logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

7. Dawn

Yuri//pov
"Bakit nandito ako?" Tanong ko sa aking sarili dahil nandito ako  ngayon sa bahay ni Aciano. Kung saan pala naputol ang kwento ang tanga mo self -,-
Lumabas ako ng bahay para makita ang nangyayari sa labas. "Binibini? Bakit kayo nandito?" Ito yung lalaking kasama ni Aciano. "At nag-iba ang iyong kasuotan." Sabi niya.
"May nangyari ba dito habang wala ako?" Tanong ko. "Isang linggo na ang nakalipas nung huli kayong naririto. Nahuli ang Prinsipe at ang Hari kasama ang dalawang kaibigan ng Prinsipe." Sabi niya. "Isang linggo?" Gulong tanong ko dahil kagabi lamang iyon. Nag-iiba-iba ba yung oras? Paano yun?
"Nasaan sila ngayon?" Tanong ko. "Nasa mga Perians." Sagot niya. "Si Aciano?" Tanong ko. "Nasa Palasyo, pinapagaling ang mga sugatang kawal." Sagot niya.
"Pwede mo ba akong hanapan ng uniporme ng isa sa mga sundalo?" Tanong ko. "Ano ang iyong binabalak, binibini?"Tanong niya. "Iba dapat ang aking plano ngunit muli nanamang nabago ito." Sabi ko.
"Sandali lang binibini, alam kong mayroon pang kasuotan dito." Sabi niya at nanghalukat sa slide door na aparador at inilabas ang kahon tsaka inilapag sa sahig at umupo siya para buksan iyon. "Mukhang maluwag ang kasuotan na ito sa iyo." Sabi niya. "Ayos lang, salamat." Sabi ko at sinuot na ang kasuotan kahit ako ay nakasuot pa rin ng uniporme. 
"Ginagamit namin ang maskara na ito upang hindi kami makilala." Sabi niya at ibinigay ang maskara na bakal. "Kami? namin? dati kang kawal?" Tanong ko at tumango siya.
"Salamat, sige aalis na muna ako." Sabi ko. "Teka binibini saan ka patungo?" Tanong niya. "Sa mga Perians." Sagot ko.
"Ngunit delikado ang iyong gagawin binibini, mataas ang barko ng Perians at maaari kang mahulog sa tubig na napapalibutan ng mga pating." Sabi niya. Alam ko yun, ako ang may ideya 'nun.
"Wala kayong dapat ipag-alala." Sabi ko ang isinuot ang maskara. "Hindi ako sigurado sa inyong binabalak binibini ngunit ipapahiram ko ang kabayo ni Kai para sa inyo." Sabi niya.
Sana si Yuki nalang.
Oo nga no?
'Yuki'
'Yuki'
'Yuki'
"Yuki." Usal ko dahil baka sakaling sumulpot ito. "Binibini!" Sigaw ng lalaki ng biglang sumulpot sa aking likuran si Yuki at maayos na ang kaniyang lagay. 
"Wag kang mag-alala hindi nananakit si Yuki." Sabi ko, "Ano nga ang iyong ngalan?" Tanong ko. "Rey ang aking ngalan." Pakilala niya.
"Salamat Rey at mauuna na kami." Sabi ko at sumakay kay Yuki. "Walang anuman, binibini." Sabi niya at tumango na lamang ako at lumabas.
Dumaan sa malaking daanan at kitang kita ko pa kung paano magulat ang mga tao rito.
"Sa Perians ang punta natin." Utos ko kay Yuki. "Alam ko, hindi mo kailangan iutos." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Nakakapagsalita ka na pala ulit." Pang-iinis ko sa kanya.
"Tahimik." Utos niya. "Sungit, wala kang pagkain 24/7." Biro ko. "Sige mag-ingay ka ng marinig ka ng guro mo." Sabi niya na ikinatawa ko.
"Malayo pa ba?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot. "Hala sige sige." Pagbabanta ko ulit.
"Andito na tayo kalma ka lang." Sabi niya at umupo para makababa ako. 
"Tulad lang ng nasa-isip ko ang barko ng mga Perians na ginawa na rin nilang kaharian." Usal ko. "Paano makapasok?" Tanong ni Yuki. "Alam ko may malaking pinto at ibinababa ito." Sabi ko. 
"Arghhh...Grrr..." Usal ni Yuki at napahiga sa lupa. May aatake sana sa aking ahas ngunit agad ko siyang nahawakan.
"Maligayang pagdating sa aking barko, isang kawal." Si Dawn iyon. Ginawa ko siya na kaugali kong sarkastiko.
Hinawakan ko sa ulo ang ahas at tinanggal ang dalawang pangil tsaka siya binitawan at itinuon ang atensyon kay Yuki, "Yuki, kaya mo pa ba?" Tanong ko. "Walang talab ang lason ng ahas sa akin." Usal niya at tumayo tsaka humarap kami sa direksyon ni Dawn na nasa harapan namin at nasa likuran naman ang kanyang barko.
Hinala ko na galing siya sa bayan ng Prinsipeng si Claude. 
Kasama niya yung apat niyang tagasunod, kumbaga ay mga kaibigan niya ito. "Anong ginagawa ng isang kawal sa teritoryo namin?" Tanong ni Kiru ang look out nila. Hindi ko siya sinagot at muli namang nagtanong ang isa.
"Kung hindi ka magsasalita maaari ka na ba naming mapaslang?" Tanong ni Erwin, ang palaaway sa kanila kasama niya ang kakambal niyang si Edwin.
"Wala kang kahit anong armas." Sabi naman ni Vrishti, ang malakas ang pakiramdam sa kanila. "Ang dala niya lamang ay ang kakaibang lobo na iyan." Pahabol niya pa.
"Yahoo!" Sabi ni Edwin at pinatama sa direksyon namin ang kanyang pana at nadaplisan ako nun sa balikat.
"A-Aray." Usal ko.
"Hala! nalagyan ko yata ng lason iyon!" Sarkastikong saad ng kakambal ni Edwin na si Erwin. Naghanda ulit sila ng ipapatama sa amin.
'Schützen'
'Schützen'
'Schützen'
"Schützen." Usal ko. Hindi tumama ang pinana ng kambal dahil dumaan ang malakas na hangin.
Nakaramdam ako ng hilo kaya ako ay natumba at natanggal ang suot kong maskara. "Yuri!" Tawag sa akin ni Yuki ngunit sa sakit na nararamdaman kong hilo ay ako'y nawalan ng malay.
.
.
.
.
"Miss Martinez, are you with us?" Tanong ng aking guro ngunit sobrang sakit ng ulo ko.
"Yuri, ayos ka lang?" Pagalalang tanong ni Bella. "Nahihilo ako." Usal ko. Nakayuko lamang ako.
"Gusto kong matulog." Sabi ko at sumangayon na lamang si Bella at gumawa nanaman ng dahilan para sa akin.
Huminga ako ng malalim upang bumalik ulit doon. 
Napadaing ako ng maramdaman kong nasa malambot na higaan ako. "Mabuti at nagising ka na, inutos ng Dawn na ibigay itong mga prutas para sa iyo." Saad ni Vrishti at inabot sa harap ko ang basket ng mga prutas.
"Asan si Yuki?" Tanong ko at hindi pinansin ang mga prutas, malay ko bang baka may lason yun.
"Tinutukoy mo ang lobo? Nasa isang kulungan siya ngayon." Sagot niya.
Well, alam ko kung saan ang mga kulungan nila dito.
Umalis na ako sa kama at akmang lalabas ngunit nakasara ito. "Hindi ka pwedeng lumabas hangga't wala si Dawn dito." Sabi niya.
"Tsk, Dawn! Erwin! Edwin! bukasan niyo ang pinto!" Sigaw ko sa pintuan. "Paanong nalaman mo ang kanilang ngalan?" Tanong ni  Vrishti.
Natahimik naman ako dahil mapapaslang ako ng wala sa oras nito.
"Ano ang iyong sinabi?" Tanong ni Vrishti na kasabay naman ng pagbukas ng pinto. 
"Dawn."
"Ingatan mo ang iyong pananalita binibini dahil kaya kong kitilin ang iyong buhay." Pagbabanta ni Dawn. "Bakit hindi mo gawin mahal na prinsipe?" Sarkastikong tanong ko at nilagpasan sila palabas ng pinto kaso pinigilan nila ako. Sa paraan ng pagiging sarkastiko baka pabayaan lamang nila ako.
"Akala mo makakalagpas ka dito?" Tanong ni Kiru at hinawakan ang braso ko. Bigla ko iyong hinawi at tumakbo.
"Naalala ko na, silid iyon ni Dawn." Usal ko. Nasa pinakataas na palapag ako. Sarado ang lahat ng pinto at ang nanatiling bukas ay ang malalaking bintana ngunit mga pating ang babagsakan ko.
"Ano na ang iyong pinaplano binibini?" Sarkastikong tanong ni Dawn. Pumatong ako sa railing ng bintana at kitang kita ko na ngayon ang mga pating. Talaga palang ang dami kong nilikha na ganito. 
"Wag mong sabihin na tatalon ka?" Tanong ni Kiru. "Sige hindi ko sasabihin." Sagot ko.
Huminga muna ako ng malalim at akmang tatalon na ng bigla akong hinila ni Dawn. "Aray pota." Usal ko ng bigla akong nabangga sa dibdib niya.
"Ano ba!" Sigaw ko at umiwas sa kanya. "Hoho bakit ka namumula?" Tanong ni Edwin. "Ito ba ay tinatawag na pag-ibig?" Tanong naman ni Erwin habang dalawa silang umiikot ikot sa akin.
Napatigil naman ako, "Pag-ibig?" Takang tanong ko ngunit alam ko yun di ko lang nararanasan. "Wag mong sabihin hindi mo alam ang pag-ibig?" Natatawang tanong ni Kiru.
"Syempre alam ko, di ko lang naranasan." Sabi ko. "Boss kakain muna kami!" Paalam ng kambal kay Dawn. 
"S-Sama ako." Sabi ko at sumunod sa kanila.
Nakababa na kami mula sa pinakamataas na palapag at may parang may cafeteria sila sa gitna at kaming tatlo lang ang tao dahil yung iba ay nasa gilid at pinagmamasdan lamang kami. "Nakakatakot." Usal ko. "Anong kinakain niyo?" Tanong ko. "Karne ng Manok gusto mo?" Tanong ni Erwin habang kumakain ng hilaw na manok.
"H-Hindi, salamat." Sabi ko. "Asan yung kusina niyo?" Tanong ko. "Andun oh! makikita mo si tandang Warren." Sabi ni Edwin kaya sinunod ko kung saan ang tinutukoy niya at may mga tao dun sa counter kaya dahan dahan akong pumasok doon at tumungo sa kusina.
Meron uling mga tao kaya nagtanong ako, "Hinahanap ko ang matanda na nagngangalang Warren." Sabi ko. "Ano ang kailangan mo munting binibini?" Tanong ng matanda at nagpunas ng kanyang kamay sa hawak niyang maduming tela.
Napansin ko nga na puro lalaki lang ang narito, kasalanan ko talaga kung bakit walang babae dito. "Meron ba kayong mga manok?" Tanong ko. "Oo ito madami pa oh." Sabi nya at iniangat ang mga buhay pa na manok. "H-Hindi, yung kinakain ng kambal kanina." Sabi ko at iniabot niya naman sa akin ang isang buong manok at limang manok iyon.
Huminga muna ako ng malalim at kumuha ng apron sa tabi ng counter. "Ano ang binabalak mong gawin binibini?" Tanong ng isang lalaki na nagpatong ng manok sa counter. "Magluluto." Maikling sagot ko at humiram ng kutsilyo.
Hiniwa ko sa lahat ng parte ang dalawang manok upang gumawa ng adobo at tinola. At lechong manok naman para sa ibang manok.
Meron silang malaking oven syempre makaluma yun. Inihanda ko na ang mga kakailangan at sabay sabay silang niluto. Binabantayan ko din yung manok sa oven at baka maover cook.
Nagulat ako ng paglingon ko sa counter ay dumami na ang mga tao. "Umayy." Usal ko. "May maitutulong ba kami binibini?" Tanong ng isa sa mga nasa loob ng kusina. 
"Pakibantayan naman yung nasa kaldero at magbilang ka lamang ng tatlumpung segundo at luto na iyan." Sabi ko at sakto namang tumunog na ang oven kaya binuksan ko iyon kaya nangamoy ang masarap na amoy ng lechong manok.
Gumamit ako ng makapal na tela para ilabas ang lutong pagkain mula sa oven, "Tulungan na kita binibini." Sabi ng isa at kinuha mula sa akin ang manok na nasa stainless na lalagyan at nilagay sa counter.
Pagkatapos nila akong tulungan, tinanong nila kung saan ilalagay. "Duon sa kambal, gusto kong matikman nila kung ano ang totoong pagkain."
"Tikman niyo." Sabi ko dahil nandito ngayon silang lima na nakahalukipkip sa aking tapat.
"Bakit hindi ka mauna?" Sarkastikong tanong ni Kiru. "Ligtas ang pagluluto niya, kanina pa kami nanonood doon at wala akong nakita na meron siyang nilagay na kung anong lason." Sabi naman ni Vrishti.
Naunang tumikim si Vrishti at nailuwa niya bigla,"Ayos lang ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ko. "Mainit." Usal niya.
Kumuha ako ng tinidor na kahoy at kumuha din ng maliit na piraso ng manok mula sa lechong manok tsaka hinipan iyon. "Oh." Sabi ko kay Vrishti. Tinanggap niya iyon at nginuya. 
Imagine, ganito buhay mo kapag naging nanay ka na -,- dami mong anak.
"Hmm.." Usal ni Vrishki at tumango tango.
Kinuha ni Dawn ang tinidor mula sa kamay ko ay kumuha rin siya at kinain iyon. "Maayos lang naman ang lasa." Sabi niya.
Kumuha na din ng manok ang kambal tsaka si Kiru at kinain iyon. "Ang sarap!!" Saad ng kambal habang ngumunguya.
Sinabi ni Dawn na kumain na din ang iba kaya dinumog yung lamesa na ito. Nilibot ko ang mata ko ng bigla kong nahagip ang Prinsipe na si Claude. "Claude?" Usal ko at tumungo sa direksyon niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dawn habang nakahawak sa braso ko.
"Wala kayong mapapala sa akin kung ikukulong niyo lamang ako dito." Sagot ko habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niya.
"Meron, Yuri." Sabi niya.

Komentar Buku (325)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    hehehe

    2d

      1
  • avatar
    Zerk John Ulson

    😁😁

    8d

      0
  • avatar
    GamgamShally

    nice

    8d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru