logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Shanaia's POV
Pag-angat ko ng tingin ko, napatitig ako sa agaw pansing bulto ng lalaki na papalapit sa akin.
May sinag kasi ng araw sa likuran niya kaya nagmukha siyang anino na hindi kita ang mukha.
Paglapit niya ay napakurap-kurap pa ako kung siya ba talaga yung nakikita ko.
"Hi miss, handa ka na ba mawarak."
Si Grey! Anong ginagawa niya dito!
At putangina niya! Mabuti at lumipat na sa ibang linya ang mga nasa likod niyang costumer.
Walang nakarinig ng pagtawag niya sa akin maliban sa aming dalawa.
Napatitig pa ako sa mukha niya ng ilang minuto. Sobrang fresh, ang kinis kinis ng mukha. Parang di trabahante sa isang hotel.
Nawala ako sa pagpapantasya ko nang pumitik-pitik siya sa tapat ng mata ko.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Ehem, umm, G-good morning sir. May I take your order?" saad ko ng naka-tungo sa computer.
Napahinga ako ng maluwag dahil doon. Tangina talaga! Bakit dito pa!
Nang sulyapan ko siya ng tingin ay naka-taas ang isang gilid ng labi niya. Tuwang-tuwa pa atang mamerwisyo ang gago.
"Chill ka lang miss ganda. Parang wala naman tayong pinagsamahan."
Aba! Wala talaga!
Pogi sana ang kapal naman ng mukha.
Napabuntong-hininga ako bago siya hinarap. Doon ko lang napansin na suot din niya ang suot kong uniform, kaya lang ang pang-ibaba niya ay slacks. Napansin ko rin na naka-lagay na ang close sign sa harap ng computer. Kaya pala lumipat ang mga naka-linya kanina.
Dahil doon mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kaniya. 'Di ako makaka-kota nito eh!
"Ano bang problema mo?" mariing tanong ko.
Inihipan niya ako sa mukha at muntik na ako ma-distract sa bango ng hininga niya.
"I'm Grey Montero kung wala kang balak mag-tanong. Nagta-trabaho rin ako dito kung di pa obvious sayo. Saka, ba't ba ang init ng ulo mo? Dalaw mo?"
Patience Sha.
Tangina konti nalang masasapok ko na 'to. Una, ipainahiya ako.
Pangalaw, aalisan ako ng costumer.
Pangatlo, sinasayang niya ang oras ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at inalis ang close sign sa harap ng computer. Nginitian ko 'yung pangalawang costumer sa katabi kong counter saka tinawag.
Hindi pa siya naniwala nung una kasi naroon pa si Grey.
Nang samaan ko ng tingin si Grey ay gumilid siya saka inaya ang tinatawag kong costumer.
Buong maghapon ko doon, andun lang siya sa harap ko sa may counter. Minsan, kinakausap niya pa ang costumer na lalapit, aliw na aliw naman sila.
Dahil makarisma ang gago, mas madaming pumipila sa linya ko. Hindi ko nalang pinansin kasi magbe-benefit din naman ako doon. Kahit pa lantaran na ang panlalandi niya sa harap ko.
Matapos ang shift ko ng alas-seis ay agad na akong nagpalit at lumabas ng Fresco Dine dala ang mga gamit ko.
Naisip kong i-check ang phone ko habang naglalakad. Baka kasi tinatawagan na ako nila Mommy.
Pinigilan ko nalang ang lungkot na bumabalot sa puso ko nang makitang ni isa ay walang nagtangkang magtanong kung nasaan ako. Kahit si manang.
Hangga't maaari ayokong nagtatanim ng sama ng loob kay manang. Siya lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin mula pagsilang ko sa mundo.
"Siguro binawalan siya ng mga magulang ko. Tama 'yon nga..."
'Di ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Kahit ano kasing pangungumbinsi ko sa sarili ko, nangingibabaw ang ideyang ayaw na rin sa akin ni manang. Pagod na siguro siya kabe-baby sa tulad kong madrama at papansin.
Patuloy lang akong naglalakad hanggang sa napansin kong may tumabi sa akin at hinihingal. Nag-abot siya ng panyo at pag-angat ko ng tingin sa kaniya ay bahagya akong napatigil sa paglalakad.
Si Grey.
Hinintay ko siyang magsalita pero tahimik lang siyang nakatitig pabalik-balik sa mga mata ang mga gamit na dala ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" utal na tanong ko.
"Papunta rin 'tong apartment ko. Saan punta mo? Magka-camping ka ba?" natatawang saad niya.
Alam kong nagbibiro lang siya pero di ko maiwasang malungkot. Sana all may apartment. At sana nga, nagka-camping lang ako at may uuwian pa rin.
Kaso wala.
Napayuko lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Huy, joke lang," sabi niya saka humabol para makasabay ako sa paglalakad. Nagulat nalang ako nang hablutin niya ang isang travelling bag na dala ko.
Babawiin ko pa sana kaya lang inilayo niya sa akin. Hinayaan ko nalang siya dahil nabibigatan na rin ako sa kabubuhat doon mula pa kaninang umaga.
"Samahan na kita."
"No need. Kaya ko na," sagot ko kahit ang totoo ay 'di ko alam kung saan ang mga pwedeng upahan dito. Oo, alam ko ang pasikot-sukot dito pero di naman ako updated sa mga kaganapan kung may pa-upa ba or what.
"Saan ka ba pupunta?" tanong niya ulit.
Makulit din pala ang isang tao. Ilang minuto pa akong nag-isip ng sasabihin at nang sasagot na ako, inunahan naman ako.
Tinaas niya ang kaliwang kamay niya na walang hawak at saka itinapat sa mukha niya kunwaring kinakausap niya 'yon.
"Doon lang sa may tindahan baby Grey," saad niya na pinaliit pa ang boses saka tumingin sa akin at umirap.
Aba! Anong karapatan niyang irap-irapan ako.
"Feeling close mo 'no?" I said annoyed but I think I overacted cause he made a serious face before answering me.
"Minsan ka na nga lang magsasalita, mananakit ka pa. Badtrip naman to," he said at akala ko iiwan niya ako nang bitawan niya ang bag ko...
Magtatali lang pala ng sapatos.
Hinintay ko talaga siyang matapos dahil di ko na kayang buhatin yung bigat nung bag ko.
"Uhm, sorry for what I said and thank you," I said. He just nodded.
Biglang nawala ang masayahin at makulit na Grey. Nakakapang sisi tuloy.
"Oks lang. 'Di naman masaket," pagda-drama niya.
Napabuntong hininga ako bago sabihin sakanya kung saan ko talaga balak pumunta.
"Okay fine. Naghahanap ako ng apartment."
Nagliwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko. Parang may binabalak na kung ano.
"Sakto!"
Nangunot naman ang noo ko.
"Huh?"
"Naghahanap kasi ako ng kasama sa apartmen---"
"Ayoko!"
Kuha ko naang gusto niya mangyari at ayoko. Oo malandi ako pero ni minsan hindi ako sumama o nakipag-sex sa kahit na sinong lalaki.
"Sige na please!" sabi pa niya.
Umiling-iling lang ako. Nagulat nalang ako ng lumuhod siya sa harap ko. At dahil nga naglalakad kami, muntik pang madikit sa mukha niya ang pinakaiingat-ingatan ko!
"Bwiset ka!" saad ko sabay batok sa kaniya.
"Aray! Sige na naman! Kelangan ko kasi ng kahati sa babayarang upa. Dibale ako sa kama, sa sahig ka." Aba't talaga naman.
Binatukan ko nga ulit.
"Biro lang! Syempre, sa kama ka, sa sahig nalang ako," dagdag niya.
"I'm not convinced," saad ko.
Nagulat ako ng tumikhim siya at dumilim ang itsura niya. Mukha siyang businessman sa tindig niya.
Napaatras ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin.
"I won't accept no for an answer baby," saad niya.
True to his words, nakaladkad niya ako papuntang apartment niya. Kung paano, hindi ko rin alam!
Kaya naman pagpasok namin sa apartment kanina bigla akong na-frustrate. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa buhay ko!
Sinusundan ko lang siya hanggang sa napunta kami sa isang kwarto.
"Here's the room. Unfortunately, pang-isang tao lang talaga. Pero, 'di ko kasi talaga kaya ang buwanang bayad," siya.
Brinief niya ko sa mga bayarin at galawan sa apartment bago siya lumabas at maghahanda na daw siya ng hapunan.
Inayos ko ang mga gamit ko at dahil na rin siguro sa pagod ay napahiga nalang ako sa kama.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Pagmulat ko, ang gwapong mukha ni Grey ang bumungad.
"Get up babe, time for dinner," he said in a low voice.
Ano raw? Tulog pa ata diwa ko? 'Babe'?
Dahil na rin siguro sa taranta sa pinagsasabi niya, bigla akong napaupo sa kama at sabay napa-aray nang mag-umpugan ang ulo namin.
"S-sorry, tara kain na tayo," saad ko saka nauna nang lumabas ng kuwarto.
Sisig, sinangag at itlog na may halong hotdog. 'Yan ang naabutan kong nakahain sa maliit na plastic table.
I sat on one side na may tapat na plato at kutsara. Saktong pag-upo ko, lumabas na rin si Grey sa kuwarto hilot ang kanyang noo.
Pag-upo niya ay nag-sorry ulit ako. Tumango lang naman siya bago kami nag-umpisang kumain.
"Uh, ikaw nagluto lahat?" pagpapagaan ko ng atmosphere. Ang bigat kasi lalo na kung hindi lumalabas ang ngiti niyang akala mo araw araw fiesta.
Tahimik lang siya. Nag-iinarte pa ata ang gago.
"Masarap," dagdag ko. Gumaan ang pakiramdam ko nang mag-angat siya ng tingin.
"Hindi. In-order ko lang 'yan sa karinderya sa may kanto," seryosong saad niya saka yumuko ulit at nag-umpisang kumain.
Ano bang trip ng isang 'to at nag-iinarte? Minsan na nga lang ako makisama. Bahala siya sa buhay niya...

Komentar Buku (63)

  • avatar
    Mariefe Rodriguez

    nice Ang ganda❤️❤️❤️

    12/04

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    pwede ba ung mag ano kahit 2 days old palang ang baby? hehehe btw ang ganda☺

    06/02

      0
  • avatar
    Jenny Alminion

    need

    07/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru