logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Run 2

"Sleep, bukas mo na lang ulit isipin yan."
Magkatabi kami ngayon ni Sky sa kama. Lumingon ako sa kaniya at nakapikit na siya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi talaga maalis sa isipan ko ang nangyari kanina.
Bakit ayaw nilang sabihin yung dahilan? Pwede naman nilang sabihin. Pero kahit ganon hindi parin ako papayag.
"Asahan mo na ang ganito. Hindi maalis sa ating estado ang fixed marriage."
Muli ako napalingon sa kaniya, nakadilat na siya.
"Ikaw, ano gagawin mo kung sayo mangyari to?"
Tanong ko kahit alam kong hindi naman mangyayari sa kaniya ito.
"Ako? Lalayas. I'll run away. You know that they can't rule me without explanation. Lagi akong naghahanap ng dahilan sa kahit ano."
Yan ang ugaling una kong kinasanayan. Hindi yan mananahimik kung hindi niya nalalaman ang mga bagay bagay.
"Sa bagay. May matatakbuhan ka rin kung sakali." Tinutukoy ko ang kinabibilangan niyang organisasyon.
"Ikaw rin naman, meron."
Dito na ako napabangon.
"Wala kaya. Ikaw at pamilya ko lang maasahan ko kung sakali." Bumangon na rin siya.
"I see. What do you think about running away? Kung ayaw mo talaga magpakasal."
Natahimik ako. Oo ayaw ko magpakasal pero, paano pamilya ko. Parang hindi ko kaya. Isa pa, wala naman akong mapupuntahan. Wala akong pwedeng pagtakbuhan.
"I'll help you if you want. Nasa sayo parin ang desisiyon, I'm just suggesting." Nahiga na siya ulit at pumikit.
Ayaw kong magpakasal pero ayaw kong iwan ang pamilya ko. Mahal ko sila kahit ganun, mahal ko magulang ko kahit ganon.
"I don't know. I don't think I can do it." Nahiga na rin ako.
"Think about it carefully. May ilang araw o linggo o buwan ka pa naman siguro. Hindi ka naman bukas agad ikakasal."
Hindi ko alam. Sasabog na utak ko sa pagiisip. Sa sobrang pag-iisip din ay nakatulog ako.
Nagising na lang ako sa boses ni Sky.
"Aia, wake up. Tumawag sa akin si Tita Madison, pinapauwi ka na."
Unti-unti akong bumangon at kinuha ang phone. Nakita ko na may ilang text sa akin sila Mommy at Kuya Ion.
"Magpalit ka na, ihahatid kita pagkatapos mag agahan." Lumabas na rin siya na nakapang-alis.
Ala-syete na pala. Pumasok na ako sa bathroom para maligo nang matapos ay pumasok ako sa walk-in closet para kumuha ng damit. Dahil sa laging pagpunta ko rito ay may damit na rin ako rito, ganon din siya sa kwarto ko.
Nagbihis ako ng white shirt at maong short tsaka white sneakers. Nag blower ng buhok at pahid ng kaunting lip gloss. Lumabas na ako at bumaba na sa kitchen. Nakita kong kumakain siya kasama ang katulong na kasing edad lang din namin.
"Hello Aia! Di na kita nakita kagabi, maaga kasi akong nakatulog eh." Bati niya saakin.
"Okay lang, Mila. Late na rin kasi kaming dumating kagabi." Hindi kasi kami agad umuwi, tumambay muna kami sa park para mapagusapan ang nangyari.
"O, kape. Para magising ka ng tuluyan, kanina ka pa namin ginigising, halinhinan kami ni Sky." Nilapag niya ang tasa sa harap ko.
Masyado ata akong napagod kahapon kaya ganon.
"Salamat. Kumain ka na rin."
Nagkaroon ng katahimikan sa aming tatlo pero binasag din ito ni Mila.
"Bat ganon? Di ako sanay ng tahimik."
Nangiti na lang ako. Di ko alam ang sasabihin.
"Nga pala Mila, pakilinis ang bebe ko."
"Sige, lilinisin ko na tapos na rin naman na akong kumain. Ako na magaasikaso ng pinagkainan niyo pagkabalik ko." Ngumiti siya sa amin.
"Salamat." Saad na lang ni Sky saka lumabas ng kusina si Mila.
"Yoon ang gagamitin natin?" Nakakamiss sumakay sa motor niya, sa bebe niya.
"Nope, sa kotse tayo. May lalakarin kasi ako mamaya." Uminom siya ng kape tsaka tumayo.
"Huh? I don't get it. Bakit pinapalinis mo pa iyon?"
"Kotse ang ipanghahatid ko, pero gagamitin ko rin ang motor kasi may lalakarin ako. Okay?" Natawa pa siyang bahagya.
"Okie!" Sabi ko nga. Sa organisasyon niya siguro siya pupunta.
"Tara na, nag text ulit sakin si tita." Hindi na niya ako hinintay at lumabas na siya.
Tumayo na rin ako at inubos ang kape. Pumunta kami sa garahe dahil nandoon pa ang sasakyan namin. Umupo ako sa front seat saka nagsuot ng seatbelt. Lumapit sa amin si Mila ng makitang dito kami nakasakay.
"Akala ko ba bebe mo gagamitin?"
"Mamaya pa, hahatid ko lang to." Kumaway na rin si Sky pati narin ako. Kumaway naman siya pabalik.
Hindi kasi alam ni Mila ang tungkol sa organisasiyon ni Sky, bawal rin ipagsabi. Sakin pwede, best friend ako eh.
Nakalabas na kami ng kanilang villa nang mag vibrate ang phone ko. Si Lily, tumatawag.
"Ate, where are you? Mommy is so angry."
"Papunta na ako. Nasa daan na kami ng Ate Sky mo."
"Okay. I'm nervous, ate. We have visitors, they're talking about you."
Napako ang tingin ko sa daan. Nasa bahay sila? Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Bababa ko na. Malapit na rin naman kami."
Pinutol ko na agad ang tawag.
"Do you want me to stay? Alam mo na, para may kakampi ka, mukhang wala eh." Gusto kong tumawa dahil medyo pabiro ang sinabi ni Sky, kaso masyado na akong kinain ng kaba.
"Huwag na, masyado na akong nakakaabala. Nandyan naman mga kapatid ko."
"Okay, balitaan mo na lang ako."
Hindi na nasundan pa ang usapan. Bumyahe kami ng tahimik. Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng gate at kitang-kita kong nakaabang ang mga kapatid ko.
"Hindi na ako bababa, ikamusta mo na lang ako kay Lily."
"Sige, salamat. Ingat ka sa lakad mo."
Bumaba na ako at sinalubong ako ng mga kapatid ko. Tumango na lang si Kuya Ion kay Sky at bumusina naman siya pabalik. Hinintay muna namin siyang umalis bago magsalita.
"Ate, totoo ba na ikakasal ka na?" Si Lilian. Bakas sa itsura niya ang pagaalala.
"Oo, ayoko pero wala naman akong magagawa."
"I'm sorry. Sinabihan kami kanina ni mommy and daddy, tutol kami at gusto ka namin tulungan pero wala kaming magawa dahil pinagbataan kami ni daddy na itatakwil niya kami. I'm sorry." Lumapit sa akin si Kuya Ion at hinalikan ang noo ko.
"I understand and thank you. Thank you for always there for me. Siguro tanggapin na lang natin. Wala na tayong magagawa." Pilit akong ngumiti para ipakita sa kanila na ayos lang.
"We can't help you Ate, but Ate Sky can." Saad ni Lily.
"Tumakas ka, magpakalayo-layo ka. Hindi kami papayag na basta-basta ka na lang matatali."
Nasabi na nga rin ito ni Sky, pero mahirap. Hindi ko kayang iwan sila.
"Pero paano kayo, ayoko kayong iwan."
Pumatak na ang aking luha na agad namang pinunasan ni Kuya Ion.
"We're okay here. Maging masaya ka lang, panatag na kami."
Napayakap na ako sa kaniya at umiyak. Naramdaman ko na ring yumakap ang dalawa kong pang kapatid. Their hug was so warm that makes me cry more.
Ito ba maiiwan ko? Sila lang ang meron ako, iiwanan ko pa? Sila ang kasiyahan ko.
"Senyor, mga senyora. Pumasok na daw po kayo sabi ni Senyora Matilda." Mabilis kong pinahid ang mga luha ko.
Naghiwahiwalay kami sa dahil sa sinabi. Tahimik lang kaming naglalakad papasok. Ni isa walang nagtangkang magsalita. Masyado na kaming kinakain ng takot at kaba.
Pagpasok namin ay sinalubong sa amin ang mga taong nagtatawanan. Napatigil sila sa pagtawa nang makita kami.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga bisita at nakita ang matandang nakilala ko kagabi, napakuyom na lang ako ng kamao. May kasama siyang matandang lalaki na siguro'y asawa niya. May kasama rin silang dalawang babae na sa tingin ko'y kasing edad lang ng magulang namin.
"Mga anak, magsiupo na kayo."
Isa-isa kaming naupo at tabi-tabi kami sa isang mahabang sofa na katapat ng mga bisita.
"Sila ang pamilyang White, nandito para mamanhikan." Nakangiting saad ni mommy.
Mamanhikan? Agad-agad? Ang bilis naman. Ibig-sabihin malapit na ang kasal?
"Where's that guy?" Napalingon kami sa sinabi ni Kuya Ion. "Hindi pamamanhikan ang tawag dito, nasan ang pakakasalan niya?"
Oo nga, hindi ko nakikita. Puro matatanda lang ang nandito.
"He is busy. He's still in Australia. Sa susunod na linggo pa an----"
"What the h*ll? Wala naman pala dito. Edi walang kasalang magaganap. Iharap niyo ung lalakeng iyon kung gusto niyo ikasal siya sa kapatid ko." Banyad ngunit galit na saad ni Kuya Ion.
Hinawakan ko ang kamay niya para huminahon siya kahit konti.
"Dad said he's busy, don't you understand that?" Sabi ng babaeng naka kunot ang noo.
"Huh? So? Iharap niyo parin, hindi pwedeng busy siya. Siya ang ikakasala kaya dapat nandito siya."
"Mommy, please stop this. And also, tell us the reason why Ate needs to get married." Nakisali na si Lily sa usapan.
Pati sa kanila hindi sinabi? I don't think that guy is busy. Anong meron at tinatago nila? Bakit ayaw nilang sabihin din yung rason?
"Our Ate can't marry that guy, kasi walang kwenta. This is so ridiculous!" Sigaw ni Lilian sa mga White. "Are you pranking us, Mommy? Daddy? This is not funny!" Baling niya sa kanila.
"Enough! This is all true! This is her fate, you need to accept it."
Ayoko nang pahabain pa, gusto ko nang matahimik. Dito rin naman mauuwi ang lahat, papatagalin pa ba? Hindi na mapipigilan, buo na ang desisiyon nila. Wala na akong magagawa.
"I'll accept it. Magpapakasal ako."
"Ate? Ate you can't!" Reklamo ng kapatid ko.
Basta basta nalang akong tumayo at umakyat sa kwato. Hindipinapansin ang pagtawag sa akin.
I'm sorry, patawarin niyo ako mga kapatid ko. This is all I can do, I'm sorry.

Komentar Buku (32)

  • avatar
    YviMontenegro

    Thank you po and keep writing. ♥️

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Xian Carl Capistrano

    plss

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Dela peñaAbanie

    maganda story

    11/09/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru