logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 7

CHAPTER 7
Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa utak ko 'yong nangyari kahapon. 'Yong pagkapindot ko sa cellphone, 'yong pagkausap ko sa kaibigan ni Kiano, na Wrix pala ang pangalan. Nagawa ko ba talaga iyon?
"Ano bang sinasabi mo? Sabing wala nga!" Napabaling ako kay Kiano na kasalukuyan ng pababa sa hagdanan. May kausap ito sa cellphone. Siguro 'yong kaibigan n'ya na namang si Wrix. "Baka dala lang iyon ng kalasingan mo kaya kung ano-ano nang naririnig mo."
Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit parang inis na inis itong si baby Kiano ko?
Dahil dakilang chismosa ako ay nilapitan ko siya na ngayon ay nakahinto na lang sa pang-apat na baitang ng hagdan mula sa taas. Mabuti na lang kasi mamaya baka sobrang abala niya pakikipag-usap niya mag kamali pa siya ng hakbang at malalag pa siya.
"Gago! Kahit pumunta ka dito wala kang babaeng makikita." he chuckled. "Talaga bang tumawag ka lang ba para mang inis,  ha? Kung alam ko lang talaga na walang kuwenta lang 'yong mga sasabihin mo ay sana hindi ko na lang sinagot pa ang tawag mo." sabay baba sa telepono. "Bwiset! Puro siya kalokohan." iritadong sabi nito sabay hakbang... ngunit nakalimutan ata niya nasa hagdanan siya kaya ang nangyari ay napalaki ang hakbang nito at hindi sumakto sa susunod na baitang kaya... nahulog ito.
"Kiano?" sigaw ko.
Nagpagulong-gulong ito sa hagdanan. Hindi man kataasan ang pinag laglagan niya ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot at pag-aalala.
Wala na akong sinayang na sandali. Agad ko siyang nilapitan.
May sugat siya sa noo at napakaraming dugo ang lumalabas dito.
A-Anong gagawin ko? Kinain na ako ng kaba at sobrang takot. Nagkarerahan na sa pagpatak ang mga luha ko.
Nangingnig ang kamay ko. Sinubukan ko siya hawakan ngunit tulad ng dati ay tumatagos lang ako.
"K-Kiano?" humikbing tawag ko sa kaniya.
"Ugh!" ungol nito. Ungol na sasaktan. Baghayang nauubo rin ito.
"Kiano?" muling tawag ko sa kaniya.
Dahan-dahang bumukas ang mga mata nito. Agad nagtama ang mga paningin namin. "S-Sino ka?" tanong nito habang titig na titig sakin.
Nanlaki ang mga mata ko. "N-Nakikita mo 'ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"P-Patay na ba a-ak—" nawalan na ito ng malay.
"Kiano?... Kiano?... Kiano?" paulit-ulit ko siyang tinawag sa pangalan niya. "H-Hindi. Hindi ka pa patay, hindi ko hahayaan na mamatay ka. Dito ka lang hihingi ako ng tulong." natataranta na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Huwag na, hayaan mo na lang siyang mamatay." napahinto ako nang marinig ko si Daemon. "Hayaan mo na lang siyang mamatay. Hindi mo ba napapansin? Ibinibigay na siya sayo ng kapalaran, so better yet sunggabanan mo na ang pagkakataon. Ayaw mo ba no'n, magkakasama na kayo. Walang kahirap, hirap, ang tanging gagawin mo lang ay hayaan mo siyang malagutan ng hininga. Tsaka isa pa, isipin mo na lang. Paano ka makakahingi ng tulong? Isa ka lang multo. Walang sinuman ang makakakita sayo." sulsol ng Demonyo.
Hindi ako nakinig dito. At laking pasasalamat ko ng biglang sumulpot si Miss Angel.
"Buti naman Miss Angel nandito ka na. Please naman, oh. Tulungan mo ako, nasa panganib ngayon ang buhay ni Kiano." nagsusumamo kong sabi.
"Grabe, lalo siyang gumanda. Buti naman nagpakita na siya." Bulong ni Daemon, at alam kong si Seraphina ang sinasabihan niya nito, hatang-halata naman kasi. Naks pumapag-ibig ang demonyito. In denial nga lang.
Sinamaan ako ng tingin ng demonyo. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Hmp! Hindi ako boto sayo para sa lady angel ko. Magpakabait ka muna. Lalo niya akong sinamaan ng tingin. Pero dinedma ko na lang na ito at inirapan ko siya. Akala niya siguro matatakot ako sa kaniya. Nek, nek niya!
Oo nga pala hindi ngayon ang oras para usisain ang love life ng dalawang bulinggit na ito. Kailangan ako ni Kiano. For the sake of our love story.
"Miss Angel, matutulungan mo ba ako?" pagsusumamo ko.
Ngumiti ito. "Puntahan mo na siya. Ayos na siya. Huwag ka ng umiiyak."
Dahil sa sinabi nito ay agad kong pinuntahan si Kiano. At naabutan ko siyang nakasalampak sa sahig kung saan ko siya nakahiga kanina. Wala na rin ang sugat nito sa noo. Agad ko siyang nilapitan, ngunit hindi sobrang lapit.
"Oh, fuck! Ang sakit ng ulo ko!" Daing nito habang hinihams ang noo nito kanina ay may sugat. "Ano bang nangyari? Bakit nandito ako sa sahig?" naguguluhang tanong nito na para bang wala siyang matandaan.
"Kiano?" Tawag ko sa kaniya.
At laking gulat ko nang dahan-dahan itong nag-angat ng tingin na para bang narinig niya ang sinabi ko.
"S-Sino ka? Bakit ka nandito?" kunot noong tanong nito.
"N-Nakikita mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Anong tingin mo sa'kin, bulag?" sabay tayo pagkakasalampak nito sa sahig.
Paanong nakikita niya ako?
"Ano? Answer me. Sino ka at anong ginagawa mo dito?" pagsusungit nito.
"H-Hindi ko alam kung sino ako." nakayukong sabi ko.
"What? Pinagloloko mo ba ako?"
Sunod-sunod akong umling. "Naku! Hindi baby ko. Totoo 'yong sinasabi ko."
"Baby mo? Ako baby mo?" may sumibol na maliit ngiti sa labi nito.
Patay!... Nakasanayan ko na kasing tawagin siyang 'baby ko'.  Baka kung anong isipin niya, kesyo ang assuming ko at feelingera.
"Hehehe." peke akong natawa. "Wala naman akong sinasabing baby, ha? Baka nabingi ka lang. Baka nagkamaling ka lang ng dinig. Grabe ang assuming mo sa part na ikaw sasabihan ko ng baby? Nagkakamali lang, usong maglinis ng tenga, try mo minsan." Napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko.
Inismiran ako nito. "Sasagutin mo ba ng maayos ang tanong ko o ipapa-pulis kita?" banta nito.
"Hindi mo magagawa iyan."
"Hinahamon mo ba ako?" Malamig ang boses na tanong nito.
"Hindi mo ako mapapakulong kasi..." huminga muna akong malalim. Mabuting sabihin ko na sa kaniya ang totoo. "...i-isa akong multo." halos bulong lang sabi ko, pero sigurado naman akong malinaw niya itong narinig.
"What? Pinagloloko mo ba ako, babae?" lumapit ito sakin sabay hawak sa braso ko.
Gulat na gulat ito ng hindi niya ako nagawang hawakan. "Is this for real?" nanlaki ang mga nito.
"Hi?" nahihiya kong sabi habang baghayang kumakaway. Trying na baguhin ang namumuong tensiyon sa paligid.
"I'm not dreaming, right?" bakas pa rin sa mukha niya ang hindi pagkapaniwala.
Dahan-dahan akong umiling. "Hindi ka na nanaginip, Kaino."
"Kilala mo 'ko?" kunot noong tanong nito. Nahihiya akong tumango.
Mukhang mahabang kuwentuhan ang magaganap.
Finally nalaman niya ng may ako, may ako na nagmamahal sa kaniya, pero for now hindi ko muna sa kanya sasasabihin ang nararamdaman ko. Tsaka na siguro, sa ngayon ipaparamdam ko na lang muna sa kaniya.

Komentar Buku (136)

  • avatar
    Ella Geng

    good

    15/10

      0
  • avatar
    smithjovanie

    subscribe

    30/08

      0
  • avatar
    Mark Zechariah Peniz

    i love

    03/06/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru