logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 04

Chapter 04
Nandito ako ngayon sa garden mag isa habang nakikinig ng music. Wala ulit kaming ginagawa katulad kahapon. Buti nga ngayon pinayagan na kaming lumabas ng room basta huwag daw pakalat-kalat.
Nakatingala ako sa maaliwalas na kalangitan at pinapanood ang dahan-dahang paggalaw ng mga ulap. Takte, naalala ko na naman 'yung sinabing green na ulap ni Kenzo. Ang abnormal talaga no'n, siguro marami nang lumot sa utak niya kaya kung anu-ano 'yung pinagsasabi niya.
Nabaling ang atensyon ko sa dalawang taong masayang nag uusap. Mapait akong ngumiti at iniwas nalang sa ibang direksyon ang tingin ko. Katulad kahapon, parang may kumurot muli sa puso ko.
Bakit ganito nararamdaman ko? Sa pagkaka-alam ko simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sakaniya. Bakit ako nasasaktan nang ganito? Mahal ko na ba siya? Hindi. Hindi pwede. May iba siyang gusto kaya hindi pwede itong nararamdaman ko.
Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at saka pinatong doon ang ulo ko at doon umiyak.
Tumunog na ang bell hudyat na recess na kaya tumigil na ako sa pag iyak at nagtungo ng cr para maghilamos. Mabuti nalang at mamaya pa papasok si Elle, hindi niya malalaman na umiyak ako dahil kay Kreios.
Nang matapos akong maghilamos, may dalawang babae ang pumasok sa cr.
"Ang suwerte ni Nixie kay Kreios 'no? Mapapa sana all ka nalang." ani ng babaeng bahaba ang buhok.
"Bagay nga sila eh." sang-ayon naman ng kasama niya.
Lumabas na ako ng cr bago pa ako umiyak ulit.
"Yumi," nilingon ko 'yung taong tumawag sa akin.
"Ano na naman kailangan mo?" tanong ko kay Kenzo.
"Akala ko mamaya pa papasok si Elle?" nabigla ako sa sinabi niya. Shit.
"Nasaan siya?" tarantang tanong ko.
"Nasa canteen na. Teka nga, umiyak ka na naman ba?" seryosong tanong niya.
"Huwag mo ulit sasabihin kay Elle." sabi ko, napabuntong-hininga naman siya.
"Oo na, tara na baka naiinip na 'yon."
Lumakad na kami ni Kenzo papuntang canteen at nang makarating kami ay natanaw ko agad si Elle.
"Elle, akala ko ba mamaya ka pa papasok?" tanong ko.
"Si mama kasi eh pinilit akong pumasok. Teka, anong nangyari r'yan sa ilong mo?" tanong niya.
"Dahil sa akin," sabat ni Kenzo.
"Anong ginawa mo?"
"Naglaro kasi kami kanina tapos natalo siya kaya ang parusa niya ay ang pingutin ang ilong niya." nagkatinginan kami ni Kenzo, nginitian ko siya at nag 'thank you' sakaniya.
"Ang akala ko dahil kay Kreios." tinignan niya ako nang diresto kaya umiwas ako ng tingin.
"Kain na tayo. Bumili na ako ng kakainin nating tatlo." sabi niya.
"Ayon! Thank you, Elle." masayang usal ni Kenzo.
"Anong thank you? Bayaran mo 'yan sa 'kin." nawala ang ngiti ni Kenzo dahil sa sinabi ni Elle.
"Hala? Grabe ka naman Elle. Libre mo na sa 'kin 'to oh." pagmamakaawa niya.
"Oo nga naman, Elle. Binantayan niya naman ako kanina eh." sabat ko.
"Oo na nga. Kain na tayo."
Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami ng garden. Kagaya ng nakagawian, hiniram ulit ni Kenzo 'yung gitara sa music room.
"Ayu, umamin ka nga sa 'kin." agad kong nilingon si Elle.
"Ano naman ang aaminin ko?" tanong ko.
"Totoo ba 'yung sinasabi ni Kenzo kanina?" nakataas ang isang kilay niyang tanong sa akin.
"O-Oo nga. Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Wala akong tiwala kay Kenzo eh." natawa naman ako nang mahina.
"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita, Cristelle. Parang hindi kaibigan ah." umakto pa siyang nasasaktan sa sinabi ni Elle.
"Ang arte mo! Pahiram ako niyan." inagaw ni Elle ang gitarang hawak ni Kenzo.
"Marunong ka ba?" pang aasar ni Kenzo kay Elle.
"Aba, oo naman. Anong akala mo sa akin?"
"Ano kakantahin?" tanong niya.
"The only exception," sagot ko.
"Sige, sige." aniya saka nagsimula nang mag strum.
"When I was younger I saw my daddy cry..." kanta ko. " And curse at the wind... He broke his own heart and I watched
As he tried to reassemble it." sunod na kumanta ay si Kenzo.
"And my momma swore... That she would never let herself forget. And that was the day that I promised. I'd never sing of love if it does not exist." napapikit nalang ako at dinamdam ang lamig ng boses ni Kenzo. At nang dumating ang chorus ay Elle naman ang sumunod na kumanta.
"But darling, you are the only exception... You are the only exception...You are the only exception...You are the only exception." maganda rin ang boses ni Elle, ang sarap sa tainga. Magagaling talaga kumanta ang mga Dela Cruz.
Naka ilang kanta pa kami bago mapagpasyahang bumalik na ng room.
Naglalakad kami ngayon ni Elle pabalik ng room nang masalubong namin sina Nixie at Kreios. Niyuko ko nalang ang ulo ko at bago sila makalampas sa amin ay narinig ko pa ang sinabi ni Nixie.
"Gusto ka ma meet ni dad. Si mom kilala ka na dahil friend ka ni kuya. So? Puwede ka bukas?" hindi ko na narinig ang sagot ni Kreios dahil malayo na kami aa isa't-isa.
"Ano? Kumusta puso mo?" tanong ni Elle bago kami makapasok ng room.
"Tumitibok pa rin naman," pilit ang ngiting ginawad ko sakaniya. Sana lang hindi niya napansin na peke 'yon.
Hindi boring ngayon sa room namin dahil halos lahat ng narito ay may kanya-kanyang ginagawa. May naglalaro ng uno card, may naglalaro ng jackstone, may—wait, jackstone? Ano sila, bata? Napa iling nalang ako sa mga kaklase kong may pagka isip-bata. No, cut that. Mga kaklase kong isip-bata.
"Amputcha! Bakit may ganiyan kayo? Mga isip bata." humagalpak ng tawa si Elle nang makita sila Arriane na naglalaro ng jackstone.
"Huwag ka ngang maki alam, Cristelle." ani Khiarra.
"Oo nga, kung gusto mo sumali ka nalang" sabi naman ni Danni.
"Ayoko. Hindi naman ako isip-bata katulad niyo eh." sagot ni Elle.
"Ac, paki layo nga sa amin 'yang pinsan mong 'yan. Nandidilim paningin ko sakaniya eh." natawa ako sa sinabi ni Joseiah kaya hinila ko na palayo si Elle.
"Joke lang eh. Kayo naman hindi mabiro." sambit ni Elle.
Wala kaming ginawa magdamag ni Elle kun'di ang tumunganga hanggang sa mag uwian na.
"Mag bus nalang tayo, Ayu. Hindi na baleng doble ang pamasahe basta ayoko nang sumakay at maghintay diyan sa mga bulok nilang tricycle." natawa at umiling nalang ako sa sinabi ni Elle.
Naglakad na kami papunta sa sakayan ng bus at sakto ang dating namin dahil paalis na 'yung bus na nadatnan namin.
"O'di ba mapapa aga ang uwi natin."
"Oo nalang," sagot ko.
Pagkababa namin ng bus ay pumara kami ng isang tricycle para masakyan namin. Wala pang pitong minuto ay nakarating na kami ng bahay. Nagbayad na muna kami ni Elle bago bumaba.
"Yes! Hindi ako mabubungangaan ni mama. Btw, nagtataka ako kung saan nagmana si mama sa pagiging bungangera niya hindi naman bungangera si tita Antonette." hinampas ko nalang siya sa braso niya bago ako pumasok sa loob ng bahay.
May pagka sira ulo rin 'tong pinsan kong 'to eh.

Komentar Buku (110)

  • avatar
    May Amar

    hggggggg to girlfriend shatterproof happy

    17/08

      0
  • avatar
    Princesslara Marlana

    so pretty story

    03/08

      0
  • avatar
    Jhade RC De Guzman

    safff782

    31/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru