logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4

Hinalikan ako ni Riyu!
Mabilis na dampi lang iyon pero naging sapat na dahilan ito para maitulak ko sya at makatayo ako.
Tumayo din sya.
"Inaasahan ko ang ikadalawang taon na yon binibini."
Napawi ang ngiti nya ng sampalin ko sya.
"Bastos!" sigaw ko at mabilis na lumabas sa bahay na yon!
Sino ba ang nagsabi na halikan nya ako? Bakit? At para saan?
Padabog kong binaybay ulit ang daan pabalik sa kung saan ito nagsanga pero nilingon ko ang boses ni Riyu na paulit ulit sa pagtawag ng Binibini na may kasama pang sipol.
Muntik na akong matumba ng makita kong unti-unting nawala ang bahay na pinanggalingan namin.
Ano yun? Ginawa lang ni Riyu?! Ilusyon?!
"Bakit parang nakakita ka ng halimaw binibini ko?"
Sinamaan ko sya ng tingin.
Binibini ko? Kadiri!
"Lumayo ka sakin! Lumayo ka sakin kung ayaw mong masaktan!" nanginginig ako sa kaba pero nagtapang tapangan pa din ako.
Lumayo ako agad at itinaas ng bahagya ang laylayan ng damit ko para makatakbo ako ng maayos.
Sino ba si Riyu? Anong klase ng nilalang ba sya at mabilis syang nakakarating sa lugar na pinupuntahan nya?
"Dahan dahan ka binibini ko, baka madapa ka."
Bakit ba kahit ang layo layo na ng natakbo ko ay ang lapit lapit ng boses nya?
----
Hingal na hingal ako ng makatapak ako sa malinis na lupa malapit sa kubo namin.
Nakita ko si Bel na tumatakbo papalapit sakin. Naglakad naman ako upang makalapit na kaagad sa kanya. Hindi ko na kayang tumakbo. Hingal na hingal ako sa pagod.
"Binibini saan po ba kayo galing? Kanina ko pa po kayo hinahanap!"
Iling na lang ang naisagot ko kay Bel. Kahit ako ay hindi ko alam kung saan na ba ako nanggaling.
"Sandali binibini, ikukuha ko po kayo ng tubig."
Napahawak ako sa mga tuhod ko dahil sa pagod. Ang aga aga, pagod na agad ako.
"Binibini ito na po ang---"
Hindi ko nahawakan ang baso na gawa sa kawayan dahil dumulas na agad yon sa kamay ni Bel at nahulog sa lupa.
"Mahabaging Bathala..." bakas sa boses ng dalagita ang takot at pagkagulat.
"P-paano po kayo nakapasok sa tahanan ng binibini? May pananggalang ang paligid nito. Matibay na pananggalang na ang punong babaylan mismo ang gumawa upang hindi makakapasok ang mga nilalang na galing sa kanlurang bahagi ng gubat." utal na sabi ni Bel.
Nilingon ko ang direksyon na tinitingnan nya.
Nandon si Riyu! Nakatayo at nakacross pa ang mga braso.
"May pahintulot ako ng binibini." Simpleng sagot nya at ngumuso pa sakin.
Napangiwi ako.
Napakayabang! Napakabastos!
Itinayo ako ng tuwid ni Bel at tiningnan ako ng nagtatanong na tingin.
Hinarap ko si Riyu at dinuro duro ko pa.
"Hoy ikaw lalaki! Hindi kita binigyan ng pahintulot na sinasabi mo! Wag kang hibang! Sinundan mo ko!"
Tinaasan nya lang ako ng kilay at lumapit sakin. Sobrang lapit na halos maamoy ko na ang hininga nya. Ngayon ko lang napansin na hanggang ilong nya lang ako. Bahagya akong napaatras dahil sa sobrang pagkakalapit namin.
"Binigyan mo ako ng pahintulot noong nasa malaking bahay tayo binibini." Malambing nyang sabi sakin.
"Pahintulot mo mukha mo!" sigaw ko sa kanya.
Anong pahintulot ba sinasabi nito? Permission? E hindi ko naman sya sinabihan na pwede syang pumunta o pumasok sa premises ng kubo namin.
Wala kaming ibang pinag-usapan maliban sa date ng pagpatay nya kuno sakin. Bukod doon, wala na. Walang iba. Kaya anong sinasabi nitong pahintulot.
"Binibini, nahawakan po ba kayo ng Ginoong Riyu? O di kaya po ay kayo ang humawak sa kanya? O kaya po ay nagdikit ang inyong mga balat?" mahinang tanong sakin ni Bel.
Nanlaki ang mata ko.
Hindi lang hawak Bel kung alam mo lang!
Tiningnan ko ng masama si Riyu.
"Wag mong sabihing..."
Ngumiti lang sakin si Riyu at tinuro ang labi nya. Mapang-asar pa itong tumango tango.
"Siraulo ka! Bastos! Manyak!"
Sigaw ko at pinagbabato ko sya ng kung ano mang mapulot ko sa lupa.
Panay ilag naman ang lalaki. Inaya ko si Bel na pumasok sya sa kubo ko at nagsara kami ng pinto. Hindi nya pwedeng saktan si Bel. At saka malinaw ang usapan namin na paglipas pa ng dalawang taon, bakit nandito na sya agad?
Excited masyado maging kriminal!
"Binibini, balewala na po kahit magtago pa tayo sa ilalim ng lupa." Dismayadong sabi sakin ni Bel.
"Pagagalitan ba ako ni Mathilda kapag nalaman nya?"
Nakasimangot na tumango si Bel. Nagulat naman ako ng bigla syang umupo at pinagpagan ang mga binti at paa ko na madumi.
Sumimangot na lang din ako at tinulungan syang magpagpag ng mga paa ko.
"Wag na lang natin sabihin sa punong babaylan." sabi ko kay Bel at ngumiti sa kanya.
Kasalanan ko naman. Pero sa lagay ko ngayon, baka kay Bel nya ibunton ang galit at parusa. Bakit ba kasi hindi ako pwede makisalamuha sa mga taong galing sa Kanlurang bahagi ng gubat? O bawal ako makisalamuha sa lalaki?
Pero bakit nga?
---
Sa loob na ng kubo ko nagluto si Bel habang ako naman ay sinisilip sa siwang ng dingding na kawayan si Riyu.
Wala na sya sa labas.
Sinabi ko kay Bel na pwede na kaming lumabas ng kubo. Tuwang tuwa naman ang dalagita.
Inilipat nya din ang mga niluluto sa kubo nya. Sinabi nya sakin na mahigpit na ipinagbilin ng punong babaylan na tanging usok lang ng insenso at kamangyan ang dapat na maamoy sa buong kubo ko at hindi ang iba pang usok.
Napapairap na lang talaga ako sa kahigpitan ni Mathilda.
Nagpaalam ako kay Bel na mag-iikot lang ako sa mga hangganan kung saan malinis ang lupa at walang sukal ng damo. Pinangako kong magsstay ako sa ligtas na lugar at hindi ako lalabas ng pananggalang.
Nabanggit kasi sakin ng dalagita na ang hangganan ng pananggalang ay ang malilinis na parte ng lupa. Makikita ko naman daw iyon dahil kakaiba ang tubo ng mga damo sa labas ng hangganan.
Pag-ikot ko ay bigla akong napasigaw dahil sa mga isdang nasa harap ko.
"Ipinaghuli na kita ng mga sariwang isda, binibini ko."
Si Riyu!
Inirapan ko lang sya at hindi pinansin ang daladala nya. Tinalikuran ko na sya at nagsimula ng maglakad.
"Ayaw mo ba? Pinaghirapan ko pa naman itong hulihin." Malungkot nyang pagkukumbinsi sakin.
Hinarap ko sya at tinuro si Bel.
"Ipaluto mo. Anong gusto mo? Kainin ko yan ng hilaw? Mauna kang kumain nyan ng hilaw ewan ko na lang kung masikmura mo."
Iniwan ko na sya doon at binaybay ang daan pababa sa may ilog. Nakakainis sya! Akala ko pa naman umalis na sya.
Nilingon ko ang pinanggalingan ko. Hindi nya naman siguro sasaktan si Bel. Hindi ko pa sya naririnig na sumisigaw o humihingi ng tulong.
At isa pa, mukhang magkakilala na sila. Alam ni Bel ang pangalan nya at mukhang di din takot sa kanya ang kasama ko. May hindi pa din talaga ako alam dito kay Anastasia. Kung ano ang kaugnayan nya sa mga tao dito at kung bakit ba sya nagkasakit ng malala na halos isang buwan syang walang malay.
Naupo ako sa malaking bato sa gilid ng ilog. May mga lumapit saking mga isda. Para silang nagsasaya na makita ako, pero hindi manlang ako nagtaka o natakot. Dahil ba nasa katawan ako ni Anastasia? O dahil nakakahati ako sa kapangyarihan na meron sya?
Ang alam ko spiritual power meron ang babaylan. Kaya nila magpurify ng bagay na may bahid ng kasamaan o kadiliman para maging malinis, manggamot o gumawa ng ritwal at nakakausap din nila ang mga Gods and Goddesses. Base pa sa pinag-aralan namin, mga babaylan ang nagsisilbing daan ng komunikasyon ng tao at ng Bathala.
Ibig sabihin lang noon, itong si Anastasia ay Babaylan on Training at kailangan nyang palakasin ang spiritual power nya. Pero paano?
"Maamo pa din sayo ang mga hayop kagaya ng dati."
Hindi ko sya pinansin. Bakit ba buntot ng buntot sakin tong manyak na to?
"At mukhang naging mas masungit ka pa yata."
Uupo sana sya sa katabing bato na inuupuan ko pero pinatong ko doon ang kaliwang kamay ko at tinaasan sya ng kilay.
"Sino nagsabi sayong pwede kang umupo sa tabi ko?"
Inalis nya ang kamay ko doon at umupo pa din nga ang siraulo.
"Ako, binibini ko." sagot nya at pinag de kwatro ang mga hita nya na akala mo kung sino para maupo ng ganon.
"Halos isang buwan din tayong hindi nagkita. Bigla na lang akong hindi makapasok sa bakuran ng tahanan mo."
"Ang ingay mo Riyu." pero ang totoo ay hindi ko alam kung bakit bigla akong naramdam ng pagkaawa at sakit sa dibdib. May pakiramdam din ng pangungulila sa taong ito.
"Mabuti at hindi mo kinalimutan ang pangalan ko. Ganon pa din siguro ang nararamdaman mo gaya ng dati."
"Narinig ko lang ang pangalan mo na binanggit ng lalaking kasama mo sa gubat. Assuming!" angil ko sa kanya at tumayo.
Sinadya kong tamaan ang mukha nya ng laylayan ng bestida ko.
"Assuming?"
Habol nya sakin habang kinukusot ang mata nya. Natamaan siguro kanina ng bestida ko.
Hinarap ko sya.
Nagulat naman sya at biglang napatigil.
"Oo, assuming. Ibig sabihin, pangit ka!" sigaw ko sa pagmumukha nya.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please rubax

    22/08

      0
  • avatar
    Lvan Cartativo

    wkuduajhsie

    09/07

      0
  • avatar
    lsnainClint Brads

    mahal ishsisisisuududududuud88diduududssy9s9yy9d9gd9f

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru