logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2 || Father • Brothers

꧁THIRD PERSON’S POV꧂
UMAGA na ng dalhin si Eri ng kaniyang personal maid sa banyo para paliguan ito. Hindi maiwasan ni Eri na mamangha sa loob ng banyo. Mga nagkikintabang tiles ng sahig pati hanggang sa kisame nito, pati na rin ang mga kagamitan nito sa loob.
“Miss Eri, today you will meet your father and your siblings.” Ani Maid, habang maingat niyang pinaliliguan ang sanggol ng maligamgam na tubig.
“You’re really weird Miss Eri, last night even though your father wants to strangle you,I didn’t see you crying. You really look like a very brave child.” Nakangiting usal ng Maid.
Napatingin naman ang Sanggol na si Eri sa kaniyang personal maid.
Hala, kailangan ko palang umiyak? Kunsabagay two month old baby palang ako, malamang tulad ng ibang sanggol ay iiyak-iyak. Pero anong magagawa ko? Hindi ako makaiyak. Siguro dahil sa matanda akong mag isip. Hello! 22 years old po ang nasa katawan ng totoo niyong amo!
Hindi parin nawala sa isipan ni Eri ang nangyari noong madaling araw na dumalaw ang tatlo niyang kapatid kuno pati na din ang Ama nilang napadaan sa kwarto ni Eri na bigla na lamang lumapit para sakalin siya. Pero ang nakapagtataka ay hindi man lang siya umiyak pero nakararamdam parin siya ng takot noong gabing iyong unang beses niyang makita ang kaniyang ama.
Dahil siguro ay naranasan na niyang mamatay.
Nanatili paring may guhit ang mga labi ni Prescia ang personal maid ni Eri. Matapos na niyang paliguan ang bata iniahon na niya ito sa bathtub at binalutan ng tuwalya at pumasok na sa loob ng kwarto para bihisan.
“CAN I Play with Eri, Father?” Malambing na sabi ni Ermin sakaniyang ama na abalang nagbabasa ng diyaryo habang sumisimsim ng kape.
Kasalukuyang kumakain sila ng Almusal kasama ang iba pang anak ni Lord Erden.
“No.” Malamig na sagot ng kaniyang ama.
Napanguso na lamang si Ermin saka itinuloy ang pagkain ng pancake nito.
Tahimik na kumakain ang pitong batang lalaki sa hapag kainan, may kumakain habang nagbabasa ng libro, may kumakain habang pinaglalaruan ang ulam at kanin nito. May kumakain habang binibilang ang butil ng kanin.
Sakabilang banda si Eleazar ay nakatulala at hindi niya pa ginagalaw ang pagkain nito na siya namang nakaagaw ng atensiyon ni Emir.
“Why are you not eating yet? Is it because of what happened last night?” Usal ni Emir na nakapagpabalik sa sarili ni Eleazar. “You’re spacing out.”
Bumuntong-hininga muna si Eleazar bago magsalita.
“I…I don’t know what will happen to that baby, because of her weirdness father wants to kill her now.” Walang emosyong wika ni Eleazar.
“It is always like this, Father is just looking for excuses to kill that child, how many our sisters have he killed?” Usal ni Emir habang kumakain ng bacon. Para bang sanay na sila sa ganoong pangyayari.
Mahaba ang hapag-kainan kaya hindi sila naririnig ng kanilang ama at mahina din ang kanilang boses.
Inialis na lamang ni Eleazar sakaniyang isipan tungkol sa batang iyon at nagsimula ng kumain.
Sakabilang banda ang dalawang kambal…
“Hey twin, look at this. Isn’t it pretty? “ Usal ni Efraim sa kapatid nitong abalang nagbabasa ng napakakapal na libro at ipinakita nito ang pink na collar.
“What is that? What for? Are you trying to adopt a dog? Father will be angry, you know how much he hates pets.” Usal ni Efrain.
“Nah I’m not going to adopt some shit.” Wika ni Efraim.
“Hey! Watch your words. Father might hear you.” Efrain scolded his twin brother.
“It’s for my little sister, she’s my pet.” Ani Efraim na ikinanlaki naman ng mata ni Efrain.
“You idiot! What are you think….”
“I’m just trying to help brother Eren, moron.” Pag putol ni Efraim sa kakambal nito.
Nanahimik naman si Efrain saka biglang pumasok sa isipan nito ang nangyari kaninang alas singko ng umaga.
Narinig nila ang kanilang ama at ng butler na nag uusap tungkol sa nakababata nilang kapatid na si Eri na balak patayin ng kanilang ama. Hindi nila sinasadyang marinig iyon dahil balak nilang puntahan ang butler para kausapin sana, pero hindi nila iyon inaasahang ayon ang maririnig nila.
“You know what happened right? Brother Eren, disobedient our father’s order not to approach our lil sister.” Dagdag pa ni Efraim saka inikot ikot nito ang collar sa kaniyang hintuturo.
“Even Elder brother Eleazar and Brother Emir,They disobeyed our father.” Dagdag pa ni Efraim.
Hindi na nakaimik pa si Efrain saka itinuloy ang pagbasa ng libro at kumain na rin.
Wala ng nagtangkang magsalita pa o magkwentuhan. Makalipas ng ilang minuto ay dumating si Butler Forger buhat buhat ang two-month old na si Eri.
-------------------------------
꧁ERI’S POV꧂
-------------------------------
KINAKABAHAN ako ngayon, hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa akin. Takte naman! Nagulat ako kagabi dahil biglang dumating yung Violet eyed-boy na yun at nakipagsagutan pa sa mga kapatid niya, tapos dumating pa tatay nila at isa pa sa nakakagulat bigla siyang lumapit sakin at binuhat ako na para bang plastic bag, at di lang yun bigla niya kong sinakal! Buti na lang dumating si Tandang Forger.
Gusto kong umiyak kaso nakakatamad kaya next time na lang. Ayokong pumangit.
Tapos na kong bihisan at ayusan ni Prescia, kaya naman ay tinawag na niya si Butler Forger na nasa labas.
Hindi ko alam kung bakit o namamalikmata lamang ako sa nakikita ko sa mga mata ni Prescia. Malungkot siya.
“Daboo! Woo-Yah!” Nagulat ako ng biglang napatingin sakin sina Prescia at Butler Forger at titig na titig sakin.
Takte bakit ganyan kayo makatingin sakin? Gusto kong magsalita pero napakaliit ng dila ko at sa tuwing balak kong magsalita ay para bang nagkakabuhol-buhol ang dila ko.
Biglang napatakip ng bibig si Prescia, at nakatitig lang sakin si Butler Forger.
“Miss Eri, you’re so cute. “ Usal ni Prescia. So yun lang talaga masasabi mo sakin? Hindi mo ba alam na kino-comfort kita?
“Ehem, I will take Lady Eri to Lord Erden. We’re leaving now.” Ani butler saka lumapit sakin saka ako binuhat. Tumango lamang si Prescia at sabay sabing…
“It’s a pleasure to take care of you Miss Eri. “ Mahiwagang ngiting sabi ni Prescia, hindi ko na siya nakita nang maisarado na ang pinto.
“You look even more lovely today, Lady Eri.” Nakangiting ani Butler Forger.
“Enk yu!” Sinubukan kong magpasalamat na ikinagulat ni Butler Forger.
“You are really unique Lady Eri, you are only two months old but you can talk.” Nakangiting sabi ni Butler Forger. “It’s a rare for two month old babies are able to speak, I think you are a genius.” Dagdag pa nito.
Ako genius? Hindi na rin masama.
Hindi na umimik pa si Butler Forger kaya pinagmasdan ko na lamang ang hallway na nilalakaran namin.
Puro figure statue, malalaking paintings at mga malalaking vase na alam ko namang mamahalin ang mga nakadisplay sa buong hallway.
Napansin ko lang na walang gaanong taong dumadaan dito. Gaano ba kalaki ang bahay na to? Bakit parang ang tagal naman naming pumunta sa patutunguhan namin ng Tandang Butler na to.
Saan ba niya ko dadalhin?
Huminto sa paglakad si Butler Forger at nakaharap kami sa malaking pintuan na
Pinagbabantayan ng dalawang men in black, mga bodyguard ata ang mga ito.
“Lady Eri, My Lord and the Young Masters are waiting for you.” Usal ni Butler Forger pero nakaharap parin siya sa pintuan.
Sinenyasan niya ang dalawang lalaking bantay na buksan ang pinto.
Bumungad sakin ang napakalaking kwarto. Dining hall! At masasabi kong napakasosyal ng kwartong ito. Nakita kong lahat ng atensiyon nila ay nakapako sa akin maliban sa lalaking nasa gitna ng dulo ng dining table.
“Eri!” Tawag sakin ng napakabatang lalaki.
“Ermin, Do not shout.” Pagsaway ni Blue-eyed boy. Kahit malayo ako sakanila ay pamilyar naman ako sakanilang boses.
Napayuko naman yung batang nangangalang Ermin.
Lumapit si Butler Forger sa Tatay kuno ko, kampon ni satanas. Bakit ka lumapit tanda!? Gusto mo talaga akong patayin noh?
“Lord Erden, Lady Eri is here.” Pag anunsiyo ni Butler Forger.
Hindi man lang umimik ang demonyong ito, bagkus ay nagpatuloy parin sa pagbabasa ng diyaryo.
Sa pagkabuwisit ko hinablot ko yung newspaper saka inihagis. Takte nahulog lang, bakit kasi napakaliit ng mga braso ko?
Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Siguro nagulat nga sila, pero di ko inabalang tingnan ang mga reaksiyon ng nila. Nanatiling nakapako ang titig ko sa tatay kong demonyo na papatay sa’kin.
Ang sama ng tingin siya sa’kin, syempre sinamaan ko ng tingin, papatalo ba ako? Kung paligsahan ba naman ng titig at sama ng tingin syempre may laban ako.
“F-Father.” Utal na sambit ng batang lalaking pumasok sa kwarto ko na nahuli yung dalawang batang lalaki na nasa loob din ng kwarto ko, in short si Violet-eyed boy.
“It looks like you are calling for your death.” Walang emosyong usal ng tatay kong ubod ng demonyo.
“Dabu! Boowah! Ah-yah!” Hindi ko maitindihan ang sarili ko, sinubukan kong makipagsagutan sakanya pero di ko naman naintindihan pinagsasabi ko. Buwisit na dila na to’. Paano ako mabubuhay kung napakahina at napakaliit ng katawan ko? Paano ko mapoprotektahan ang sarili ko?
“What are you fucking saying? Are you cussing at me?” Mas lalong nandilim ang mukha ng lalaking demonyong ito. Kahit gwapo ka hindi ibig sabihin luluhuran kita.
Akala mo matatakot ako sayo? Kung papatayin mo ko, bahala ka. Naranasan ko ng mamatay kaya hindi na bago sa’kin yan.
“Wow, Eri knows how to speak, her voice is so cute.” Napalingon ako sa nagsabi nun. Namamanghang nakatingin sa akin si Violet-eyed boy.
“She will be my best pet!” Napatingin din ako sa nagsalita nun. Si Green-eyed boy. Aba’t gago to ah, alam kong cute ako pero wala ng mas iku-kyut pa kaysa sa hayop.
“What? A pet? You’re so ridiculous.” Masungit na wika ni Blue-eyed boy.
Biglang tumahimik ang paligid. Lahat sila nakatingin sa akin at sakanilang ama. Samantalang ako masama parin ang tingin ko sa tatay kuno ko na demonyo naman.
Hindi ko maitindihan, bakit niya ko papatayin at hindi lang iyon naririnig siya ng mga anak niya pero wala silang pakielam kung ano ano pinagsasabi ng ama nila. Normal lang ba ito sakanila? Ano bang klaseng pamilyang ito?
Hindi na nakatagal ang tatay ko kuno na abnormal. Bumuntong-hininga muna ito bago magsalita.
“Feed the child first. After that, Take her to my Study room.” Ma-awtoridad nitong wika saka tumayo sa pagkakaupo.
Tiningnan muna ako ng Abnormal kong tatay ko kuno, saka nilagpasan ako at umalis.
Nang makaalis na siya ay nakahinga ako ng maluwang. Finally ligtas ako kahit ngayon lang.
Pinaupo ako ni Butler Forger sa harapan kung saan nakaupo kanina ang abnormal kong ama. Tumaas tuloy balahibo ko ng paupuin niya ako. Pero teka baby palang ako pero pinapaupo niya ko sa upuan? Abnormal ka din ba ha tanda?
Pero nagpapasalamat ako na inaalalayan niya kong maupo, hindi niya hinahayaang matumba ako.
Dumating na ang katulong na nagdala ng Bottle Milk ko. Nag effort pa si Butler Forger na paupuin ako, akala ko pa naman pakakaininin ako ng baby food, gatas parin pala bagsak ko.
“Butter Fudger, why does she only drink milk? Won’t she eat bacon?” Cute na tanong ni Ermin na abo ang mga mata. Sarap pisilin at ngatngatin ang chubby cheeks niya.
Nginitian ni Butler Forger si Ermin.
“Not yet, little master. She is too young, she has no teeth so she can’t eat bacon yet.” Ngiting sagot naman ng Butler.
Mabait naman ang Butler kaso may pagkashunga, sino ba namang magulang hahayaang paupuin ang isang two month old baby sa upuan diba? Shunga lang.
“Butler Forger, can she be my pet?” Usal ng batang lalaking kulay berde ang mga mata.
Aba’t talagang! Kanina ka pa sa akin ah. Kahit bata ka hindi ibig sabihin di kita kayang patulan. Humanda ka sakin kapag lumaki na ako.
“No, young master. She is not an animal to be your pet.”
Agree ako sayo Butler forger!
“She just look like an insect but she isn’t an animal to be your pet.”
Aba’t! Abnormal kayo! Ganun din yun eh para mo na ding sinabing mukha akong insektong madaling patayin.
Ang wi-weird ng mga taong ito.
MATAPOS kumain o sabihin na nating lagukin yung gatas…teka di kaaya-ayang sabihin na lagukin. Matapos kong inumin ang gatas ko ay dumeretso na kami sa study room ng tatay kong abnormal.
Kasalukuyan nasa high landscape stroller ako at nakaharap sa tatay kong demonyo na abalang nagbabasa ng kung anong dokumento at nagtitipa ng kaniyang laptop.
Samantalang ako ay mukhang nakatangang nakatingin lang sakanya.
Tutal wala naman akong ginagawa ay kailangan kong mag ehersisyo. Kailangan kong maigalaw at makontrol ng maayos ang mga braso’t kamay ko.
Naalala ko noong bata ako noong nabubuhay ako bilang Rei ay naglalaro kami ng Mama ko ng Sawsaw suka mahuli taya kaya ayun ang ginawa kong pang ehersisyo.
Hindi ko maangat ang mga braso ko kaya yung mga kamay ko muna ang iginalaw ko. Close, open, close ,open.
Nakakatuwa at di rin maiwasang matawa sa sarili. Mukha akong tanga at minsan kinikinitang napaka-cute ko talagang nilalang.
Sinubukan ko naman g iangat ang mga braso ko ng dahan dahan. Nang magawa ko ng maayos ay nag sawsaw suka mahuli taya ako magsarili.
“What the hell are you doing?” Dinig kong tanong ng Abnormal kong ama.
Para namang sasagot ako ng matino eh bulol ako. Isa pa itong shunga.
“I said what are you doing?” Magkasalubong ang dalawang kilay na tanong muli nito.
Aba’t galit na galit? Gusto na kong patayin?
Dahil gusto niya ng sagot sige magsasalita ako.
“Eeeh sher waaahh yah!”
“What?” Inis na sambit ng ama kong abnormal.
Sabi ko nag e-exercise ano ba! Sa tingin mo matino ako magsalita? Buang ka ba ha?
Umpog ko ulo mo buwisit ka.
Hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lamang ang pag eehersisyo.
Sinubukan ko namang abutin ang paa ko pero di ko maabot.
Ang liit ng kamay at braso ko nakakainis! Gusto ko ng lumaki!
Pilit ko paring iniabot ang paa ko kahit mahirap. Nang malapit ko ng mahawakan ang paa ko ay bigla akong umangat sa ere.
Buhat-buhat na pala ako ng demonyong ito. Alam niyo kung sa paano niya ko buhat-buhat? Para akong plastic bag na tinitingnan kung butas na ba yung plastic. Tanginang amang to, halatang di pa nakakahawak ng baby. Sa paraan ng paghawak mo sakin, eto ikamamatay ko.
“What do you think you’re doing, you insect?” Walang bahid na emosyong wika nito.
Para namang sasagutin kita ng matinong sagot eh di pa ko masyadong marunong magsalita.
Tiningnan niya ko ng kabuuan at ganun din ang ginawa ko. Saka ko lang napagtanto na Silver ang mata niya. Malinaw, pero hindi kumikinang.
“Your eyes.” Biglang sambit nito.” You look like a kitten to me.”
Nani? Sinasabi ba niyang cute ako kasi mukha akong kuting?
“But why you’re so ugly?” Dagdag pa nito.
Aba’t gago! Dito ata pinagmahanan ng batang lalaki na nagsabi din sakin kagabi na pangit ako.
Sarap niyong pag umpugin mag ama leche!
Hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya na ikinagulat niya at mas IKINAGULAT KO!
Hala! Nabigla ako! Hindi ko sinasadya!
Papatayin na ba niya ako!? Dito na ba talaga magtatapos ang buhay ko? Eh mahina lang naman yung pagsampal ko eh. Baby palang po ako.
Gusto ko ng umiyak.

Komentar Buku (201)

  • avatar
    Paul Henrich Untayao

    I like your story please followup the next story

    08/09/2023

      0
  • avatar
    AliceMiraflor

    Highly recommend!

    29/03/2022

      1
  • avatar
    paglasomairah

    lover

    1d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru