logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

DAKILA
"Dok Aki!"
Mula sa pagsasalansan ng mga bagong dating na gamot ay napalingon ako sa matinis na boses na pumasok sa clinic ko.
Napangiti ako nang bumungad sa akin si Anissa, ang pitong taong bata na naging pasyente ko noon na muntik nang lapain ng mga ligaw na lobo sa gubat.
Mabuti na lang at kasama ko si Elgar na naghahanap ng mga halamang gamot at narinig namin ang pagsigaw niya.
Nakagat siya sa kanyang kaliwang hita, mabuti at hindi pa gaanong bumabaon ang pangil ng lobo dahil kung hindi ay baka hindi na makakalakad pang muli si Anissa.
"Gawis ay agsapa Anissa, into nan nagapuam?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Humagikgik siya at bumulong sa akin, "Tagalog na lang po wala naman po si Apo Linda..."
Sabay kaming natawa at yumakap siya sa akin. Mula noong maliit pa siya ay lagi siyang tumatambay dito sa aking klinika. Tahimik lamang siya at nagmamasid sa akin lalo na kapag mayroon akong pasyente.
Sabi niya ay gusto niya ring maging doktor na tulad ko, gusto niya ring magpagaling ng mga ka-tribo naming hindi kayang magpagamot sa malalaking ospital dahil walang sapat na salapi.
Nakapagtapos ako ng kursong Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas sa tulong na rin ng mga ka-tribo ko, at sa edad na dalawampu't-lima ay masasabi kong nagtagumpay akong kamtin ang mga pangarap ng mga magulang ko para sa akin.
Ang nanay ko ay mula sa tribo ng mga Kankanaey dito sa Sagada o mas kilala ng mga taga-patag na Igorot, samantalang ang aking ama ay taga-patag.
Nagkakilala sila dahil na rin lumuwas noon ang Ina upang makapag-aral sa tulong na rin ng tribo namin. Nagtapos siya ng kursong Medisina tulad ko at isa na ring ganap na doktor, doon sila nagkakilala ni Ama at nanirahan doon matapos magpakasal dito.
Kahit may-kaya ang pamilya ni Ama ay itinaguyod niya kaming pamilya niya sa sarili niyang paraan. Mahal na mahal niya si Ina kaya nang mamatay si Ama dahil sa sakit nito sa puso, naiwan niya kami ni Ina kasama ang bunsong kapatid ko na si Danaya.
Dahil sa lungkot at pangungulila sa aming Ama ay bumalik si Ina rito sa Sagada at dito kami pinalaki kasama ang tiyahin ko at ang lolo't lola ko. Ang pamilya ni Ama ay hindi na kami kinilala pang muli dahil mga taga-bundok daw kami.
Ang klinikang ito ay kay Ina ngunit nagkasakit siya at namatay noong bago ako makapagtapos. Sa akin niya ipinamana ang klinikang ito na ako mismo ang nagpapatakbo at gumagamot sa kanila.
"Ano palang sadya mo dito? May masakit ba sa'yo? Masama ang pakiramdam mo?" hinipo ko ang at leeg niya, hindi naman siya mainit kaya wala siyang lagnat.
Humagikgik siya nang mapansin ang pagsasalubong ng kilay ko, tinakpan niya ang bibig niya bago sumagot.
"Wala po akong sakit Dok Aki, pero may
gusto sana akong ipakilala sa'yo," may pilyang ngiti sa mga labi niyang tanong.
"Si Ate Ar-" naputol ang sasabihin niya nang may magsisigaw sa labas ng klinika.
"Dok!"
"Dok Aki!"
Napalingon kami sa mga tumawag sa pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may bitbit silang babae na puno ng dugo.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Paham at Kislap na puno na rin ng dugo ang mga damit.
"Sinugod siya ng lobo Aki, dali at nakagat ang braso at balikat niya!" hiyaw ni Paham.
"Ihiga ninyo siya dito dali," inilapag nila ang babae sa nakahandang higaan para sa mga pasyente.
Inilabas ko lahat ang mga gagamitin ko sa panggagamot, "Saan niyo siya nakita?"
"Sa gitna ng gubat malapit sa bangin, mabuti at napadaan kami ni Kislap kung hindi..." napalatak na wika ni Paham habang nag-aalalang nakatingin sa babae.
Hinawi ko ng marahan ang buhok niya at napatda nang mamukhaan ko ang babae.
"Ate Arki!" sigaw ni Anissa na nagpalingon sa akin.
"Kilala mo siya?" nalilito kong tanong.
"Siya po yung-" akmang paliwanag ni Anissa pero biglang umungol na parang nasasaktan ang babae.
"Hmm... stop... please stop..." lumuluha niyang turan. Hinamig ko ang sarili ko dahil bigla akong nawala sa sarili ko nang makita ko ang mukha niya.
"Kislap pakikuha ng mga benda sa loob, Paham ikuha mo ako ng maligamgam na tubig, kailangan kong linisan ang sugat niya," sa nanginginig na kamay ay marahan kong ibinaba ang zipper ng jacket na suot niya.
Nang maibaba ko ay napapikit ako, tumambad sa akin ang manipis na sando niyang puti na hindi nalalayo sa kutis niyang halata mong malambot at alagang-alaga.
Sa ilang taon kong pagiging doktor ay ngayon lang ako nahirapang hubaran ang pasyente kong walang malay at duguan.
"Dok Aki ito na yung maligamgam na tubig," abot ni Paham ng plangganang may bimpo at tubig,
"Sige Paham pakilapag na riyan sa gilid at iwan mo muna ako dito," utos ko sa kanya habang inaalis ang jacket.
"S-sigurado ka Dok? Hindi mo kailangan ng tulong?"
"Oo kaya ko na ito, may dala ba siyang gamit?"
"Opo ito po!" lumabas siya ng maliit na silid at kinuha ang gamit ng babae. Pagbalik niya ay itinuro ko ang lamesita.
"Sige ilapag mo muna riyan at isama mo na muna palabas si Anissa, hindi puwede sa kanya ang mga ganitong tanawin," wika ko habang nililinis na ang sugat ng babaeng tinawag na Arki ni Anissa.
"Sige po, tara na Issa," aya ni Paham sa bata na hindi agad umalis at lumapit muli sa babae.
"Dok Aki pagalingin mo po si Ate Arki, ikaw na po ang bahala sa kanya. Babalik po ako mamaya kasama si Ina," lumuluhang turan ni Anissa bago lumabas ng clinic.
Pagkakuha ni Kislap ng mga benda ay pinalabas ko rin muna siya, hindi ko alam pero gusto kong itago ang ayos ng babae ngayon sa mata ng mga kalalakihan.
Nang matapos kong linisan ang sugat niya ay inumpisahan kong lagyan ng benda ang braso at balikat niya, "Anong ginagawa mo rito, bakit ka napadpad dito?" mahina kong tanong sa kawalan.
Mukhang puyat siya dahil sa nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, mabuti at maagap sila Kislap dahil kung hindi sila dumating ay natapyas ang braso niya ng lobo.
Mabuti at ilang galos lang din mula sa mga bato ang tinamo ng mukha niya at kabilang braso. Babantayan ko muna siya hanggang sa magising siya.
***
Alas-dos na ng hapon pero tulog pa rin ang babae, napatingin akong muli sa kanyang mukha at hindi ko maintindihan kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko.
Singbilis nang una ko siyang masilayan, nasa malalim akong pag-iisip nang may pumasok at magsalita.
"Dok Aki kamusta po si Arki?" napalingon ako at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Anya, nanay ni Anissa.
"Kilala mo rin siya?" kunot-noong tanong ko.
"O-po, nakilala namin siya ni Anissa kaninang madaling araw. Ang sabi niya sa Kalinga ang punta niya dahil maghahanap siya ng mambabatok. Kung alam ko lang na mangyayari ito sana pala pinilit ko na siyang sumama sa amin kanina," mangiyak-ngiyak niyang tugon.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Anya, ligtas naman na siya. Mabuti at dumating sina Kislap at Paham kaya hindi gaanong bumaon ang pangil ng lobo."
"Dok Aki, magiging lobo rin po ba siya dahil kinagat siya ng lobo?" inosenteng tanong ni Issa habang nakatitig sa babae.
Natawa ako at ginulo ang buhok niya, "Hindi totoo ang kuwentong iyon Issa. Gawa gawa lamang 'yan ng mga ninuno natin para hindi na lumabas ang mga bata sa mga bahay nila pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon. Wala pang nakikita ang siyensiya na maaring mangyari iyon kaya huwag kang mag-alala. Kita mo nga ikaw eh hindi naman naging lobo?" napangiti siya sa sinabi ko.
"Sana po magising na si Ate Arki para makilala ka po niya..." iyon lang ang huling sinabi niya at hinawakan na ang kamay ng babae.
Nagkatinginan na lang kami ni Anya sa sinabi ni Anissa.
Umalis din agad ang mag-ina, alas-sais na ng hapon at dinalaw na rin ako ni Danaya para dalhan ng makakain.
"Kuya sino siya? Anong nangyari sa kanya?" usisa ni Danaya habang nakatitig sa babae, "Ang ganda niya, parang pamilyar ang mukha niya? Saan ko nga ba siya nakita?" wika nito sa sarili.
Bigla naman akong lumapit, "Dayo lamang siya dito. Nakita lang siya nina Kislap sa gubat. Sige na bumalik ka na sa bahay, baka bukas na ako umuwi dahil kailangan ko siyang bantayan."
Hindi na umalma pa si Danaya at lumabas na ng silid, pero ilang beses siyang lumingon upang alalahanin kung saan niya nakita ang pasyente. Itinulak ko na siya palabas.
***
Hatinggabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakapwesto ako sa monoblock na upuan habang nagbabasa ng libro tungkol sa mga halamang gamot.
Napa-angat ako ng tingin nang bigla siyang umungol.
"Huwag please maawa ka sa'kin... no please. Let me go..." paulit-ulit na sambit niya habang umiiyak.
Hinawakan ko ang kamay niya at bumulong, "Walang mananakit sa'yo dito, sshh... nandito ako."
Mukhang narinig niya ako dahil kumalma siyang muli. Pinunasan ko ang butil butil na pawis niya, mukhang masama ang panaginip niya.
Nang may maalala ay tumigas muli ang ekspresyon ng mukha ko at tinitigan muli ang mukha niya.
"Ito ba ang dahilan ng lungkot sa mga mata mo?" umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok at mukha niya.
Maliit lang ang kanyang mukha at matangos ang maliit niyang ilong, at kahit makapal ang kilay niya ay bumagay naman iyon sa itim na itim niyang mga mata.
Nang mapatingin ako sa manipis niyang labi ay napahawak ako sa puso ko. Tingin pa lang sa labi niya ay para nang sasabog ang puso ko. Ginugulo niya ang isip ko mula nang una ko siyang makita at hindi maganda ito.
Hindi maari ang pagsikdo ng puso ko dahil hindi ko siya kauri, magkaiba ang mundong ginagalawan namin kaya habang maaga ay kailangan kong iwasan ang babaeng ito.

Komentar Buku (19)

  • avatar
    RO NA

    nice

    25/07

      0
  • avatar
    MalabananJonas Montes

    Jonas

    23/07

      0
  • avatar
    Aslee Son

    lovely

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru