logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

"FAITH!"
Nasapo ni Faith ang kaliwang dibdib sa pagkagulat ng marinig niya ang pagsigaw ni Ana—kasamahan niyang nurse ng tawagin nito ang pangalan niya pagpasok niya sa quarters nila sa ospital na iyon.
"Ana naman...huwag mo akong gulatin at baka atakihin ako sa puso." sabi niya rito ng tuluyan na itong nakalapit sa kanya.
"Paano ka aatakihin, eh, wala ka namang sakit sa puso." nakangiting biro ni Ana.
"Aatakihin ako sa puso dahil sa lakas ng boses mo. Para kang nakalunok ng microphone." biro ni Faith dahilan para matawa si Ana.
Nakangiting-umiling ito bago siya nito inakbayan. "Kamusta?" mayamaya ay tanong nito.
"Okay lang naman." sagot niya habang umaagapay si Ana sa paglalakad niya. Napangiti si Faith nang makitang napasimangot si Ana sa sagot niya. Alam naman kasi niya kung sino ang kinakamusta nito.
"Hindi ikaw ang kinakamusta ko." wika nito na nakasimangot pa rin.
"Ouch!" nakangiting sabi niya habang sapo-sapo ang kaliwang dibdib. "It hurts." dagdag pa na biro niya.
"Ouch!" sa pagkakataong iyon ay napadaing na talaga si Faith ng totoo ng hampasin siya nito sa braso. "Bakit ka naghahampas." sabi niya habang hinihimas ang balikat na hinampas nito.
"Wala trip ko lang." nakangiting wika nito.
"Ouch!" daing ni Ana ng kurutin niya ng mahina ang tagiliran nito. "Bakit mo ako kinurot?" tanong nito.
"Wala, trip ko lang din." panggagaya niya sa sinabi nito. At ang sumunod na sandali ay pareho na silang tumatawang dalawa.
"But seriously, Faith. How's Xavier? Is it true?" mayamaya ay tanong ni Ana ng tumigil ito sa pagtawa.
"What do you mean?"
"Totoo ba ang usap-usapan ng karamihan na gwapo talaga siya sa personal?" puno ng kuryusidad na tanong ni Ana.
Isang matamis na ngiti lang naman ang isinagot niya rito. Lihim siyang napangiti nang makita ang pagbusangot na naman ng mukha nito. "Faith, huwag ka namang madamot sa impormasyon." nagpapadyak na wika ni Ana dahil sa frustration. "So, totoo?"
"Totoo." simpleng sagot niya.
Inilapit ni Ana ang bibig nito sa kanyang tainga at mahinang bumulong. "Totoong nakakalaglag panty ang ka-gwapuhan ni Xavier? Lalong-lalo na sa personal?"
Literal na napanganga pa ako ng masilayan ko ang ka-gwapuhan ng tatlong magkapatid, anang isang bahagi ng isipan.
Faith chuckled. Ginaya din niya ang ginawa ni Ana. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito saka din siya bumulong. "Yeah. Nakakalaglag panty ang kagwapuhan nilang tatlo."
Kumunot ang noo ni Ana. "Nilang tatlo? What do you mean?"
Nanlaki ang mata ni Ana ng nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. Mukhang alam na nito kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niya "Seriously? Nakita mo rin sina Zach at Ylac?" tanong nito sa nanlalaki pa ring mata.
Isang kindat lang ang isinagot niya rito. Napatakip siya ng dalawang tainga ng tumili ito. "Shit! Ang swerte mo, Faith. Dati sa magazine mo lang sila nakikita. Ngayon ay nakita mo na sila ng personal. Shit! Nakakainggit ka." wika nito sabay yugyog sa balikat niya.
Swerte ko daw? Ano kaya kung sabihin ko rito na ako ang magiging private nurse ni Xavier ng isa o dalawang linggo? Baka sabihin nitong hindi lang ako swerte. Swerteng-swerte. she chuckled from that thought.
"Magiging private nurse din pala ako ni Xavier." imporma niya kay Ana.
Nanlaki na naman ang mata nito. "Really?"
Nakangiting tumango siya kay Ana.
"Faith, ang swerte-swerte mo talaga!"
She chuckle once again. Sabi na nga eh....
PAGPASOK ni Faith sa private room ni Xavier ay naabutan niya itong pilit na sinusubukang bumaba mula sa kama. Saglit itong nag-angat ng tingin sa kanya bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa. Halatang nahihirapan na ito pero pinipilit pa rin nitong gawing mag-isa ang bumangon sa halip na humingi ito ng tulong sa kanya
            How egoistic, aniya sa isipan habang pinagmamasdan ito.
            Napapailing na lang si Faith habang pinagmamasdan ang ginagawa nito. “Hindi nakakabawas sa ego ng isang lalaki ang minsang paghingi ng tulong kung nahihirapan na. Di ba?” hindi mapigilan ni Faith ang ibulalas iyon rito.
            Xavier didn’t speak. He just glared at her with a blank expression on his face.
             “At dahil mabuti akong mamamayan ng bansa. Tutulungan na kita kahit hindi mo hinihingi ang tulong ko.” wika niya habang lumalapit siya sa gawi ng binata.
            “I don’t need your help.” sabi ni Xavier sa magaspang na tinig. Pero hindi ito pinakinggan ni Faith basta tuloy-tuloy siyang lumapit sa gawi nito para tulungan. At tulad ng unang beses na magdikit ang mga balat nila ng binata ay may naramdaman na namang siyang tila kuryenteng nanulay sa buong katawan niya. Alam din ni Faith na naramdaman din iyon ni Xavier dahil naramdaman niyang napaigtad ito ng hawakan niya ito sa braso. Naramdaman din niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya pero isinawalang kibo na lang niya iyon.
Ipinagpatuloy na lang niya ang pag-alalay kay Xavier hanggang sa tuluyan na itong nakaupo sa gilid ng kama. Inabot ni Xavier ang saklay na nasa gilid ng hospital bed. Akmang aalalayan na naman niya ito ng pigilan siya nito.
            “Kaya ko.” ani Xavier na hindi tumitingin sa kanya.
            Eksaheradang ipinaikot naman ni Faith ang mga mata. “Okay, fine.” sabi niya. Hindi din niya naitago ang inis sa kanyang boses. Nagsisisi tuloy si Faith kung bakit pumayag siyang maging private nurse ni Xavier habang nagpapagaling ito. Para kasing hirap itong pakisamahan. He was strict, snob, bossy and arrogant. Iyon nga ang first impression niya sa binata ng makita niya ito ng personal. Well, ganoon din naman ang first impression niya sa dalawang kapatid nito na sina Zach at Ylac. They have the same overpowering aura that makes your knees weak in one just look. At ayon na rin sa naririnig niyang sabi-sabi. The three Brillantes were both bossy. Bawat salita daw ng mga ito ay batas. Ngayon ay napatunayan ni Faith na totoo ang sabi-sabi dahil siya mismo ang magpapatunay dahil nararanasan niya ang mga iyon.
 At kanina, habang nasa quarters si Faith ng mga nurse at masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan ay  ipatawag siya ng management ng ospital. Nasabi na pala ni Zach sa management ang napag-usapan nila. Pumayag ang management ng ospital sa pakiusap nina Zack at siniguro din ng mga ito sa kanya na pagkatapos niyon ay may trabaho pa rin siyang babalikan. So, technically ay si Faith na ngayon ang private nurse ni Xavier. Pagkatapos nga siyang kausapin ng management ay kinausap muli siya ng ina nina Xavier na si Lorraine. Samahan daw mo na niya si Xavier sa private room nito dahil wala itong makakasama roon. Baka daw kasi may kailangan ito at wala itong mautusan dahil walang kasama ang binata. Kailangan kasing umuwi ng ginang at asawa nito. Samantalang ang dalawang kapatid naman ni Xavier na si Zach at Ylac ay hindi pwedeng magtagal dahil busy din ang mga ito. Babalik na lang daw ang mga ito bukas kapag idi-discharge na ang binata.
            Pinagmamasdan lang ni Faith si Xavier habang dahan-dahan itong tumatayo gamit ang saklay. Mabilis ang naging reflexes ni Faith ng muntik ng ma-out of balance si Xavier ng makatayo ito. Mabilis niyang ipinaikot ang mga kamay sa baywang nito para hindi ito tuluyang ma-out of balance. Nabitawan ni Xavier ang saklay dahilan para mapahawak ito sa kanyang balikat.
            “Hindi mo pa kaya.” sabi niya sa binata. Kaya huwag kang mag-inarte, dugtong naman niya sa isip. Isang buntong-hininga lang ang isinagot nito sa kanya. “Saan ka ba pupunta?” tanong niya sa binata.
            “Comfort room.” simpleng sagot ni Xavier.
            “Alalayan na kita.” sabi niya.  Hindi nagsalita si Xavier. Hindi na din ito nagprotesta, maingat lang nitong ipinatong ang braso sa ibabaw ng balikat niya. Sa ginawa ng binata ay alam ni Faith na pumapayag na ito na tulungan niya. Hinawakan naman niya ang braso nito na nasa ibabaw ng balikat niya at ang isang kamay naman ay pumaikot sa baywang nito para maalalayan niya itong mabuti. Saka nito kinuha ang isang saklay pang suporta na rin rito. Dahan-dahan lang silang naglalakad na dalawa. Hindi din mapigilan ni Faith ang huwag mapangiwi. Nabibigatan kasi siya. Malaking bulas kasi si Xavier. He stood up six feet and two inches while she was only five feet and two inches. Kaya hindi niya masisisi ang sarili na mapangiwi dahil sa bigat ng binata.
            You’re so stupid, Faith! May wheelchair naman na pwede mong gamitin para hindi ka na mahirapan. Where is your coconut shell, ha?
            “Arrgg! Ang bigat mo pala.” hindi niya napigilang idaing iyon sa binata.
            Sinulyapan siya ni Xavier dahilan para sulyapan din niya ito. “I didn’t ask for your help.” anang binata sa magaspang na tinig. Kitang-kita din niya sa malapitan ang pagkunot ng noo nito. Pero hindi man lang nabawasan ang angking ka-gwapuhan nito. Lalo pa iyong nadagdagan. Gusto ding mapapikit ni Faith ng mata ng tumama ang mainit at mabangong hininga ng binata sa mukha niya ng magsalita ito.
            A sweet smile curves in her luchious lips. “Arrgg! Ang gaan mo pala.” kabig bigla ni Faith and then she grin. And Faith blinked not for once but twice and thrice when she saw a glimpse of a smile that curves in Xavier lips. Pero para lang iyong isang kidlat. Dumaan lang at agad na nawala.
            “Move.” utos ni Xavier. “I said move.” ulit na wika nito ng nanatili lang siyang nakamaang sa mukha nito. Masyado kasing na-amaze si Faith sa nakita niya. Mayamaya naman ay napakurap-kurap si Faith hanggang sa maningkit ang mata niya dahil sa sinabi ng binata sa kanya.
            “Hilain kaya kita.” mahinang wika niya sa binata.
            Kung makapag-utos ka, wagas! Ikaw na nga ang tinutulungan.Walang utang na galang!
            Hindi niya ito muling sinulyapan kahit na nararamdaman niya ang talim na titig na ipinagkakaloob nito sa kanya. Malamang narinig nito ang sinabi niya kahit mahina lang ang pagkakasabi niya roon. Paano naman hindi nito maririnig ang sinabi niya, kahit mahina lang ang boses ng sabihin niya iyon ay ang lapit naman ng mukha nito sa kanya.
            Napahinto si Faith sa paglalakad ng nasa tapat na sila ng pinto ng banyo.
            Sasamahan ko pa ba ito sa loob o hindi na? nagtatalo ang isipan niya kung ano ang magandang gawin.
            Samahan mo na, pagkakataon mo na iyan, anang pilyang bahagi ng isipan.
            Holy, shit! Hindi siya prepared!
            “I can manage.” sabi ni Xavier. Nakahinga si Faith ng maluwag roon, mukhang nabasa naman ng binata kung ano ang iniisip niya.
            “Okay. Call me if you need help.” sabi niya kay Xavier.
            Lalong gumwapo ito sa paningin niya ng tumaas ang isang kilay nito. At doon lang napagtanto ni Faith kung ano ang sinabi kanina. “Argg! Don’t call my name if you need help.” sabi niya sabay talikod dito. Bigla din nag-init ang magkabilang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman. Nasisiguro ni Faith na nagkulay kamatis na iyon. Bakit ba kasi nasabi pa niya ang mga iyon rito? Baka isipin ng binata ay gusto niyang samahan ito sa loob ng banyo.
            Palakad-lakad lang si Faith sa loob ng kwarto habang hinihintay niyang lumabas si Xavier ng banyo. Hindi naman nagtagal bumukas ang pinto ng banyo at inuluwa niyon si Xavier. Kaagad namang sinalubong ni Faith ang binata para muling alalayan. She encircled her hands towards his waist while Xavier put his hand on the top of her shoulder. Maingat at dahan-dahan ang ginawa nilang paghakbang hanggang sa makarating sila sa hospital bed. Inalalayan din ni Faith si Xavier na makaupo sa gilid ng kama. At hindi inaasahan ni Faith ang sumunod na nangyari. Dahil ng alalayan niya itong umupo ay napahiga si Xavier. At dahil nakapulupot pa ang isang braso sa baywang nito ay napasama siya sa pagkakahiga. Biglang nanlaki ang mata ni Faith ng hindi sinasadyang nagdikit ang labi niya at ang labi nito.
            Shit! I kissed her, he kissed me. We kissed!
Halatang nagulat din si Xavier sa nangyari dahil naramdaman niya ang paninigas nito sa kanyang ilalim. Ramdam na ramdam din ni Faith ang pagbilis ng tibok ng puso na tila ba parang hinahabol siya ng sampung multo. Oh, god!
Oh, my god! What is happening to my heart?
            Mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo si Faith ng maramdam ang panggiwi ni Xavier habang magkadikit pa ang kanilang labi.
            “M-may…err…labas mo na ako, S-sir. Balik ako m-mamaya.” hindi na niya hinintay na sumagot si Xavier. Walang lingon-likod na lumabas siya ng kwartong iyon na pulang-pula ang magkabilang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman niya dahil sa nangyari.
            My first kiss…
 

Komentar Buku (273)

  • avatar
    M De Jesus angelica

    goods

    3d

      0
  • avatar
    Christine Najera

    tagi ak

    5d

      0
  • avatar
    Sachi Sophia Gravador

    maganda

    13d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru