logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 6

Pagkatapos namin mananghalian ni Bel, nagpunta kami sa ilog para maligo. Sya naman naglaba ng mga damit namin. Unti unti na din akong nasasanay na walang sabon at shampoo dito. Hilod hilod lang.
Inabot ko kay Bel ang pinagbihisan ko. Nagpaalam ako sa kanya na maglalakad lakad muna ako sa tawid ng ilog upang mamasyal. Sinabi ko sa kanya na hindi ako lalabas sa hangganan ng pananggalang o barrier ng hindi sya kasama.
Pipigilan pa sana ako ni Bel pero sinabi kong saglit lang ako. Guni-guni ko lang siguro yung ekspresyon na nakita ko sa mukha nya. Para kasing ayaw nya akong papuntahin sa parteng iyon pero wala na syang nagawa dahil nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Napansin ko din na mas maganda sa gawing ito. Napapalibutan ng puno ng niyog ang lugar. Damang dama ang buhay bukid dito. Sa bandang gitna noon ay may space na parang pinaggibaan ng kubo.
May nakatira ba dito dati?
Kapansin-pansin din ang paligid niyon. May mga halamang namumulaklak at mga halamang gamot doon. Medyo kumalat na nga sila dahil siguro wala ng nag-aalaga.
Aalis na sana ako sa lugar na yon ng mapansin ko ang kakaibang halaman sa di kalayuan. Medyo orange ang kulay ng bulaklak noon at hindi mapag-kakailang maganda sa paningin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko doon hanggang sa sumakit ang ulo ko at may mabilis na imahe ang gumuhit sa isip ko.
"Lirio ang tawag sa bulaklak na ito, Anstasia. Kasing ganda nating dalawa hindi ba?"
Sino ang babaeng to? Bakit parang kilalang kilala ko sya?
Halos biyakin ang ulo ko sa sakit! Paulit ulit na dumadaan sa isip ko ang ngiti ng babaeng yun.
Iniling ko ang ulo ko at pinilit na imulat ang aking mga mata. Umiikot ang paningin ko na nagdulot sakin ng sobrang pagkahilo. Naghalo na ang sakit at hilo na nararamdaman ko.
Ganitong ganito ang pakiramdam ko ng gabing lumabas ako sa kwarto noong madaling araw na iyon.
Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko at alam kong anumang oras ngayon ay babagsak ako sa lupa. Napatingin ako sa patakbong lumalapit sakin. Malabo na iyon sa paningin ko pero pilit ko syang inaabot.
Bel! Bilisan mo, Bel. Hilong hilo na ako.
Abot kamay ko na sana sya ng tuluyan ng nawalan ng lakas ang mga binti ko. Hinang hina ako. Hilong hilo at sobra ang sakit ng ulo.
"Binibini ko."
Riyu?
Ganon na ba kaextreme ang sama ng pakiramdam ko na pati ang boses ni Riyu naririnig ko na?
Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko senyales na may bumuhat sa akin kasabay noon ay ang tuluyang pagdilim ng aking paningin.
----
Pagmulat ko ay mukha ni Bel agad ang nakita ko. Umiiyak ang dalagita kaya hindi nya napansin na gising na ako.
"Bel..."
"Binibini!" mas lumakas pa ang iyak nya.
"Dapat talaga hindi kita hinayaan na pumunta doon! Kung hindi dumating ang ginoo at hinanap kayo sakin, baka hapon ko pa po kayo natagpuan doon na walang malay!" iyak pa din sya ng iyak.
Ibig sabihin si Riyu nga ang narinig ko kanina.
"Sandali lang po binibini, ikukuha ko po kayo ng mainit na maiinom."
Umupo na din ako at pinagmasdan si Bel habang palabas sya ng pinto. Pagbukas nya ay sya ding pasok ni Riyu.
"Gising ka na pala, binibini ko."
Bahagya lang syang ngumiti sakin. May hawak hawak syang bao at malinis na puting tela. Tubig ang laman ng bao nung ilapag nya yon malapit sa hinihigaan ko.
"Mahiga ka na muna. Magpahinga ka. Masyadong mataas ang lagnat mo binibini ko."
Right. Binibini ko. Namiss ko yon. Namiss ko sya.
Inalalayan nya akong mahiga ulit. Pagkahiga ko, binasa nya ang tela sa tubig galing sa bao. Base sa amoy noon, mukhang pinakuluang mga halamang gamot.
Piniga ni Riyu ang tela bago nya ito inilagay sa noo ko. Pagkatapos ay umupo na sya patalikod sakin.
Tahimik lang sya. Nakakapanibago.
----
"May nahuli ako Riyu!" tuwang tuwa ako habang mahigpit na hawak ang katamtamang laki ng isda na nahuli ko sa ilog.
Kinuha nya ang basket na pinaglalagyan namin ng mga huli namin. Tinuruan nya ako kung paano humuli ng isda ng walang gamit na matulis na bagay. Kailangan lang maicorner ang isda hanggang sa makarating sa mababaw na parte ng ilog saka itutulak papunta sa lupa.
"Meron na tayong limang piraso binibini ko." Nakangiti sya habang paulit ulit na binibilang ang mga isda.
May kung anong saya ang dumaan sa puso ko na makita syang nakangiti. Hindi bagay sa kanya ang salitang 'assuming'.
Inalalayan ako ni Riyu paakyat na pabalik sa kubo para lutuin na ang mga nahuli naming isda ng biglang may humila sa braso ko. Patakbong sumunod si Riyu dahil sa nangyari.
Nilingon ko ang humila sakin at doon ko nakita na katabi ni Bel si Mathilda.
Si Bel ang humila sakin.
Masama ang tingin nya kay Riyu, ganon din si Mathilda. Ngayon ko lang nakita na ganon ang hitsura ni Bel. Para syang papatay sa mga tingin nya.
May mahinang inusal si Mathilda. Saka lang ulit naibalik ang paningin ko kay Riyu. Bigla nyang nabitawan ang dala nyang basket na gawa sa buli at napahawak sa leeg nya. Para syang nahihirapan sa paghinga. Napansin ko din na unti unting umaangat ang mga paa ni Riyu sa lupa!
"Mathilda!"
Saway ko sa kanya pero sinenyasan nya si Bel na pigilan ako.
Hinawakan ni Bel ang magkabilang balikat ko. Ngayon ko lang din naramdaman ang lakas ng pwersa ni Bel. Medyo maliit sya sakin pero nagawa nya akong paluhudin sa lupa.
Paanong...?
Imposibleng si Bel lang ang pumipigil sakin. Posibleng si Mathilda ang may gawa nito. Sya ang kumukontrol sa katawan ko kaya hindi ako makatayo. Ginagawa nya ito para hindi ko sya mapigilan sa ginagawa nyang pananakit kay Riyu!
"Binalaan na kita Anastasia. Sinabihan na kita na layuan mo ang lalaking ito!"
Hindi nya nilalapitan si Riyu pero parang may sumasakal talaga dito. Kitang kita yon sa mukha ng lalaki. Hirap na syang huminga!
Ganon na ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng babaeng ito? Kaya ba sya ang punong babaylan? Kaya ba mas pinipili nila Riyu na mag-aaral nya ang binabalakan nilang patayin dahil hindi nila kaya ang isang ito?
"Sino ang may sabing pumasok ka sa teritoryong ito? At isa pa, pinagtibay ko na ang seguridad ng hangganan, paanong nakapasok ka pa din?" malumanay na tanong ni Mathilda.
Pero mas kinabahan ako dahil sa pagiging kalmado nya. Mas gusto ko pang nilalabas nya ang galit nya kesa sa ganito. Mas nakakatakot!
"Binigyan po sya ng pahintulot ng binibini." tiningala ko si Bel.
Nginisihan nya ako at pagkatapos ay masama nanamang tumingin kay Riyu.
"Bel..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ako makatayo ni makagalaw. Nararamdaman ko na din ang hapdi sa mga tuhod ko. "Bakit mo ito ginagawa?"
"Bakit hindi binibini? Malinaw na kaaway ang pinapasok mo sa tahanan mo. Kailangan kong isumbong sa punong babaylan dahil gawain ko ang bantayan ka at sabihin sa punong babaylan ang lahat ng nangyayari. Panahon na para gumanti naman sa kanila. Ayaw mo ba nito binibini?" Nakangiti sya sakin habang sinasabi yon.
Ano bang pinagsasasabi nya?
Nung nakaraan lang magkasundo pa silang dalawa. Ano yun? Palabas lang? Para makuha ang loob ni Riyu at ganito ang mangyari?
Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na balimbing si Bel, sana pinagtabuyan ko na ng tuluyan si Riyu.
"Salamat at may isang matapat akong tapagsilbi. Pinagsabihan na kita Riyu. Pinagsabihan na kita noon na sa muling makita kita ay hindi ka na makakaalis dito...." nilingon ako ni Mathilda. "...ng humihinga."
Anong...?
Umiling ako kay Mathilda. Yumukod ako hanggang sa halos halikan ko na ang lupa.
"Wag Mathilda. Para mo ng awa. Wag mong gawin ang nasa isip mo."
Naramdaman ko ang paglapit ni Mathilda sakin hanggang sa tumigil sya sa mismong harap ko. Naaamoy ko na ang paa nyang amoy lupa pero hindi ko sya tiningala. Kung kinakailangan na halikan ko ang paa nya para mailigtas si Riyu sa banta ni Mathilda ay gagawin ko. Gagawin ko!
"Pinagsabihan na din kita hindi ba? Pero hindi ka nakinig. Ngayon, masasaksihan mo ang kaparusahan sa di mo pagsunod sakin."
Narinig ko ang pag-ubo ni Riyu. Dumudugo na din ang ilong nya. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong iligtas si Riyu!
"Hindi na ulit ako susuway Mathilda. Para mo ng awa! Wag mo ng saktan pa si Riyu! Lalayuan ko na sya kung yun ang gusto mo. Magsasanay ako ng mabuti! Pag-iigihan ko lahat, Mathilda! Sige na, para mo ng awa!"
"Kung ganon, mas mabuti pang ganito ang mangyari." sabi nya.
Nakahinga na si Riyu ng maayos. Pero hawak nya pa din ang leeg nya at uubo ubo pa.
Nakahinga din ako ng maluwag. Pero ng tumalikod na si Mathilda at nagbadyang umalis ay may mabilis na palaso ang tumama sa kaliwang dibdib ni Riyu.
Ang purong puting kasuotan ni Riyu ay unti-unting nagkulay pula. Nakahawak din sya sa palasong tumama sa kanyang dibdib, nanginginig ang mga kamay nyang nakahawak dito.
Sunod sunod na tumulo ang luha ko. Naramdaman ko din na parang bigla akong binitawan. Pero hindi ako makapagsalita o makagalaw. Nakatitig lang ako kay Riyu habang mabigat ang dibdib at umiiyak.
Hindi ko akalain na may papatayin sa harap ko. Sa harap ko mismo!
"Pagmasdan mo ang kabarayan ng katigasan ng ulo mo, Anastasia."
Iyon ang huling sinabi ni Mathilda saka sya nagkalad palayo.
Nagulat ako sa biglang pagluhod ni Riyu sa lupa habang hawak pa din ang palaso sa dibdib nya. Mula doon ay inilipat nya ang tingin sakin.
Kahit na puno ng dugo ang dibdib nya at halos tumawid na sa ibabang labi nya ang dugo galing sa ilong nya ay nagawa nya pa din akong ngitian na para bang sinasabi nyang ayos lang sya, na wag akong lumuha.
"Ana..."
Pagapang akong lumapit sa kanya ng iabot nya ang kamay nya sakin. Pero hindi ko na naabutang hawakan iyon dahil tumumba na sya sa lupa.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please rubax

    22/08

      0
  • avatar
    Lvan Cartativo

    wkuduajhsie

    09/07

      0
  • avatar
    lsnainClint Brads

    mahal ishsisisisuududududuud88diduududssy9s9yy9d9gd9f

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru