logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Unseen Feelings

Unseen Feelings

novicevision


Prologue

Napatigil ako sa pagtulong kay Manang sa pagluluto nang may naalala akong importante.
"Manang Marie, dumating na ba 'yong inorder na cake?" Napatigil si Manang Marie sa paghahanda ng pagkain at napalingon sa'kin.
What the fuck? nakalimutan ko i-check kong dumating na ba ang cake.
"Wala pa po ma'am" Mahinahon at may halong lungkot niyang sabi. Napahilot ako sa sintedo ko sa sobrang frustrated. Kanina pa 'yon! mag-uumpisa na 'yong party ng anak ko wala pa 'yong cake.
"Pakitawag nga manang sabihin mo pakibilisan" Naiinis man ay pilit kong pinakalma ang sarili ko. Mas magugulo lang pag sumigaw sigaw pa ako dito.
"Okay po" Nagmamadali itong umalis sa harap ko.
"Ayos ba ba ang lahat sa labas?" Tanong ko sa iba pa naming katulong.
"Malapit na po" Tumango na lang ako at hindi na sumabat.
Mabilis kong hinugasan ang kamay ko sa lababo at hinubad ang apron sa bewang ko. Napadaing naman ako nang minasahe ko ang balikat ko. I'm so tired! fucking tired.
Nilibot ko ang mga tingin ko at sinigurado na okay na ang lahat.
It's my baby's golden birthday that's why I want everything to be perfect.
Malalim akong bumuntong hininga at hinanap ang anak ko. Kanina pa 'yon nakikipaghabulan sa mga kaibigan niya baka pagod na pagod na 'yon.
"Mom!" Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses ng anak ko.
I smiled when I approached my son. He's turning eight years old now. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang laki niya na kahit ngayon naluluha pa rin ako habang pinagmamasadan siya.
"Mom" Tawag nito sa'kin ulit, I can't help but to smile. Gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan siya.
Umupo ako sa couch upang ipahinga ang katawan ko, kanina pa kasi ako tumutulong sa pagluto ng handa sa kusina kaya nangangalay na ako. It's super late na! mag uumpisa sana ang party around 12:00 pm pero dahil na-late ang pagdating ng cake ay kailangan pa namin maghintay nang matagal.
"Nasaan ang daddy mo?" Umupo ito sa binti ko at yumakap sa bewang ko nang mahigpit.
Pareho talaga sila ng daddy niya. Ang clingy! They always want to cuddle.
"Upstairs, mommy" Mukhang pagod ito dahil sa mabilis na paghinga niya. Sinilip ko siya upang tingnan kung okay lang ba ito.
kamukhang kamukha niya talaga ang daddy niya at ang unfair lang sa'kin dahil ako pa ang hindi niya kamukha.
"Mommy, I have something to tell"
Umalis ito sa pagkakaupo sa binti ko at may kinuha na bagay sa tabi ng couch. Nagkasalubong naman ang kilay ko.
"What is it?" Mahinhin kong tanong. Marahan kong hinaplos ang buhok niya.
"I found something" Napakunot ang nuo ko nang may pinakita ito sa'kin na sketchbook.
Nagtataka kong kinuha ito at tiningnan. Dahan dahan kong binuklat ang sketchbook. Saglit akong mapatigil dahil sa mga drawing na meron dito.
It's him, In different angles. Ang bata bata niya pa dito, siguro highschool pa no'ng ginuhit ko ito. Ang luma na rin ng sketchbook dahil may mga punit na rin sa gilid.
"Saan mo 'to nakuha, baby?"
"Sa bodega, po" Napangiti ako nang bumalik ito sa pwesto niya at yumakap nang mahigpit ulit sa bewang ko.
Pinilit niyang sinilip kung anong meron sa sketchbook.
"Familiar po sa'kin ang lalaki sa sketchbook" Tinuro niya ang lalaki sa drawing. Napatango ako sa sinabi niya, he really is.
"Who's that mommy?" He curiously asked.
Pinigilan kung matawa dahil ang cute ng itsura niya habang nakakunot ang nuo.
"Hindi mo pa rin nakikilala?" Tanong ko ulit. Umiling ito. His brow's furrowed while still staring at my old sketchbook.
Hindi ko na napigilan pang matawa.
He's really cute. Nakakagigil, ang sarap pisilin ang namumula niyang pisngi.
"It's familiar though" Mabilis niyang kinuha ang hawak ko at pilit na kinikilala ang lalaking nasa drawing.
Napaayos ako ng upo habang pinagmamasadan ang anak ko.
"Do you want me to tell you a story?"
Napangiti ako nang mabilis itong lumingon sa'kin at mabilis na tumango. Kumikislap ang mga mata niya halatang interesado sa ikwe-kwento ko sa kaniya.
"Really?" Mabilis akong tumango sa kaniya. Inayos niya ang pag upo at tinuon lahat ang atensiyon sa'kin.
Tiningnan ko ulit ang mga ginuhit ko noon, Bumalik lahat sa'kin ang mga alaala sa likod nito.
It's been years pero parang kahapon lang no'ng nagkakilala kami. I can still remember it vividly.
Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang tinitignan ang bawat page ng sketchbook ko. I'm really good at drawing huh?
"Let's say he's the one who taught me many great things in life" Napatitig ako sa kawalan habang inaalala lahat.
The secret place, the love letter, the sunset and of course him. Lahat ng 'yon ay nagpapaalala sa'kin sa nakaraan. Ang sarap lang balikan pero may parte rin sa'kin na huwag na lang.
"The boy I used to like" Mahina kung bulong sa sarili ko.

Komentar Buku (114)

  • avatar
    MoldonAprilyn

    ganda

    7d

      0
  • avatar
    VoungileXalvien

    it's so beautiful, I can't say anything about it, it's so beautiful

    18d

      0
  • avatar
    Cherrylyn Ramirez

    500

    28d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru