logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Nagulat ako nang tutukan niya ako ng baril. Napigil ko ang hininga ko sa gulat at nagsisimula na manginig ang mga tuhod ko. Nang mapansin niya ang panginginig ko ay ibinaba niya ang baril sa lamesa.
“I thought a person like you had nothing to fear.” Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha nang sabihin niya iyon. Of course, you wouldn’t know what or where I’m afraid of since you are far from the Lei I loved a few years ago.
Huminga ako ng malalim upang kumalma ang buong sistema ko.
“Sino ba naman ang hindi matatakot kapag bigla ka na lang tinutukan ng baril” sabi ko sa kanya at mabilis na kinuha ang baril at itinutok ito sa kanya. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nakatutok sa kanyang noo ang malamig na muzzle nito.
Bahagya lang niya ako tiningnan at wala kang mababakas na takot sa kanyang mukha.
“Don’t point a gun at someone if you’re not going to pull the trigger.” He casually said, at bumalik na sa pagbabasa. Tila napahiya naman ako roon kaya ibinaba ko nalang ang baril.
“Not because it’s easy for you; it should be easy for me as well.” I stated.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago humiga sa sofa kung saan siya natutulog. Pumikit ako para dalawin ako ng antok. Naaamoy ko sa sofa ang pabango niya na gustong gusto ko.
Mag kakalahating oras ako sa ganoong posisyon nang biglang may tumawag sa kanyang cellphone na agad naman niyang sinagot. Nababakas ang sigla sa boses niya nang mabosesan ang nasa kabilang linya. Sandali lang tumagal ang pag-uusap nila bago siya magpaalam dito.
[I love you] ‘yan ang tatlong salita na binitawan niya bago niya ibaba ang tawag. Napangiti ako ng mapait sa narinig. You used to say that to me before, Lei.
Nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mata ko kaya hinayaan ko nang sakupin ako ng dilim.
**
Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa kusina. Kung hindi ako nagkakamali ay may dalawang tao na nag-uusap. Kinusot ko ang mata ko bago dahan-dahan bumangon, napasulyap ako sa suot kong relo and it was already nine o’clock in the morning.
“It’s good to know you’re awake already; eat up, and we’ll leave any minute.” napalingon ako sa gawi ni Lei at nakita kong nakabihis na siya.
“Is she your maid?” napataas ang isa kong kilay sa narinig. Hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa stool malapit sa hinihigaan ko.
“Why is there a horse in my house?” Tanong ko kay Lei. Napakunot naman ang noo niya at tiningnan ako nang nagtataka.
“What?” tanong niya. Umiling nalang ako at pumunta sa kusina para kumain.
“I’m living in her house temporarily.” sabi ni Lei na sa palagay ko ay ang babae ang kinakausap.
“Why here? Why not in my place?” Tanong naman ng babae. Hindi sumagot si Lei kaya tumahimik na ito.
“I’m Irene, at isa akong nyeve” pagpapakilala saakin ng babae, kahit hindi ko naman tinatanong.
“Snow.” Sagot ko at di ko na siya pinansin.
**
Kasalukuyan namin binabagtas ang daan patungong Hacienda. Lulan kami ng magarang sasakyan na sa tingin ko ay pag-aari ni Irene.
Mayroon itong driver kaya naman nasa backseat kaming tatlo at nakapagitna si Lei sa aming dalawa. When I glanced at my wristwatch, it was already twelve thirty at noon. I was a little sleepy, so I leaned my head on Lei's shoulder while looking out the window. Naramdaman kong ipinalupot ni Lei ang kamay sa baywang ko kaya para na siyang nakayakap saakin. Palihim akong napangiti. His other personality, or the real Lei, that I loved a few years ago.
Nararamdaman ko ang matatalim na tingin saamin ni Irene, ngunit hindi ko ito pinansin at mas lalo ko pa isiniksik ang sarili kay Lei. I miss him so much.
Ipinikit ko ang mga mata ko kahit pa nararamdaman ko ang matalim na tingin ni Irene. Base in her expression, she likes Lei. But the question is, which one among his personality?
**
Napamulat ako ng mata nang marahang tapikin ni Lei ang pisngi ko.
“Let’s go” malumanay na saad niya kaya lumabas ako ng sasakyan at tumingin sa paligid, mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang napakalawak na Hacienda, ito ay pagmamay-ari ng Thunderstorm.
Nasa gate pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang napakalawak ng lupain ng Thunderstorm.
Nagsimula na sila maglakad ni Irene kaya lumakad na rin ako, nakita ko pa ang pagkapit ni Irene sa braso ni Lei. Sa sobrang laki ng hacienda ay hindi na ako magugulat kapag may biglang malaking aso ang sumakmal kay Irene.
Biglang huminto si Lei sa paglalakad at may binunot na kung ano sa likod ng suot niya, isang baril at ini-abot niya ito saakin
“Incase of an emergency” saad niya at nagpatuloy sa paglalakad. Kinuha ko ito kahit hindi naman ako masyadong bihasa sa paggamit nito
Pagbukas ng pinto ay tumambad sa amin ang mga armadong naka maskarang tao. Parang isang maling hinga mo lang ay hindi sila mag dadalawang isip na barilin ka.
Dere-deretso lang si Lei sa paglalakad papasok sa loob ng kastilyo. Sumusunod lang kami sa kanya.
When we got to the third floor of the castle, we stopped walking because we were greeted by an elderly gentleman who I believe was Lei's father.
“Who are these beautiful young ladies?” Tanong ng matanda kaya napahagikgik si Irene. I slightly smile.
“I am Maria Irene Anderstone” magalang na pagpapakilala nito. Tumango lang ang matanda at tumingin ito saakin.
“Snow Mayhen Polkerson, Sir!” Pagpapakilala ko at bahagyang yumuko bilang simbolo ng paggalang.
“I’m glad to meet you two. If you don’t mind, I’ll borrow my son first. You can take a walk inside the castle while waiting for my son.” sabi nito saamin. Ngumiti lang ako rito at muling yumuko bilang pagsang-ayon. Nginitian ako nito pabalik at naglakad na sila palayo.
Naunang umalis si Irene at kung saan man siya pupunta ay hindi ko na inalam pa.
**
I took a look around the massive castle. I’m currently on the fourth floor of a five-story building. I was surprised to find shops here because it was my first visit. I became curious about what was on the fifth floor all of a sudden.
I entered a coffee shop. I wouldn’t have to leave the castle if I lived here because it already has everything you need. May school din kaya rito? Napailing nalang ako sa naisip, that’s Impossible.
“Anong sayo, magandang binibini?” Tanong saakin ng barista.
“Caffé latte” sagot ko rito. Nagsimula na siyang ihanda ang inorder ko. Walang masyadong tao rito ngayon, kung bibilangin ay nasa anim na katao lang, kasama na ang barista.
“Ngayon lang kita nakita, bago ka rito?” Muling tanong ng barista, tumango lang ako bilang tugon.
“Alright, Ma’am. Here’s your Caffé latte” I thanked him, took my order, and sat in the furthest corner.

Komentar Buku (8)

  • avatar
    San JoseLiza

    nice story keep writing more

    18/03/2023

      0
  • avatar
    Lester Allen Alcantara

    Wow

    01/03/2023

      0
  • avatar

    Ang ganda ng story sana po may update na🤞 salamat author

    22/06/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru