volunteers here, hindi iyon masasayang" she said while smiling.
"Okay po"
"Sige, mauna na muna ako, kayo na muna ang bahala dito" paalam ni mother saka naglakad paalis.
Ako naman, inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar para hanapin si lenlen at hindi naman ako nabigo ng makita ko siyang tumatawa kausap ang isang sundalong nakatalikod mula sa pwesto ko.
"Lenlen!" Tawag ko sa bata nang makalapit ako sa may pwesto niya
"Ate Aleck!" She shouted and hugged me.
"Hi baby, kumusta?" Nakangiti kong bati sakanya
"Okay naman po, dala mo po ba yung pinagbilin kong pasalubong sayo nung nakaraan?" Inosenteng tanong niya. This girl is such a cutie!
"Oh, yung mini-board at chalks? Sorry baby, di nakabili si ate, hindi kasi ako nakadaan ng mall eh, hindi din ako nakapunta kahapon kasi late na kaming pinalabas sa school" I said to her while caressing her cheek.
"Ay! Okay lang po ate, babalik ka pa naman po di ba next week?"
"Yes baby, of course!" Nakangiting tugon ko sakanya.
"Sige po ate, ay hala! Siyanga po pala ate, siya sa kuya matt, sundalo po siya ate" dun ko lang naalala na may kasama pala siya. Agad kong tinignan ang itinuro niya at natigilan ako ng makita ang kabuuan niya. He is not a pure filipino, his feature shows an american blood, and when I look up to his face, para akong naglue sa klase ng titig niya sa akin lalo na sa kulay ng kanyang mata. Blue iyon at para akong hinihigop sa klase ng kanyang pagtitig sa akin. He's not smiling kaya mas lalo akong nanlamig.
"Kuya matt, siya po yung sinasabi ko kanina, si ate Aleck ko" naputol lang ang titigan naming dalawa ng magsalita si lenlen at iniwas niya ang tingin niya upang tignan si lenlen
"Ah, I see. Nice to meet you miss" saad niya, yung aura niya sobrang lamig at intimidating na pero mas lalo lang yun nadagdagan ng magsalita siya sa malamig din na boses.
"Ah, nice to-"
"I'm going now, bye lenlen" I was cut off when he bid his goodbye and turn his way out.
"Ate!" I jump a bit when lenlen called be at saka lang nawala ang tingin ko sa sundalong iyon.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at tinignan si lenlen.
"Ate, kanina ka pa dumating?"
"Hindi baby, ngayon lang din, why?"
"Wala lang po"
"Sure?" I asked her at tumango lang siya bilang pagtugon.
"By the way len, kamusta na ang heart mo, sumasakit ba madalas? Nahihirapan ka bang huminga?" Tanong ko sakanya.
Lenlen was diagnosed with a congenital heart disease however, imbes na alagaan ng mga magulang, iniwan siya dito sa institution. Naiinis talaga ako pag naaalala yun, mga iresponsable!
"Wala po ate, maayos po ang pakiramdam ko nitong nakaraang mga araw"
"Mabuti kung ganun" sabi ko sakanya saka marahan siyang hinila para yakapin.
"Ate?"
"Yes?" Sagot ko sakanya tinignan siya sa mata.
"Ate, miss ko na po sila mama, di po ba sila pwedeng dumalaw dito?" Natigilan ako ng marinig ang tanong niya at sobra lang lungkot ng boses niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at tinignan siya ng maigi.
""Di ko alam len eh, pero wag kang mag-alala gagawa ng paraan si ate para papuntahin ang parents mo dito. Wag kang malungkot baby, masama sa health mo iyan di ba?"
"Promise po ba yun ate?" She asked innocently.
"Yes po, I promise. Just don't be sad okay?"
"Opo ate" she said as she smiled again.
I decided to roam around the venue with lenlen. Agad naman akong nilalapitan ng mga batang nakakakita sa akin. These kids has a soft spot in my heart. Saksi ako sa mga pinagdadaanan nila, lungkot at pangungulila sa mga magulang. Saksi din ako sa kung paano sila lumalaban at pilit na pinapatatag ang sarili sa kabila ng kondisyon na mayroon sila, pinipilit nilang lumaban para mabuhay, para matupad ang mga pangarap nila at para makasama na ang kanilang mga magulang.
"Eyes up here everyone! Children, we'll stop for now because it's almost 12:00 o'clock and we'll be taking our lunch. Gutom na ba kayo mga bata?" Tanong ng isang sundalo na nasa may platform ng venue na agad namang tinugon ng mga bata.
"Yes po!" The children said in unison.
"Okay, let's go, Soldiers, please assist them to the dining hall, Have a happy lunch everyone!" He said cheerfully.
Agad ko namang hinawakan ang kamay ni lenlen at ng isa pang bata, si abby.
"Come on babies, let's eat." Saad ko sakanila at naglakad na kami patungo sa dining hall.

Komentar Buku (91)

  • avatar
    Edgar Villanueva

    allowed in Scrabble online lagi Akong inuutusan you want me

    8d

      0
  • avatar
    Jessie

    very good

    11d

      0
  • avatar
    Aiben Alcantara

    Romeo, S. R.

    23d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru