logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

THE GLIMPSE OF HOME

THE GLIMPSE OF HOME

Essence Hope Meira


Bab 1 UNA.

Embrace.
Madalas kong tanungin kung ano ba ang kahihinatnan ng lahat, kung ipauubaya na lamang ito sa daloy ng tadhana. Mi-minsa'y sinubukan kong hindi kumilos at gawin ang mahahalagang mga bagay, ngunit natapos ang mga araw, ang tanging naramdaman ko ay ang pagsisisi na wala akong ginawa sa mga panahong minarapat kong kumilos.
Yes, and within those days I had my regretions, there's only thing I realized: To do things yourself, do not rely on the sense of letting your fate work for it. It must come to our selves. The action must be done by us, yet, hope that fate will lead us what is right.
"I object that! She never helped me do the household chores," Primrose ranted so suddenly. Narinig ko ito nang paakyat na ako sa kuwarto nilang dalawa. Marahan akong tumigil sa isang baitang ng hagdan at minabuting hindi muna magpakita sa kanila.
I have assignments to do yet, pero tinawagan ako ni Katalina'ng pumunta rito dahil may ipagagawa raw siyang proyekto sa akin sa UCSP niya. It has something to do with the collage, at tingin ko'y makatutulong naman ako sa kaniya.
Nakita kong kausap ni Primrose si Katalina. My bestfriend just looked at her sister with a rolling eyes. Siguro'y  nababagot na rin sa mga rant ni Primrose sa kaniya tungkol kay Dahlia.
Primrose never changed, however, she became more agressive; not that it never resonated in every part of her eyes, sa kaniyang mga kilos at salita. Whatever she say speaks recklessness, kung ano iyong lalabas sa bibig niya ay hindi niya binabawi. She sometimes doesn't know how to filter her words or even say sorry when she's hurt someone, dahilan kung bakit sa tuwing pupunta ako rito ay nagtatalo sila ni Katalina. Ilang beses na siyang pinagsabihan ng parents niya, but it seems nothing to her, o kung may naririnig man ay lalabas lang din sa kabilang tainga.
"No, she really never did! At palaging ako ang napagagalitan ni mommy, saying that I do not know anything about the chores, Katy!"
But I, somehow understand her. Hindi dahil pakiramdam ko'y wala siyang nagiging kakampi sa bahay na ito, kun'di dahil sa madalas kong pagpunta rito ay makikita ko kung paano siya desididong ipaglaban ang sarili niya.
At.. some points, I see how real she is, inspite of her rudeness.
I decided to just wait dowstairs, sa tanggapan nila ng bisita. Hindi ko na tinuloy ang pag-akyat sa kuwarto ni Katalina dahil tingin ko'y nagkakainitan pa rin silang dalawa. They needed that space, and I am out of that.
"You just didn't see how she works, Primrose. Stop victimizing yourself." I overheard Katalina, before I finally reach their sala.
One last glance at the grand staircase, nagpakawala ako ng marahang buntonghininga.
Nagdesisyon na lamang akong ihanda ang mga art materials na binili ko sa divisoria kanina to start her project. Iyong mga printed pictures na lamang ang hinihintay ko, na si Katalina ang magpo-provide.
Malaki ang bahay ng mga Claviroso, elegante ngunit hindi gaanong madisenyo. Ang unang tungtong ko rito ay noong nagkaroon ng aksidente during Intramurals sa school. Katalina's  mom asked me to get some of her things and bring it to the hospital, because she 's got into an accident habang naglalaro siya ng volleyball, noong panahon na iyon. Someone, I think, meant to hit her the ball at natamaan siya sa noo. I'd still remember how impactful it is, that she bleeded a lot dahil sa sugat, reason why she got unconscious after that incident. Mabuti na lamang at naidala siya agad sa infirmary para sa paunang lunas, but her parents decided to bring her to the hospital for admittion dahil wala siyang malay noon, and they worried so much about her.
I was just her only closest friend, and for her, I am a best friend. That is why I so much treasure our friendship the way she do, dahil siya lang rin ang pinaka-kaibigan ko. Someone that is genuine and true. I think that is the key for a long-lasting friendship: being true to one another, honest and open-minded.
"Oh, Realm, narito ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Katalina. Akala ko'y umakyat ka na." Si Nanang Telia, habang bitbit ang basket ng mga damit ni Katalina pababa.
"Nag-uusap pa po kasi sila ni Primrose kanina, kaya hindi pa po muna ako tumuloy," magalang kong sagot at nagsimulang isaayos ang mga gagamitin ko.
Lahat ng mga kasama sa kanilang bahay ay abala kaniya-kaniyang trabaho, at sa tuwing pumupunta ako rito, ay naaabutan ko ring pati ang mga magkakapatid ay tumutulong sa mga gawain, ngunit madalas din ang pagtatalo ng mga ito.
"Iyong si Primrose talaga, napakasuplada. Oo nga't kanina pa pinagbabalingan si Katalina. Nasaan ba si Dahlia?" Bumaling siya kahit saan, hinahanap ang presensiya ni Dahlia.
Hindi ko pa rin nakikita si Dahlia. "Siguro po'y natutulog pa."
"Maagang-maaga nagtatalo sila sa taas. Darating ang mommy at daddy nilang ganoon ang ayos, ay ewan ko na lang!" Mukhang pati ang kanilang mga kasambahay ay problemado sa magkakapatid na iyon.
Bahagya akong umiling at sinabing huwag mag-alala at ako nang bahala sa dalawa. Ngumiti ako ng bahagya nang may mapagtanto sa aking mga iniisip.
I wish...
"It's okay po, manang. Matututo rin sila." I smiled.
Nabaling ang atensiyon sa isang sigaw na nangmumula sa kusina.
"Nagkalat ang mga ginamit mo rito, dapat ay matuto kang ayusin iyon, Dahlia!" it's Manang Fatima, ang in-charge sa kusina.
"Bakit ako lang ang pinagagalitan dito? What about ate Kat and Prim? They are worse than me!"
I heard Dahlia from the kitchen. Umagang-umaga ay sinasagot si Manang Fatima.
"Kasi hindi ka nagliligpit! Hinahayaan mong ganito ang kusina!"
"That's your job to clean a mess. Ano pa't naging katulong ka, 'di ba?"
Nagkatinginan kami ni Nang Telia. Ang kumukulubot niyang balat ay lalo lang nakunot marahil sa paraan ng pagsagot ni Dahlia sa kanilang kasambahay.
Hindi ko pinalampas iyon. Nagmamadali akong pumunta sa kitchen nila. Nakasunod naman si Nanang Telia.
Una kong nilapitan si Manang Fatima at halos mangiyak-ngiyak ito nang tumalikod at tahimik na sinimulan ang pagliligpit. Kahit sino naman ay magagalit kung ganito kagulo ang kusinang dadatnan mo.
Dahlia just crossed the line. Anong karapatan niyang pagsalitaan ng ganoon ang ilang taon nang naninilbihan sa kanila?
"Why do you have to say that Dahlia?" tanong ko. Hinarap ko siya.
And she was not even guilty.
"Ako na po riyan, Manang. Maupo ka po muna."
"Bakit? Anong mali sa sinabi ko?"
"Ininsulto mo si Manang! Kahit sino naman masasaktan, Dahlia. Mag-ingat ka naman sa mga salita mo!" Hindi ko na napigilan.

Komentar Buku (6)

  • avatar
    ChozasClarisse

    Hiii!! Ganda nmn ng ginawa mo story HEHEH

    07/01/2024

      0
  • avatar
    UsmanKene

    it's reading but I need money

    17/07/2023

      0
  • avatar
    PasandalanNor-Amer

    niceeeeeee storyyy

    14/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru