logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

MAGANDA ang private cottage na tutuluyan nila ni Xavier. Mababakas din ang karangyaan sa loob. Hindi na nagtataka si Faith dahil mayaman naman talaga ang may-ari niyon. Matatagpuan ang private cottage na iyon sa duluhang bahagi ng YB Resort—ang private resort na pag-aari ng bunsong kapatid ni Xavier na si Ylac.
            Sinulyapan niya si Xavier na ngayon ay nakaupo sa sofa. “Sir, nagugutom ba kayo?” tanong niya rito.
Nag-angat ng ulo si Xavier para masulyapan siya. “Nagugutom ka na ba?” balik tanong nito.
            “Hmm…” tanging nasabi ni Faith. Nahihiya kasi siya na sabihin kay Xavier ang totoo. Nahihiya siyang sabihin rito na nagugutom na siya. Medyo malayo-layo din kasi ang biniyahe nila. At tanging biscuit lang ang kinain niya noong umalis siya ng bahay nila papunta sa Batangas. Kaya ngayon ay kumakalam na ang kanyang sikmura. Kulang na nga lang at mag-rally dahil sa protesta ang alaga niya sa tiyan sa sobrang gutom.
            Nangunot ang noo ni Xavier habang hinihintay nitong dugtungan ang sinasabi niya. Mayamaya ay kinuha nito ang cellphone nito at may tinawagan. Nanatili naman ang kanyang tingin rito habang abala ito sa pakikipag-usap sa cellphone. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon ng hindi niya inaasahang babaling ito sa gawi niya.  At kahit hindi tumingin si Faith sa salamin ay alam niyang pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya. Lagi na lang kasi siya nitong nahuhuling nakatitig rito. Baka mamaya ay pag-isipan pa siya nito na may gusto siya rito.
            Bakit? Wala ba, ha, Faith? tanong ng mahaderang isipan.
            “Hey,” tawag ni Xavier sa kanya. Nilingon naman niya ito. Nakasalpak pa rin ang cellphone sa kanang tainga nito pero ang tingin naman ay nakatuon sa kanya.
            “Sir?”
            “What do you want to eat?” Napakurap-kurap si Faith sa tanong na iyon ng binata. Hindi kasi siya makapaniwala na itatanong nito kung ano ang gusto niyang kainin. Thoughtful naman pala ang binata. Ngayon lang alam ni Faith ang bagay na iyon. “I’m asking you.” wika nito na hindi pa rin siya sumasagot.
            Napakurap-kurap muli siya. “Kahit na ano, Sir.” sagot niya sa binata.
            Nagsalubong ang kilay nito sa sagot niya kaya dinugtungan niya ang sinabi. “Bahala na kayo, Sir. Kahit na ano kakainin ko basta makakain at walang lason.” mahinang sambit niya. Inalis na ng binata ang tingin sa kanya at itinuon ang pansin sa kausap nito sa kabilang linya. Gustong maglaway ni Faith ng binabanggit ni Xavier ang pagkaing i-no-order nito. Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan. Gutom na talaga siya.
            “Make it fast.” maatowridad na wika ni Xavier sa kausap ng makita nitong nakahawak siya sa kanyang tiyan. Pagkatapos nitong makipag-usap ay inabot nito ang saklay na nasa gilid nito at saka ito tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sofa. Mabilis naman siyang lumapit sa gawi nito para alalayan itong makatayo.
            “Saan ka pupunta, Sir?” tanong niya rito habang ipinapaikot niya ang isang kamay sa baywang nito. Madalas ay iyon ang itanong ni Faith sa binata sa tuwing tatayo ito gamit ang saklay nito.
            “Sa kitchen.” simpleng sagot nito. “In a minute ay nandito ang staff ng resort para sa in-order kung pagkain.” nang magsimula itong naglakad ay naglakad na rin siya. Tinahak nila ang daan papunta sa kitchen na kung saan ay naroon ang dining area. Humila ito ng upuan at umupo ang binata roon. Pagkatapos ay iminuwestra nito ang katapat para umupo siya. Sumunod naman si Freya sa binata.
            Makalipas naman ng ilang sandali ay dumating na ang staff nang resort na may dala-dalang pagkain. Halos maglaway na si Faith ng makita ang inilagpag ng staff sa mesa. Kaya pagkaalis ng mga ito ay agad niyang nilantakan ang mga pagkaing nakahanda. Hindi na niya pinansin ang mga titig ni Xavier sa kanya. Ang mahalaga kasi kay Faith sa sandaling iyon ay ang magkalaman ang kanyang sikmura. Nagugutom na talaga siya.
            Pagkatapos naman nilang kumain ay nagpahinga sila saglit. Pinainom niya si Xavier ng gamot saka niya ito inihatid sa magiging silid nito sa pananatili nila roon. Nang maihatid niya ito ay lumabas na rin siya roon upang pumunta na rin sa magiging silid niya habang naroon din siya. Pero mayamaya ay nangunot ang noo ni Faith ng may mapagtanto.
            “Where the hell is my room?” tanong niya sa sarili ng hindi niya makita ang magiging kwarto niya—nilibot na kasi niya ang buong private cottage pero wala na siyang makitang ibang silid doon. And then her eyes grew wide ng mapagtantong iisa lang ang nakita niyang silid sa private cottage na iyon. At iyon ang inuukupa ni Xavier.
            Paano siya ngayon? Saan siya matutulog? sunod-sunod na tanong niya sa sarili.
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Faith bago siya naglakad pabalik kung nasaan si Xavier. Kumatok siya sa pinto ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya.
            “Come in.” anang baritonong boses. At nang marinig niya iyon ay pinihit niya ang seradura pabukas at pumasok roon. Naabutan niya si Xavier na nakasandal sa headrest ng kama habang ang mata’y nakapikit.
            “Sir…” pukaw niya sa binata. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya. Tumikhim si Faith bago siya nagsalitang muli. “Saan po ako matutulog?” tanong niya dahilan para magsalubong ang kilay nito. “Iisa lang kasi ang kwarto dito.” dagdag na wika ni Faith.
            “One room?” ulit na wika ni Xavier, nakakunot pa rin ang noo.
            Tumango si Faith ng sunod-sunod. “Yes, sir.” hindi na nagkomento si Xavier sa halip ay tumitig lang ito sa kanyang mukha. Sinalubong naman ni Faith ang titig nito. Hindi maipaliwanag ni Faith sa kanyang sarili kung ano iyong nararamdaman niya sa oras na iyon habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Xavier. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila nanghihina ang tuhod niya habang nakatitig siya sa itim na mga mata nito.
            Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Xavier. “Ylac didn’t tell me na iisa lang ang kwarto rito sa private cottage niya.” umpisa ni Xavier. “But…” itinaas ni Faith ang isang kilay para hikayatin si Xavier na ipagpatuloy ang sinasabi. “If you want, you can stay here in my room. In fact the bed is huge.” sabi nito sabay kibit-balikat. Tila balewala kay Xavier na makatabi siya sa kama. Sanay siguro itong may katabing ibang babae sa pagtulog.
            Pero ng mag sink-in sa utak ni Faith kung ano ang sinabi ni Xavier ay nanlaki ang mata niya. Seriously? Inaanyayahan siya ni Xavier na tumabi rito sa pagtulog? Sa iisang kwarto? Sa iisang kama? Oh, god! She want to faint.
            Sinulyapan ni Faith ang kamang sinabi ni Xavier. At tama ito, malaki nga iyon! Pero hindi pa rin siya komportable sa isiping may iba siyang makakatabi. Lalong-lalo na kung si Xavier iyon. She doesn’t want to take a risk. Mahirap na baka gapangin niya ito kapag tulog na ito. Napangiti na lang si Faith sa mga naiisip.
“Sir wala na bang ibang option?” alanganing tanong niya kay Xavier. Sa halip na sumagot ang binata sa tanong niya ay sinulyapan lang nito ang couch na nasa loob ng kwarto.
            “But I don’t let you sleep on the couch.” sabi ni Xavier. “And by the way, you’re not my type. There’s nothing to worry.” dagdag na wika ng binata na ikinalaglag ng kanyang panga.

Komentar Buku (273)

  • avatar
    M De Jesus angelica

    goods

    3d

      0
  • avatar
    Christine Najera

    tagi ak

    5d

      0
  • avatar
    Sachi Sophia Gravador

    maganda

    12d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru