logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 4 WHAT'S THE PLAN?

      Sa gitna nang pagkakagulo ng mga tao ay patuloy ako sa pagbawi ng mga buhay. Killing without mercy, hangga't nakakakita ako ng mga tauhan ng empyernong lugar na ito ay hindi ko pinapalampas na baiwan ng buhay. Innocent or not kung mas pinili niyong kumampi sa organisasyon, wala akong pagpipilian kun’di ang isunod ang mga buhay niyo sa empyerno.
       Nang nakita ko ang pigura ni Gustos ilang metro ang layo sa akin ay hindi ako nagdalawang isip na tutukan ito ng baril. Everything's a mess, at kung mamamatay man ako sa oras na ito, sisiguraduhin kong isasama ko siya sa empyerno.
“Pull the trigger, and I'll pull mine.” Napahinto ako nang maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa aking sentido.
       Bahagya akong napalingon sa aking likuran at nakita ang iilang mga tauhan ni Gustos. Muling napabalik ang tingin ko sa aking unahan at napansin ang nakangising mukha ni Gustos. Gusto ko sanang ituloy ang binabalak kong pagbaril sa kaniya, pero bigla akong nanlambot sa aking kinatatayuan nang nasilayan ko ang mga duguan kong mga kasama na ngayon ay hawak ng mga tauhan ni Gustos.
“You're really one of the stubborn brat that I knew. Alam niyo sa simula pa lang kung ano ang gusto ko. Sumuko kayo, at sumama sa akin. Hindi kayo masasaktan sa ganoong paraan.” Mapang-asar akong napangisi sa sinabi ni Gustos.
“Bury yourself in hell first, Gustos.” Hindi ako makakapayag na rito lang magtatapos ang mga bagay na pinaghirapan namin. We planned well, pero bakit ganito pa rin ang kinalabasan?
“Well then. Binigyan ko na kayo ng pagkakataon, pero madali rin naman akong kausap. Kung ayaw niyo ay hindi ko na kayo pipilitin pa.” Bahagyang natahimik ang paligid nang nakipagsukatan ng tingin sa akin si Gustos. “Pero kung hindi ako, sinisiguro ko na wala ng iba pang puwedeng makinabang sa inyo.”
      Magimbal ako nang tinutukan ng mga tauhan ni Gustos sina Rus ng baril. Hindi ko alam ang gagawin, nagtatalo ang isipin ko.
      Napatingin ako kay Rus, at gusto kong pumatay habang nakikita ko ang paghihirap sa kaniyang sistema habang nakikitaan ng mga dugong umaagos mula sa mga natamo niyang sugat at tama ng baril. Nagtama ang mata naming dalawa hanggang sa mapansin ko na may kung ano siyang iniimik, “Please, spare your life.”
      Hindi ko naiwasang mapailing dahil alam kong kahit walang boses na lumabas mula sa kaniyang bibig, ay nabasa ko pa rin kung ano ang gusto niyang iparating.
      I will, Rus, but together with you.
“Kill them!” Biglang nagimbal ang aking sistema sa narinig.
     Bago pa iyon magawa ni Gustos ay kaagad na akong sumigaw, “Wait! Stop! Don't kill us. I’ll give what you want, but in one condition.” Napalunok ako.
“Shit, Cy! Don't!”
“Cypher, alam kong kaya mo silang patumbahin! Huwag mong ituloy 'yang binabalak mo!”
      I ignored their shouts and continue what I'm planning to do. Nakita ko ang ngisi na nabuo sa mukha ni Gustos, ngisi na alam kong ipinapakita niya na siya ang mananalo sa laban na ito.
“Let me hear it then.” Muli akong napalunok. Wala na akong iba pang pagpipilian.
      Kung hindi ko gagawin ang bagay na ito, ay mawawala na lang nang parang bula ang lahat ng pinaghirapan namin. We planned for this, we planned to get our freedom, pero kung nang dahil sa katigasan ng ulo namin ay mawawala iyon, mas mabuti na sigurong may isang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. And I am willing to sacrifice just for the sake of my twin, Seike, Amethyst, Serpentina and Spencer.
“Cypher, don't!” Hindi ko pinansin ang sigaw ni Seike.
“Spare their lives, and don't you ever dare to tamper with their lives again; give them the freedom, and in exchange...” sa huling pagkakataon ay isa-isa akong napatingin kina Rus at sa iba pa, hindi ko pinansin ang nagi-igting na panga ni Seike at muling bumaling sa pigura ni Gustos na hindi pa rin nawawala ang tagumpay na ngisi sa kaniyang mukha, “I'll come with you.”
      Napapikit ako nang mariin nang naramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sa aking mukha. I glared to the one who did that, and as expected, ang naka-ngising mukha ni Catalina ang sumalubong sa akin.
“Too much thinking might lead you to a mental breakdown, dear. Bakit hindi mo ako gahayin? Chill pero nakakapag-isip nang hindi natutulala.” Napailing-iling ako sa kaniyang sinabi. She's always pestering my mood every morning.
“Humanap ka ng makakausap.” Isinampay ko ang tuwalya sa aking balikat at dumiretso na sa loob ng banyo.
      Masyado ba akong nag-isip nang malalim at ngayon ko lang naalala na maliligo nga pala ako?
“I am now talking to you. Just grab the opportunity.” Napairap ako sa kawalan dahil sa kaniyang sinabi. Napansin ko na may dala rin siyang tuwalya, malamang ay maliligo katulad ko.
      May kaniya-kaniya man kaming mga dorms, parte pa rin sa rules ng organisasyon ang ganitong klase ng patakaran. We have the bathroom, kung saan may trentang cubicles, dito kami naliligo tuwing madaling araw, dahil pagpatak pa lamang ng alas-singko ng umaga ay kailangan naman naming pumunta sa food court upang kumain ng agahan. All the things that we need are provided by the organization: foods, clothes, personal needs. The only disadvantages, ay sila mismo ang pipili ng mga pagkain na aming kakainin at kagamitan na aming gagamitin. We have no rights to choose what we want to eat nor what equipment we want use; ganoon kahigpit.
      Kung may magbalak man na sumuway sa patakaran ng organisasyon ay tiyak na pararatangan ng parusa.
“Ain't interested.” Pumasok ako sa isang cubicle at pinabayaan ang nagsasalitang si Catalina.
      May mga yapak akong naririnig at mumunting ingay mula sa labas, paniguradong ang ilang mga kababaihan din iyon na tapos na maligo.
“Ain't interested, mind your own business, humanap ka ng kausap. Ilang beses ko nang narinig 'yan mula sa'yo. Wala na bang bago?” rinig kong wika ni Catalina mula sa katabi kong cubicle. Napabuntong-hininga na lamang ako.
      She wouldn't stop talking hanggang sa hindi niya naririnig ang mga salita ko tungkol sa mga sinasabi niya. Tiyak kong tungkol na naman ito sa kung ano ang pakay niya sa akin. And about that, wala akong plano na ikonsenti ang kung ano man ang binabalak niya.
“I told you I am not interested, kaya tigilan mo na ang pangungulit sa akin.” Nagsimula akong magbasa at magsabon ng katawan.
“Kung puwede nga lang, ang problema hindi puwede.” Kahit hindi niya nakikita ay hindi naiwasan na mapakunot ng aking noo. “If ever na makahanap ako ng katulad mo, then that person might be the one who will help me. Ang problema mukhang nag-iisa ka lang talaga,” she said.
      Napailing-iling na lang ako at hindi na muli pang umimik.
    
      Mahirap nang magsalita, dahil anumang oras ay maaaring may makarinig sa aming dalawa.
       Sabay kaming lumabas ni Catalina sa bathroom. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba na sabayan ako sa paliligo para lang sabay kaming pumunta sa food court, at mukhang sasabay din sa akin na kumain.
“Catalina!” Napalingon kaming parehas ni Catalina sa aming likuran at napansin ang ilang mga kalalakihan na kumakaway sa kaniya. Napairap ako sa kawalan at nagpatuloy sa paglalakad.
“Susunod ako!” sigaw ni Catalina kahit na wala naman akong sinabi na sumunod siya sa akin, at hindi na kailangan.
       Even with the strict rules when it comes to foods, hindi pa rin hinahayaan ng organisasyon na pakainin ang mga nandito ng kung ano lang. They're serving healthy foods, dahil bilang mga trained assassins ay kina-kailangan naming kumain ng mga masustansyang pagkain dahil isa ito sa nagpapalakas sa aming katawan. Though even if it's healthy, I hate it. Sino ba namang matutuwa kung halos isang beses lang sa isang buwan ka makakakain ng karne?
      Hindi nakatakas sa aking paningin ang ilang mga kababaihan na nagtatawanan matapos kong ilapag ang isang tray ng pagkain sa aking table. I saw one of them looked into my direction while she's saying something with the girl behind her. Why do I feel like there's something in her words? Ano'ng sinabi niya ro’n sa babae?
       Nang nagtama ang tingin naming dalawa ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Napailing-iling nalang ako at kumain na lamang. Hindi pa ako nakakaisang subo nang may isang tray ang bigla na lamang lumapag sa aking harapan.
“You should atleast invite me when no one wants to be with you to eat.” Nasira ang ambiance ng paligid nang nakilala ko kung sino ang umupo sa aking katapat. Everyone eyes are on us.
“I'm fine alone, Sir.” Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga ibinato niyang salita sa akin nitong mga nakaraang araw. And that made me more realize na huwag silang tulungan sa plano nilang pagpapabagsak ng isang organisasyon.
“Too formal, Cypher. Call me, Riku.” Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kaniya nang malamig.
“You're our boss, and no one should call you in that name unless they're on the higher degree. Calling you with your name by your agents sounds ridiculous for you, right?” naiiling kong wika at ipinagpatuloy na ang pagkain. Napangisi siya sa aking sinabi. How I hate his presence.
     Magsama sila ng ama niyang si Gustos, tutal parehas lang naman silang tuso at makikitid ang utak.
“I see, but you can be an exception.” Naibaba ko ang hawak kong kubyertos nang wala sa oras at napaangat ng tingin sa kaniya.
“There's no exceptions, Sir.” Tumayo ako sa aking inuupuan at naglakad papaalis. Eksakto namang nakasalubong ko si Catalina nang may ngisi sa labi.
“Aalis ka na kaagad?”
“I'm done eating.” Kung papipiliin ako kung sino sa kanila ang mas okay para sa akin na kasama, I'd rather choose Catalina than him. Walang puwang sa akin ang tanggapin ang katulad niya lalo na't kadugo niya ang demonyong Gustos na iyon.
“Oh, okay.”
      Dumiretso ako sa training hall matapos niyon at inabala na lamang ang sarili sa pagk-kick boxing. Gigising sa umaga, maliligo, kakain, at magt-training; paulit-ulit bawat araw. Kung tutuusin kahit hindi na kami mag-training dahil napag-aralan na namin lahat ng puwedeng pag-aralan dito, but it's my choice to train myself, dahil kung hindi, sigurado akong mabubulok lamang ako rito. Missions, killing humans, and other brutal things; ano pa bang hindi ko nagagawa? Ang mamuhay nang normal, o ang ilabas ang sarili ko sa kulungang ito?
“You knew what I want from the start, Agent 13. Be my companion, and I'm telling you right now, pareho tayong makakalabas sa empyernong organisasyon na ito, iyon ay kung tutulungan mo ako. ”
      Sa huling suntok na itinama ko sa boxing bag ay siyang pagkapagod na aking nadama kasabay ng mga salita ni Catalina na nag-echo sa aking isip. I thought my decisions were final when I've decided not to consider her words, pero bakit parang ngayon ay nagd-dalawang isip na naman ako? What's wrong, Cypher? Wala ka nang magagawa pa. Kahit subukan mo, wala pa ring mangyayari; paulit-ulit lang ang mangyayari, at sa huli ay talo ka pa rin.
“Alam mo kung ano ang kulang sa 'yo?  Courage. You're lack of courage, Cypher. Nagawa mo na noon, pero pinabayaan mo na ibalik ang sarili mo sa empyernong lugar na ito.”
     
      Napaupo ako sa sahig at napahilot sa aking ulo. Catalina's right, I'm lack of courage, pero kung hindi ko naman isinuko ang sarili ko, paniguradong napahamak sina Rus. Somehow I am happy with my decision, their lives are now in peace, walang gulo, walang pagtatangka. Kaya kong lumaban para sa iba, pero bakit kapag para sa sarili ko ay umaatras ako?  Bakit hindi ko magawang iligtas ang sarili ko sa empyernong lugar na ito?
      Be my companion, and I'm telling you right now, parehong tayong makakatakas sa empyernong organisasyon na ito.
      Kaya ko ba? Paano kung may madamay na naman? Paano kung sa paglaya ko ay muling bumalik ang lahat sa dati?
“Avoid being frustrated, Agent 13. Show them what you've got. Alam kong kaya mo.” Napalingon ako sa likuran at nakita ang pigura ni Catalina na papalapit sa aking direksyon. Nandiyan na naman ang mapang-akit na ngiti sa kaniyang hitsura, na kung lalaki ang nasa kaniyang harapan ay naakit na sa kaniya.
“You know what, unang beses ko itong sasabihin sa isang tao, ara sa taong nauubusan ng pag-asa na makuha ang inaasam niya; para sa taong pinanghihinaan ng loob.” Her eyes darted on me as I looked up at her.
“I trust you, Cypher. May kakayahan ka, malaya kang gamitin iyon; ang kailangan mo lang ay pagkatiwalaan din ang iyong sarili.”
“What's your point?”
      Napa-ikot siya ng mata. “You knew what I meant from start. You can't fool me, Cypher. I know you want it,” as she said those words ay hindi ko na napigilan pa ang mapangisi. She's really into me when it comes to this case, dahil pareho kami ng nais: ang makaalis sa lugar na ito.
“So?” Inilahad niya ang kamay sa aking harapan. Ilang segundo akong napatingin doon.
      If there's a chance, then why not grab it, right? Siya na mismo ang nagsabi, pinagkakatiwalaan niya ako, then might as well trust myself with her help.
     Tinanggap ko ang kaniyang kamay bago ako tumayo.
“So what's the plan?”

Komentar Buku (31)

  • avatar
    Abdulwahid Abdulhalim

    good

    15d

      0
  • avatar
    JU NA

    amazing

    15/08

      0
  • avatar
    Evangeline Gultiano

    very nice

    06/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru