Tatlong linggo lang ang lumipas at araw na ng kasal ko. Hanggang ngayon hindi ko parin nakilala ang lalake. Nakakapagtaka talaga, makikilala ko lang siya sa mismong araw ng kasal. Kasalukuyan akong inaayusan dito sa aking kwarto. Kasama ko ang mga kapatid kong nagaalala sakin. "Ate, may oras pa. Ayaw mo ba talagang tumakas?" Nakapikit ako ngayon dahil nilalagayan ako ng eye shadow ng make up artist. Hindi na lang ako kumibo. "Ate? Alam naman naming ayaw mo umalis dahil samin, but this time isipin mo muna sarili mo." Nananatili parin akong tahimik at tinititigan ang sarili sa salamin. Suot-suot ko na rin ang wedding dress. Off-shoulder na long sleeve ang style at naka flower bun din ang buhok ko. Natapos ang pag memake-up sakin at lumabas na ang mga nag-aayos. Humarap ako sa aking mga kapatid. "Iwan niyo muna ako, gusto kong magpag-isa." Saad ko na hindi tinitignan ang mata nila. Hindi ako makatingin, hindi ko kaya. "Ate, please. Ayos lang samin, basta you're happy." Saad ni Lily habang tinutungo ang pintuan. Tumango na lang ako bilang tugon. Si Kuya Ion ang natira sa kanila, lumapit siya sa akin at tinapik ng dalawang beses ang balikat ko saka lumabas ng kwarto. Ito na, nandito na. Wala nang atrasan. Mabilis kong kinontact si Sky. "Ako na lang mag-isa, nasan ka?" "Sa bubong." What? Napatingin ako sa bintana, ang taas ng tirik ng araw kahit alas-tres na. Ang init! My god! Napapaypay ako sa sarili ko. "Pumasok ka na dito, ang init-init dyan." Pinatay ko na ang tawag. Maya-maya'y may kumatok sa bintana. Mabilis akong lumapit at binuksan yun. Pumasok si Sky na may hawak na dalawang helmet, at naka suot ng itim. "Ang init-init sa bubong, doon ka pa tumambay." Saad ko sa kaniya saka nilakasan ang aircon. Lukarit 'tong babaeng to. Laging pinapahirapan ang sarili. Naupo siya sa sofa at humilata. "Saan naman ako tatambay? Lahat may bantay, pati sa dirty kitchen, doon sana ako dadaan nang may makita ako." Napabuntonghininga na lang ako. "Magpalit ka na, baka mamaya bigla tayong pasukin dito." Dahil sa sinabi niya yun ay agad akong lumapit sa pintuan at ini-lock ito. Pagkatapos ay kumuha akong damit sa walk in closet para makapagpalit. Habang nagbibihis ay may kinakausap sa phone si Sky. "Wae? Gureoke saenggakhaji annayo." "Geunyang gwandweo." "Ne, arrasseo." *Why? I don't think so. Just forget it. Yes, alright.* Binaba na niya ang tawag at lumapit sa akin. "Bilisan mo." Nagpatuloy na lang ako sa pagbibihis. Bakit ba ang hirap alisin nito? Di ko mababa yung zipper. "Kung tulungan mo kaya ako dito, para mapabilis." "Kaya mo na yan." Kaloka, makapagmadali, ayaw naman akong tulungan. Naibaba ko na rin ang zipper. "Bilisan mo pa. Ang bagal mo." Hindi ko na lang siya pinansin at nagbibihis parin. "Palli Aia!! Parating na maghahatid sayo sa simbahan!!" Sigaw ng sigaw ang kaibigan ko sakin. Natatawa na lang ako, mas taranta pa siya sakin. "At may gana ka pang tumawa, lukarit ka!!" Hindi ko mapigilan hindi tumawa sa kaniya. Ako ang tatakas pero parang siya ang kinakabahan. Pero buti na lang, nababawasan ang kalungkutan ko sa pag-alis. "Relax Sky, kasama kita. Panatag ako sayo." Napabuntonghininga na lang siya. Natapos na akong magpalit ng damit tsaka tinapon sa sofa ang wedding dress. Nagpalit na rin ako ng sapatos at nagsuot ng helmet. "Sumunod ka lang sakin, huwag na huwag ka ring titili kundi mahuhuli tayo." Paalala niya. Sinisimulan na akong kabahan ng hinawakan na niya ang door knob, sa lakas ng pintig ng puso ko pakiramdam ko naririnig na niya. "Ms. Aiana, aalis na po tayo, oras na po." Nataranta kaming dalawa. Sumenyas si Sky na umurong ako para magawa niyang ang kailangan niyang gawin. "Ms. Aiana, buksan niyo na po ang pinto, kailangan na po nating umalis." 1... 2...3, salo-salo na ngayon ni Sky ang babae. Tulog na ito at hiniga namin sa sofa. "Ready?" Tingin niya sakin, tumango na lang ako. Nakasunod lang ako sa likuran niya, mas lalo akong kinakabahan ngayon nakalabas na kaming ng kwarto ko. Napili naming dumaan sa dirty kitchen para walang makakita sa amin. Tuwang-tuwa ako na walang tao, pakiramdam ko na bunutan ako ng tinik. "Saan kayo pupunta?" Boses ng lalake ang narinig namin. Sabay kaming napalingon ni Sky sa likuran at agad niya akong hinila upang mapalayo sa lalaking iyon. Butler ni Daddy,n ahuli kami. "At sino ka? Bakit kasama mo si Ms. Aia?" Kilala ng butler ni Daddy si Sky, pero sa ngayon 'di niya siya makikilala dahil may suot siyang helmet. "Mwo?" Sa isang iglap, tumumba ang lalake na dumudugo ang ulo. Humarap sa akin si Sky na may bakas ng dugo ang helmet niya. "Mwo? Palli! Palli!" Hinatak niya ako at tinakbo namin ang minigate kung saan naghihintay ang kaniyang motor. Sumakay kami agad at pinatakbo niya ito. Napatingin ako sa rear mirror at may nakita akong sumusunod sa amin. "Sky, may nakasunod." "I know." Hindi ko na alam ang gagawin ko, naiiyak na ko. Paano kung maabutan kami? Paano na ako? Ayokong matuloy doon. Ayokong makasal. Ayokong matali sa hindi ko naman gusto. "Sky, bilisan mo pa. Please." Umiiyak na ko, sunod sunod ang patak ng luha ko. Ayoko. Ayoko. "Shhh, relax. Relax Aia. Sabi mo kanina panatag ka sakin. Ngayon patunayan mo." Bumilis lalo ang patakbo ni Sky sa motor. Lumipat na rin kami ng kabilang lane. "Anong ginagawa mo? Makakatakas tayo, makakatakas tayo habang buhay!" Natataranta na ako. Mamamatay kami. Nasasalubong namin ang iba pang sasakyan, tas may humahabol pa sa amin. Lalo na lang akong napaiyak. "Oh Godness! Panatag ka kamo sakin. Now I need you to trust me, okay?" "I trust you but I'm scared. I'm scared, Sky! Ayaw ko pang mamatay!" Dalawang sunod na pagputok ng baril ang naririnig ko. Galing ito kay Sky. Salamat sa Diyos at walang sasakyan ngayon, pero hindi parin nababawas ng takot ko. May nagpaputok muli ng baril, and this time alam kong galing na ito sa naka motor na yun. Nakaramdam ako ng kakaiba sa sinaksakyan namin ngayon. "Sh*t talaga. Aia! Close your eyes. Hold tight." Ginawa ko ang sinabi niya pero napadilat muli ako ng bigla siyang mag u-turn. Ngayon masasalubong na namin ang naka motor na humahabol samin. "Skylar!!!" Sunod sunod na putok ang narinig ko at sumemplang ang motor. Gumegewang gewang na rin ang sinasakyan namin. Nakakaamoy na rin ako ng usok. Mabilis na bumaba si Sky. "Baba!!" Bumaba ako at nakita kong umuusok ang gulong ng motor. Hinila ako ni Sky at pinapasok sa kotse. Agad niya akong sinuutan ng seatbelt, ganun din siya. Pinatakbo na niya ito ng mabilis. "Remove your helmet, para makahinga ka ng maayos." Sinunod ko ang sinabi niya at lumanghap ng marami hangin. "Pinatay mo yung tao?" "Hindi, hindi pa siya patay. Buhay pa yun, sa tingin ko." Hinubad na niya rin ang helmet niya at natawa. "Anong nakakatawa?" "Ganda nitong kotse, sino kaya ang t*nggang nangiwan dito na hindi naka lock?" Tsaka siya tumawa ng tumawa. "Salamat. Salamat dahil tinulungan mo ko." Naluluhang sabi ko. "Don't need to thank me, kahit di mo sabihin gagawin ko. Tutulungan kita. You're my best friend, and I don't want you to live unhappily." "Still, thank you." Ngumiti ako ng mapayapa. "Next destination, runaway girl?" Tumango-tango ako. "Nakakapagtaka rin na may humahabol satin ng ganun?" Napalingon ulit ako sa kaniya. "Bakit? Syempre tumakas ako, malamang hahabulin ako." "No, hindi yun. I mean bakit may baril yun? Ikaw ang mababaril kung sakali, mapapahamak ka rin." Sabagay pero, normal parin yun kapag may hinahabol ka para mapatigil? "Hindi nila ako babarilin dahil lagot sila kay Daddy. Ikaw ang babarilin nila hindi ako." Tama, dahil hindi naman siya nakilala kanina. "Still no. Walang baril ang tauhan ng daddy mo." "Huh? What do you mean? May baril sila. Dapat may baril for safety, pano kapag may biglang may nangyari samin?" Bawat tauhan may baril kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sky. "Walang baril mga tauhan ni Tito. Oo for safety dapat yun, pero wala silang baril. May phobia ang daddy mo sa baril diba? Kaya wala silang baril." Oo, dahil nabaril si lolo sa harap ni daddy noong bata pa siya. Pero, paano mo maliligtas ang amo mo kung wala kang baril? "Ano pinupunto mo ngayon? Hindi ko maintindihan." Nakakunot noo na ko. "What I mean is hindi yun tauhan ng daddy mo, hindi siya pamilyar sa akin. Ngayon ko lang siya nakita." Minsan na niyang naikuwento sa akin na madali siyang makakita ng mga pagbabago sa paligid o kung anoman, sa tao rin, madali niyang natatandaan kung nakita na niya ito o hindi pa. "Galing siya sa pamilya ng White."
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Thank you po and keep writing. ♥️
17/04/2022
0plss
07/11/2024
0maganda story
11/09/2024
0Lihat Semua