logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 Group Study

Kabanata 4
Group Study
--
Tuwang tuwa ang mga kaibigan ko nang kinweto ko ang nangyari sa grocery store. Sinabi ko sa kanila lahat, pati iyong sinabi sa akin ni Zairus. I really feel that this plan is about to end. Kaunting kembot nalang, mahuhulog na sa akin ang lalaking 'yon.
"I told you, as long as it's Johanna, it's going to be successful!" si Jade at sabay silang tumawa ni Trina.
"Thank you so much for this, Johanna. Ngayon makakaganti na rin ako sa lalaking 'yon. I can't wait for the time na sasabihin natin sa kanya na dare lang ang lahat!" si Allison at humalakhak.
"Let's just wait and move on with the plan. I have a feeling it's almost over. Madali lang pala. Akala ko mahihirapan pa ako dahil suplado siya. Mapaghihiganti na kita, Allison," sabi ko at ngumisi.
"Thank you so much, Johanna!"
Lunes nang syempre pupunta ulit ako sa bahay nina Zairus. Iyon ang palaging plano, ang puntahan siya at pahulugin sa bangin. I'm sure he will fall for me. So hard. That he couldn't walk away anymore.
"Johanna," Brian called me.
Lumingon ako sa kanya na naghihintay sa may gate ng school. Umirap ako at pagod na bumuntong hininga. He's one of my ex-boyfriends na hindi pa rin ako tinitigilan kahit tapos na kami. Hindi ko alam kung anong mga problema nila when they know from the very beginning that it was just all a game.
"What?" I crossed my arms and looked at Brian.
"I heard break na kayo ni Leon. Can I have my chance now?" he asked.
Natawa ako. "What chance are you talking about?"
"Sabihin mo na. Nagselos ka lang kay Sasha kaya ka nakipag hiwalay sa akin. You really don't want to leave me."
Wow. I can't believe how thick the face of this man is!
"I told you it was my choice. I'm not jealous. I don't even know that Sasha. And you know it's just a game, right?"
"A game?" hindi niya makapaniwalang tanong.
"Yes."
"You think my feelings for you is just a joke?"
How corny.
"I don't have time for you, Brian. May lakad ako kaya kung pwede lang?" nilahad ko sa kanya ang daan para makadaan ako.
"No," he grabbed my arm. "We're not done talking yet."
Pagod ko siyang nilingon. "Pwede ba? You know how much I hate this kind of scene. Kung gusto mong maging civil pa ako sayo, hayaan mo ako ngayon."
"Hindi ko kasi maintindihan! Why are you so hard, huh?" lumapit siya sa akin.
"I told you from the very beginning! That it was going to be just a game! You agreed. Kaya ano 'tong pinuputok mo ngayon?"
"I thought you like me too? You said it, Johanna!"
Umirap ako at binawi ang braso ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante roon. Sanay naman na ako kaya hindi ko na pinansin.
"Tigilan mo na nga ako. May lakad pa ako at nagmamadali ako. Aalis na ako," sabi ko at nilagpasan na siya.
Pero hinigit niya ako pabalik! Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko pero agad ring nairita.
"Ano ba?!"
"Please... I love you so much, Johanna! I can't lose you. Please..."
Argh! Those words! So corny!
"Bitawan mo nga ako!"
"Please..."
"Hey! Hey!" sumulpot bigla si Elara at inakbayan ako.
Mabilis akong nakawala kay Brian. Tinignan ni Brian si Elara at nagtaas naman ng isang kilay ang kaibigan ko sa kanya.
"What are you doing? Pwede ba? May lakad pa kami kaya tumabi ka na nga dyan."
"We're still talking," mariing sinabi ni Brian.
"This is school, Brian. You're making such a scene, my gosh! At hindi ka pa pala natututo? You know from the very beginning that Johanna is just playing. Bakit ka pa umaasa dyan?"
Hindi nakapag salita si Brian sa sinabi ng kaibigan ko. Umirap ako at humalukipkip.
"May lakad pa kami. Excuse me," sabi ko at naglakad na palayo.
Naka akbay pa rin si Elara sa akin. Ngumisi at kumaway siya sa natahimik na si Brian. She laughed when we got out of school. Sanay na sanay na siya sa mga lalaking nanggugulo sa akin.
"Thanks," sabi ko.
"You're welcome, my dear friend! Saan ba ang lakad mo ngayon?" tanong niya.
Elara is my bestfriend since elementary. We just don't see each other very often now because she's busy with her boyfriend while I'm busy with Allison and our plan.
"May ginagawa kami nina Allison. Mahabang kwento. I'll tell you next time."
"Oh, okay. May date kami ngayon ng boyfriend ko, e. See you around nalang!" kumaway siya.
"Bye!"
I took a deep breath. Salamat dumating si Elara! Kundi hindi ako papakawalan ng lalaking 'yon! Umirap ako at umiling iling. Naglakad nalang ako papunta sa sasakyan namin at nagpahatid sa driver sa bahay nina Zairus.
Nahatid na ng driver si Mina sa bahay. O hindi ako sure kung sa bahay. Tss. Kaya ngayon ako naman ang ihahatid. Hindi talaga ako sumabay dahil baka kung ano na naman ang isipin niya.
Allison: May mga kasama si Zairus sa bahay nila sabi nina Jade at Trina. Mukhang mga kaibigan o kaklase niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Allison. May mga kasama siya sa bahay nila? Sino naman kaya ang mga 'yon?
Bumaba ako sa sasakyan namin nang nakarating sa bahay nina Zairus. Nakita kong marami nga sila roon. They immediately looked at my way when they saw the big SUV stop in front of them. Agad silang natahimik at alam kong kuryoso sila sa kung sino man ang dumating. Nawala ang tawanan kanina.
I smirked and confidently walked towards them. Namukhaan ko ang ibang nandoon pero ang iba ay hindi ko kilala. Lalo na ang mga babaeng siguro ay mga taga rito lang.
"Uy, si Johanna Agravante 'yan, diba?" bulungan nila.
"Oo nga... Anong ginagawa niya rito?"
Tumikhim si Zairus at tumayo para lumapit sa akin. Matalim agad ang tingin niya. Nandoon sila sa siguro ay nilabas na table mula sa bahay nila at maraming notebooks roon. Sama sama sila. Yung ibang mga babae naka uniform habang yung iba ay hindi.
"Hi!" bati ko at kumaway gamit ang mga daliri.
"Hi, Johanna! Nakikilala mo pa ba ako?" tanong ng isang lalaking tumayo at lumapit.
"Oh, sorry. I don't remember you anymore. You are?" he was familiar but I can't remember.
"I knew it," he laughed. "I'm Mark," he held out his hand. "I was with your cousin Elizabeth on her birthday."
"Oh! Nice to meet you, Mark," I smiled sweetly and accepted his hand.
Tumikhim muli si Zairus na nasa tabi ko na pala. Napalingon ako sa kanya.
"Kung gusto mong magpahangin, pwede ka roon sa upuan malapit sa puno. May group study kami rito," anya.
Group study?
"Bakit naman sa malayo pa siya? Pwede naman siyang umupo sa tabi ko! May space pa rito, oh," si Mark.
"Talaga? Pwede akong umupo?" tanong ko.
"Of course! You're welcome here!" anang isang lalaki.
Mas lalo akong napangisi.
"Siya pala si Johanna Agravante? Ang ganda niya pala sa personal..." narinig kong bulungan ng mga babae.
"Hindi naman. Mas maganda pa ako sa kanya," anang babaeng may makapal na lipstick kahit naka uniform.
"Johanna, dito ka na sa tabi ko!" Mark said and tapped the chair next to him.
"Sige ba--"
"Sabi ko doon ka sa may puno," mariing sinabi ni Zairus at hinawakan ako sa braso.
Nilingon ko siya.
"Bakit naman?"
"May group study kami. Kailangan naming magseryoso."
"Hindi ba kayo makakapag seryoso kapag nandito ako? I can even help you if you want," I smiled sweetly.
"Hindi ka uupo sa tabi ni Mark," mariin niyang sinabi.
"Ang kj naman ni Zairus! Wag mo nang pigilan! Ang tagal ko na kayang crush 'yan!" sigaw ng isang lalaki.
Natawa ako at magsasalita na sana nang unahan ako ni Zairus.
"Tumahimik ka nga!" iritado niyang sigaw. Medyo nagulat ako.
"Ano bang pinag uusapan niyo dyan? Itutuloy pa ba natin ang group study na 'to?" mataray na tanong noong makapal ang labi kay Zairus.
"Just sit here, Johanna. Come on. Hayaan mo na 'yang si Zairus," si Mark.
Ngumisi ako nang may naisip na namang gawin. Kung nung Sabado nagpanggap akong nagseselos, ngayon siya naman ang susubukan ko.
I sat down next to Mark and ignored Zairus. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong madilim na ang kanyang mga mata. Nakatayo pa rin siya roon at hindi ko alam kung galit na ba siya o ano. Ngumisi ako.
"Come on, Zairus!"
Naglakad si Zairus at umupo sa upuan niya, nasa may harap ko lang siya kaya kitang kita ko siya. Iritado pa rin ang mukha niya at humalukipkip. Nakatingin siya sa akin.
"Bakit ka nandito, Johanna?" tanong ng isang lalaki.
"Nagpapahangin lang ako rito..." nakangiti kong sagot.
"Nagpapahangin? Baka lumalandi..." bulong bulong noong makapal na labi na hindi ko nalang pinansin. Whatever.
"Kaibigan mo pala si Zairus? Matagal na kayong magkakilala?" tanong ni Mark.
"We just met. And yup, he's just my friend..." mabagal kong sinabi ang huli at tumingin kay Zairus.
I could see his face getting even more irritated as he was now looking at his notebook. I smirked.
"Wow! Parang gusto ko nang pumunta rito araw araw! Araw araw ka bang nandito?" tanong ni Mark.
I laughed. "Yes."
"Araw araw na pala akong pupunta!"
"Hindi ka na pwede rito pagkatapos nito," si Zairus.
"What? Ang kj mo talaga!"
Nagtawanan ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay tahimik at nagbubulungan lang. They can't look at me. Ang tanging malakas ang loob ay iyong makapal ang labi na nagagawa pang umirap sa tuwing napupunta sa kanya ang paningin ko. Hindi ko naman magawang mairita. Napapangisi lang ako na mas lalo niyang kinaiirita.
I don’t know what I did to her and why he seems so mad at me. Ngayon lang naman kami nagkakilala. Pero parang may hula na ako lalo na dahil katabi niya si Zairus. Tss.
"Ano ba? Itutuloy pa ba natin 'to?" iritado niyang sinabi.
So they continued what they were doing. Again they fell silent and concentrated on what they were reading. Yung iba nagsasalita at tumatango tango lang ang mga nakikinig. Nagtatanong rin yung iba sa isa't isa tapos sasagot naman yung isa.
"Can I get your number?" tanong ni Mark na lumapit sa akin para hindi siya marinig ng iba.
Ngumisi ako. "Sure."
He gave me his phone and I put my number there. He smiled when I finished and came even closer to me.
Tumunog ang upuan nang malakas. Napalingon kami kay Zairus na biglaang tumayo at halos bumaliktad ang upuan niya. Some were surprised while others ignored it. Matalim ang tingin niya sa akin.
"Kukuha lang ako ng meryenda," he said and walked into their house. I watched him irritably enter their house. Ako lang yata ang nakapansin na iritado na siya.
I looked at Mark's notebook and grinned. Gumagana ang plano ko, alam ko 'yon. It's obvious, duh. Hindi ko maiwasang matuwa.
Tumingin ako kay Mark. "Iinom lang ako ng tubig."
"Okay," tumango siya.
I got up and went inside Zairus' house. I haven't been in here yet, ngayon palang. And I don't care if he gets mad at me again because of this. Besides, he didn't forbid me to enter their house, so what's wrong?
I smirked.
Nakahalukipkip ako habang hinahanap si Zairus. Their house is small. There is a small sofa, tv, you can also see the kitchen when you enter, then there are three doors that are probably bathroom, his room and Tito Halton's room. I found him in the kitchen nang tumayo siya dahil may kinuha sa ilalim.
"Zairus..." I called.
Napatingin siya sa akin, halata pa rin ang iritasyon sa mga mata. Hindi siya nagsalita at nilagay lang sa lalagyan ang mga biskwit na kinuha niya at tumalikod sa akin. Kumuha siya ng juice para timplahin sa pitcher.
"Hey, Zairus!" I called again and smirked.
"Anong ginagawa mo rito?" he asked, his voice cold.
"Nauuhaw ako, e. Pwedeng maka inom ng tubig?"
Lumapit ako sa kanya. Nakita kong hinahalo niya na ang juice. Nagtungo siya sa ref at kumuha ng yelo roon. Kumuha na rin siya ng pitcher na naglalaman ng tubig at nilagay sa lamesa. Kumuha siya ng baso at halos padabog na nilagay rin sa lamesa.
"Siguro naman kaya mo nang magsalin nang mag isa?" anya.
Umawang ang bibig ko dahil mukhang iritado na nga talaga siya. Tumawa ako.
"Anong problema mo na naman? Sungit sungit..." sabi ko at lumapit sa tubig na hinanda niya. I don't like juice.
He didn't speak and just continued what he was doing. I grinned after drinking and lowered the glass on the table. Lumapit ako sa kanya sa may gilid niya. Sumandal ako sa sink at nakahalukipkip siyang tinitigan. He looked at me.
"Ano pang kailangan mo?" malamig niyang tanong.
Ngumuso ako. "Why are you so cold?"
"Kung wala ka nang kailangan, lumabas ka na."
"I won't get out of here until you tell me why you're acting like this."
He turned to me. His jaw clenched. Sobrang lamig at riin ng titig niya sa akin. At hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong 'yon biglang kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung sa takot ba 'yon sa titig niya o sa ibang bagay...
"Lumabas ka na," he said.
Napakurap kurap ako.
"Tutal mukhang nag e-enjoy ka naman roon, diba?"
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya at unti unting napangisi. What a good move, Johanna. You made him like this!
"Anong sinasabi mo?" tanong ko.
"Lumabas ka na."
"Nagseselos ka?"
Iritado niya akong nilingon. "Anong sinasabi mo?"
"Umamin ka na. Nagseselos ka..."
Nagtiim bagang siya hindi nagsalita. Tinitigan niya lamang ako. Umalis ako sa pagkakasandal sa sink at unti unting lumapit sa kanya. Matangkad siya kaya nakatingala ako habang nakadungaw lang siya sa akin. Hindi ko napigilan ang paglabas ng ngisi ko habang pinagmamasdan siya. Hinawakan ko ang braso niya at hinaplos iyon pababa habang tinititigan pa rin siya.
"Wag ka nang magselos... Hindi ko naman gusto si Mark..." malambing kong sinabi.
Mas lalo siyang nagtiim bagang, ayaw buksan ang bibig dahil baka kung ano ang masabi.
"Ikaw lang ang gusto ko, Zairus. Ikaw lang..." I whispered and smirked.

Komentar Buku (47)

  • avatar
    VillagenReymalyn

    ang Ganda po story niu po nakakalig

    20/05

      0
  • avatar
    Sirch Enaj Pe

    Super Ganda ng story nyu po..

    03/05

      0
  • avatar
    Marilyn Cabalida Balic

    This is so romantic

    23/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru