CHAPTER 5 FINALLY, makakagala na rin ako. Pupunta kasi ngayon ng market itong baby ko. At siyempre, hindi ako pwedeng mawala dahil mahirap na baka may lumapit pang higad sa kanya. Sobrang gwapo ng baby ko imposibleng walang babaeng lumapit sa kaniya. At least kapag kasama niya ako, mababantayan ko siya. Baby naman huwag ka naman masiyadong magpapogi, sa market lang ang punta mo hindi sa runway. Abalang-abala kasi siya sa harap ng salamin. Grebe, ang gwapo niya talaga. Naka suot siy ng sweat pants at puting long-sleeved shirt. Simple pero ang lakas ng dating niya, makalaglag panty. Buti na lang wala akong panty—charot lang siyempre meron, mamahalin pa nga, e. Change topic na nga lang, 'bat ba kasi napunta sa underwear ko 'yong topic? Napatingin na lang ako sa baby ko. "Gwapo ka na, tama na iyan. Tara na alis na tayo, excited na akong makita ang tunay na mundo. Lagi na lang kasi akong nandito sa mansiyon, malapit na akong tubuan ng ugat dito. WOW! Sasakay ba talaga ako sasakyan niya? First time ko lang kasi makasakay ng sasakyan kaya super nae-exite ako. Si baby ko naupos sa driver seat, alangan naman kasing ako 'yong magmaneho 'di ba? Ano namang alam ko do'n? Ako naman dito naupo sa front seat sa tabi niya. Ilang saglit pa ay Ini-start na nito ang engine ng sasakyan. "Heto na... Heto na... Wahhhh!...." HAHAHA! 'Bat ba, trip ko lang kumanta. Habang nasa biyehe kami ay aliw na aliw ako sa kakatingin sa bintana. Ang dami ko kasing nakikita, magandang tanawin, mga tao, mga bahay, mga sasakyan, at kung ano-ano pang mga bagay. Ang sarap pala sa labas. Sobrang aliw ko ay hindi ko napansin na nandito na pala kami sa super market. Labis akong humanga ng makita ko ito. Bumaba na si baby ko sa sasakyan kaya bumaba na rin ako. Dirediretso siyang pumasok sa market habang ako nakabuntot lang sa kaniya. "Ang gara mo naman, baby ko. Bakit puro gulay naman iyang pinagbibili mo? Iilang piraso lang 'yong karne, tapos puro isda pa." "Alam ko namang may iniingatan kang figure pero ang sarap kayang kumain." "Wow! Para namang nakakakain ka. Ang multo hindi na nakakaramdam pa ng gutom." ani ni Daemon, as usual bigla na naman itong smulpot. "Nakakaramdam kami ng gutom... gutom sa pagmamahal." The demon just chucked. "Hindi totoo ang pagmamahal, gawa-gawa n'yo lang iyan. Kasi kung meron niyan—kung totoo nga iyan... edi sana wala ng mga katulad ko." anito sabay disappear. "Kung saka-sakali ba, pwede ba kayong mabago ng pagmamahal?" tanong ko kahit alam kong wala na siya, pero alam ko naman na naririnig niya ako. "Masarap magmahal Mr. Demon, sobrang sarap, hindi man masuklian pero masaya pa rin. Hindi mo naitatanong pero... ang pag-ibig ay makapangyarihan, kaya nitong baliin ang lahat, kahit pa ang paniniwala mo sa buhay." "Hala! Teka? Nasan na si baby ko?" Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid ngunit hindi ko siya makita pa. Mr. Demonyo naman kasi, ba't mo ko dinaldal, iyan tuloy iniwan na ako ni baby ko! Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Paano na? Ano nang gagawin ko? "Imbes na tumunganga ka diyan, bakit hindi mo hanapin? Ano umaasa ka na ikaw ang hahanapin niya? E, ni hindi niya nga alam na merong ikaw. HAHAHA!" -Daemon "Heh! Kasalanan mo 'to, e! Apura kasi ang chicka mo sakin, iyan tuloy iniwan niya ako!" nangngilid na ang luha sa aking mga mata. "Wow! Nasisisi pa ako. Anyway nagpakita na ba sayo si Miss Angel?" "Yieee... ikaw, ha? Pasimple ka pa. Style mo bulok. Alam na alam ko na iyang mga galawan mo na iyan. Crush mo si Miss Angel 'no?" "Wala kang kuwenta kausap. Nagtatanong lang ako, dami mo nang sinabi, samantalang ang tanong ko ay just answerable by yes or no. Diyan ka na nga." nag-disappear na ito. In denial pa 'tong si Mr. Demon. Halatang-halata naman, mga pasimpleng sulyap mo kay Miss. Angel, huling-huli ko. Kumikislap at nagniningning ay iyong mga mata every time na tumitingin kay Miss Angel, it's full of admiration. Anyway, kailangan ko na pa lang hanapin ang baby ko. Imbes na libutin itong lugar ay pinasiya ko na lang na maghintay sa labas. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang sasakyan nito sa labas. Tinungo ko ito at pumasok dito. Dito na lang ako maghihintay. Hindi nagtagal ay namatahan ko na siyang papalapit. Ang dami nitong pinamili. "Hmp! Tampo ako sayo, iniwan mo ako, para kang others." "Ako hindi kayang malayo sayo pero ikaw basta-basta mo na lang akong iniiwan." "Ganyan mo ba ituring ang asawa mo?" Teka, bakit nakangiti siya? "Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Sinisermunan na nga kita tapos heto ka nagpapa-cute lang." "Wooh! That kiss is so damn, amazing." usal nito habang bahagyang napapa-iling pa. "Kiss?" "May k-kahalikan kang iba?" "Wala pang sampung minuto tayong naghiwalay tapos may nakahalikan ka na agad?" Tumulo ang luha ko. "Hindi mo manlang naisip na masasaktan ako sa ginawa mong iyon? Wala ka ba talagang pakialam sa feelings ko?" Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at pinahaturot na paalis. Asa naman akong maririnig niya ako. Hindi iyon mangyari kailanman. "Drama mo. Wala ka talagang utak." biglang sulpot ni Daemon. "Huwag ngayon demonyito, wala ako sa mood para sakyan 'yang kanegahan mo. Msakit ang puso ko ngayon." "Mali 'yong ginawa niya sayo. Hindi ka niya pinahahalagahan. Kung ako nasa puwesto mo... magalit ako. At baka nga sobrang galit ko ay—" "Nagsasayang ka lang ng laway demonyito, kahit anong sabihin mo hindi ako papadala sa mga sulsol mo." "Gusto lang kitang tulungan." "Anong klaseng tulong? Tulong na naghahatid sakin sa kapahamakan?" "Kasiyahan ang hatid ko sayo. Ayaw mo no'n makakapiling mo na si—" "Ahhh... Yayayayayah! Hindi ako makikinig sayoooh!" tinakpan ko ang tenga ko habang sinasabi ito ng pakanta. Umsok ang ilong ng demonyo. "Mas pinili mo pa rin talagang makinig sa anghel na iyon? Ni hindi pa nga siya nagpapakita dito." "Ayon, lumabis din ang totooo... gusto mo siyang makita." may pang-aasar sa tinig ko. Sabi na nga e, may gusto siya kay Seraphina. "Wala akong gusto sa kaniya. Bakit naman ako magkakagusto sa kaniya? Oo maganda siya pero—ah, basta. Bakit ba nagpapaliliwanag ako sayo?" anito bago naglaho. Naku, naku. Todo tanggi ang demonyito. Huling-huli na lumulusot pa. Nakakainis! kuwento ko 'to, e. Dapat love life ko lang bida, hindi dalawang bulinggit na iyon. Speaking of. Bakit kaya hindi nagpapakita sa'kin si Miss Angel? "Dahil alam kong kaya mo naman ang sarili mo." ngayon naman bigla itong sumulpot. "Tiwala ako sayo na 'yong tama pa rin ang pipiliin mong gawin." "Noted iyan Miss Angel, say yes sa kabutihan, say no sa kasamaan."
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
good
15/10
0subscribe
30/08
0i love
03/06/2025
0Lihat Semua