logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5 || Castellos Brothers

KINAUMAGAHAN ay kinuha na ako ni Prescia sa ama ko para paliguan at pagkatapos nun ay binihisan na ako at lumabas ng bahay. Syempre tuwang-tuwa ako kasi makakalabas na ako sa impyernong ito kahit panandalian lang. Nasa stroller ako at si Prescia naman ang nagtutulak. Nandito kami ngayon sa Garden at masasabi kong isa itong paraiso! Napakalawak! Punung-puno ng mga iba’t ibang makukulay na bulaklak. Pero magkakahiwalay. Sa kabilang direksiyon makikita mo ang magkakahilerang ‘Daisies’ at sakabila naman ay mga ‘Roses’ at ganun din sa iba pang direksiyon na may iba’t ibang magagandang bulaklak.
Gusto kong libutin ang buong hardin kaso mukhang kulang ang isa o dalawang oras para libutin ang buong hardin, baka mapagod lang si Prescia. Kaya lilibutin ko nalang ito mag isa kapag lumaki na ako.Excited na akong lumaki!
Masaya akong nasa labas ng bahay ng Ama kong abnormal, binigyan niya kasi ng permiso si Prescia na ipasyal ako dito sa hardin, kaso parang sumobra ata siya. Nagpadala ba naman siya ng limang bantay para sa’kin. Naloloka ako sa ama ko. Mamamasyal lang sa hardin at dito pa sa mismong bahay niya, bakit kailangan pang magpadala ng men in black na magbabantay sakin?
Pakiramdam ko isa akong prinsesa, at mahal na mahal ako ng amang hari. Syempre bangungot lang ito bakit pa ako aasa na mamahalin ako ng demonyong iyon, eh siya na nga mismo ang nagsabi kagabi na ayaw niyang magkaroon ng anak na babae. Kaya pala puro lalaki ang mga anak niya at gustung-gusto niya akong patayin.
“Are you happy now that you are outside the mansion, Milady?” Ngiting ani Prescia.
Oh yes! Hindi ako nasasakal dahil napakaboring sa loob. Hindi ko talaga akalain na ganito kayaman ang ama ko. Aware naman ako na mayaman nga siya pero hindi ko talaga akalain na napakayaman niyang nilalang. Mula sa labas at loob ng mansiyon ay bubungad sayo ang napakasosyal na daanan, dingding at kisame hanggang sa mga mamahaling kagamitan.
“I hope nothing bad happens to you, Lady Eri. It is very impossible that nothing bad will happen to you, especially since you were born into this family. “ Ngiting wika nito pero may bahid ng lungkot. Hindi ko namalayang huminto siya sa pagtutulak ng stroller ko. Ngayon ay nasa harap ko na si Prescia at matiim akong tinititigan. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.
Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Sa akin? May mangyayaring hindi maganda? Dahil ipinanganak ako sa pamilyang ito? Bakit naman? Bawal ba talaga magkaroon na babaeng anak dito? Kaya ba gusto akong patayin ng ama kong siraulo?
Bakit ba ganyan kayo magsalita? Bakit ba ayaw niyo sa akin? Hindi porket babae ako ay
Pabigat na ang tingin niyo sa’kin. Hintayin niyong lumaki ako, at ipapakita ko sainyo ang kaya kong gawin.
“Are you sure they are here?”
“Of course, I asked Butler Forger where Eri was and he said Eri was here in the Garden with her personal maid. “
Dinig kong boses na nasisiguro kong kina Ermin at Eren. At tama nga ang hula ko, nandito sila sa hardin at hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito. Namamasyal din ata sila. Kunsabagay malaya silang puntahan at libutin ang buong mansiyon at pati na rin ang hardin na ito kasi anak sila ng demonyo naming ama.
“Waah! Eri!” Sigaw ni Eren saka tumakbo papalapit sa akin.
“Hello, baby Eri.” Bati naman ng batang si Ermin na ngayon ay nakalapit na sa akin.
“I’m so happy to see you again. I missed you!” Usal ni Eren saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko atsaka ako hinalikan sa pisngi.
“Brother! Me too! Me too! I want to kiss Eri too!” Pangungulit ni Ermin.
“No! You’re too young to kiss a girl.” Pangangaral niya sa kapatid niya. Ahh kung ganun hindi kana bata, ayun ba ang ibig mong sabihin?
“But you’re a kid too!”
“I’m an adult! I just look like a child because I am cute.” Ani Eren.
Mayabang ka din eh noh? Pitong taon ka palang sigurado.
“Prescia, can we play with Eri?” Tanong ni Ermin.
“Of course, Lady Eri will definitely enjoy playing with you.” Nakangiting wika ni Prescia.
“Yehey! Baby Eri, Here’s my teddy bear, you can play it or put it on the bed while you sleep so you don’t have nightmares.” Ani Ermin saka ngumiti lumitaw ang kaniyang napaka-cute niyang dimples. Ang cute mo! Sarap ngatngatin cheeks mo!
“I…I have a gift for Eri too!” Biglang sabad ni Eren.
“Really? What kind of gift?” Inosenteng tanong ni Ermin.
Biglang natahimik si Eren at ngumuso ito. Bigla na lamang siyang tumakbo paalis na ikinataka naman namin.
Anong nangyare sa batang iyon? Wala sigurong regalo sakin kaya umalis para di mapahiya. Cute.
NARITO na ulit ako sa kwarto ko, parang ang bilis ng takbo ng oras at nakabalik na ko sa kwarto ko. Nabobored ako dito, wala naman akong gagawin. Puro inom, tulog at inom, tulog lang ang ginagawa ko. Hapon na at ilang oras na akong nakahiga dito sa kuna ko.
Naiinip at nababagot na ako. Gusto ko nang makapaglakad, gusto ko nang makapagsalita ng maayos. Gusto ko ng umalis sa impyernong ito. Kailangan kong makaalis dito bago nila ako patayin pero hindi ko alam kung papaano.
Lalo na’t two months old palang ako, paano ako makagagawa ng paraan para makaalis dito? Ano ba ang dapat kong gawin? Kailangan kong makapag isip ng plano. Sa ngayon ayoko munang mamatay.
Ang una munang gagawin ko ay bihagin ang mga nakatatandang kapatid ko para maging alipin ko. Bibihagin ko sila ng kakyutan ko. Kailangan ko munang mag umpisa sa madaling paraan.
Kung hindi gumana ang plano kong bihagin ang ama ko sa pagpapa-cute ko. Bakit hindi na lamang ang mga anak niya na magagawa ko pang utuin? Tutal duon naman ako magaling.
Oh sige! Sisimulan ko sakanila. Sigurado naman akong madali kong makukuha sina Eren at Ermin dahil mukha namang gusto nila ako. Kaya hindi ako mahihirapan sakanilang dalawa.
Hahahaha! Nadedemonyo ako.
“Lady Eri, why are you still awake? Can’t you sleep?” Nag aalalang tanong ni Prescia nang makarating siya.
Hindi ako makatulog kasi maliwanag ang paligid, hindi ako sanay na maliwanag ang paligid, paano ako makakatulog kung kumikinang yung tiles at pati na din ang kisame! Isama mo pa yung mga naggigintuang kagamitan dito sa loob ng kwarto ko atsaka nabobored ako!
Binuhat ako ni Prescia saka ako tiningnan. Nginitian ako nito at nginitian ko din siya pabalik na mas lalong ikinangiti ni Prescia.
“Do you want to play?” Tanong nito. Isa ka pang abnormal Prescia. Mukha ba kong sasagot ng matino eh hindi naman ako maayos magsalita.
“Hmmm, What if I take you to your siblings so you could play with them? And so you can get to know them better.”
Dadalhin niya ko sa mga kapatid ko? Hmmm, mukhang mapapadali ang plano ko. Okay sige!
“Ah-yah!” Pagsang-ayon ko. Mukhang isa din ito sa kailangan ko pang mag practice ang makapagsalita ng maayos.
Natawa na lamang si Prescia sa pagsagot ko pabalik.
Pinalitan muna niya ako ng damit, bago kami bumaba papunta sa sala ng mansion na ito. Sa sobrang laki ng mansion hindi ko na tuloy na sundan kung nasaan ang kwarto ko, basta ang alam ko lang ay nasa pangatlong palapag. Napakahaba ba naman ng hallway at matatagalan ka pa bago bumaba. Wala bang elevator dito? Hindi ba napapagod sa kalalakad si Prescia? Ako ang napapagod para sakanya.
Limang minuto ang nakalipas nang matunton na namin ang Living room. Nakaharap kami ngayon ni Prescia sa malaking pintuan ng kwarto na pinagbabantayan ng dalawang bantay.
Sinenyasan ni Prescia ang dalawang bantay na pagbuksan kami ng pinto at agad naman nitong sinunod ng dalawang bantay.
Bumungad sa amin ang napakalawak at mabintanang kwarto, nagkikislapang mga chandeliers dahil sa ginintuang kulay nito at ang sahig naman ay masyadong maliwanag at malinaw na halos makita mo na ang iyong repleksiyon. Maski ang napakahaba at napakalawak na sofa ay hindi ko alam na may ganitong nag e-exist sa mundo. Pati ang mga kagamitan dito ay naghahalong antique at bago na alam ko namang mamahalin ang mga ito. Ibang klase ang karangyaang mayroon sila.
Sa dulo mula sa pintuan papasok ng living room ay makikita mo sa malaking bintana ang hardin sa labas at ang isang malaking fountain na nasa gitna nito na nagbibigay ganda ng tanawin.
“Eri!”-Eren.
“Baby Eri!”-Ermin.
“Oh! Lil pet!”-Efraim.
“Lil sis!”-Estevan.
Ito ang unang beses na nakita ko ang pagmumukha ng Estevan na ito. Buti na lamang ay matalas ang pandinig ko kaya, pamilyar sa akin ang boses niya at nakilala ko siya kaagad.
Apat lang ang bumati sa akin, samantalang sina Efrain,Eleazar,Emir at si Blue-eyed guy ay tiningnan lamang ako at bumalik na sa kani-kanilang gawain.
Nagbabasa si Efrain ng napakakapal na libro sakabilang side ng sofa. Ibang klase ang batang ito, siguro nasa lima o anim na taong gulang na ang batang ito pero hindi ko akalaing hilig niyang magbasa ng ganyang kakapal na libro sa ganyang edad.
Si Eleazar naman ay nakatingin lang sa fountain sa labas. Si Emir at si Blue-eyed boy naman, nagbabasa din ng kung anong libro.
Naks naman! Pare-parehong bookworm.
“Eri! Come here!” Lapit sa akin ni Estevan. “Prescia, can I lift my sister?” Paghingi ng pahintulot ni Estevan.
“But…”-Prescia.
“I’m already 12 years old, so please?” Pangungulit ng nakatatanda kong kapatid na si Estevan. Anong kinalaman ng edad mo sa pagbuhat sakin?
Napabuntong-hininga na lamang si Prescia saka ako maingat na ibinigay kay Estevan. Natatakot tuloy ako baka mahulog ako.
“Aww, so cute. I want to eat you.” Usal nito.
Parang iba yung pagkakaintindi ko sa ‘I want to eat you’ na sinabi niya. Langya.
“Me too! Me too! I also want to lift Eri too!” Tatalon-talong papalapit si Eren sa amin ni Estevan at kinuha ang maliit kong kamay. “Eri, do you want brother Eren to lift you?” Anito.
Ayoko nga! Kinakabahan na nga ko na ngayo’y buhat-buhat ako ng isang ito, tapos isa ka pa sa magpapadagdag ng kaba ko.
“No, You’re still young so you can’t. I’ll be the only one to lift Eri because I’m an adult.” Usal ni Estevan.
Wow ah, adult kana?
“Nooo! I want to lift Eri!” Pangungulit ni Eren.
“Me too! I want too!” Pakikisali ni Ermin na ngayon ay nakalapit na din sa amin.
“Oh! Shut up! Will you? Tss!” Masungit na ani Eleazar.
Ang sungit nito nakakabanas.
Nakita kong tumayo si Emir at lumapit sa direksiyon namin.
“May i?”-Emir. Habang nakalahad ang dalawang braso niya sa harapan ko. Bubuhatin din ba niya ko?
“No.” Mabilis na sagot ni Estevan.
“Tsh, I also want to lift Eri so don’t be selfish.” Nakataas ang isang kilay ani Emir.
Sinamaan ng tingin ni Estevan si Emir. Nag aaway ba sila? Oh ny ghad. Hindi pa ko nagpapacute pero kusang lumalabas ang Charm ng cuteness ko. Nagagawa ko pa silang pag awayin dahil sa kakyutan ko.
Kailangan ko silang awatin baka magrambulan pa dito. Kahit pilitin kong magsalita ay hindi naman nila iyon maiintindihan, pero di bale na nga.
“Awuu~ waahh~ boo ahh!”
Natahimik silang lahat nang magsalita ako. Si Eleazar na nakatingin sa labas ng kwarto ay biglang napatingin sa akin. Sina Efrain at Blue-eyed boy naman na abala sa pagbabasa na ngayon ay nakatingin na din sa akin.
At ang iba naman ay nakatitig na rin sa akin. Takte! Anong meron?
“Eri is so cute!”-Ermin.
“Did you hear that? Eri said she want me to lift her!”-Eren.
Teka kailan ko yun sinabi!?
“Oh shut up! She said she didn’t want to see your face! So shoo!”-Estevan.
“No, she said. She’s irritated with you”-Emir.
“Can you please keep quiet? Eri is annoyed with you four. “ Sabad ni Efrain.
“Don’t rebuke them, just let them. They look stupid in what they’re doing.” Nakangising sabi ni Efraim. Demonyo ka ding bata ka.
“Brother Eros, do you have no intention of rebuking them?” Tanong ni Efrain kay Blue-eyed boy. Eros pala pangalan niya. Pangalan pa ng Ex ko na ginago ako. Tangina.
“Nah, it’s none of my business anyway. I don’t want to get involved in to troubles of others.” Walang emosyong wika nito na binalik ang atensiyon sa librong binabasa niya.
Ang wi-weird talaga ng mga batang ito.
“Estevan, don’t you have training today? You should be there at the right time otherwise you may be punished.” Biglang sabad ni Eleazar kaya lahat kami napatingin sakanya. Hindi ko alam pero may kakaiba sa tono ng boses niya nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Mukhang hindi magkasundo ang Eleazar at ang Estevan na ito.
Bakit Estevan lang ang tawag nito sa nakatatanda niyang kapatid? Magkasing edad lang ba sila?
Katahimikan ang namumutawi sa loob ng sala, walang nagtangkang magsalita ang isa sa kanila. Si Efrain at Eros ay bumalik sakanilang pagbabasa na para bang wala lang sakanila ang nangyari. Teka ano nga bang nangyari?
Sina Eren,Emir at Ermin ay nakatayo parin at sakin lang nakapako ang tingin.
At sina Eleazar at Estevan naman ay nananatiling nagtititigan.
Wala bang magtatangkang umeksena para mawala ang awkwardness?
Balak ko sanang umeksena nang biglang bumukas ang pintuan.
At iniluwa nun ay sina Butler Forger at ang ama kong demonyo.
Nang makapasok na sila ay napatingin sa akin si Butler Forger at nginitian ako nito.
Ang ama ko namang nilibot ang tingin sa amin at pumako naman sa akin.
Anong tinitingin-tingin mo diyan?
Dalawang minuto ang nakalipas nang makapasok sila sa kwartong ito. Syempre mahilig akong magbilang ng oras kaya alam ko.
Nanatiling nakatayo ang ama naming Abnormal na hanggang ngayon di parin nagsasalita. Ganoon din ang mga bata. Nanatili sila sakanilang pwesto at walang nagtangkang gumalaw.
Teka mannequin challenge ba ito?
“Estevan.” Panimula ng demonyo. Mabuti naman nagsalita kana. Akala ko pa naman nalunok mo na ang dila mo.
“What are you still doing here? Don’t you have training today?” Ma-awtoridad na wika nito.
“I…I’m going now.” Utal na anito atsaka lumapit kay Prescia at balak akong ibalik sakanya pero biglang nagsalita muli ang siraulo naming ama.
“Give me that child.” Usal ng demonyo naming ama na ikinanlaki ng mata ng lahat.
Bakit? Anong meron?
Parang nanghihinayang na ibigay ako ni Estevan sa Ama naming demonyo, para bang papatayin na niya ako ngayon.
“What are you doing? I said give me the child.”
“O…Oh yes, I’m sorry.” Lumapit na si Estevan sa ama namin atsaka ako ibinigay sakanya. Tumaas ang balahibo ko nang maglapat ang balat namin ng demonyo. Natatakot ako at the same time kinakabahan.
Nang buhat-buhat na ako ng ama ko ay tiningnan niya ako.
“You’re so ugly.” Aniya.
“Yoo aguru!” Usal ko. ‘You’re ugly too!’
“What?” Umarko na naman ang kilay ng demonyong ito sa tuwing magsasalita ako.
“Lord Erden, you still need to…”
“I know, let’s go.” Putol ng ama ko sa sasabihin sana ni Butler Forger.
Tumungo ang lahat bago kami makaalis. Naiwan tuloy si Prescia, at sina Eren at Ermin naman ay nalungkot nang makita akong umalis na kasama ang ama nila.
Anong nangyare? Dumating lang siya pero wala man lang siyang sinabi sa mga anak niya?
Ang weird talaga ng demonyong ito. Maski ang mga anak niya ang wi-weird. Hayss, sa Study room na naman ang bagsak ko.
Ayoko na!

Komentar Buku (201)

  • avatar
    Paul Henrich Untayao

    I like your story please followup the next story

    08/09/2023

      0
  • avatar
    AliceMiraflor

    Highly recommend!

    29/03/2022

      1
  • avatar
    paglasomairah

    lover

    1d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru