logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 RAID

"Remember! Once we get there, stick to the original plan. No one should dare to break the rules! Punishment is a must for those who are going to disobey it."
      Nagkatinginan kami ni Catalina matapos magsalita ni Riku. Pareho kaming nakasuot ng agent uniform, parehong nakapusod ang buhok; may kaunting ngisi na nabubuo sa kaniyang labi habang ako ay nanatiling seryoso ang ekspresyon, pero kahit na ganoon ay hindi ko maitatanggi na may kung ano'ng ideya ang naglalaro sa aking utak.
      Matapos maipaliwanag ni Riku sa lahat ang mga plano ay kaagad na rin kami nitong pinaghanda. Bahagya pa itong sumulyap sa akin bago kami lumabas ng silid na iyon ni Catalina.
“I can't wait. I'm excited, yet I'm feeling nervous,” wika ni Catalina habang naglalakad kami pabalik sa aming mga suite. “How about you?” she asked. We're talking casually dahil marami rin kaming mga nakakasabay at nakakasalubong. I remained serious.
“Same.” Napansin ko mula sa aking peripheral vision ang pagkunot ng kaniyang noo.
“Really, huh?” Hindi na ako muling umimik pa matapos niyon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
     Truth is hindi ko alam kung excited ba ako sa mga mangyayari o kinakabahan. Maybe yes, pero bukod pa roon ay may kaunting takot din ako na nararamdaman.
     I'm excited because finally, after years of being here in this hell place we have found our new way out; I'm nervous because I'm thinking that “what if we get caught?” what are we going to do?;  takot dahil baka pumalpak ang plano namin ni Catalina, at muling bumagsak sa lugar na ito, but of course, I wouldn't let that happen again, hindi na pwede; hindi ko na hahayaan pa, at tiyak kong ganito rin ang naiisip ni Catalina. We wouldn't go without a Plan B nor, Plan C, nor much better with a Plan D.
“See yah later,” bumulong siya sa may tainga ko bago kami maghiwalay ng landas. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa aking suite.
      I found my mini bag pack with only two pair of clothes inside of it. Hindi kami puwedeng magdala ni Catalina ng bagahe dahil makakasagabal iyon sa aming plano. I would never looked back at this place, dahil ni katiting na pagka-miss sa lugar na ito ay hindi ko maramdaman; puro poot, galit at paghihiganti lamang.
      I brought four guns and bullets for myself, mas maganda na iyong handa para hindi na kailangan pang mamroblema sa mga puwedeng mangyari. Hinigpitan ko ang pagkakatali sa aking buhok bago ko kinuha ang bag pack at isinakbat iyon sa aking kanang balikat. I have a lot of things that’s left, pero hindi ko na kakailanganin pa ang mga iyon; tanda lang iyon na nabaon ako sa empyernong lugar na ito at ngayon ang balak kong pag-ahon sa hukay. Kahit na paulit-ulit akong natatalo sa laban, alam kong darating qng panahon na ako naman ang mananalo, at sila ang isusunod kong ibabaon sa huka; mas malalim sa hukay na aking pinanggalingan.
      I didn't lock the door of my suite. Kung may pumasok man ay wala na akong pakialam. Ito na ang huling beses na tatapak ako sa lugar na ito. Whatever happens, hinding-hindi na ako babalik pa sa lugar na ito; magkamatayan na't lahat.
“I know what you are planning.” Napahinto ako sa paglalakad papalabas ng hallway nang may isang pamilyar na pigura ang sumulpot sa akin. What is he doing here?
“Your sister told you?” I know Catalina. Hindi niya sasabihin ang plano niya sa kahit na sino, even to his brother; specially that they're not in good terms, kaya wala akong mahanap na dahilan kung nagsalita nga ba si Catalina sa kaniyang kapatid tungkol sa aming plano.
      Isang ngisi ang naglandas sa kaniyang bibig. Just like her sister, he's also charismatic. Iyong tipong kahit na sinong babaeng marupok ay mahuhulog sa bitag ng lalaki na ito. Who wouldn't? He's handsome, I do admit, pero hindi ako marupok para mahulog sa kaniyang mga patibong. I've been with Seike for years, and that kind of smirk wasn't new to me anymore, pero hindi ko maita-tanggi na isa 'yan sa dahilan kung bakit...mabilis kong ipinilig ang ulo ko at iwinaksi ang imahe ng isang lalaki sa aking isip.
“No. I just know,” he said shrugging his shoulder.
      Balak ko na sana siyang lampasan dahil ayaw kong magsayang ng oras na kausapin siya, ngunit mabilis niya akong hinarangan. Napabuntong-hininga ako at malamig na napatingin sa kaniya.
“What do you want, Cross?” The smirk on his lips faded as I asked him that.
“I want to join.” Bahagya akong napamaang sa kaniyang sinabi. Hindi ko 'to inaasahan.
       Noon pa man nakitaan ko na siya ng determinasyon at dedikasyon sa kaniyang trabaho, and I have never seen him being so frustrated of being in this place. Hindi kaya gusto lang nitong sirain ang plano namin kaya nagku-kunwari siya na gusto niyang sumali sa balak naming gawin ni Catalina? But on the second thought, hindi ko pa rin naman talaga siya ganoon kakilala kaya hindi ko alam kung paano tumakbo ang isip niya. Let's say he's the brother of Catalina, and they have some similarities, pero hindi maiitanggi na may pagkakaiba pa rin silang dalawa.
“As far as I know, you and Catalina aren't in good terms.”
“We are, but that doesn't mean we're enemies.”
“If you're trying to fool me then don't you dare. Why don't you create your own plan if you want to leave this place then?” Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang totoo niyang pakay.
      If he wants to leave this place, sana noon pa ay nakipag-ayos na siya sa kaniyang kapatid nang sa gayon ay sabay silang gagawa ng plano para makaalis sa lugar na ito, but he didn't. Now he's here, asking me if he can join us?
“Why can't I join then? Natatakot ka na nasira ang plano niyo?” he asked mockingly.
     Well he got me on that, sino ba naman kasing papayag na ang bagay na pinag-planuhan niyo nang mabuti ay masisira lamang dahil sa isang maling desisyon?
“Alam mo naman na pala ang sagot. So why trying?” Napangisi siya sa tanong ko.
      Unti-unti kong nararamdaman ang inis sa aking sistema dahil sa ekspresyon pa lamang niya ay ipinapakita na niya sa akin na determinado siya sa bagay na gusto niyang gawin.
“Why do you want to leave this place?” Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong.
“That's none of your business, at hindi  kailangang sagutin ang tanong ng isa pang tanong.”
      Isang mapang-asar na tawa ang narinig ko mula sa kaniyang bibig. “You're really hard to please,” natatawa niyang wika. Napairap ako sa kaniyang sinabi.
“Whatever.” Balak ko na sana siyang lampasan, ngunit muli na naman siyang humarang sa daraanan ko.
“I'm asking you for a favor, and if you wouldn't consider it...pasensyahan tayo kung pare-pareho tayong mabubulok sa lugar na ito, Cypher.”
--
“What the hell is he doing here?!” isang maarte at masakit sa taingang boses ang sumalubong sa amin ni Cross nang tuluyan na kaming nakalabas ng Capital Sanctuary.
      Hindi ko naiwasang mapasimangot at mabuwesit nang narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Cross sa aking gilid.
“Marupok eh.” I sent him a death glare na ikinahinto niya sa pagtawa, pero nandoon pa rin ang kaniyang pagpipigil.
“Cypher!” Magkasalubong ang kilay na tanong sa akin ni Catalina.
“Ask your ugly brother.” Pumasok na ako sa loob ng van at iniwan silang dalawa roon sa labas.
     Nakita ko na bahagya silang lumayo sa direksyon kung nasaan ang sasakyan namin papunta sa lugar kung saan gaganapin ang misyon. Halos lahat ng sasakyan na gagamitin ay nakaparada na sa gilid ng kalsada ng Capital Sanctuary. Marami kami kaya hindi ka-kasya ang isang sasakyan. Halos ala sais na rin ng gabi kaya madilim ang paligid.
      Since we're in Tokyo, aabutin kami ng mahigit limang oras bago namin marating ang Kyoto. Doon kasi naka-base ang organisasyon na kailangan naming pabagsakin.
      After 15 minutes of talking, pumasok pareho sina Cross at Catalina sa van. Nasa backseat ako nakaupo, at dahil sa backseat din sila pumasok ay wala akong nagawa kun’di ang mapag-gitnaan ng dalawa.
“Damn!” Napalingon ako sa magkasalubong ang kilay na si Catalina, sumunod ay kay Cross na ngayon ay may malaking ngisi sa kaniyang labi. Napailing-iling na lamang ako.
     Whatever might happens, we will stick to our plan.
--
     Naramdaman kong may umuga sa aking balikat dahilan para mapamulat ako. Sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Cross dahilan para bigla kong masapak ang kaniyang mukha.
“Fuck! Ikaw na nga itong pinatulog sa balikat ko ta's sasapakin mo lang ako? Wow! You're welcome.” Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at padabog na isinara ang pintuan.
  
      Shit! Did I just slept on his shoulder?
      Napatingin ako sa aking relo at nakitang alas onse na ng gabi. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Kaagad akong lumabas ng sasakyan; si Catalina kaagad ang bumungad sa akin.
      Madilim ang lugar kung saan naka-park ang mga sasakyan, lahat kami ay nasa labas na.
“Alam mo na kung ano'ng gagawin once na makapasok sila sa base,” bulong sa akin ni Catalina. Eksakto naman na lumapit din sa aming puwesto si Cross. Sigurado ako na naipaliwanag na ni Catalina ang mga kailangang gawin, kaya hindi na niya kailangan pang magtanong.
“Get ready!” Nang narinig kong may sumigaw, hudyat na iyon na kailangan na naming kumilos.
      Nagkatinginan kaming tatlo at napatango-tango sa isa't isa.
“Ayusin mo or else I'm going to kill you!” gigil na wika ni Catalina sa kaniyang kapatid bago kami naghiwa-hiwalay ng landas.
       May kaniya-kaniya kaming lugar na pupuntahan kung saan kami nakaatas. Since Riku was the one who planned where should we go, ang dukutin and head master ng organization ang kailangan kong gawin; si Catalina at Riku naman ay nakaatas na patumbahin ang mga bantay at mga tauhan ng organisasyon na magtatangkang sumagabal sa plano.
       We're going to enter a huge palace, hindi ito matatawag na mansyon dahil sa sobrang lawak nito; halata rin na maraming pasikot-sikot, ngunit dahil inilahad na ni Riku sa amin ang buong mapa ng lugar ay hindi na kami mahihirapan pa na makalusot at hanapin ang aming pakay. Thanks to him though, mas mapapadali ang aming plano.
      Napansin kong pareho nang nakabulagta sa sahig ang dalawang guard na nagbabantay sa entrance gate ng lugar. Sinenyasan ako ng iba na pumasok na sa loob dahil tahimik ang paligid at wala masyadong nakamasid. Siguro dahil halos hating-gabi na rin, at hindi maiiwasan na dalawin ng antok ang mga taong naatasang magbantay.
      Isinuot ko ang aking earpeace nang tuluyan na akong makapasok sa loob, ngunit kasunod niyon ay isang malakas na putok ng baril na kaagad na pumailanlang sa buong paligid.

Komentar Buku (31)

  • avatar
    Abdulwahid Abdulhalim

    good

    15d

      0
  • avatar
    JU NA

    amazing

    15/08

      0
  • avatar
    Evangeline Gultiano

    very nice

    06/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru