logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 7

Pag pasok ko sa school agad ako napatingin sa upuan ko ng may makita akong chocolate and flower, kilala ko na agad kung sino ang naglagay nito.
Napatingin ako sa upuan ni Ivan at nakita siyang nakangiti sa'kin kaya inirapan ko siya, napatawa naman siya sa inasal ko.
Lagi s'yang nag bibigay ng chocolate at flowers sa'kin.
Mula noong umamin siya, sinimulan niya ng man ligaw, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.
He like me, no he loves me.
Nakinig na kami sa guro at hinintay na matapos ang klase.
Nang matapos ang klase ay pumunta na kami sa cafeteria.
We're at the cafeteria, eating while talking about our relationship.
kumakain lang ako ng tahimik at nakikinig sa mga sinasabi nila.
"Uhm... Mae kailan mo sasagutin si kuya?" tanong ni Andre kaya nahiya naman ako sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin, umubo muna ako para klarohin yung boses ko bago sumagot.
"Uhm... I don't know!" sabi ko na lang dahil  wala na ako masabi, eh.
Nag tawanan naman sila sa sinabi ko.
"Guys wag niyo muna pilitin si Mae saka hindi naman ako nag mamadali, eh" sabi ni Ivan kaya lalo ako nahiya, hindi na rin ako maka kain ng maayos.
Matapos kumain pumasok na kami sa klase. Ganon ulit ang nangyari nakinig na lang ulit kami sa nagtuturo.
Nang matapos na ang klase.
Tatayo na sana ako ng tumayo si Ivan para kunin ang bag ko, kaya hinayaan ko na lang.
"Hatid na kita Mae." presinta niya kaya napa buntong hininga nanaman ako saka ko binigay yung bag ko at tumayo na, sumunod naman siya sa akin.
Hindi ako sanay sa pag trato niya sa'kin, siguro naninibago lang ako.
Nang nasa harap na ko ng bahay nag paalam agad ako sa kanya.
Wala ako sa mood ngayon siguro mag kakaroon na ko.
kailangan ko mag sorry kay Ivan bukas baka isipin 'non na baliwala lang sakin yung ginagawa niya.
Napa buntong hininga nanaman ako bago pumikit at matulog.
Maaga akong nagising para mag handa sa pag pasok kasi alam kong susunduin ako ni Ivan ngayon, naalala ko kailangan ko nga pala mag sorry sa 'kanya ngayon.
Naghahanda ako ng sasabihin ko para mamaya, pero habang nag kakabisado ako may narinig na akong bumusina kaya lumabas na ko ng kwarto at mabilis na bumaba, naabutan pa ko nila Mom and Dad na tumatakbo habang bumababa kaya pinagalitan ako ni Mommy.
"Mae why are you that so excited to go outside?" My mom asked.
"Don't be rush, eat your breakfast muna!" sabi niya kaya napa tigil ako.
"No mom, I eat na lang po in cafeteria, bye see you!" I said while waving my hand, wala na rin silang nasabi kasi naka alis na ko.
Nang nasa labas na ako nakita ko yung sasakyan niya, nang makita niya ako agad siyang bumaba at binati ako, binati ko rin siya pabalik.
Pinag buksan niya naman ako ng pinto, dati ako ang nag bubukas ng pinto para sa sarili ko, ngayon siya na, nakakatuwa kasi sakin niya na ginagawa.
Nang nakapasok na kami sa saksakyan niya nag salita agad ako.
"Uhm... Ivan" pag tawag ko sa atensyon niya tumingin naman siya sakin, kaso binalik niya rin agad sa daan, baka mabangga pa kami.
"Hmm?" turan niya.
"I'm sorry about yesterday I was not in good mood kaya hindi kita pinapansin I'm really sorry!" sabi ko na nakaiwas ang tingin, nahihiya kasi ako, eh.
"Hmm, it's fine don't worry, I'm fine!" sabi niya habang nakangiti kaya napangiti na rin ako.
Nang dumating kami sa school pi-nark agad ni Ivan yung sasakyan niya saka bumaba at umikot sa pintuan ko para pag buksan ako.
Pagka baba ko agad niya naman pinalupot ang kamay nya sa bewang ko medyo nakaramdam ako ng kiliti pero binaliwala ko na lang 'yon.
Nung nasa field na kami may nag kukumpulan nanaman kaya nag taka kami.
"Anong meron?" tanong ko pero nag kibit balikat lang si Ivan.
Kaya pumunta kami sa pinag kukumpulan ng mga tao, nakita namin doon sa bill board, basta yun yung pinagpaskilan ng mga about sa school like school fair.
Binasa ko ang nakasulat
Beauty pageant agad ang naka agaw ng aking pansin.
Beauty pageant - 09|10|20
Gusto ko sumali kaso pag isipan ko muna.
Napatingin ako kay Ivan, at inaya na siyang pumasok sa room.
"Naks naman kayo na?" bungad na tanong ni Andre epal talaga nito.
"HAHAHA... hindi pa" sabi naman ni Ivan.
"Ang hina mo naman kuya HAHAHA..." narinig ko pang sabi ni Andre bago ako pumunta sa upuan ni Micka.
"Hoy, tulala ka d'yan?" tanong ko.
kaya ko sya pinuntahan kasi nakita ko siyang tulala.
"Huh? ano nga ulit 'yon?" tanong nya.
Ayy lutang nga.
"Huhtdog ka lutang ka nanaman anong meron?" tanong ko naman pero ayon at bumuntong hininga lang kaya nag alala agad ako, kasi kaming mag kaibigan pag bumuntong hininga alam na namin na may nangyari ganyan kami ka OA HAHAHA...
"Hoy, ano nga? sarap sampalin nito hindi makausap ng matino." sabi ko naman sabay irap.
"Sumunod ka sakin sa garden!" sabi niya bigla na walang tingin tingin at bigla na lang tumayo kaya wala akong choice, sumunod na lang ako, tinanong pa ako ni Ivan kung 'san kami pupunta sabi ko na lang sa garden at kasama ko si Micka tumango na lang sya.
Nang dumating kami sa garden umupo agad kami sa upuan.
Nung una ala pa munang nag sasalita hanggang sa narinig ko nanaman siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya.
"Mae, totoo ba?" tanong niya na nag pa taka sa akin, tumingin ako sa 'kanya ng may matang nag tatanong.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko, nagtataka pa rin.
"Na, aalis kana na pupunta ka sa U.S  at doon mag aaral?" sabi niya na may nangingilid na mata tumingin ako sa kanya na nag tataka pa rin.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa 'kanya.
"Kinausap ako ng Mom and Dad mo, na pupunta kayo sa U.S para doon ka mag aral pero sabi niya mga ilang buwan pa 'yon tatapusin mo muna yung high school para pag nag college ka doon ka na sa U.S mag aaral? 'yon ang sinabi ni tita at tito!" sabi niya na umiiyak.
Ako naman ito naka tulala.
last school year ko na 'to bago mag college kaya ilang buwan na lang ako dito? No way! hindi ako aalis kausapin ko na lang sina Mom and Dad mamayang paguwi ko.
"No Micka! hindi ako aalis okay? kakausapin ko muna sila Mom para malaman ko kung bakit!  h'wag ka ng malungkot okay?" paniniguro ko  kahit hindi ako sigurado kung papayag sila Mom na dito muna ako pag talaga sila ang nag desisyon hindi mo na mababago yung nasa isip nila pero ta-try ko parin, siguro pag uwi ko na lang saka ko sila tatanongin.
Pumasok na muna kami ni Micka sa room kasi time na, buti na lang hindi kami napa galitan, ngayon lang kasi kami na late, eh.
Natapos na rin sa wakas.
Pag tayo ko siya namang pag tayo ni Ivan kaya ngumiti na lang ako saka binigay yung bag ko kinuha niya naman 'yon na walang sinasabi tumayo na ko sa upuan ko at pumunta muna kila Micka para mag paalam.
"Uhm Micka, Andre we're going na." pag papa alam ko sa kanila.
"Sige ingat, hoy Ivan si Mae huh? alagaan mo okay?" sabi naman ni Mae at ginaya pa nga yung boses ko, lagi kasi yun yung sinasabi ko noon kaya siya na ngayon gumagawa.
Kaya nagtawanan naman silang tatlo ako naman umirap na lang.
"Sige alis na kami!" sabi kona lang at hinatak si Ivan, nag pa hatak naman siya.
Nang nasa parking lot na kami saka ko lamang siya binitawan at siya naman ang pag una niya sa pag lalakad para pag buksan ako ng pinto.
At nung ready na umandar na siya pauwi.
Paguwi ko agad kong tinawag sila Mom.
"Mom? Dad? I'm home na!" sabi ko habang nag papalinga linga.
At nakita ko sila na pababa ng hagdan.
"Mom ano yung sinasabi niyo kay Micka na aalis tayo?" Pag hehistrikal ko.
Paano ba naman hindi man lang nila ako kinausap para dito, nalaman ko lang kay Micka sino hindi maiinis?
"Anak calm down" my Mom said.
"How can I calm down? when you didn't think to tell me that we're leaving! no you too are leaving! I'm not going with you anyway I'm stay here!" I said with full of anger with my voice.
"Okay umupo muna tayo para makapag usap ng maayos!" sabi ni Mom at sumunod naman kami.
"Anak we need to go there because our company is drowning we need to handle that company, but we're old na kaya sayo namin ibibigay yung company so you need to study in U.S please love you need to take care our company okay?" she said, ako naman ito nanlumo.
Bakit bumagsak ang kumpanya? Bakit?
Tumingin ako kila Mom and Dad na may nagmamakaawang mata umiwas naman agad sila.
"Beside, you have time to explore things! so don't be sad honey we're not leaving for good okay relax honey!" my mom said while smiling.
Napabuntong hininga nanaman ako dahil wala naman akong choice.
Tumayo na lang ako at umakyat sa kwarto ko parang pagod na pagod kong hiniga ang katawan ko pagkayari maligo sa sobrang pagod ko nakatulog agad ako.

Komentar Buku (32)

  • avatar
    Mark Rylie Guevara

    good story

    22/07

      0
  • avatar
    Gabriel Dizon

    it's ok to read

    17/07

      0
  • avatar
    Anthony Dump

    BGRCZBZBNE

    16/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru