logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Travel in Year 2050

Travel in Year 2050

Psyclovers


Prologue

"Mag nanakaw!"
"Habulin ninyo!"
"Aish!"
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa mga taong nag tatakbuhan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napakurap-kurap pa ako para alamin kung panaginip ba ito o hindi.
Kaagad naman akong nagtaka.
A-Anong ginagawa ko dito? Kanina lang nasa likod ako ng school, ah?
Pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina pero sumakit lang ang ulo ko kaya itinigil ko na lang.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin sa paligid.
Hindi ko alam kung paano ko ba ito ilalarawan.
Nakakapanlambot...
Napakagulo...
Napakaingay...
Ang daming usok na nagmumula sa mga pabrica.
Ang daming mga pulubi na nagkalat lamang sa tabi, umiiyak, nanlilimos at halos ang iba ay namimilipit na sa sakit.
Parang piniga ang puso ko dahil sa nakikita.
Am I dreaming?
Dahil kung oo ay gusto ko nang magising sa bangungot na ito. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Kahapon ay maayos pa naman ang lahat pero bakit ganito ang nangyari ngayon?
Mga puno, halaman at ekwelahan ay wala na sa aking kinatatayuan ngayon.
Napahilamos ako sa aking mukha.
A-Ano ba talagang nangyari?
Nanggilid ang aking luha habang pinagmamasdan ang paligid. Tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagbabadya nito. Pero kahit anong gawin ko ay mas lalo lang lumalala. Pinunasan ko agad nang maglandas ito sa aking pisngi.
Ngayon ko lang napagtanto na ang kinakatayuan ko pala ngayon ay ang lugar kung saan mismo ako natulog. What the hell is this? What I'm doing here?
Maglalakad na sana ako paalis nang may humatak sa laylayan ng aking damit.
"Ate... P-Palimos po." pakurap-kurap na ani nito. Palagay ko ay babagsak ito nang wala sa oras kaya kinarga ko ito sa aking likuran. Why I'm doing this? this is so not me!
Wait... Sobrang gaan niya.
Nang makarga ko ito ay binilisan ko ang aking paglalakad at naghanap ng tindahan na malapit sa pwesto namin.
"Tumabi kayo!" sigaw ko sa mga nakaharang sa dinadaan ko. I even shout for this kiddo. I don't even know her. Why I'm helping her? Aish.
muli akong sumigaw ngunit walang tumabi. Para bang hindi nila narinig ang sinabi ko. Wala akong naging choice kun'di hawiin ang mga nakahara sa daan ko. Hindi ba nila nakikita na may karga akong bata? Tss.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, agad nagawi ang paningin ko sa isang tindahan.
"Ate may kanin at ulam po kayo diyan?"
"Mayroon, bakit, may pambayad ka ba? Ha?" nagtaka naman ako sa inasal nito.
Kinapa ko muna ang aking bulsa kung mayroon ba akong pera, mabuti na lang at mayroon akong singkwenta.
Pambili ko pa yata ito ng sigarilyo. Aish. Anyway, where's the others? am I only one here? bakit wala akong nakikita na mga kilala ko? not even Waviel. bakit ako lang ang naririto?
Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang napagtanto na naka-uniporme pala ako ngayon. Tinignan ko naman ang relo ko.
Awitness, I'm late!
Pero wait, kung dito nakatayo ang paaralan namin, ibigsabihin ay nandito lang iyon. Pero bakit kahit anong gawin kong paglinga sa paligid ay hindi ko iyon makita? Ano ba talagang nangyayari?
Napatingin ako sa bata kaya ibinili ko na ito ng pagkain.
"Ate, ito po ang bayad." inabot nito sa akin ang ulam at kanin na binili ko, binigay ko naman agad ito sa Bata. Hinang-hina niya itong tinanggap.
"S-s-salam-m-mat p-po." tipid na nginitian ko lang Bata.
Hinarap ko ang tindera para mag tanong. Pakiramdam ko kasi ay may mali.
"Ate, ano po bang date na ngayon?" tanong ko habang ang paningin ay nasa paligid. Agad ko din ibininalik ang paningin dahil hindi ko kayang pagmasdan ang nakikita.
"Wala ba kayong kalendaryo sa bahay ha iha?" umiling ako kahit mayroon naman.
"January 15' 2050 na ngayon, iha.” ani nito bago ako tinalikuran.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa narinig.
A-Ano d-daw? 2-2050? is she for real? o niloloko n‘ya lang ako?
H-Hindi m-maaari!
Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ito. Hindi siya nagkakamali. 2050 nga ngayon.
What the fvck.
Kailangan kong makaalis dito. what should I do? mayroon ba ditong time machine para makabalik ako kung saan ako nagmula?
Lumapit ako sa bata at naupo sa harap nito. “Maiwan muna kita ha, may gagawin lang akong importanteng bagay. Promise babalikan kita.”-inayos ko ang ilang hibla ng buhok nito bago ako tumayo.
Mabibigat na hakbang ang ginawa ko bago ko tuluyang iniwan ang bata na patuloy pa din sa pagkain. Babalikan kita. if I can.
HINDI ko alam kung saan ako dadalhin ng mg paa ko, kanina pa kasi ako naglalakad na animo'y walang hanggangan ang aking nilalakaran. Hindi ako nakakaramdam ng pagod dahil ganito siguro ako kapag pursigido ako na gawin ang isang bagay. Gusto ko na bumalik. Ano bang ginagawa ko dito? Aish.

Komentar Buku (5)

  • avatar
    Jbriel Belarmino

    okay

    27d

      0
  • avatar
    Andrea Dollete Zuñiga

    nakakakilig♥️

    15/08

      0
  • avatar
    Roygan Troimenz

    ok bro congrangts

    02/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru