logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

C H A P T E R 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━
Ilang beses ng pinagisipan ng dalaga kung tuluyan niya ba itong gagawin o hindi. Maraming mga negatibong pumapasok sa isip niya ngunit meron din naman mga positibo.
Pabagsak na umupo si Celeste sa kaniyang malambot na kama. Biglang nag alarm ang kaniyang telopono kaya agad niya itong kinuha.
'Today is my birthday!'
Malalim na napabuntong hininga si Celeste saka hinagis ang telopono sa nakabukas na maleta saka pabagsak na hiniga ang sarili sa malambot na kama.
Nakatitig lamang siya sa kisame. Maraming gumugulo sa isip niya, tulad na lamang na kapag hindi niya tuluyang ginawa iyon ay baka mas lalo siyang atakihin ng sakit niya, at baka maging malala pa iyon. Kung itutuloy naman niya ang balak ay gi-ginhawa na ang pakiramdam niya.
Ngunit bumabagabag sakaniya ang sarili niyang kakayahan.
Umupo siya sa kama saka nag indian sit at tinitigan ang naka impake na damit. Ni hindi niya 'nga alam kung paano niya natupi ng maayos at maglagay ng maayos ang mga gamit niya sa maleta niya.
Sanay na si Celeste na lagi siyang pinagsisilbihan ng mga katulong nila dito. Simula nangyari ang araw na iyon, dalawang taon na ang nakakalipas. Ay pinag-aralan niyang gumawa ng mga gawaing bahay at kung ano pa man upang maging handa siya sakaniyang plano.
Ang planong umalis sa mansyong ito at magtago sa mga magulang upang maging independent woman siya.
Patago niyang ginagawa ang mga ginagawa ng independent woman. Pinag-aral din siya ng mga magulang ng martial arts noong sampung taong gulang pa lamang siya. Kaya maipapaglaban niya ang sarili sa kahit ano mang mangyaring sakuna.
Ngunit hindi pa rin talaga mapalagay ang loob niya. Para bang may mangyayari sakaniyang hindi maganda kapag umalis siya sa mansyon ito.
She roamed her eyes in her room. Celeste will miss this kind of life. She can buy what she wants. She doesn't need to do the housework because there are have a maid to do the housework
Kumabaga ma mi-miss niya ang buhay mayaman.
Bumuntong hininga siya saka pinagdikit ang dalawang palad at mataimtim na nagdasal para sa kaligtasan niya at kaniyang mga magulang.
Hindi niya sigurado kung mag-aalala ba ang kaniyang mga magulang o hahanapin ba siya, o baka matutuwa ang magulang niya dahil wala ng peste sa buhay nila.
Ng matapos mag dasal, dumilat na siya. Bumagsak ang magkabila niyang balikat ng maalala ang malalang pag-aaway ng kaniyang mga magulang.
Hindi maipinta ang saya ni Celeste dahil ngayon ay kasama niya ang kaniyang mama sa hapunan.
Kahit na napapalibutan sila ng katahimikan ay masaya pa rin ang dalaga dahil ito ang unang beses na makasabay niya ang mama niya sa hapag.
Akmang aabutin ng kaniyang mama ang plato na may kanin ng bigla siyang tumayo saka nakangiting binigay niya ito sakaniya. 
Natural na mahaba at malaki ang kanilang mesa kaya kailangang tumayo upang maabot ang gustong abutin.
Wala sa paligid nila ang mga katulong. Tanging silang dalawa lamang.
Natulala si Celeste ng nginitian siya ng kaniyang Mama saka kinuha ang dalang kanin.
Her smile... is not fake, is real. Celeste never saw her mama smiled at her. Kung ngingiti ang mama niya, iyon ay peke. Ngunit ng nginitian siya kanina ng kaniyang Mama, sigurado ang dalaga na totoo yun at walang halong ka plastikan.
May namuong malaking pag-asa sa puso ni Celeste. Pag-asa na maayos ang ugnayan nila ng kaniyang Mama. Pag-asa na makakapiling at makaka bonding niya muli ito.
"Sit down. Lalamig ang pagkain."
Nabalik si Celeste sa reyalidad ng magsalita ang mama niya habang ang tingin ay nasa pagkain. Masunuring tumango siya saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Gusto niyang magsalita dahil sa nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila, kahit pa ang tanging nag-ingay lamang ang mga kobyertos nila ay hindi maiwasan ng dalagang mabingi sa katahimikan nila.
She cleared her throat. She took a deep breath before look at her Mama. But before she can utter a word, suddenly her Mama speaks.
"Sorry." Celeste's forehead knotted for what her mama says to her. 
"Sorry? For what? You-"
Her Mama looked at her eyes. "Hindi man lang kita naipaglaban sa Papa mo."
Nanubig bigla ang mata ng kaniyang mama kaya agad siyang nilukob ng kaba at pag-aalala.
"What are you saying? Mama?" Hindi na napigilan ni Celeste na lumapit sakaniyang mama saka pinunasan ang magkabilang basang pisngi.
"For 14 years, Celeste-" Celeste stops wiping her mother's cheeks when her mother holds her hands.
"-Fourteen years kang naghirap, nangulila ng magulang, nagtiis, at sinasabi sa sarili na okay lang ang lahat kahit hindi naman."
At doon tuluyang tumulo ang luha ni Celeste. Totoo ang sinabi ng kaniyang ina.
Araw-araw ng ginawa ng Diyos sakaniyang buhay, na lagi siyang binabaliwala ng kaniyang mga magulang sa tuwing paalis na ang mga ito papuntang trabaho at pag-uwi nila. Gusto niyang yakapin at halikan ang mga ito. Gusto niyang iparamdam sakaniyang mga magulang na mahal na mahal niya ang mga ito.
Ngunit hindi siya pinagbibigyan dahil sobrang busy nilang pareho sa work. Hiniling noon ni Celeste na sana may kapatid na lamang siya upang may makausap man lang siya tuwing nasa mansyon siya.
Ngunit agad din niya ito binawi dahil ayaw niyang maranasan ng magiging kapatid niya na nararansan niya ngayon.
Pinunasan ng kaniyang mama ang magkabilang basang pisngi ng nakangiti. Nahawa si Celeste sa ngiti ng kaniyang mama.
"I'm so sorry, Celeste," her Mama softly said and hugged her tightly. Celeste hugged her too.
Akala ng dalaga ay magiging maayos na ang araw niya. Ngunit doon siya nagkakamali. 
Nawala ang ngiti sakaniyang mga labi ng bigla bumukas ng malakas ang malaking pintuan. Kaya agad silang naghiwalay ng yakapan saka lumingon doon.
Nilukob siya ng matinding kaba ng makita ang kaniyang Papa na nanlilisik ang mata at nakakuyom ang mga kamo na para bang handang manuntok ng sino man.
Agad tumayo ang mama niya dahilan para mapatitig siya sa mukha nito na puno ng pag-aalala.
Bigla na lamang siyang hinarangan ng mama niya na para bang prinoprotektahan siya nito kaya agad siyang napatayo upang makita ang papa niya.
Nasapo na lang niya ang sariling bibig nang malakas na sinampal nang kaniyang papa ang kaniyang Mama. At dahil 'nga malakas iyon ay nag echo iyon sa apat na sulok ng kwartong iyon.
Akmang hahawakan niya ang mama niya sa balikat ay agad iyon nailayo ng kaniyang papa at marahas na hinawakan niya ito sa braso.
Nagsimulang manginig ang kamay ni Celeste dahil sa takot ngunit hindi siya pwedeng maging mahina ngayong may kailangan siyang protektahan.
"Bitawan niyo po si mama!" Pinigilan ni Celeste na pagtaasan ng boses ang kaniyang Papa dahil ginagalang niya pa rin ito.
Mas lalong tumalim ang mata ng kaniyang papa saka pabagsak na binitiwan ang kaniyang mama dahilan para mabagsak ito sa malamig na sahig.
Nanubig ang kaniyang mata ng makita ang sitwasyon ng kaniyang mama ngayon. Matagal na ba ito ginagawa ng papa?
Akmang hahakbang siya palapit sa mama niya upang tulungan siya ngunit agad din nahawakan ng kaniyang papa ang braso niya ng mahigpit.
Agad napangiwi si Celeste sa sakit saka naluluhang tinignan niya ang kaniyang papa.
"Bakit niyo po ito ginagawa sa'amin?" Pahina ng pahina ang kaniyang boses. Mas lalo siyang napangiwi ng hawakan pa ng papa niya ang isang braso niya saka iniharap sakaniya.
Siguradong mag kakapasa ang magkabila niyang braso.
"Hindi mo dapat nilalapitan ang mama mo!" Napapikit si Celeste sa sigaw ng kaniyang papa.
Nanginginig na rin ang mga kamay nito na nakahawak sa magkabilang braso niya, ng nakadadag iyon ng sakit.
"Cilino, bitawan mo ang anak-"
Agad napadilat si Celeste ng may narinig na pagkabasag ng kung anong bagay. Nanlaki ang mata niya ng makitang nasa sahig ang kaniyang mama, habang ang mga piraso ng mamahaling vase ay nasa ulo at gilid ng kaniyang katawan.
"Bitawan niyo po ako!" Nagpumigilas si Celeste ngunit sadyang malakas ang kaniyang papa kaya wala rin nagawa ang pagmumiglas niya.
Niyugyog ng kaniyang papa ang katawan niya dahilan para mapatingin siya rito. Mas lalong bumilis ang paglumibis ng mga luha sakaniyang pisngi ng makita niya kung gaano kadilim ang mukha ng kaniyang papa.
"Sa susunod na lalapitan mo ang Mama mo-" Matindi ang pagpipigil ni Celeste na pumikit ng umakto ang kamay ng papa niya na sasampalin siya. Hindi niya dapat ipakita sakaniyang Papa na natatakot siya rito. "-Hinding-hindi mo na siya makikita pa."
Sa isang pangungusap na sinabi ng kaniyang Papa ay nag-iwan iyon sakaniya ng matinding kaba at takot.
Natagpuan niya na lamang ang sarili na nakalapag sa sahig. Habang ang papa niya ay hila-hila ang kaniyang mama na para bang isang bag lamang ito na walang silbi sa buhay niya.
Hindi na naglaban ang kaniyang Mama, hinayaan na lamang na hilahin siya ng kaniyang asawa paakyat saknilang kwarto.
"Madame!"
Narinig niya ang sigaw ni aling Trisha, ang katulong nila. Ngunit hindi niya ito pinansin pa, sa halip ay nakatitig lamang siya sa palayong bulto ng kaniyang mga magulang.
"Kailangan na po natin gamutin iyong mga sugat ninyo." Inupo ni aling Trisha si Celeste sa kaninang kinauupuan niya saka umalis sandali upang kumuha ng igagamot sa mga sugat ni Celeste.
Hindi namalayan ni Celeste ang sunod na nangyari dahil ang utak niya ay nandon pa rin sa pangyayaring hindi niya inaasahan.
Hinihiniling ng dalaga na sana naging malakas na lang siya ng mga panahong iyon upang maipagtanggol niya lamang ang kaniyang Mama.
Hindi namalayan ni Celeste na basa na pala ang kaniyang pisngi, kaya agad niya itong pinunasan.
"You should not cry, Celeste," sabi niya sa sarili habang pinunasan ang sariling luha. "You need to be strong."
Pinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya iiyak pa sa mga problema ng kaniyang kinakaharap.
Dahil sa mga luha at takot niya ay hindi man lang niya nailigtas ang mama at ang kaniyang sarili.

Komentar Buku (29)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    19/06

      0
  • avatar
    PatalinghogMicah tulda

    this is so exciting

    03/03/2025

      0
  • avatar
    MallickJohnpaul

    popo

    02/09/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru