logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata II

KUMUNOT ang aking noo nang marinig at makita ko sila Seven at Amado na sabay humatsing. Kapag kambal ba ay required na sabay sa lahat? Pati sa pag hatsing sabay sila. Pero kailangan ba talaga na sa harap ng pagkain ko humatsing?
"Bakit kayo humatsing?" tanong ko.
"Siguro may nakakaalala sa aking kaguwapuhan," nakangiting sagot Seven sabay hipo sa kaniyang mukha, "Ang pogi mo talaga, Seven," wika niya sa kaniyang sarili.
"Siguro may nagagalit sa aking kaguwapuhan," nakangising tugon ni Amado.
"Ang kakapal ng mga mukha niyo. Matuto kayong gumalang sa mas guwapo sa inyo. Matuto kayong gumalang sa akin."
"Mas guwapo ka nga sa amin. Wala ka namang girlfriend haha!"
"23 years old na, pero virgin pa rin haha!"
Sinamaan ko nang tingin silang dalawa. Ano bang masama kung pa virgin pa rin ako at hindi pa nagkakaroon ng girlfriend. Iniisip nila na kaya wala akong girlfriend kasi takot ako ma-inlove. Wala naman akong philophobia, I'm not scared to fall in love. Sa totoo lang, I'm already in love with someone.
Napakalandi ng kambal na ito. Kalalaking tao napakaharot. Hindi ko na mabilang sa daliri ko sa kamay at paa kung ilan na ang naging girlfriend nila. Ewan ko ba sa mga babae nagkakagusto sa kanila. Panlabas lang naman na anyo nila yung maganda sa kanila, pero nahuhulog pa rin yung mga loob nila sa kambal na ito. Bakit kasi ang hilig ng mga babae sa pogi? Karamihan sa kanila, hindi kinikilala ng lubusan yung mga nagiging boyfriend nila. Kaya sa huli, nasasaktan sila.
"May hinihintay kasi akong babae. Kaya wala pa akong girlfriend," ani ko.
Ibinaba ni Seven ang burger niya na kalahati na lamang sa lamesa at tinitigan niya ako. "Yung babae na naman ba 'yan sa panaginip mo?" tanong niya.
Pilit akong ngumiti at tumango. "Siya nga."
Iniling-iling ni Amado ang kaniyang ulo habang siya ay nakangiti. "Huwag mo na siya hintayin. Lets face the reality, Antonio. She's just your dream. There's a low possibility that she might be real. Maybe 10% out of 100%, or maybe 1% out of 100% or maybe... 0.1% out of 100%."
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinambit ni Amado. Tama naman siya, e. Pero parang totoo talaga yung babae sa panaginip ko kaya yokong masaktan siya. Ayokong sirain ang pangako ko sa kaniya sa aking panaginip.
"Sa susunod kong buhay, ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin. Hindi ako maghahanap ng iba. Kung hindi kita makikita sa sunod kong buhay, mas pipiliin ko na lamang tumanda mag-isa."
Simula noong sinabi ko ‘yan sa kaniya sa aking panaginip. Hindi na nawala sa isip ko ang mga salita na ‘yan. Hindi ko nakikita ang mukha niya sa aking panaginip sa pagkat ito ay malabo. Tanging ang mahaba niyang itim na kulot na buhok lamang ang nakikita ko sa kaniyang ulo.
"Kahit na maging negative percent pa 'yan. Hanggang mayroong pag-asa na siya ay totoo, aasa't hihintayin ko pa rin siya," sambit ko sa aking isipan.
"Siguro nga hindi siya totoo. Pero what if kung totoo siya? Wala namang mawawala sa akin kung maniniwala akong totoo siya. At ano naman kung virgin pa ako? Wala namang masama kung virgin pa ako. Bata pa naman ako. Saka gusto kong mawala ang virginity ko pagtapos ng aking kasal. Gusto ko itong ibigay sa babaeng gusto kong makasama habang buhay. ‘Wag niyo na ako itulad sa inyo. Masaya na ako sa buhay ko."
"Bro, believe me. Mas lalong sasaya ang buhay mo kapag naging katulad ka namin," masayang wika ni Seven.
"Masaya bang manloko ng babae? Masaya ba yung papalit-palit yung girlfriend? Masaya bang gawing laro yung isang relasyon? Kung para sa inyo masaya ‘yon. Sa ‘kin hindi."
"Balang araw, magkakahanap din kayo ng katapat niyo."
BUMUNGAD sa akin ang magulong condo ni Lina nang imulat ko ang aking mga mata. Parang dinaan ng super typhoon yung condo ni Lina dahil sa sobrang gulo. Yung sofa niyang malaki, nakataob. Ang daming bote ng alak at kalat ang nakakalat sa iba't ibang parte ng condo niya.
Paano tumaob yung sofa niya?Ang bigat-bigat kaya niyan.
Kinapitan ko ang aking ulo at mariin kong pinikit yung mga mata ko nang makaramdam ako ng pananakit ng ulo. Napaatras ako nang imulat ko yung aking mga mata.
"Good morning, Ange."
Nakita ko sa harap ko si Lina na yakap-yakap pa yung unan niya. Sobrang gulo ng buhok nito at hindi nakasuot ng maayos sa kaniya yung eye glasses niya.
"Good morning, Lina. Nasaan si Lica?"
Humikab siya at muli niyang niyakap ang unan niya. "Nakita ko siya sa comfort room na nagtatawag ng uwak. Mamaya na natin linisin yung condo ko. Matutulog muna ako. Inaantok pa ako."
"Sleep well," ani ko at pumunta ako sa comfort room ng condo niya. Papalapit palang ako sa comfort room ay naririnig ko na agad si Lica.
"Uwak! Wak! Uwak!"
Napatawa ako nang makita ko si Lica na nagsusuka. Gaya ni Lina, magulo rin ng kaniyang buhok. Siya ang may pinakamaraming naimom sa amin na alak. Napaka lasinggera kasi. ‘Yan tuloy, suka nang suka ngayon.
"Good morning, Lica."
Tumingin siya sa direksyo ko at binati niya ako, "Good morning, Ange— Uwak!"
"Suka well, Lica."
Pumunta ako sa kusina na para uminom ng tubig. Natigilan ako nang ako ay makarating sa kusina. Mayroong naka-drawing sa sahig ng kusina ni Lina. Hindi lang basta drawing. Alam ko ito yung drawing na ginagamit sa pagtawag ng demonyo. Bilog yung drawing, at sa loob nito ay mayroong dalawang triangle na magkabaliktad.
Nagtawag ba kami ng demonyo kagabi?
Demonyo pa talaga sa Hari ng mga demonyo yung El Thoro. Kahit na mataas yung tolerance ko sa alak ay nawala pa rin ako sa katinuan. Hindi ko na maaalala yung pinaggagawa ko kagabi. Ang huli ko nalang naaalala ay ‘pagtapos kong yakapin sila Lina at Lica na umiiyak, ang sabi ko magsaya kami at ubusin namin ang lahat ng alak...
NATULALA ako matapos kong mapanood ang video namin. Sabi ko na nga ba. Mayroong kahihiyan na nangyari kagabi. Buti nalang talaga hindi namin na post sa facebook yung kahihiyan namin.
"Wow, ang lakas mo naman Ange. Nataob mo yung sofa ko nang walang kahirap-hirap. Nagiging malakas ka pala kapag naubos mo yung isang bote ng El Thoro," manghang sambit ni Lina.
Ako pala yung may kasalanan kung bakit nakataob yung sofa. Hindi pala ‘yon tinaob. Binalibag.
"Dapat sa mga lalaki na manloloko, mang-iiwan, at katawan lang ang habol sa mga babae ay binabalibag! Katulad nito!" Kitang-kita ko na walang kahirap-hirap kong binuhat yung malaking sofa at binalibag ito na naging sanhi ng pagtaob nito.
"Tama! Tama! Tama!" rinig ko ang sigaw na pagsang-ayon sa akin nila Lica at Lina.
Akala ko tapos na yung video. Mayroon pa palang isang video. Kung nakakahiya yung una kong video, mas nakakahiya yung pangalawa.
"Hintayin niyo ako! Mamaya niyo na simulan ang ritwal sa pagtawag sa poging demonyo!" rinig ko ang sigaw ko sa video. Ako siguro yung nagvi-video. Kasalukuyan ngayong nasa labas ng bilog na may dalawang triangle sa loob na magkabaliktad sila Lica at Lina. Saka lang kami sinimulan yung ritwal nang masama na ako sa video. Sumasayaw kami at nagsasalita ng ibang kakaibang salita habang umiikot drawing na bilog.
Unang tumigil sa pagsayaw si Lina. "Hindi naman ata ito totoo. Tigilan na natin ‘to."
"Totoo ‘to! Kapag kami nakatawag ng poging demonyo hindi ka namin bibigyan!" sigaw ni Lica.
Walang nagawa si Lina kundi sumayaw ulit. Lumipas ang minuto ngunit wala pa ring nangyayari kaya  tumigil nalang kami sa pagsayaw at nag-away-away.
"Hindi naman totoo yung ritwal na pinagsasabi mo Ange!" sigaw ni Lica.
"Pinagod mo lang kami!" Sigaw rin ni Lina.
"Malay ko bang hindi totoo ‘yan! Noong ginawa naman ‘yan ng bida sa pinapanood kong anime nagtagumpay siya! Nakatawag siya ng poging demonyo!" sigaw ko.
"Gaga ka! Sa anime mo pala ‘yan nalaman! Malamang, hindi totoo ‘yan!"
‘Yan ang huli naming sinabi bago kami nagsabunutan. Kaya pala magulo yung buhok namin. Nagsabunutan pala kaming lahat. Nang matapos kaming magsabunutan ay nagtawanan kami at doon na natapos yung video.
"Delete this damn video, Lina. Baka pati yung taong para sa akin hindi na ako tanggapin kapag napanood niya yung video na ito," ani ni Lica.
"Kahit hindi mo sabihin, buburahin ko talaga ang kahihiyan na video na ito. Sira na ang buhay ko, baka lalong masira ‘to kapag kumalat ito."
Tinignan nila ako kaya tinaasan ko sila ng kilay. "What?"
"Wala kang sasabihin?" tanong nila.
"Kahit mapanood pa ‘yan ni Arthur nang isang daan na beses, hindi niya ako hihiwalayan. Mahal na mahal niya kaya ako."
Inirapan ni  Lica.. "Edi ikaw na ang may forever."
Napatawa ako nang mahina dahil sa inasta ni Lica. "Soon, mahahanap niyo rin ang forever niyo."
NAKANGITI ako habang sinasabi ko ang mga effects ng mga product na binibenta ko. Nag-o-online selling ako ulit ngayon. Kailangan kong magtrabaho para ako ay mabuhay. Wala na akong magulang. Bata pa lamang ako noong mamatay sila. Buti na lamang kahit papano ay may naiwan sila sa aking pera bago sila mamatay. Secured na yung pag-aaral ko hanggang sa makapagtapos ako sa kolehiyo dahil nilaanan talaga ito ng pera ng mga magulang ko.
Narito ngayon si Arthur sa bahay ko. Kasama ko siyang nag-o-online selling. Mas mabenta kasi kapag kasama ko siya. Ewan ko ba, ang daming bumibili sa akin kapag kasama ko siya. Kaya minsan ako na ang nagyayaya sa kaniya na sumama sa akin sa pag-o-online selling.
"HM po?"
"HM po sa seller?"
"HM po sa kasama ng seller?"
"Yung pogi na katabi ba ng seller yung magde-deliver ng bibilhin namin?"
'Yan na naman sila. Bakit ba palagi nalang sila nagtatanong ng HM? Nasa may caption ko na naman ng live ko kung magkano yung mga binibenta ko. Hindi ba sila nagsasawa na tanungin ako kung magkano ako? Pati si Arthur tinatanong nila kung magkano.
"Sorry, but I'm taken. Mayroon nang naka-mine sa akin," nakangiting sambit ni Arthuro at tinignan niya ako.
"Sa kaniya na ako."
Sorry, ganda lang.
Nang matapos ako sa pagbebenta ay niyaya ako ni Arthur na kumain sa labas. Sumama na ako sa kaniya. Libre niya raw, e. Masama tumanggi sa grasya. Pumunta kami sa restoband at kumain.
"Are you ready?"
Binaba ko ang kutsara't tinidor ko at tinignan ko si Arthur. "Ready for what?"
"Hindi ba I promise you, kapag sembreak na, pupunta tayo sa Alegros. Sobra ka na kasing stress sa school. Nabalitaan ko na nakakarelax daw sa Alegros. Maganda raw yung dagat doon, may white sand, at marami pang maganda na view."
"Oo nga pala. Naalala ko na. Sorry kung nakalimutan ko. Naging busy lang ako this fast few days kaya sobra akong na stress! Gosh, buti nalang talaga natapos ko na yung lahat ng plates ko. Ipapasa ko nalang ito sa Prof ko at magiging stress free na ako!." Pigang-piga yung utak ko kakaisip at kakagawa sa plates na 'yan. Pati yung wallet ko pigang-piga na rin. Maraming beses din kasi akong nagkamali, kaya marami na rin yung nabili kong materials. Deserve ko ng pahinga. Buti next week ay sembreak na. Makakapagpahinga na ako.
"Someday, you'll be Architect and I will be an Engineer. Kaunting tiis nalang. One year nalang, graduate na tayo," saad niya.
"Law of attraction! Magiging Engineer ka! Magiging Architect ako!"
Balang araw, madadagdagan ng Architect ang pangalan ko.
Architect Angela Valeria.

Komentar Buku (131)

  • avatar
    GalinatoJames

    thank you very much

    14d

      0
  • avatar
    Althea Mae O. Samosa

    its a good story

    23d

      0
  • avatar
    SapalNhora

    napagandang kuwento

    25d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru