"Huwag masyadong sipagan, Hope. You have still time. Recess ka muna," may pag-iingat na saad ni Plum habang inililigpit ang mga librong nagkalat sa ilalim ng kaniyang upuan. Tumango ako at hindi man lang naisipang mangiti. "Oo nga, gusto mo manood tayo ng championship game ng basketball? Saglit lang tayo roon." gatong naman ni Muffin na bahagya kong ikinabaling sa kaniya. They were not my companions, actually. Ngunit sa kagustuhan at pagsisikap nilang kausapin ako, ay nauunawaan ko, paunti-unti, ang halaga no'n para sa kanila. They have been very persistent upon getting close to me, since the first day of our class, ngunit hindi ko gaanong napansin iyon noong una, thinking that they only love the idea of interacting, and not to really engage understanding the depths of friendship. "Sige. Sandali lang," I then smiled a bit, startled by this sudden conversation. Pumayag akong sumama. Nasa last quarter na ang game ng maabutan namin ito. Dala ko ang notes ko roon, para pumuslit-puslit sa pagre-review. I just cannot waste my time watching. Sumimangot sa akin si Muffin nang makita akong binubuklat-buklat ang notebook, habang nanonood. Wala rin naman doon ang focus ko. Nakalimutan kong hindi ko pala hilig ang panonood sa ganito kaingay na uri ng laro. But. They invited me here, and I agreed. Puwedeng-puwede akong humindi, ngunit pinili kong sumama. To see how Muffin arched her brows, na para bang may napagtatanto, naisara ko ang aking binabasa. I must atleast... appreciate their efforts upon inviting me to join them in here. Hindi rin naging madaling sa ilang beses nilang marahang paglalapit-lapit sa akin upang makipag-usap, ay ngayon ko lamang iyon napagbigyan ng husto. Ngayon ko lamang sila napansin. And I feel like, I am accountable of that. "We can just send you in our classroom, Hope," Plum stalked silently and hesitantly. Although her voice was covered by the loud screams and cheers, nagulimahinanan ako sa dismayadong tono nito. "No, it's fine! I'll watch." Mabilis kong sagot sa kanila at nagsimula nang tumutok sa malawak na covered court. Trying... to contain my guilt, and the dismay laced in their voice and expressions. I noticed that most of the audiences were cheering for the yellow teams. Lamang na lamang na ito kumpara roon sa blue team. Napansin ko ang angas ng dating ng bawat isa suot ang kanilang uniforms, and dedikasyon sa bawat pagpasa at pagsalo ng bola, at ang pasyon sa bawat pagharap sa pressure na dulot ng laro... o maging ng mga manonood. "Alam mo, crush ko iyong isa diyan! Try ko ngang hingin number niya mamaya, e!" Humagikhik si Muffin. Natawa naman ako dahil panay ang kaway hiyaw niyo, pero hindi naman binabanggit kung ano ang apelyido o numero ng sinasani niyang crush niya. "Gusto mo bang samahan kami mamaya?" Medyo hindi kami nagkakarinigan kaya kailangang halos magsigawan. Kaniya-kaniyang paandar ang mga fan girls and boys, at cheering squads. Tahimik ko namang dinudungaw ang bawat sulok ng basketball court. Marami pa rin talagang hilig manood ng ganitong laro, talagang dinarayo ng mga tao. "Sige na, alam mo naman itong si Plum, may target ding college student." Bahagyang lumungkot ang boses niya. "Bakit ba kasi hindi tayo puwedeng pumunta sa College Building?" "Saan ba kayo mamaya?" Sa malakas ma boses ay tanong ko. "Sasalubungin lang natin siya!" May itinuro siyang manlalaro sa yellow team ngunit naibaba niya kaagad ang daliri niya kaya hindi ko na nalaman kung sino doon iyon. In the midst of the noise, shouts and screams, nagawa kong ituon ang mga mata sa piling manlalaro. Kasalukuyang nagsasalita ang emcee bilang pag-anunsiyo sa pagkapanalo ng yellow team. Nagawa kong mapanood ang huling bahagi ng quarter ngunit hindi rin iyon tumatak sa akin, tanging ang nangyaring dayaan lamang na pinangunahan ng mayabang na number 27. "Anong school ang yellow team?" I silently asked. "Uh, Notre Dame," Muffin sighed. Halatang namomroblema sa laro... o sa mismong manlalaro. Maruming maglaro ang kabilang team. Sa huling segundo ng laro ay nakita ko ang malakas na pagsiko ng isa sa yellow team sa kasalukuyang bumubuwelong miyembro ng blue team para ipasok ang bola. Naging dahilan 'yon para sa halip na maipasok iyon ay mas ininda ang malakas na paniniko sa kaniya. Nakuha ng yellow team ang bola, noong abala sa pagdalo ang ilan pang miyembro para sa nasaktang kasama. Nakita ko kung paano magbunyi at makipag-apir ang mayabang sa grupo nila. Napatayo ako roon, napalingon sa mga manonood na napasabay-sabay halos sa pangangantiyaw sa nasaktang manlalaro. Ang mga tagasuporta nito ay nagsimulang pagmumurahin ang manonood at ang buong yellow team. Hindi ko napigilang mapakurap sa tindi ng... inis para sa manlalarong mandaraya at mayabang na iyon. "Letche! Ang daya naman!" Napamura na rin sa tabi ko si Plum. Si Muffin naman ay titig-manununtok na dahil sa nangyari. Natapos ang lahat ng may pagmamaktol at panghihumutok sa dalawa kong kasama. Sumabay ako sa kanila. May sinilip siya. Pababa na kami sa isang hagdan. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. "Ang dami nila. Malabong makikita ko siya," saad niya. Kaya sa huli, mas lalong mayamot si Muffin at Plum dahil di umani'y dinumog ang mga crush nila. Nawalan sila ng chance to meet them. Gusto ko tuloy pagtawanan ang bawat reaksiyon nila. Pabalik sa klase ay nakita ko kaagad ang iritado at nayayamot kong matalik na kaibigan. Kanina pa yata ito naghihintay sa akin. Noong simula ay maayos pa ang disposisyon ko, but... Something is off. Napaiwas ako ng tingin. Nagsisimulang mamuo ang kaba sa aking puso. Namumuo ang butil ng pawis dala ng init ng panahon, ng tumitinding kaba para sa ibang bagay. Para sa mas malalim na dahilan. "Halata namang nandaya sa huling segundo ang yellow. Nakakainis lang at hindi pa rin foul iyon, e, malinis ang pagiging gago ng Claviroso na iyan!" Hindi ko na sila masundan. Sa bawat paglipas ng segundo at paglalapit ko sa kanila, mas nasasaksihan ko lamang lalo ang katotohanang... nasasaktan ako sa nakikita ko. Tumunog ang bell. Binilisan ko ang aking paglakad, ngunit sa pagkakataong ito'y ramdam ko rin ang pagsagad ng kaba sa dibdib ko at ang panginginig ng aking tuhod. Awtomatikong napatitig ako sa aking kaibigan. Umihip ang malakas na hangin, kasabay nito ay ang paghataw ng mas matinding sakit sa aking puso. "Boyfriend ko..." sagot niya sa hindi ko maisantinig na katanungan.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Hiii!! Ganda nmn ng ginawa mo story HEHEH
07/01/2024
0it's reading but I need money
17/07/2023
0niceeeeeee storyyy
14/04/2022
0Lihat Semua