logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kwatro

Shaira's POV
Ano kayang buhay ang tatahakin ko ngayon nakikita ko ngayon ang kalagayan ng bahay malayo ito sa kinagisnan ko wala itong matinong kama at tanging banig lang ang mayroon kakayanin ko naman sigurong matulog sa sahig pero malaking pagbabago na yun para sakin.
Bakit pa kase ako naglayas edi sana matinong bahay at higaan ang tinutuluyan ko ngayon.
"Paki ayos na lang nung damit mo ilagay mo sa loob ng kahon tapos pwede ka ng matulog" utos saakin ng isang lalaki.
Dinabog ko ang hawak kong bag, "Ikaw na yung magpasok pagod na ako,"
Dinampot nito ang bag ko at inihagis sa labas nilakihan ko sya ng mata dahil sa ugaling mayroon sya. "Ano ba! Bakit mo hinagis? Gamit ko yun madudumihan sila!"
"Pulutin mo gamit mo yan tapos saakin mo ipapaligpit? Hindi mo ko utusan bakit ikaw lang ba ang pagod dito? Pagod din ako bakit araw akong nagtrabaho" sabi pa nya.
"Isusumbong kita kay tita liese" pananakot ko sakanya.
"Isumbong mo samahan pa kita akala mo naman natatakot ako? Isumbong mo!"
Isang lalaki naman ang pumasok sa loob ng bahay at inawat ang lalaking nakasagutan ko, "Paulo tama na hayaan mo sya bata pa yan matulog ka na lang dyan pagod lang yan wag mo ng patulan mahihirapan ka lang nyan lalo,"
Lumapit ito saakin sabay abot ng aking bag "Magandang gabi Shaira mas mabuti kung ikaw na lang yung maglagay nyan sa kahon kase diba ikaw yung may-ari nan para alam mo kung saan nakalagay yung mga damit na susuotin mo sa mga susunod na araw"
Hinablot ko nalamang ang bag ko.
Lumipas ang ilang sandali at nakaramdam na ako ng antok gustuhin ko man na matulog ngunit hindi maari dahil baka hindi ko mapagbuksan ng pinto si tita mahigpit na ibinilin kase saakin ni Paul na bantayan ang pinto kung sakaling makatulog sya at gaya ng kanyang sinabi ay makakatulog nga sya at kasalukuyang humihilik sa dulong bahagi ng banig.
Habang naghihintay ay tumalon-talon muna ako sa isang tabi upang mawala ang aking antok mahirap itong labanan dahil pagod ako kung kaya't kailangan kong gumalaw-galaw. Mabuti rin siguro kung takutin ko ang sarili ko at mag-isip ng kung ano anong bagay na ikakatayo ng balahibo ko aminado naman ako sa pagiging matatakutin ko.
Habang nasakalagitnaan ako ng pagtalon isang bagay ang nalalag mula sa taas ng aparador mga papel ito sandamanak na papel. Agad akong naaligaga at lumapit sa nahulog na papel, pinagpupulot ko ang mga ito at hindi na binasa pa pinagpatong-patong ko silang lahat at muling binalik sa itaas.
Huminga ako nang malalim at umaktong parang walang nangyari kahit na malakas ang tunog nang pagbagsak nito ay hindi naman sila nagising kaya makakampante ako. Ang magiging problema ko na lamang ay  kung sakaling makita ito ni tita at tanungin ako kung bakit iba ang ang pagkasunod sunod ng mga papel.
Tok, Tok, Tok, tumunog nang malakas ang pinto.
Nilapitan ko ito, agad kong tinanggal ang mga kahoy na nakaharang sabay dungaw sa pinto. Isang babae ang bumungad sakin ngunit hindi ito si tita.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa babae.
Hindi nya ako tiningnan. "Tabe!" Saad pa nito sabay bangga sa katawan ko.
"Abah magaling ka ah hindi mo ba ako nakikita? Nabangga mo ko!"  Sigaw ko sakanya.
"Nakaharang ka kung tumabi ka sa a sa daan hindi kita mababanngga lakas-lakas pa ng sigaw mo kala mo naman walang natutulog dito!" Suway naman nito.
"Wag na nga kayong mag away, tulungan nyo nalamang akong ipasok itong mga bayong ko para makakain na tayo" malumanay na saad ni tita.
Nakita ko ang dalang bag ni tita. "Tita ako na po"pagpiprisinta ko.
"Kaawaan ka ng Diyos mahal kong Shaira!" bati nya.
"Sa Dinami dami ng pwede mong maging pangalan Shaira pa talaga kaparehas pa ng pangalan ng kinaiinisan kong tao sa mundo kaya parehas ang inis na nararamdaman ko sayo kanina pa lang" bulong ng babae habang nagdadabog sa lamesa.
"Sammy?" Nabuhayan ako na baka sakaling sya ang kapatid ko bagamat parehas sila ng boses parehas rin sila ng ugali parehas silang tahimik at maldita ang ugali na medyong mabait.
"Oh? Samsam? Ambilis ha kanina sinisigaw sigawan mo ako tapos ngayon may nalalaman ka ng Samsam? hindi mo naman ako kapatid ah tigilan mo yan!" reklamo pa nito.
Ngumiti ako nang malubha sabay takbo palapit sakanya niyakap sya ng mahigpit kahit na ramdam ko ang pagkairita nya ay pinagpatuloy ko lamang ito.
Humarap ito sa akin sabay hawak sa kamay ko nilagay nya ang mga ito sa bewang ko habang siya'y nakapamewang sa aking harapan, "Bakit ka naglayas? Di mo ba iniisip yung magiging repleksyon non kila mama? Panigurado galit na sakin yung mga yon kase sasabihin naman nila naimpluwensyahan kita kaya naglayas ka din o di kaya naman sinabihan kita plinano natin ang lahat na iwanan sila,"
Umiling ako ng magulang ulit sakanya, "Hindi Sammy hindi! Tumakas ako sa bahay kase sobra na sila mama alam mo ba as-"
Hindi nya na pinatapos pa ang mga sasabihin ko dahil nabigla nyang nilamutak ang saging sa bibig.
Hinatak nya ako papunta sa isang sulok kung saan hindi maririnig ang magiging usapan naming dalawa, "Wag kang padalos dalos sa mga pinagsasabi mo tandaan mo hindi natin kilala ang mga nakatira dito malay mo nakaaway pala sila ni papa? Malay mo saktan nila tayo alam mo namang dakilang basagulero si papa"
"Eh ano naman kung saktan nila tayo? Hindi pa ba sanay yang katawan mo?" Pagbibiro ko pa sakanya dahil masyado ng nagiging seryoso ang usapan naming dalawa.
"Eh kung ikaw ang bugbugin ko hanggang sa mawalan ka ng huninga tapos sagasaan kita sa ng kotse? Akala mo nakikipagbiruan ako sayo? Tumigil ka baka hindi ako makapagpigil sayo at makitil ko ang buhay mo nang wala sa oras,"
Nagsitaasan ang balahibo ko nagiba nag hugis ng mata ni ate mula sa pagiging maantukin nito ay bigla akong natinag sa malalim na tingin nya sa mukha ko para bang lalamunin nya ako nang buo napaghinalaan ko pa syang aswang dahil sa sobrang nakakatakot nyang mata na parang naggigilalas.
Napa lunok ako ng sarili kong laway kumakabog nang mabilis ang dibdib ko at nangangatal ang kamay at paa ko dahan-dahan akong umatras habang nakatitig kay ate. Napaka agrisibo nyang tumingin saakin mukhang delikado ako sakanya pambihirang biro yan!
Pumagitna saamin si tita dahan-dahan nyang pinakalma si ate at inabutan ng tubig bigla akong nakonsensya mali ang ginawa ko hindi ko dapat sya biniro nang ganon bakit naman kase pumasok pa sa isip ko ang pagbibiro! Malaking trauma malamang ang pumasok sa isip ni ate kase grabeng pambubugbog ang ginawa sakanya na naging dahilan ng pagkagulo gulo ng isip nya.
Umalis si tita sa amin at parang galit din sya saakin kinuha ko ang oportunidad na ito para manghingi ng tawad kay ate "Sammy Sorry hindi ko sinasadyang-"
"Matuto ka kung hanggang saan lang dapat ang talas ng bibig mo matuto kang mag-isip bago magsalita" yan ang salitang sinampal nya sa akin sabay alis sa inuupuan nya.
Natamaan ako nang husto roon mali ang birong iyon hindi ko na sakay sinabi ang bagay na pinagdaan ni ate hindi biro ang araw araw na pambubugbog sakanya hindi biro lahat ng latay na mayroon sya.
Linamon ako ng konsesnya napaiyak nalang ako sa sulok nang tahimik wala man itong tunog pero napaka sakit. Tulo nang tulo ang luha ko napaka bobo mo! Hindi ka nag-iisip! Bakit ka pa pinaaral kung bobo ka naman!
Tumingin sa akin ng pailalim si Sammy mukhang hindi naman nya ako gagawan ng kung anong masamang bagay pero mukhang sa isipan nya ay pinapatay nya na ako. Ramdam kong nagtitimpi lamang ito ng galit sakin ilang away na ang napagdaanan naming dalawa alam na alam ko na ang mga galawan nya sa tuwing may galit sya sa akin iba ang kinikilos nya sa tuwing nagtatampo sya dahil para syang isang pusa ngunit kung siya'y galit para syang isang tigre na lalamunin ka nang buo.

Komentar Buku (55)

  • avatar
    VincentMark

    👌👌

    28d

      0
  • avatar
    LinaLevi

    ang ganda nang kuwento hehe

    09/07

      0
  • avatar
    VivasJerico

    i need money right now

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru